Naitala na nga po ng Terrafirma Dyip ang kanilang ikatlong sunod na panalo ngayong conference sa katatapos lang na laro nila laban sa Blackwater Bossing sa score na 96-84. Nag-improve ang record ng Terrafirma sa 3-4 subalit lalong lumubog ang Blackwater sa 0-7. Hustle sa rebound ang naging adavange ng Terrafirma na nagtala ng 63 rebounds laban sa 42 ng Blackwater. Isa ako sa naniniwala na ang unpredectability, sipag, hustle at tiyaga ng Terrafirma ay makakapagpanalo sa kanila ng mga laro at maaring makapagdala sa kanila sa play-offs.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet