read.cash Log in
x@xnoise more from that month

Naalala ko, twenty years (20) ago, nagising ako sa ingay dahil sa palabas sa TV na pinapanood ng magulang ko. Sumilip ako para tingnan kung ano ang pinapanood nila at namangha ako sa palabas. Paulit-ulit na pinapakita ang pagbangga ng isang eroplano sa isang building. Ang lubos na akala ko ay isa itong eksena sa isang pelikula ngunit ito pala ay kasalukuyang nagaganap noon sa Estados Unidos, na ngayon ay tinatawag na "9/11 Attacks." Ang mga terorista ay nang-hijack ng eroplano at sadyang lumihis sa kanyang kurso at pinabangga sa World Trade Center sa New York. Sa mga kabataan ngayon na hindi pamilyar dito, ang mga kaganapang ito ay lubos na bumago sa buong mundo. Ito ay patunay na ang mga terorista ay gagawin ang lahat upang panindigan sa mundo ang kanilang paniniwala at pinaglalaban. Matapos nito ay mas naghigpit ang pamahalaan ng iba't ibang bansa upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Photo: CTTO

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.