Isaw - isa sa mga Filipino comfort food.
Ika nga nila, masarap na, madumi pa.
Pero madumi nga ba ang isaw?
San ba gawa ang isaw?
Anong sakit ang mga nakukuha sa isaw?
Unang una, ang isaw ay isang Filipino street food na galing sa bituka ng manok o baboy.
Nililinisan ito, binaliktad, muling lilinisan, nilalaga mabuti, ska itutuhog sa stick pra iihaw. Kadalasan, isinasawsaw ito sa sukang punong puno ng sili, bawang, at sibuyas upanh matanggal ang "bitterness" sa pagnguya at pagkain ng isaw.
Masama bang kumaen ng isaw?
Ang isaw, kagaya ng lahat ng pagkain, ay hindi maganda sa kalusugan kung sobra sobra ang pagkunsumso o pagkain.
Maari itong maging sanhi ng Hepa, Food Poisoning o maging Colon Cancer kung hindi tama ang preparasyon at hindi malinis ang pagkakagawa ng isaw.
Tandaan, maaring magkasakit sa pagkain nito. Ngunit, hindi namang awtomatikong magkakasakit ka sa unang pagkunsumo o madalang na pagkain nito.
Maging maingat lamang sa pagpili ng kakainan. Lahat ng pagkain ng sobra ay nakakasama. Lahat ng pagkaing hindi maingat at malinis na niluto ay nakakasama, hindi lamang ang isaw. At panghuli, lahat ng sobra-sobra ay nakakasama.
Happy eating mga kababayan. β₯οΈ
Namiss mo na din bang mausukan habang naghihintay ng order nyong isaw? π π π
wow sarap poh yan atehhπ favorite ko poh yan