read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Katatapos ko lang kumain at ito ang niluto kong ulam. Parang chop suey lang pero tatlong klaseng Cruciferous vegetables lang ang sangkap~ cabbage, broccoli at carrots. Wala rin karne. Ito ang niluto ko dahil ang cruciferous vegetables ay may health benefits para lower risk sa cancer. Medyo nababahala kasi ako mula nung may nakapa akong bukol sa dibdib last week. Kaya kailangan mapili na ako sa pagkain ko lalo na may lahi kami ng breast cancer. Naalala ko lang sa sister ko na nagkabukol lang sa dibdib at pinatanggal pa nga nya yon, pero ngayon ay nakikipaglaban na sya sa stage 3 cancer tapos ang Mom ko rin ay breast cancer din na sumakabilang buhay na. Bukas magpapa check up na ako sa surgeon, at pa schedule ako para tangalin ang bukol. Hope and pray na benign lang ito. Pleasè include me sa mga prayers nyo noisemates, na sana kung matangal na itong bukol ay benign lang ang resulta. Sa mga momshie, mag self examination kayo ng breast baka may makapa kayong bukol para maagapan. Ingatan natin ang health natin kasi marami pa tayo mission sa buhay :)

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.