read.cash Log in

@xnoise

Joined 31 October 2022 · 663 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

x@xnoise

I suggest that our government should focus more on our COVID situation than getting started in positioning in the coming election and starting their campaigns. Currently, these politicians have placed their ads on media. Imagine just how much their expenses are paying airtime for these ads?

x@xnoise

Wagi po ang atletang Pinoy sa katatapos lang na 2021 Golden Roof Challenge sa Austria. Tagumpay na napanalunan ni EJ Obiena ang pole vault competition na dinaos sa Austria kung saan ay nakamit niya ang gintong medalya. Bukod pa dito ay nagtala siya ng bagong record sa pole vault na may taas na 5.93 meters. Binasag niya ang 5.92 meters na record na naitala ng Kazakhstan na mula pa noong 1998. Si Obiena ay ang representative natin sa pole vault noong nakaraang Tokyo Olympics. Sa tagumpay niyang ito ay mas mabubuo ang kanyang kompiyansya na para susunod na summer olympics. Mabuhay ang Pinoy! Photo: CTTO

x@xnoise

Wagi po ang talento ng Pinoy sa katatapos lang na 78th Venice Film Festival. Tagumpay na napanalunan ni John Arcilla ang Best Actor Award para sa pelikulang "On the Job: The Missing 8." Ito ang entry ng Pilipinas sa nasabing Festival at naiuwi po ni Arcilla ang natatanging award. Ang pelikulang ito ay sequel ng kaparehong title na unang pinagbidahan ni Piolo Pascual, Joel Torre, Gerald Anderson at Joey Marquez. Matatandaan na si Arcilla din ang gumanap bilang Heneral Luna na lubos na tinangkilik ng mga manonood. Ang tagumpay ni John Arcilla ay tagumpay ng talento ng mga Pilipino! Mabuhay!

x@xnoise

Q: Bakit laging talo ang alimango sa "Bato, Bato, Pik?" A: Kasi lagi siyang gunting! :) Shout-out sa mga ang ulam ngayong dinner ay alimango or may lutong crab soup! Happy dinner! :) Photo: CTTO

x@xnoise

Naalala ko, twenty years (20) ago, nagising ako sa ingay dahil sa palabas sa TV na pinapanood ng magulang ko. Sumilip ako para tingnan kung ano ang pinapanood nila at namangha ako sa palabas. Paulit-ulit na pinapakita ang pagbangga ng isang eroplano sa isang building. Ang lubos na akala ko ay isa itong eksena sa isang pelikula ngunit ito pala ay kasalukuyang nagaganap noon sa Estados Unidos, na ngayon ay tinatawag na "9/11 Attacks." Ang mga terorista ay nang-hijack ng eroplano at sadyang lumihis sa kanyang kurso at pinabangga sa World Trade Center sa New York. Sa mga kabataan ngayon na hindi pamilyar dito, ang mga kaganapang ito ay lubos na bumago sa buong mundo. Ito ay patunay na ang mga terorista ay gagawin ang lahat upang panindigan sa mundo ang kanilang paniniwala at pinaglalaban. Matapos nito ay mas naghigpit ang pamahalaan ng iba't ibang bansa upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Photo: CTTO

x@xnoise

Binay's political ad with "Siya Lang" lyrics is nakaka LSS. Don't know how it happened but it keeps on pooping in my head. Haha

x@xnoise

Nakakapagtaka lang kasi hindi masyadong madami ang pasahero ngayon sa Ayala compared last Friday. Bakit kaya?

x@xnoise

Pinakita ng Ginebra ang kanilang experience sa end game kagabi sa laban nila kontra Rain or Shine. Dikit ang laro ng dalawang koponan hanggang makawala ang Ginebra sa last 5 minutes ng 4th quarter. Ang mga beterano ng Ginebra ang nagdala ng panalo sa pagtatapos ng laro. Ito ay magandang panalo sa Ginebra dahil natalo sila sa huling laro nila laban sa Terrafirma. Para sa Rain or Shine, ito naman ay back-to-back na pagkatalo nila. Final score: 83-77

x@xnoise

Medyo gumanda na ang panahon dito sa amin. Mukhang naka alis na si Jolina. Sana nag improve na din ang panahon sa inyo ngunit mag-ingat pa din palagi. Good morning!

x@xnoise

Pinatikim ng San Miguel Beermen ang TNT Tropang Giga ng kanilang unang talo, 83-67. Mainit ang panimula ng San Miguel at hindi na nila pinaporma ang TNT sa buong laro. Nalimitahan ng San Miguel sa 67 ang TNT, pinakamababa ng TNT sa nakaraang anim na laro.

x@xnoise

Nagbabalik ngayong araw ang PBA! Napakagandang laro ang pinakita ng Magnolia at NLEX. Double OT po ang naging laro nila na napaka exciting! At ang nanalo, Magnolia Hotshots, 112-105. Sa pagtatapos ng 4Q ay na foul si Paul Lee na nagresulta sa free throw. Sablay ang una ngunit pasok ang pangalawa na nagpatabla sa laro, 94-all, na may natirag 58 seconds. Ang kanyang free throw ang nagdala sa Magnolia sa unang OT. Dikit ang naging unang OT kung saan nag shoot-out ang magkabilang koponan. Sa natitirang 10 seconds ay lamang ng tatlo ang NLEX nang maipasok ni Aris Dionisio ang kanyang tres - foul counted (graduate si JR Quinahan), 104-all! Ang free throw niya sana ang makakapagpanalo sa laro ngunit sablay ang free throw ni Dionisio. Sa pangalawang OT naman ay dominante si Ian Sangalang na umiskor ng halos lahat ng puntos ng Magnolia sa 2nd OT. Maganda ang laro para sa mga fans ngunit hindi maganda para sa Magnolia na naghabol ng 16 points sa 4Q. Hindi din maganda para sa NLEX dahil nag sag sila sa pagtatapos ng laro.

x@xnoise

At dahil malakas ang ulan, malaki ang chance na magkaron ng power interruption, in short, brown-out. Paalala lang, pag nag brown-out, patayin ang switch or turn-off ang mga appliance, ilaw o ano mang device dahil may posibilidad ng current surge pag biglang bumalik ang kuryente. Ang current o electricity surge ay maaring makasira ng mga gamit lalo't naka bukas o nakasaksak ang mga ito. Stay safe.

x@xnoise

Nag landfall na nga po ang Bagyong Jolina at ang Metro Manila at iba pang lugar ay nakapailalim sa signal no. 2. Nauna nang nag kansela ang LGU ng Laguna at probinsiya ng Quezon sa klase sa lahat ng antas at pasok sa gobyerno.

x@xnoise

UPDATE: Ang implementasyon ng "granular lockdown" sa Metro Manila ay HINDI matutuloy bukas. Ito ang latest announcement galing sa gobyerno na mananatili sa MECQ ang Metro Manila simula bukas hanggang mag-announce muli sila kung ano ang plano nila. Hayyyy, gobyerno talaga, parang naglalaro lang sila sa mga pagdedesisyon nila. Mag-ingat na lang po tayong lahat!

x@xnoise

Granular lockdown to commence tomorrow in Metro Metro Manila. This is like GCQ but lockdowns will be confined within barangays, streets or smaller units within cities. Doing so will open businesses which can lead towards economic recovery. From my observation, this could have been done during the early stage of COVID via mass testing then eventually locking down the area for quarantine. Anyhow, let us all cooperate, hope for the best and stay safe.

x@xnoise

There are days when I do not put too much effort on my job but I do constantly find ways to be better. Sometimes I feel that my efforts are too much but compensation is not enough. Sometimes I feel the advancement in the organization is very slow that your professional advancement is being slowed down. These scenarios make me think of looking for other opportunities but with our pandemic situation, opportunities are few.

x@xnoise

Ang nararanasan po nating pag-ulan ngayon ay hatid ng bagyong Jolina. Ang landfall po ay sa Eastern Samar ngunit makakaranas din ng malakas na ulan at hangin ang Metro Manila. Ingat po tayo mga kababayan!

x@xnoise

One hundred ten (110) days before Christmas. Sana po ay hindi tayo makuryente sa kung ano man ang magiging sitwasyon ng ating bansa patungkol sa Covid. Tuloy pa din ang Pasko kahit may pandemya.

x@xnoise

Since Monday starts with a meeting, it feels like this day will be filled with meetings. Brace for Monday madness! :)

x@xnoise

Perfect! Matapos ang anim na laro ay wala pa ding talo ang TNT Tropang Giga. Kanina nga lang ay nagtala sila ng 83-76 na panalo laban sa Magnolia. Maganda ang opensiba ni Jayson Castro at kumonekta ang mga tres ni Kelly Williams sa laro.

x@xnoise

Naitala na nga po ng Terrafirma Dyip ang kanilang ikatlong sunod na panalo ngayong conference sa katatapos lang na laro nila laban sa Blackwater Bossing sa score na 96-84. Nag-improve ang record ng Terrafirma sa 3-4 subalit lalong lumubog ang Blackwater sa 0-7. Hustle sa rebound ang naging adavange ng Terrafirma na nagtala ng 63 rebounds laban sa 42 ng Blackwater. Isa ako sa naniniwala na ang unpredectability, sipag, hustle at tiyaga ng Terrafirma ay makakapagpanalo sa kanila ng mga laro at maaring makapagdala sa kanila sa play-offs.

x@xnoise

Kakapasok lang po na balita mula sa PBA. Matapos ang suspension ng laro ng San Miguel at Alaska kahapon ay muling nag cancel ng laro ang PBA. Ito ay ang laro ng Barangay Ginebra at Meralco na naka schedule sana mamayang 4:35PM. Ang dahilan ng suspensyon ay kapareho ng sa San Miguel at Alaska - kelangan nilang sumailalim sa "safety and health protocol." Nawa'y maging ligtas ang ating mga Kabarangay maging ang buong team ng Meralco.

x@xnoise

Sunday puzzle: guess the correct answer on the attached picture.

x@xnoise

Team standings as of today, September 5: TNT Tropang Giga: 5-0 Magnolia Hotshots Pambansang Manok: 5-1 Meralco Bots: 5-2 NLEX Road Warriors: 4-2 San Miguel Beermen: 3-2 Rain or Shine Elastopainters: 4-3 Barangay Ginebra San Miguel: 2-3 Alaska: 2-4 Terrafirma Dyip: 2-4 Phoenix Fuel Masters: 2-5 North Port Batang Pier: 1-3 Blackwater Bossing: 0-6

x@xnoise

In life, we cannot have it all but we can be someone and reach something in between so live your life and seize the day! Good morning, happy Sunday and always stay safe. Photo: CTTO

x@xnoise

Sa hindi po masyadong good news, ang laro ng San Miguel at Alaska ay postponed. Ang laro po nila dapat ngayong 4:30PM ay hindi pinatuloy ng PBA dahil kailangan silang sumailalim sa "safety and health protocol." Hindi nagbigay ng detalyadong statement ang PBA ngunit pag nabanggit ang pagsasailalim ng koponan sa ganitong protocol ay maaring mayroong miyembro sa team na may sintomas ng COVID. Umaasa ang lahat sa ikaliligtas ng ating mga idolo.

x@xnoise

Funny romantic rose petal bedroom expectation versus reality. Epic fail but funny. haha :) Photo CTTO.

x@xnoise

Panibagong upset ang ginawa ng Terrafirma Dyip kasi tinalo nila kanina ang Barangay Ginebra. Opo, tinalo nila ang super star-studded na Barangay Ginebra, 95-90 kung saan ay halos buong laro naghabol ang Ginebra. Bago nito, tinalo din ng Terrafirma ang very star-studded na San Miguel noong Miyerkules, 110-104. Hustle at hard work ang nagpapanalo sa kanila sa dalawang huling laban. Abangan natin kung hanggang saan ang mararating nila ngayong conference. Ang mga "who you" ng Terrafirma, ngayon, "who's next" ang sigaw. Sino ang kasunod na tatakunin? Who's next? Abangan!

x@xnoise

Bounce back game ang ginawa ng Magnolia kanina laban sa Blackwater, 94-78. Kumawala ang Magnolia sa 3rd quarter at hindi na nagpapigil pa. Nananatiling walang panalo ang Blackwater matapos ang limang laro.

x@xnoise

Nakakagulat ang ginawang pagbangon kagabi ng Phoenix laban sa Rain or Shine. Nagtala sila ng come-from-behind na panalo, 78-77. Si Matthew Wright ang nagbigay ng kalamagan at panalo sa Phoenix. Ang pag-iskor niya na yun ay ang pinaka unang field goal niya sa buong laro at laban sa depensa ni Gabe Norwood. Napaka swerte ng pagkakataon at sa huling sandali ay gumana ang shooting ni Wright kasi sa buong laro, siya ay nag-struggle offensively. Matapos ma-shoot ni Wright ang bola ay bumalik ang possession sa Rain or Shine. Nabigyan ng foul si Beau Belga at nabigyan siya ng dalawang free throws. Pasok ang una ngunit mintis ang pangalawa at doon nga nakuha ni Jake Pascual ang rebound at naubos na ang oras.