Nagbabalik ngayong araw ang PBA! Napakagandang laro ang pinakita ng Magnolia at NLEX. Double OT po ang naging laro nila na napaka exciting! At ang nanalo, Magnolia Hotshots, 112-105. Sa pagtatapos ng 4Q ay na foul si Paul Lee na nagresulta sa free throw. Sablay ang una ngunit pasok ang pangalawa na nagpatabla sa laro, 94-all, na may natirag 58 seconds. Ang kanyang free throw ang nagdala sa Magnolia sa unang OT. Dikit ang naging unang OT kung saan nag shoot-out ang magkabilang koponan. Sa natitirang 10 seconds ay lamang ng tatlo ang NLEX nang maipasok ni Aris Dionisio ang kanyang tres - foul counted (graduate si JR Quinahan), 104-all! Ang free throw niya sana ang makakapagpanalo sa laro ngunit sablay ang free throw ni Dionisio. Sa pangalawang OT naman ay dominante si Ian Sangalang na umiskor ng halos lahat ng puntos ng Magnolia sa 2nd OT. Maganda ang laro para sa mga fans ngunit hindi maganda para sa Magnolia na naghabol ng 16 points sa 4Q. Hindi din maganda para sa NLEX dahil nag sag sila sa pagtatapos ng laro.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet