Ito ang dahilan kung bat absent ako dito ng dalawang araw. Nahanap ko na kasi ang matagal ko nang hinahanap na mga free to edit videos. Nandito lang pala sa Canva.
Ang saya saya ko noong Sunday ng matuklasan ko sa Canva na meron pala free to edit videos. Ito na ang gagamitin ko para sa music video ng song cover ko sa YouTube. Dati ay free to edit photos ng Picsart ang ginagamit ko para sa slideshow, subalit ngayon ay video na talaga ang ma view.
Kaya mula noong Linggo ay sinimulan ko na ang pag gawa ng bagong music video gamit ang mga free to edit videos ng Canva at nakatapos na ako ng isang kanta, irereview ko na lang para sa final edit ng video at nang mai upload ko na sa YouTube. Hindi rin biro ang pag gawa ng music video na song lyrics, pero di rin matumbasan ang saya ko pag mapanood at marinig ko na ang gawa ko. Nakakatuwa lang at nakakawala ng homesick.
Ang tagal ko na ginagamit itong Canva para gumawa ng design sa Redbubble pero hindi ko lang na explore ang lahat na features kasi naka focus lang ako sa photos. Nang may na pindot ako at nakita ko ang elements ng video ay agad ko sinubukan kung pwede ba ito ma download, una di ko alam paaano pero try and try lang hanggang natutunan ko na sa wakas.
Hapunan ko na to, alanganin na kasi na meryenda hehe...
Kararating lang ni D'one at may dalang burger. Ang sarap pa naman nitong burger king, mas gusto ko to kesa Mcdo at Jobee kasi grilled sya tas di pa maalat.
Kumusta na noisemates? tuloy pa ba ang ligaya natin dito? hahaha marami akong na miss na noisemates, di ko na nkikita o baka ako lang ang di nagpapakita haha.. Ewan ko ba, isang post na lang ang nagagawa ko sa loob ng isang araw. Parang kailangan ko ng inspirasyon para ganahan sa pagsulat. Siguro pag tumaas ulit ang BCH tiyak maiinspired ako mag ingay hahaha... medyo lang nakakawalang gana minsan kung kelan naka 1BCH na at sya pang pagbagsak ng halaga ng bch huhuhu ang tagal na nyang pababa ng pababa. Pero hold pa rin kasi darating ang araw at tataas din yan, ganyan talaga ang crypto parang life, sabi nila life is like a wheel minsan nasa taas minsan nasa baba :D
Teka ubosin ko muna ang pagkain ko..hehe magandang gabi sa lahat! :)
Avocado sa umaga ... hhmmm sarappp! lamiii!yummyy!
Katatapos ko lang nag almusal ng oatmeal at para kompleto ang nutrisyon ay itong avocado ang susunod na kainin... papalamigin ko lang saglit sa freezer .
Kumusta ang tulog at gising mo noisemate? ako as usual maaga gumigising, alas singko gising na ako kasi kailangan mag ipon ng tubig, ganyan oras kasi ang lakas ng tulo ng tubig tas 6 am wala na. Ganyan pahirapan ang tubig dito sa amin subdivision, isang oras lang ang bigay nila kaya kailangan may malalaking drum ka para mag stock kang tubig para sa buong araw.
Tara na guys kain na tayo ng avocado...after nito matutulog muna ako kahit isang oras lang.
β’One Day At A Time β’
#songcover #songlyrics
π
https://youtu.be/WMVXuYCIrPg
I just uploaded a new music video/song cover on YouTube and I would like to dedicate this song to all women here on noise.cash because the first line ofnthe song says " I'm only human, I'm just a woman". Check it out Momshies! you can sing along with me and surely you will feel Jesus when you sing it from your heart.
This is a group collaboration (self quartet) in four voices. You know, I was carried away while singing this song because I felt the presence of Jesus specially the chorus part .....
"one day at a time Sweet Jesus, that's all I'm asking of You. Just give me the strenght to do everyday what I have to do" ...
really, it made me cry while singing as if I was just singing with Jesus by my side. :)
β’From Canva to Redbubble β’
Ito ang pinagkaka abalahan ko buong araw... mahigit isang taon na rin ako hindi naka upload ng design sa Redbubble mula noong nag umpisa ako dito sa noise.cash tas na timing na nasira ang laptop at kahapon naisipan ko silipin ang shop ko sa Redbubble ay nagulat ako, meron pala nabenta na wall art noon February..hehehe
Kaya kanina gumawa ako ng bagong designs, mostly Bible Verse ang nagawa ko kasi yun ang mabenta.
Nais ko lang.ipasilip sa inyo guys , yan unang picture ang design na ginawa ko sa Canva tas photo 2 ang nag add new work na ako sa Redbubble. Yan ang mga finish products sa photo 3 ,4 &5..at marami pang products pagpipilian..
Ikaw noisemates kung mahilig ka mag design sali ka na sa Redbubble .. mag eenjoy ka sa mga products lalo na kung may bibili..nakakatuwa hehe
Ako na lang yata ang di pa nag meryenda... tara guys snack ka ulit sabayan mo ako hehe
Late snack na dahil nabusy kaka add to cart sa Shopee tas hindi naman e check out haha kaninang umaga pa ako puro adding to cart at check out at nang e place na sana ay may naaaalala na naman na products kaya balik ulit sa umpisa. Nabudol na naman ako ni Shopee, ang mura ng pinipili kong mga items pero pag total ay mahigit isang libo na pala.
Naku po! mababawasan nito ang 1 bch ko huhuhu.
Teka... kumusta na pala ang bch, ganun pa rin ba 5kplus ang halaga ng bch? ilang araw na kasi di ako sumisilip sa wallet ko para e check ang bch ..
Another pancake day...
walang sawang pancake sa umaga, tara guys kain tayo at habang kumakain mag kwentuhan tayo hehe
Kumusta na noisemates? maganda ba ang tulog mo?ako oo at ang ganda ng panaginip ko, sana magkatotoo hehe. Nagpapagawa daw ako ng bahay ang laki daw hahaha. Siguro resulta ito nang nakita ko sa facebook post tungkol sa 6/55 Grand Lotto na ang premyo ay 400Million na hahaha nang makita ko yun ay naglaro agad sa isip ko na kung manalo ako ng ganyang kalakiing halaga sa Lotto ay magpapagawa ako ng bahay tas bibigyan ko ang mga naging kaibigan ko dito sa noise.cash hahaha
Ang sarap mangarap, pero paano ako manalo kung hindi ako bibili ng numero sa Lotto hahaha. Balak ko bumili ngayon Wednesday nitong Grand Lotto baka swertehin ako hehe kaya lang itong si D'one ayaw na ayaw nya ng ganyan nagtataya sa Lotto haha.. paano kaya ako makakabili na di malaman ni D'one, di ko kasi alam saan dito ang lotto outlet haha at ano kaya ang idadahilan ko kay D'one na aalis ako mag isa eh alam naman nya hindi ako umaalis ng bahay na di sya kasama. Naku! mahirap na diskarte ito haha..
Pero seryoso, gusto ko talaga subokan mag taya ng Lotto lalo na itong Grand Lotto na 4M.
Alam mo kaso dati sineswrete din ako sa Swertres hahaha dati noong doon pa ako sa Cebu at di ko pa nakilala si D'one ay tumataya ako minsan ng Swertres at aba! tatlong beses na kaya ako nanalo sa number combination ng birthday ko hahaha
Hhmmm ano kaya ang maswrete na numero para nitong 6/55 lotto draw... sana mamayang gabi mapanaginipan ko ang mga numero hahahaha

Stir-fry egg noodle ...
Natakam ako sa nakita kong video sa facebook kung paano lutoin ang stir fry egg noodles kaya naisipan ko magluto. Aba ang sarap ah! daig pa ang chapchae ng Bon Chon. Gustong gusto ni D'one kasi walang karne. Alam mo kasi tuwang tuwa yan sya pag ang niluluto kong ulam ay walang karne lalo na baboy.
Abot kaya ang recipe at napakadaling lutoin at masarap pa..makikita mo sa picture ng ingrediebts ay magic sarap ang ginamit ko na dapat sana ay chicken knorr cubes pero wala kasi knorr cubes sa tindahan ni Aling Ewan kaya magic sarap na lang ..
'yan ang link sa baba guys kung gusto mo rin magluto nitong stir-fry egg noodles.
Pramis guys masarap! hehehe lalo na mamaya sa meryenda partner sa tinapay hhmmm! sarappp! lamiii! yummyyy!
https://fb.watch/ea1rAe8XTR/
Yay! malinaw na ang paningin ko...
Kanina ko lang nakuha itong reading glasses at excited na ako mag post pagdating ko sa bahay pero lowbat pala kaya ngayon lang naka update. Ang gaan na ng pakiramdam ko pag nakatutok sa selfon, wala na rin sakit sa ulo. Meron na pala astigmatism ang kaliwang mata ko. Pinagawan ko rin anti radiation kasi lagi nakatutok sa selfon at laptop.
Kumusta na mga kanoise? may bagong ganap at pakulo ba si noisecash? sinilip ko pala ang bch baho ako nagbukas ng noise at umakyat na ag bch. Sana Lord tuloy tuloy na ang berdeng kulay ng bch
Maulan na gabi noisemates!
pasensya na hindi ko pa kayo nasuklin, dalawang araw ako absent. Sumilip lang ako saglit para attendance hehe baka kasi itigil ni noisecash ang ft dahil hindi na ako nag iingay.
Ayoko ko pa sana mag ingay hanggang di ko pa nakuha ang eye glasses ko. Nahihilo pa kasi ako at masakit sa ulo at mata pero kailangan mag update na ako dito kasi nga 2 days na wala akong post.
Bukas ng hapon ko pa makuha ang reading glasses ko kaya bukas na lang ako babawi guys ha? :) salamat sa inyk..na miss ko kayo :)
Bye na at good night sa lahat...
Heavy breakfast ..
Dahil maraming tirang kanin kagabi kaya nag fried rice ako. Bihira lang ako mag heavy breakfast, sinabayan ko na lang si D'one mag almusal. Nag craving din ako ng dilis, sarap pang appetizer .
Kumusta ang umaga mo? ako medyo not so well, antok yata itong nararamdaman ko dahil ilang araw na rin na ang aga ko gumising. Medyo nahihilo ako. Dapat sana schedule namin ngayon magpa eye check para magpasukat ng reading glasses pero iidlip lang muna ako after kumain tapos punta na sa Optical clinic... baka din kasi sa mata to kaya nahihilo ako minsan.
Ingat noisemates! God bless sa atin lahat :)
Hindi ko namalayan ang oras, gabi na pala....
grabe mula kanina after lunch nag umpisa ako mag recording sa wesing at ngayon lang natapos. Apat na layer kasi ang ginawa ko, dalawang layer para sa harmony at dalawa sa melody para group collab ang kalabasan sa music video ko na gagawin.
Ang ganda ng kanta, grabe na touch ako habang kinakanta ko naluha ako. Na feel ko ang presence ni Jesus. Narinig nyo na ba ang kanta na "One Day At A Time" ? ang ganda ng mensahe ng kanta.. para to sa mga babae ma version na kinanta ko..
In few days gagawan ko na to ng music video para upload ko sa youtube hehe grabe ang ganda ng kanta nakaka touch
Avocado ang pinakahihintay na season ni D'one. Araw araw ito ang panghimagas namin kaya hindi pwede walang stock na avocado. Kapag wala pang hinog ay talaga maghahanap yon si d'one sa palengke ng hinog pero kung wala syang mahanap sorry na lang :D sabi ko nga dapat nagtanim sya ng avocado noon pa :D
Minsan nga lang hindi maganfa ang klase ng avocado nabibili nya..yun bang maugat..Pero itong kakainin namin ngayon ay maganda ang laman ... lagyan lang to ng gatas masarap na ..
Maligayang araw ng Linggo noisemates!
Nais ko lang ibahagi itong larawan na nakaka relax tingnan, ang sarap sa mata ng kulay berde ano? sana ganito lagi ang kulay ng BCH hehe..
Naalala ko lang dati ang Green Day Challenge ko, ang mag post ng kahit anong larawan na kulay berde. Pampa good vibes ng BCH ba. Parang kailangan natin e.push na si BCH para umakyat naman at mag kulay berde .. Nakakabahala na rin ang sobrang pag bagsak nito.
Kumusta ang gising mo noisemate? sana may ngiti at labis na pagmamahal dyan sa puso mo.
Enjoy your weekend guys! God bless us all:)
(ang larawan ay kuha sa Adlawon Vacation Farm sa Cebu City)
Sa ngayon ay pandesal muna ... tinamad ako magluto ng pancake hehe. Nag amusal ka na ba noisemate? tara sabay tayo..enjoh natin ang simpleng breakfast.
Mag kwentuhan muna tayo , pinapalamig.ko pa kasi ang tsokolate ko .. kumusta na ba ang bch, umakyat na ba?ilang araw ko na hindi nasilip, mag nabasa lang akong post noong isang araw na masyadong mababa na, 5k na lang.yata.. Naku! sana naman yjmaas ulit bago mav pasko para happy ang nag hold.ng 1 bch :D
O sya, malamig na ang tsokolate.ko, tara kain muna tayo..pasensya na pala khng hindi ko kayong lahat nabibigyan, mahina ang kita nitong mga nakaraang mga araw, napansin nyo rin yan di ba? pero tuloy lang natin ang pag iingay habanv nana dyan pa si noisecash ..
kain na.. enjoh your breakfast:)
Hey noisemates! Nais ko lang ipasilip sa inyo ang isa pang mundo na ginagalawan ko kung wala ako dito sa noise.cash. May points kikitain dito bawat post, komento at reaksyon mo at ang points na yon ay may katumbas na dolyar :)
Ang ganda sana dito kasi pwede mag post ng video ,mag create ng albums at groups tas may mga ads pa, kung may ads ibig sabihin may sponsor sa kinikita ng bawat users. Pero ang masaklap lang kasi ang daming spammers. Naku naman talaga kahit saan platform at pag may earnings di pahuhuli mang Spam.
Mas grabe ang spammers at mema doon kompara dito hahaha.. biruin mo ba naman mag post ng content at pati sa koment ang nakasulat lang ay Gg, Nhnkh, Hh , o minsan naman isang numero lang hahaha mabuti pa emoji na lang e comment kesa mga letra na hindi mabasa (see photo 5) :D
Magandang hapon noisemates! anong meryenda mo? ako ito lang crab crakers, hindi naman kasi ako nagugutom, heavy meals kasi ang lunch ko.
Kumusta na ? ang tahimik na yata dito o ako lang ang bingi hahaha ... maraming noisers na kasabayan ko noon ay di ko na nakikita, o baka di lang nag cross ang landas namin lalo na minsan na lang ako mag post sa isang araw.
Ewan ko ba... . may araw talaga na walang maisip na kwento, lalo na walang ganap sa araw na yun :D buti kung may pagkain para mema ba.... :D
Ang ka isa isang alahas naiwan ng mommy ko kaya iniingatan ko to. Bago sya pumanaw binigyan nya ako ng singsing at itong bracelet.
Sadly, yung singsing naisangla ko noon pa doon sa Cebu at hindi ko natubos dahil nandito ako sa Luzon.
Ngayon, papunta ako sa M. Lhullier para isangla muna ito. May kailangan kasi ako bayaran na Real Property tax ng bahay ko doon sa Cebu. Hindi ko na kasi nabayaran sa loob ng 7 taon, mula nung nandito na ako sa Luzon nakakalimutan ko na ang pagbayad.
Kahapon may inutosan ako para mag tanong sa treasurer's office kung magkano na ang bayaran. Naku po! umabot na ng 12,809pesos. Pero thanks God at makakahabol pa sa deadline ng Estate Amnesty Program, makaka avail pa ako pero until June 30, bukas na lang. Ang laki din ng discount pag maka avail.ng Amnesty Program, from 12,809 ay 7,973pesos na lang ang mababayaran ko kaya dapat maisangla ko to ngayon at ipadala ang pera doon sa inutosan ko magbayad.
Kung mataas lang sana ang BCH ay di ko na to isasangla. Nahihiya din ako kay D'one na mag withdraw sa savings namin, yung property kasi ay sa akin lang hindi pa kami nagkakilala ni D'one. Naisipan ko na lang isangla muna itong alahas, sabagay kay D'one rin naman pera itutubos dito hehehe
Sige guys.. aalis muna ako ..babalikan ko kayo mamaya..Sana may pundo na ft ma pagbalik ko.. enjoy your breakfast noisemates! katatapos ko lang din mag almusal.:)

Gloomy afternoon...
That was the weather last Sunday . We went to Ate's Condo to check and get the bills. How I wished the weather was good because I wanted to go to Dolomite Beach Manila Bay to capture the sunset. It's just two blocks away from the Condo.
But it seems D'one is not interested to step inside the Dolomite Beach because he is a Dilawan hahaha he never appreciate whatever project of PRRD Administration.
That's the issue between me and D'one , we always have time to debate , me PRRD /BBM and He is Dilawanan/Pinklawan :D
Well, I understand his loyalty to the Dilawan because his middle name is Aquino... peace D'one hehehe ...
Next month when we visit again the condo I will try to convince him to go to Dolomite Beach...hehe
Late upload ....
Bigla ako nagutom ng makita ko to sa gallery haha yan ang lunch ko kahapon sa Chowking ngayon ko lang e post kasi nabusy ako doon sa ibang mundo ng socmed hahaha
Gusto ko nga sana kayo dalhin doon sa bagong paglalakbay. Hahanap lang ako ng paraan para maibahagi ko sa inyo itong pagkakakitaan baka kasi bawal dito magbanggit . O di kaya mamaya ko na lang kayo imbetahan kapag naka payout na ako.
Barya barya din naman ang kikitain doon pero pag may tyaga syempre may nilaga :D at pag naipon ang barya ay malaki rin ang madudukot.... di ba guys? :D
Hi noisemates! anong ganap? anong bago? haha
Unang post ko pa lang to ngayong araw.
Pumunta kasi kami ni D'one sa Condo unit ni ate (sis ni D'one) para e check at kunin na rin ang mga bills..
Yan larawan ay kuha na nung pauwi na kami.. medyo umaambon kaya sayang walang sunset ..
Wazz.up noisemates?
I just uploaded a new song cover on youtube. It's an all time favorite tagalog song " Bato Sa Buhangin" popularized by Cinderella. This is my first tagalog song cover uploaded on Youtube. It's a self trio collab, so cool to listen when you have sleepless night.. :D
If you have time to listen guys, here's the link https://youtu.be/TaotXoipEZI ...
Enjoy viewing and listening ! good night!
Btw...can I ask a favor.? please subzcribes hehe.... thank you <3
Walang sawang pancake sa umaga hehe salamat Lord! ang dami pa kasi pancake mix na padala pa ni ate (D'one sister) kaya kailangan lutoin baka maabutan ng expiry date. Bukas gagawin ko naman ay puto gamit yung pancake mix.
Tara noisemates mag almusal na tayo. Kumusta ang araw mo kahapon? Ako sobrang thankful sa Panginoon at hindi nya kami pinapabayaan.
May nangyari kasi kagabi kay D'one habang pauwi na sya, nasa NLEX na daw sya ng bigla may narinig syang kakaibang tunog sa gulong. Buti na lang daw at mabagal pa ang patakbo nya ng sasakyan dahil kalalabas lang nya ng toll gate. Hindi na daw maganda ang takbo kaya dahan dahan sya sumagad kanan hangang narating nya ang emergency parking ng expressway. Na flat nga ang gulong sa likod, na tinik ng malaking screw.
Nang dumating sya ay sinalubong ko sya sa gate pero di ko pa alam na may nangyari pala sa byahe nya. Pagbaba nya ng sasakyan ay agad nya pinakita sa akin ang maruming kamay nya at ang dungis pati pantalon at t-shirt. Nakakaawa ang hitsura nya na pagod na pagod. Nahirapan kasi sya ng pagpalit ng gulong dahil umuulan at madilim, mahigit isang oras daw sya natapos at
basang basa sa ulan at pawis naghalo na.
Nagpasalamat pa rin kami sa Panginoon dahil walang masamang nangyari sa kanya. Buti na lang talaga wala sya sa fast lane. Thank you Lord sa protection mo lagi sa amin.
Kaya guys ingat tayo lagi at huwag kalimutan manalangin kung aalis ng bahay at nasa byahe o kahit nasa bahay lang tayo, manalangin lagi ng protection sa ano mang aksidente. :)

Tara kain tayo ng kamote guys! meryenda ko na to....ang aga ko kasi nag almusal kaya nagutom na tas maya maya magluto na naman para sa tanghalian... wala.panako maisip na lulutoin, mg isa lang kasi ako baka delata tuna na lang ang ulamin ko.
Ikaw noisemate anong lulutoin mo ? pasilip nga , pwede mo rin ilapag dito :D
Ito na sa wakas ang taga PLDT na mag aayos ng internet namin. Isang linggo din ang lumipas bago sila pumunta dito. Sabi ng lineman ok naman ang modem, ngayon tsinicheck niya ang cable doon sa poste. Sana maayos na to ngayon araw. Mahirap din ang walang internet. Sa panahon ngayon ito ay isa na sa mga basic needs natin.
Kumusta na pala noisemate? dinadalaw na ba kayo ni Mang Antok sa mga oras na ito? ako hindi pa, pero itong si Mang Boryong tila nagpaparamdam na naman hahaha kaya balak kong kumanta para tanggal Boryong... :D
Teka guys... naayos na yata nila... try ko na i connect sa PLDT.. see you again later noisemates... :D
Yes! bye data na ako... pero sana naman bumilis na ang internet.. :)
Hi noisemates! :)
Wow unang post ko pa lang sa araw na ito, tinamad ako mag ingay dahil sa bagal ng internet. Itong post nga nag start ako upload ng picture 5:05 pm at ngayon habang sinusulat ko ito ang oras ay 6:09 pm, malamang 7pm na ang oras pag pindot ko ng post.. hahaha
Ang lakas ng ulan dito sa mga oras na to, dyan ba din sa inyo?,tamang tama lang pagdating ko sa bahay mga 4:30 pm ay sya rin pag buhos ng ulan. Galing kasi ako sa LBC kanina, may pinadala ako sa Cebu para sa mga loved ones ko.
Small box lang ang pinili ko na may limit sana ng 3 kilos pero umabot pa rin ng 4.2 kg ang bigat ng mga items at 525pesos lahat ang nabayaran ko. Mahal din pala magpa LBC,, pero sige na lang kaysa masira yong mga items at di mapakinabangan.
Tatapusin ko na ang kwento ko bago pa maabutan ng alas Syete :D at mawalan ng internet :D ..
ngayon ay 6:27pm na hehe Magandang gabi sa lahat..:)
Meron pa ba gising dyan? tara kwentuhan muna tayo bago matulog hehe .. di pa ako dinadalaw ni Mang Antok eh, natulog kasi ako kaninang hapon.
Hindi na sana ako sisilip dito, pero meron akong kwento. Kinabahan ako kanina kanina lang nang e check ko ang coins.ph wallet ko. Sabi kasi verified your region daw kaya clinik ko ang Philippines Flag tas.pinapa log in. Una kinabahan na ako baka kako hindi ma log in. At yun na nga nang i type ko na ang log in details ay hindi daw nag match ang password.
Naku po! tabang mananabang! hahaha log in ulit ako, dahan dahan ko tinype ang password .. Hala ayaw pa rin, mas lalo aoo nanerbyos. Chineck ko isa isa ang password, ayun! kulang ng isang character .. hayyyy talaga pag nauna ang nerbyos nagkakamali tuloy...haha akala ko di ko na maopen ang wallet ko.
Yan din ba ang coinsph wallet mo? verified your region din? sakali ganyan din, dahan dahan lang din pag type ng log in details at huwag ma nerbyos hahaha.. Napaka nerbyosa ko talaga oo...
O sige na noismate matulog na tayo. Share ko pala itong larawan ng Our Lady of Manaoag. Kuha ko yan nung pumunta kami sa Pangasinan. Meron akong reels nyan sa IG at Facebook, baka kako dumaan sa mga reels na pinanood mo. Pag nakakita ka ng ganyang reel tas ang audio ay Amazing Grace tas may kamay na naghahagis ng coins sa wishing well, ako yun hehe comment ka "hello noisemate at magpakilala ka ha para madalaw kita dito hahaha
O sige na Good night na guys! matulog tayo ng mahimbing dahil babantayan tayo ng Panginoon at nitong our Lady of Manaoag.
Magandang umaga sa inyo mga noisemates!
Magandang araw ng Martes mga Marites! ang Martes ay araw ni Marites hahaha
Tara Kain tayo panghimagas. Napa wow talaga ako after ko hiwain ang avocadong ito dahil sa ganda ng laman nya.. walang ka ugat ugat, meron sana picture yung nahiwa na avocado nakitang kita khng gaano kaganda ng laman pero ayaw ma upload.. Hhmmm sigurado Sarap! Lami ! Yummy! hehhe
Kumusta ang tulog at gising mo kaibigan?
Ako ang haba ng panaginip ko kagabi, ibig sabihin sobrang himbing ng tulog ko tas nagising ako alas banda alas kwatro ng madaling araw.. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? ilang gabi na rin ako nananaginip ng ganitong eksema. Lahat ng nakaraan sa buhay ko ay binalikan ko, ang honetown saan ako isinilang at lumaki, tas napadpad din ako sa Cebu kung saan ako nagdalaga at nag aral at nagkapamilya. Starring din sa panaginip ko ang mga childhood friends ko tas mga college friends ko. at mga mahal ko sa buhay doon sa Cebu. Pati ang mga mahal ko sa buhay na nasa heaven na. Silang lahat ay may kanya kanyang bahagi na kwento doon sa panaginip ko. Hindi ko na lang ma detalye ang mga pangyayari sa panaginip ko. Para bang nag flash back ang buhay ko.
Hala! hindi ba ito masamang sign? di ba pag malapit na mamatay ang tao ay nag pa flshback ang buhay mo. Knock on wood! wag mo muna ako kunin Lord... marami pa akong mission sa buhay na hindi ko pa natapos, alam mo na yun Lord kung ano ang mga desires ko. Kaya please Lord wag muna.
Hayyy! itawa ko nalang itong pinag-iisip ko tungkol sa panaginip ko. Siguro dahil to sa sobrang pagka homesick ko kagabi kaya pati sa panaginip ko binalikan ko ang nakaraan.
Pero salamat Lord at ginising mo ako... salamat Lord at nasilayan ko ba ang liwanag ng bagong araw , salamat Lord at nalasap ko pa ang sarap nitong paborito kung prutas..hehehe
Tara guys kain tayo .... magandang umaga ulit!

Na homesick na naman ako......
Magandang gabi noisenates! okay lang ba ang gabi nyo? ako hindi masyado kasi na homesick na naman ako. Pag ganitong oras at nag iisa lang ako dahil di pa nakauwi si D'one ay inaatake ako nitong homesick at boredom.
Mabuti na lang ay meron noise.cash kung saan ako pwede malibang. Ayoko doon sa facebook mas lalo nasisira ang mood ko. Gusto ko na i deactivate ang facebook kaya lang doon lang din kasi ako nakikibalita sa pamilya sa Cebu.
O ayan na dumating na si D'one :) ...bigla ako nakaramdam ng sigla hehehe ..
(ang larawan ay gawa kong remix photo)
Nakaluto ka na ba ng ulam noisemate?
Ito ang sa akin, handa na isalang sa kawali ... pero ilapag ko muna dito bago lutoin guys.
Ampalaya Con Carne , pero imbes na beef ay itong delatang manok ang gagamitin ko pansahog..
Unang post ko pa lang to, kaninang almusal meron sana ako update kaso biglang nag hang. Hayy pahirapan na din tong selfon ni D'one. Dati ang gamit ko sa noise.cash ay yung iphone ko pero yun nga di na makaopen ng noise.cash..gusto yata ni noise ay bagong selfon haha sana tumaas na ang bch para makabili na ng bago...
Sige guys magluluto muna ako ... after ko mag lunch babalik ako..see you later! enjoy your lunch guys!:)