Wagi po ang talento ng Pinoy sa katatapos lang na 78th Venice Film Festival. Tagumpay na napanalunan ni John Arcilla ang Best Actor Award para sa pelikulang "On the Job: The Missing 8." Ito ang entry ng Pilipinas sa nasabing Festival at naiuwi po ni Arcilla ang natatanging award. Ang pelikulang ito ay sequel ng kaparehong title na unang pinagbidahan ni Piolo Pascual, Joel Torre, Gerald Anderson at Joey Marquez. Matatandaan na si Arcilla din ang gumanap bilang Heneral Luna na lubos na tinangkilik ng mga manonood. Ang tagumpay ni John Arcilla ay tagumpay ng talento ng mga Pilipino! Mabuhay!
No comments yet