read.cash Log in
@zoe316

Sa Umpisa lang ang mahirap kaya huwag agad sumuko ... :) Noong isang araw ang saya ko dahil na explore ko na sa wakas ang Canva at may natuklasan ako na matagal ko nang hinahanap, at iyon ay ang free to edit videos na magagamit ko para sa song covers ko. Kung nabasa mo ang post ko kahapon tungkol dito ay maka relate ka hehehe At kanina naman ang Bandlab ang inexplore ko. Actually matagal na ako may account sa Bandlab pero nawalan ako ng interest eexplore dahil ang akala ko ay mahirap gamitin. Unang explore ko kasi nito ay talaga di ko maintindihan at nagulohan ako na tila ba ang hirap talaga gamitin at tinamad na rin ako mag search sa youtube kung paaano gamiting itong App. Ang Bandlab ay isang app na magagamit sa recording ng kanta gaya ng song covers at ang iba naman ay original composition talaga. Sa wakas makapag record na ako ng song covers na hindi ma copyright claim. Dati kasi ang ginagamit ko mag recording ay wesing at smule, na kadalasan ay ma copyright ang mga tracks. Maganda dito sa Bandlab dahil iwas copyright na dahil makakapili ka ng instrumental na hindi copyright claim at maganda mag recording kapag maraming layers ang kakantahin mo, ang ibig sabihin ng layers ay yon bang may harmmonies like Alto, tenor atbp. Yayy! excited na ako mag recording gamit itong Bandlab. Buti na lang na curious ulit ako eexplore ito, ang dali lang pala gamitin hahaha nagsisi tuloy ako na ngayon ko lang to magagamit. Ang ganda ng mga effects, maraming pagpipilian :D ang saya saya ko sa bago kong natutunan. Ang masasabi ko lamang na walang mahirap kung eexplore mo lang ang isang bagay na gusto mo matutunan. Kaya subukan muna bago sumuko para hindi magsisi. Inaamin ko,nagsisi talaga ako na ngayon ko lang enixplore itong App na to dahil lamang sa maling akala ko na mahirap gawin. Anyway, di pa naman huli ang lahat, ngayon uumpisahan ko na gamitin itong Bandlab sa pag gawa ng song cover. Yayyy! :D

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.