Nakakagulat ang ginawang pagbangon kagabi ng Phoenix laban sa Rain or Shine. Nagtala sila ng come-from-behind na panalo, 78-77. Si Matthew Wright ang nagbigay ng kalamagan at panalo sa Phoenix. Ang pag-iskor niya na yun ay ang pinaka unang field goal niya sa buong laro at laban sa depensa ni Gabe Norwood. Napaka swerte ng pagkakataon at sa huling sandali ay gumana ang shooting ni Wright kasi sa buong laro, siya ay nag-struggle offensively. Matapos ma-shoot ni Wright ang bola ay bumalik ang possession sa Rain or Shine. Nabigyan ng foul si Beau Belga at nabigyan siya ng dalawang free throws. Pasok ang una ngunit mintis ang pangalawa at doon nga nakuha ni Jake Pascual ang rebound at naubos na ang oras.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet