read.cash Log in

@danielnoel

Joined 14 June 2020 · 19 posts

We will heal as one ♥

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@danielnoel

Ask lang po ako sainyo. Mga 2 weeks akong di naka gamit ng read.cash kasi nagtatrabaho ako. Anyare sa featured communities ni read.cash? Andyan paba o wala na kasi wala naman akong nakikitang featured sa communities e. Salamata

@danielnoel

Ask lang po ako sainyo. Mga 2 weeks akong di naka gamit ng read.cash kasi nagtatrabaho ako. Anyare sa featured communities ni read.cash? Andyan paba o wala na kasi wala naman akong nakikitang featured sa communities e. Salamata

@danielnoel

Mga Pinoy Facts na alam ng mga Tagahugas ng Pinggan nyo sa Bahay Kinakausap mo sarili mo pag naghuhugas ka ng pinggan o kaya madalas kang mag-imagine ng mga bagay, halimbawa na lang kausap mo crush mo.(oi krassback daw oh) Mas bet mo maghugas pagbago yung sponge niyo. ( Pero tamad ka pa rin dzuhh) Pagnaghugas ka ng plato feeling mo napakabuti mong anak. Laging basa damit mo pagkatapos mong maghugas dahil nakasandal ka sa lababo.( diba ganto ka?, tamad ka kase) Pag hindi ka pa naghugas babasagin ko lahat ng pinggan na ‘yan!” “Ano na lang gusto niyong gawin lumamon?!” Naririnig mo ba boses ng Mama mo? Madalas hindi mo na iniisa isa yung kutsara’t tinidor, kung anong kaya ng kamay mo sabay sabay na parang kayo lang pinagsabay. (Legit minsan pati sandok at kutsilyo haha.) Isa ka sa mga nag rereklamo kung bakit Nanay yung nasa commercial ng joy kahit mga Anak naman ‘yung naghuhugas .( oy joy! mali yun) Nagamit mo nang palusot ‘yung masakit puson mo para makatakas sa hugasin.(pero di naman talaga masakit) Nakakabwiset hugasan yung mga mamantika tsaka yung may tutong na kanin. Pati rin yung may uling (Talagang mapapadabog ka nalang ih) May schedule kayo sa bahay kung sino nang mag huhugas ng pinggan, madalas nag duduga pa ‘yung mga kapatid mo. Syempre ikaw din hindi ka naman magpapatalo eh HAHAHAHAHA Naiinis ka pag hindi ka naman kumain tapos paghuhugasin ka. Napaka UNFAIR nga kase, isipin mo nag cellphone ka lang naman magdamag. Napagalitan yung kapatid tas ikaw na susunod me: ma, san na yung iba pang hugasin? Ngayon nyoko talakan nangyare nayan ketkanino HAHAHAH Minsan ang weird! Pag naghuhugas ka ng plato may mararamdaman kang multo sa likod tas bubulong ng 'Uyy beh may plato pa' HAHAHA Minsan hirap kang maghugas pag galit ka parang gusto mong ibalibag yung plato sa kapatid mo. (Gigil moko! Grrr.) Yung kakagising mo palang pero pinggan na kaagad pnoproblema mo like Panibagong araw panibagong hugas na naman ng pinggan.(Yung feeling na kakagising mo lang, Sira na agad araw mo) Minsan pa nagmamadali sa paghuhugas ng plato kala mo nasa sea games at kung nasa sea games ka siguro gold medalist kana ngayon (Hala! Encantadia na!) *+#&#(@!@!!@)@%@( Pinaka ayaw nating araw yung may handaan tayo lahat maghuhugas naku namporkchop sarap ibalibag (Tapos nagmamantika pa!) Mahirap maghugas ng plato pero mas mahirap kung mawawala ka sa piling ko Yie~

@danielnoel

Mga dahilan ng Pinoy kung bakit nagcheat ang isang tao These statements below are some of opinions ko and my friends and observations sa mga magjowa kung bakit nachecheat ang isang tao Hindi sila marunong makuntento.Palagi silang naghahanap ng bago.Palagi silang naghahanap ng wala sayo at sa ibang tao nila nakikita. Too immature to handle a relationship. Karamihan sa nag c-cheat nag hahanap ng ikakasaya sa iba kumbaga makaramdam lang ng lungkot problema sa iba hahanapin sa iba yung wala yung jowa nila. Kumbaga gusto nila yung panandalian na saya kaysa sa pang matagalan na saya kasama mo pa yung ka vibes mo sa buhay. Inahas,eto yung mga nagpadala sa tukso porket maganda/pogi or flirty naakit naman.Magdadahilan pa yan ng "sorry nadala lang hindi ko sinasadya" Cheating is a Choice gigil ako e People cheat because they feel you are not enough, or you are too excess for them. Personal Desire.Maraming ganyan. Mga friends w/benefits LOVE is different from lust Impluwensya ng mga tropa. Mga toxic na kaibigan "Huyy dun kana lang kay ano, kaysa jan sa jowa mo ang panget,panget"kapag ganito kaibigan nyo Please lang, remove them on your lives Marami nang toxic sa mundo,wag ng dumagdag pa. Trust Issues, Mas pagkakatiwalaan nya pa yung "bestfriend" nya raw na taga-comfort sa tuwing mag-aaway kayo.Tapos malalaman mo nalang naglalandian na pala sila. Sometimes, they cheat kasi masyadong malayo ang partner nila thinking na dapat nasa malapit so they can do the things na ginagawa ng normal couple. They cheat kasi boring 'yung partner or nakakasakal or maybe hindi nila mapagmalaki. Kahit ano namang dahilan nila, cheating will never be right. Revenge, Yung tipong mag-aaway kayo ng partner mo tas hahanap sya ng iba para pagselosin ka. Defense Mechanism, yung tipong gumagamit lang sila ng tao para masabing,masaya at okay sila. Falling out of love.pinagsasawaan kana at naghahanap na ng bagong lalandiin. Binalikan yung ex.ginamit ka lang pala para bumalik yung dati nyang jowa. Sinasabi nila na sobrang demanding daw nung partner nila,ang daming bawal,toxic na ugali. Sabihin na nating totoo,pero why don't you just leave kesa manloko ka? They cheat because they want to, hindi sapat na rason yung nagkulang partner mo, kung ikaw nagcheat, kasalanan mo yon kase hinanap mo sa iba yung pagkukulang na hindi naibigay ng partner mo.

@danielnoel

Bakit gusto ng Pinoy Teenagers na magkaroon ng Attractive na Mukha First is gusto nila na iflex sila should i say is ipagmalaki ,syempre if you have attractive/beautiful face syempre hinde ka ikakahiya at ipagmamalaki ka pa nila. Gusto nilang ma experience ung mga lalaki/babae na may magagandang mukha, yung tipong kahit may nagawa itong hinde maganda ay hinde parin sila iju-judge sapagkat our society right now is very judgemental na talaga. Gusto nila ung hinde sila kamumuhi-an. Gusto nilang maramdaman na may isang taong matatakot na mawala sila sa buhay nya, o di kaya masabihan na worth it. Gusto nilang ma-experience na may humahanga sa kanila,kase minsan pag panget ka syempre walang nagkakagusto sa'yo but meron namang isang taong tatanggap kung sino ka or ano ka. Gusto nilang masabihan ng mga magagandang salita like " ang ganda mo ghorl" "naks naman oh, penge kagandahan" ganun unlike if panget ka "badoy, panget mo" feeling cute ka naman" HAHAHA. Gusto nilang maramdaman na hinde sila nagiisa. Gusto nilang ma experience na mahalin sila ng totoo ung walang halong biro or laro. Maramdaman na importante sila.

@danielnoel

Mga Pinoy na Emotional/Sensitive ay makakarelate dito Kapag ganyan ka matic iyakin ka talaga like sa maliliit lang na bagay iiyakan mona Yung tipong galit kana pero di mo kayang mag bitaw ng masasakit na salita kasi nagsisisi ka agad. Naiiyak ka pag may nakitang umiiyak. Yung maiiyak ka nalang dahil sa galit, inis na nararamdaman mo. Umiiyak pag napag taasan ng boses. Hindi mo masabi yung mga gusto mong sabihin kaya idadaan mo nalang sa iyak. Yung tipong nagpapaliwanag ka palang umiiyak kana. Nahihirapan kang makatulog sa gabi dahil sa sakit. Sakit na pinaparamdam Ng mga taong nakapaligid sayo Tapos kapag nanonood ka ng movie/nagbabasa ng libro tas may part na nakakaiyak iiyak ka na naman. Ayaw mong may makakita sayo na umiiyak ka kasi alam mong hindi ka nila nakilala sa ganung paraan. Kasi kilala ka nila bilang isang masiyahing Tao. Tapos kapag nasaktan ka hindi ka makakahinga kasi masikip sa dibdib yung galit mo at napapalitan ng iyak mo. Yung gusto mong sumigaw sa galet kase punong puno kana pero hindi mo magawa kasi iiyak mo nalang yon. Yung kahit sinasabi mo sa sarili mo na ok ka lang pero mabigat paren sa pakiramdam kaya iiyak ka na naman. At Kung minsan ikaw nalang Yung nag checheer up sa sarili mo Kasi Alam mong walang gagawa nun para sayo. Yung sasabihin mo na ayos ka lang pero sa totoo hindi naman talaga. Mas pinipili mo'ng manahimik nalang kesa sabihin sakanila Yung tunay na nararamdaman mo. Kasi pag sinabi mo Yung tunay na nararamdaman mo Wala den Naman silang magagawa para maalis Yun Kasi sila mismo Yung may dahilan Kung bat ka nagkaganyan. Kahit matagal na yung mga nangyare tas maalala mo grabe pa din yung sakit at maiiyak ka nanaman. Palagi muna Lang tinatanong sarili mo Kung ano ba Ang kulang sayo pero Ang totoo Wala Naman talagang kulang sayo Hindi Lang talaga sila marunong makiramdam Ng nararamdaman Ng ibang Tao kaya ikaw lagi Yung nag susuffer. Nakikipagtalo ka na umiiyak ka dahil alam mo sa sarili mo na ikaw yung tama pero sa paningin nila ikaw palagi Yung may Mali. Yung pakiramdam na pagsasabihan ka nila Ng masasakit na salita habang kumakain ka tas maiiyak ka nalang Kasi bawat paglunok mo Ng pagkain kasabay nun Ng paglunok Ng mga masasakit na salita na galing mismo Sa mga magulang mo. Yung kahit di kalang pansinin/kausapin naiiyak kana dahil feeling mo may nagawa kang malaking mali Ni Hindi moman Lang Alam Kung ano Ang nagawa mong Mali Kung bat sila nagkaganun sayo. magsosorry ka kahit di mo kasalanan kumbaga ikaw nalang Yung magpakumbaba kahit ikaw mismo SA sarili mo Alam mo'ng sila Yung may kasalanan pero dapat ikaw Yung manghingi Ng tawad para Hindi na lumaki Yung gulo. Yung pakiramdam na nagsasabi ka Naman Ng totoo pero Hindi sila naniniwala sayo . Kapag may sinabi silang hindi maganda sayo at para sa kanila biro lang yon pero sa part mo parang iniinsulto kana nila at bibigat na naman damdamin mo maiiyak ka na naman. At kapag nagopen ka sa isang Tao tas pakiramdam mo pAranG napilitan Lang siyang makinig sayo Kasi Yung Mga replies Niya cold like Ang kukunti haha tas minsan sasabihin kapang "Ang O.A mo Naman/andrama mo" kaya minsan mas pinili muna Lang manahimik kesa sabihin sa kanila Yung tunay na nararamdaman mo. Madali kang makonsensya sa mga pagkakamaling di lang ikaw yung may kasalanan.. Yung dahil sa galit/inis mo nakakapag bitaw kana Lang Ng masasakit na salita na Hindi dapat at Hindi mo Naman ginusto haha tas sa huli magsisi ka Kasi bat nasanabi mo yun. Kahit masasakit ang binibigay sayo pigil na pigil mo pa din yung sarili mo para lang di mo sila masaktan. Ok Lang sayo na kahit masaktan ka basta't Makita molang silang masaya. Yung tipong grabe na yung iyak mo at pupunta ka sa cr para mag hilamos para hindi ka lang nila mapansin na umiyak ka. Yung kapag nasaktan ka titingin ka nalang sa taas para di tumulo luha mo kumbaga pinipigilan mo Yung Luha mo'ng wag pumatak.

@danielnoel

Magandang Umaga :) Gising na mga kapatid,magandang umaga sa inyong lahat. Napaaga yung gising ko kahit late na ako matulog. Masyado kasi akong nag eenjoy sa kakagawa ng stories at articles sa read.cash. Pero wag nating kalimutan na magdasal sa diyos sa isang mapagpalang umaga at sa mga biyayang ating natanggap. Huwag din nating kalimutan na bumati ng isang magandang umaga sa ating mga mahal sa buhay. At tumulong sa mga gawaing bahay nang sa gayon maging produktibo at makabuluhan ang araw niyo. Kahit ngayon ay nahaharap tayo sa pandemic na COVID-19 ay dapat positibo lang ang ating pananaw sa buhay.

@danielnoel

Mathematical Love Story na maaaring ihalintulad sa status ng mga Pinoy ngayon Ang mga Mathematical Terms na ito ay may ibat ibang depinisyon pero inihalintulad ito sa pag-ibig ng tao. TANGENT- Lines that meet in a single point and then parted forevermore Parang kayo pinagtagpo pero di talaga tinadhana. Puso niyo ay hindi para sa isa't isa. If you really love him/her, just let her/him go SECANT- Lines that will have the chance to meet twice in a circle, then parted forever. Lahat deserves a second chance, kahit sino naman pero kapag di para sayo, hindi yun talaga itinadhana para sayo. Wag nang ipagpilitan ang sarili mo dahil lalo ka lang masasaktan PARALLEL- Lines that are equidistant kahit kailanman and never meant to meet. Magkaibang mundo/Di talaga kayo para sa isat-isa ASYMPTOTES- Lines who can able to move closer and closer but sadly it will never be together. Friendzone ka ghorl? Friendship lang pala gusto niya hindi yung puso mo? Paasa sila, di nila alam ang dinaramdam mo.

@danielnoel

Im a better person now because of My Breakups (Filipino Advice about Lovelife) "The pain you could get from break ups might be one of the worst kind of emotional pain". Dyan mo tatanungin kung anong mali, yung kulang, ang self worth mo. Sleepless nights kakaisip, napakasakit talaga Masakit talaga maiwan ng isang taong minahal mo at tinuring mong mundo mo, pinaglalaanan ng oras at atensyon, madami kang isinakripisyo para don. Pinaglaban mo at inayos mo pero ending iniwan ka pa din. That's life and the thing you can do is to accept it Pero dalawang lang ang silbi ng tao na darating sa buhay natin,maybe they can be our greatest blessing or our biggest lesson in our lives Ang mga blessing yun ang nag iistay, pero yung mga lesson syempre yung umaalis, gaya nga ng sabi ko sa isang tao before, Lahat naman umaalis may nauuna lang, tsaka may natatagalan kasi nothing is everlasting especially people. When we broke up, para akong binagsakan ng langit at nalanta sa lupa kasi ang sakit sakit talaga, mahal ko yun e, di ko alam ano bang mali ganon pero nung time goes by, narealize ko May positive and negative effect yung break up and it depends on how would you receive it. Di lang naten nakikita kasi lagi tayong nakafocus sa kung anong nararamdaman natin. We stopped appreciating wonderful things that happening around us because all we feel is pain, pain, pain. Naisip ko, wala namang bagay ang isang side lang diba, ano yun one sided lang, syempre lahat dalawa para fair. Then it hits me na I should look at the other side of break up. Ano ba yung ginawang maganda saken nung paghihiwalay na yon over sa mga panget na nagawa nito saken. Those break-ups made me a better person, ang daming lessons na tinuro ng break up. Especially realizations. Alam niyo pinaka maganda na tinuro ng break up saken? Lemme tell you exactly. Tinuruan neto ako kung paano mas mahalin yung sarili ko, unahin yung sarili ko, tinuro neto saken na dapat mas pahalagahan ko sarili ko kasi kapag tinalikuran ako ng buong mundo at lahat, ang sarili ko lang yung meron ako. It taught me to be wiser on making my decisions. Ang dami ko pang plano at pangarap sa buhay at hahayaan ko na lamang na sirain lang ako ng isang tao? Pinarealize niya saken na ako lang din makakatulong sa sarili ko, Natutunan ko na ako lang din naman ang maapektuhan kung patuloy kong ikukulong ang aking sarili sa mga sakit na iniwan niya Masakit, kahit anong reason ng breakup lahat yon masakit. Pero we ourselves lang din naman yung may control sa sarili nating emotions. Kaya nga siguro nasa taas utak para makapag isip tayo ng mabuti bago maramdaman ng puso natin. Everyday binibigyan tayo ng choices. And If pipiliin naten maging happy, if iseset natin isip natin na look to positive lang, mas gaganda pala buhay natin Life goes on with or without you, madami pa tayong plano mga lods kaya isantabi muna naten yung sakit galit ganon tapos continue naten mabuhay na positive wag lang sa COVID-19 Kasi trust me sa dami ng tao sa mundo, may nakalaan na isa para sayo dyan. Be thankful to the person na iniwan ka kasi he left you with lessons na forever mong dadalhin, na marerefer mo sa sarili mo in the future happenings Never let those break ups ruin you, you deserve better and jusko please kahit ako mismo marupok oo narealize ko na 'If You Kept Coming Back To Whatever Broke You Di Ka Parin Mabubuo' kaya kahit mahirap please always choose yourself above anything else! Lovelots everyone

@danielnoel

Jokes ng mga Matatalino :) Eto yung tipong banat na kahit wala kang alam ay mapapakilig ka talaga You are like an electron and i am like a proton. and they said that opposites attract each other yieee Sinabi ni Einstein na "Nothing is faster than light", well obvious naman na di niya nakita kung gaano ako kabilis mahulog sayo Ikaw panigurado ang square root of two because i am irrational around you Kahit anong mangyari, You're still the sin^2 (x) + cos^2 (x) that i love always Seismic kaba? wave ka naman oh HAHAHA Sa lahat ng branches ng science ang ating chemistry ang aking pinakapaborito Scientists said that they haven't yet discover 70% of water but i already discovered my love for you 100% Is your name Wireless-Fidelity? because definitely a connection here. My life without you would be like a broken pencil because it will be pointless All my 3 hearts would beat for you. If i were an octopus Buwan kaba? kase pagdating ng araw mawawala karin. You must be Mathematician named A.E.H. Love, i think i feel your wave just now (Grade 10 discussion yan) There must be something wrong with these eyes. i can't really seem to take them off of you I'm attracted like an Earth on how a large force is inversely proportional to the distance squared to the Sun. Hi Chromium Uranium Sulfur Hydrogen, Can you be my Lithium Iron? Sige Periodic Table pa I would be really happy if i can watch Helium Nitrogen Tantalum Iodine with you someday. All i really know is x²-1 if x=12 to the moon and back. If i could only rearrange the periodic table, i would definitely make iodine and uranium next to each other The kelvin scale can't even measure how hot i think you are? Feel mo HAHAHA Gravity is not the one who is responsible for people falling in love A friend told me that i would die within seconds without oxygen. well you've never said that your second name is oxygen. Kilig ka naman? There are Biosphere, Atmosphere,Lithosphere but losing you is my Bigesphere. Wala pang IV OF SPADES, naging Mundo na kita Professional Paintor ba magulang mo? Kasi nakagawa sila ng abstract art na kagaya mo mahirap man intindihin but still an excellent masterpiece padin. Ang mundo kailangan ng kulay, ang tao kailangan mabuhay, pero ako isa lang kailangan ko, ikaw lang pang habang buhay. Ang mundo kailangang magkaroon ng kulay, ang tao ay kailangang mabuhay, pero ikaw lang ang kailangan ko habang buhay

@danielnoel

Free 10GB GoWatch ni Globe (Bilisan mo na bago katayin) Acually sa Facebook ay kalat na ito pero sa hindi pa nakakaalam Nagkaroon daw ng bug si globe sa GoWatch399 worth 10 GB of video streaming for 30 days Ang gagawin nyo lang ay tadtarin nyo sa message si Globe at kapag napagod na yan ay magmemessage na siya. Just Text GETFREEBIE to 8080 Not advisable sa hindi naka unli text dahil tatadtarin nyo siya kakamessage ng GETFREEBIE I dont have assurance na magwowowrk sila sainyo but it really works for me 100% P.s For Globe Subscribers only hindi po siya gumagana sa TM and other Sana maavail nyo po ito dahil minsan lang ito mangyari and di tayo sigurado baka bukas katay na ito

@danielnoel

Kaya pala ayaw akong icrushback ng crush ko (Filipino Lovelife Story) Sadya talaga akong minamalas magka-gf idk why, baka sa pagiging feminine ko or late lang talaga ako nag glow up Marami akong mga crush HAHAHAHA Pero isa lang ang natatangi kong crush sa lahat Magkatabi lg room namin, sya kase top 1 ng section nila, si Ruby Crush ko sya since first day of school, sy: 2018-19 Lagi ko syang pinupuntahan, at binigyan ng Munchkins HHAHAHAHA yan lang ang afford ko e Nagustuhan naman niya ako joke yung munchkins pala, dapat lang nakalibre ka ng pagkain sakin e HAHAHA. Siniship kame ng ap teacher namen, advisory teacher nya kase yon One day, inutusan ako ng ap teacher namin na puntahan yung room nila at manghingi ng chalk HAHAHAHAHA edi excited ako non, e syempre di kame nakaka-alis ng room ng di namen kasama tropa. So ayon lima kame pumunta para sa isang chalk. Edi syempre pacute ako slight lang HAHHAHAHAHA Sabi ko "Excuse me maam" tas tumingin sya tas tinignan den ako ng teacher nila, ambaet. Sabi ko sa guro nila "good morning maam, good morning section Love, puno ng pagmamahal, goodmorning den kay crush ko jan, wassup Ruby" HAHAHHAHAHA Tuwang tuwa guro nya saken, tas tinanong kung ano kailangan ko, tas sabi ko naman "ma'am penge daw pong chalk" tas tinawag si Ruby at pinaabot yung chalk HAHAHAHHA kilig ako non e. Tas tuwang tuwa mga kasama ko, tas nginitian ako ni Ruby, "aaaAaaAackkk!!" her cute face and smile! Then nung uwian na, di naman sinasadyang nabangga ko sya sa dami ng estudyante na nagsisiksikan sa school gate Tas kinilig ako kase, tutumba na sana siya e buti nahawakan ko siya HAHAHAHAHA that kilig moment Nahulog ka krass,buti sinalo kita agad sana naman pag nafall na ako sa'yo sana saluin mo naman ako HAHAHA Nagsorry naman sya tas sabi ko "sorry ka jan, kiss mo ko char, sorry den" HAHAHAHAHA Medyo malayo kase bahay namen sa school, di ako sumakay non kase sinisipag ako, tas nagseselpon ako habang naglalakad HAHAHAHA di naman ako takot sa snatcher e HAHAHAHHA Maya-maya nakita ko yung crush ko nasa harap ko, nakatutok nga kase ako sa cp ko non HAHHAHAHA Tas hinayaan ko lang, e nakita ko natapilok edi tawa ako ng tawa HAHAHAHAHA tas tumingin sya saken Sabi ko "yikes natapilok" HAAHAHA tas sabi nya "lumindol di mo naramdaman?" Baliw talaga tong babae nato parang kulang yung turnilyo sa ulo Tas nagkwentuhan na kame habang sabay na naglalakad. Hanggang sa malapit na ko sa bahay namin, tas sabi nya "dyan lg pala bahay nyo?" sabi ko naman "oo, baket?" sabi nya "dito lg kame sa tapat nyo o, kakalipat lang namin" Nung nalaman namen na magkalapit lang kami kinabukasan nung uwian pinuntahan nya ko sa room nakita na sya ng mga tropa ko, sabi nila "hoy hinihintay ka na ng asawa mo" sigaw ko naman "wait lg beyb" pero di ko alam na hinihintay nya ko non, nagpalabas na yung guro namin, tas tinawag nya ko ng nickname ko sa bahay sabi nya "hoy dan, tara na" pacute niya pang sinabi Habang naglalakad nagtanong ako sa kanya abt sa family nya tyaka sa kanya, tas nagtanong rin sya abt me. Tas di ko naman inexpect na araw araw na kaming sabay umuwi. One time, tinanong ko namen sya ng tropa ko kung baket ayaw pa ko ikrashback e ang cute cute ko kaya HAHAHAHHAHA Then sabi nya "basta, tara na uwi na tayo" Kinuwentuhan nya ko hanggang sa nalaman ko kung baket ayaw nya ako icrushback. Sabi nya "alam mo sa totoo lang gwapo ka naman, tas cute pa talino mo pa, baet pa kaso di talaga kita icrucrushback" kilig ako na biglang nasaktan haha, sabi ko "baket?" nagulat ako sa sinabi nya "pinsan kita, ano yon familystrokes? HAHAHAHHA" Nashocked ako sa sinabe nya natuwa den naman ako, then tinanong ko si mama paguwi ko, then sinabi ko apilido sabi ni mama "ay oo, pinsan ni papa mo papa nya" Tas sinabe ko nq sa tropa ko, tas natuwa sila kase no need ko na daw maghabol HAHAHAHAHA Hanggang lagi na kameng magkasama minsan pinagkakamalan kameng magjowa HAHAHHAHA Nung araw na pinagkamalan kame may sinabe sya saken "ano kaya, pagtriny naten yung jowa challange?" edi game naman ako, nilagay ko pic nya sa featured ko, andaming nagreact, tas sabay kame kumain sa canteen, sinabe ko sa tropa ko yon, pinagkalat nila pero hindi nila sinabing challenge Ayon hanggang di namen namalayan na 3 months na kame HAHAHAH Di alam ng parents namen yon, tas tinanong ko si mama if pede ba, sagot nya "oo naman, malayong kamag anak lg naman natin sya" HAHAHAHAHHA ewan ko ba kay mama. Ganun talaga pag nanay, supportive talaga sa lahat ng bagay. Tas ayon, tinigil nalang namen yon nung nag 1 year kame kase ayaw parang mali na HAHAHHA Pero ayon ok naman kami, lagi syang nagpapakilala ng mga nagiging bf nya, tas pinapakilala ko den mga nagiging gf ko sakanya.

@danielnoel

My 1st day in Read.cash I just started using this site read.earn kagabi lang dahil naenganyo ako sa sinabi ng isang user dito na gagawa ka lang ng stories at articles na entertaining at makakaearn ka. Syempre journalist naman ako at story writer kaya hindi na ako nag patumpik tumpik pa. Gusto ko kasing makatulong sa expenses sa bahay at para pandagdag sa pambili ng laptop sa pasukan. I guess ganoon din dahilan nyo kung bakit dito kayo napadpad hehe. But when i used it, it exceeds my expectations and as of now 16 hours user, 6 stories and articles at 2 subcribers. Sana magtulungan tayong lahat para lahat tayo umangat din. And thank you all sa lahat♥ And if pwede nyokong tulungan just read my wonderful stories below: May kachat akong Nepali, pinagtripan ko, laughtrip sobra HAHAHA -one of my best so far https://read.cash/@danielnoel/may-ka-chat-akong-nepali-pinag-tripan-ko-laughtrip-sobra-hahahhahahahaha-417cc445 I wish i could rewrite the stars (Fiction) https://read.cash/@danielnoel/i-wish-i-could-rewrite-the-stars-fiction-51dc9635 Naging masaya siya sa paraang ikasasakit ko https://read.cash/@danielnoel/naging-masaya-siya-sa-paraang-ikakasakit-ko-bf33fd09 Her Last Words https://read.cash/@danielnoel/her-last-words-8419ccec BTC Cloud Mining sites that you can earn money while busy in Read.cash https://read.cash/@danielnoel/btc-cloud-mining-sites-that-will-mine-you-while-youre-busy-in-readcashno-investment-needed-d62b97bf Salamat sa supporta and keep safe everyone gais

@danielnoel

Her Last Words Masaya kami nung mga nakaraang araw and we do some virtual act. Sumayaw kami, nag lambingan via virtual act and sending voice mails Malapit na monthsary namin and we both excited sa araw na yon One day di siya nag paramdam,ewan if busy siya or what Apat na araw siyang walang paramdam non malapit na monthsary namin noon kaya syempre alalang alala ako I thought di siya mag paparamdam that time pero nag hintay parin ako, hinintay kong mag 12 bago nung monthsary namin pero di parin siya nag ool Nakatulugan ko yung cp ko kakahintay sa kanya. Nagising ako kinabuksan at ayon yung araw ng monthsary namin. pag gising ko cp agad hawak ko Gladly may chat galing sa kanya. nandon yung paliwanag niya kung bat di siya nag online for four days. at may lsm pa siyaa. tapos nag edit edit pa syempre that time kinikilig ako sobra, marupok ako e Lumipas ang oras na abutan ko rin siyang nag ol. pero di ako tanga para may mapansing kakaiba sa kanya. Yung dating saya, nanamlay nung time na yon then nag pa alam siya pero lumipas ulit bago mag paramdam. damn idk kung gaano kasakit yung nararamdaman nung nabasa ko yung chat niya She's breaking up with me without knowing the reason Idk how to react that time i just feel empty I chatted her "why" but she replied "sorry" That was his last chat Until now iniisip ko parin yung reason pft. i know that this is just an RPW but wala e tinamaan ako sa kanya. Ganun talaga pag napamahal kana

@danielnoel

Naging Masaya Siya Sa Paraang Ikakasakit Ko (Filipino Lovelife Story) Merong dumarating pero kinabukasan umaalis din.✨ Hindi naman lahat mag iistay. Meron akong naka m.u, itago natin sa pangalang ***mings*** Tatlong buwan kami naging mag m.u Kilalang kilala na namin ang isat isa. Goods and bads lagi ko syang kasama.Lagi akong nandyan sa kanya kapag kailangan niya ako at ganun din siyang nandyan para saken Lagi ko sinusuportahan sa lahat. Minsan nga hinihintay kong matapos ang class nila ay ihahatid ko pa siya pauwi ,para lang masecure ko na safe siya makakauwi, Kahit minsan inaabot na sya ng gabi makauwi non. Sobrang importante nya saken. Ewan kung ano ako sa kanya Sobrang halaga nya saken. May halaga ba ako sa kanya Takot akong mawala sya. Siya ba wala Dahil don sa 3 months na yon nag ka label kami. Naging kami. Iniwasan naming mag away or magtampo. Minsan tinitiis ko na lang kapag minsan may topak siya or moody na as in di mo talaga makausap. Ganun talaga mahal ko siya e, ewan kung mahal niya ako Pero may times na may tampuhan hindi namin pinapatagal Pero one day,Nagbago. Nag away kami dahil saken. Bat kase ang kulit ko,Bat kase hindi ako nakikinig, Syempre kailangan ko din kaya ng lambing hehe Iniwan tuloy ako. Haha. Pero alam kong hindi lang iyon ang tanging dahilan kung bakit niya ako iniwan. Siyempre mahal pa niya yung ex niya yung parang devoted siya dun Yes,Wala na wala na yung kasama ko sa lahat tampo,galit,selos,Wala na yung taong nakasanayan ko. Pero ganun talaga, pag mahal mo dapat palayain mo At ayun pilit parin siyang bumablik para sa nauna:)) Kahit alam niyang ikakasakit ko. Bumalik sya sa naunaa. Haha Anong meron dun sa lalakeng yun na wala ako Hindi naman sa nagyayabang pero matalino ako w/ High Honors tapos may Itsura (ay wow cute mas ok pa) tapos masipag, malambing, feminine haha yun nga lang medyo mahina sa pormahan Kahit masaket para saken pinipilit kong maging masaya. Kase wala na naman akong karapatan:)) Walaaa:)) Still now,Syalang gusto ko,At lalong ginugusto:)) Charott Last message ko,Keepsafee,Ingat ka dyan.Alagaan ka sana nyaa higit pa sa pag aalaga koo. Babawiin kita pag sinaktan ka ulit nya. Joke lang ayoko na

@danielnoel

May ka chat akong Nepali, pinag tripan ko, syempre pinoy ako e HAHAHHAHAHAHAHA Ngayon sobrang bored sa bahay dahil walang ginagawa, nakaisip ako ng kalokohan na gumawa ng Girl Dummy Acc at iprinofile ko yung picture ni Mika Salamanca syempre idol ko yun saka sinong tatangi kung ganun kaganda kachat mo After a few days may nag add sakin, dp niya si Zayn Malik kaya sadya kong cinonfirm para mapagtripan Bigla agad siyang nagchat na "namaste" o hi sakin at seen ko lang, bat ba? Gigi Hadid to lods HAHAHAHHA Nag send siya ng "hē sundarī" hindi ko din naintindihan pero intindihin nalang natin, so nag hello ako Nagtanong siya kung taga san daw ako? San ka pa makakakita ng magagandang babae? Syempre kaya sabi ko "PHILIPPINES!" Napa "ohh" siya at nanghingi na ng piktyur So dito na nagsimula ang kalokohan ko Nag send ako ng meme pic Gulat ka gh0rl? Hahaha Sabi niya naman "nice" kala ko talaga mauulol na eh so dinagdagan ko pa Yung picture ng babae na nangungulangot and sinabi ko"how about this? Am I pretty?" chat ko Nag reply siya after 5 mins, sabi niya "***? ur dirty" tawang tawa ako HAHAHAHA I'm just kidding, this time ill send my real picture " sinend ko pic ni ate Mika ayun nabigla HAHAHA "*** men? U r so sexy❤ yan yung reply niya HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH Convo ako: where are you from? siya: Nepal a: great s: do you know Nepal a:yes, nepalo ko siya, nepalo niya ko, iyak kami dalawa, huhuhu s: Hay speak in english i do not understand your language s: Machiknay randiko xorii salay a: tsampurado toron bolabola Convo ulit s: Tero putima xirauxu ani tha paulas randi ko xorii aafno vasa ma gali dayko mug malai nii aauxa aafno vasa ma gali bolna sala valuu a: utot ko blue s: K ray sala valuu s: hay plz speak in english dear a: natatae ako Convooo s: f. up, you wanna f with me? a: f yourself dude s: ohh really u b • tapos may ni reto akong pinsan kong bisexual • convo ulit s: no, I want urs. Send me the cost. a: actually, those pictures I sent weren't me. I'm not interested with you or anyone else. s: okay, Send me your bubs pic • at dun ko na binlock, parang na offend ako sa bubs kahit lalake naman ako, pero slight lang naman HAHAHA

@danielnoel

Btc Cloud Mining Sites that will mine you while you're busy in Read.Cash(No Investment Needed) At these times, you want yourself to be busy because you're bored in your houses and the same time you can earn, so thats why you're in read.cash. But before entering read.cash, you have yourself finding something that you can earn by doing anything and it will do the process like BTC Cloud Mining. But some of these are tricking users to invest or upgrade on their sites and suddenly going missing or being blocked. Today i'm sharing these sites below that some people proved them to be paying but just make sure that you shouldn't invest in any Mining Sites. Mining-up Hashrapid Walatox Mineify Miningcompany Gilmining Freemining Faucetpay Bestmining Miningcheap Goldrapid These sites above are paying but not forever, maybe it is a ponzi or scam or legit Just remember, never ever invest in any of these sites, ofcourse we only want Free Bitcoin Mining with no Investments/Deposits/Upgrades needed and just handle money without doing anything. What's important is that we can earn and at the same time they will get fooled instead of investing on them and get scammed. If anyone has an update on these sites comment below, so other's can make sure they are legit or not

@danielnoel

I wish i could rewrite the stars (Fiction) Hi im Emma and i live in a Rich Family. Where i can't married a normal boy. I can't go out and enjoy my life. I can't eat in a fastfood chain. I can't make friends kung di sila mayaman And i only i can go out with my family and with a formal people. Isang araw may nakilala akong poging lalake, pero namumuhay lamang siya ng normal which is ayaw ng family ko. Naging boybestfriend ko siya pero tinago koyon dahil kapag nalaman nila na may kaibigan akong normal at walang katayuan, pag lalayuin nila kami. Sinabi korin un sa kanya, naintindihan naman niya ko dahil nga anak ako ng royal. Tinatrato niyakong simpleng tao, di niyako tinatawag na Maam or Ms. which is ayon ang tawag sakin ng mga royal boys na pinapakilala sakin nila mommy. Ilang months konang kaibigan si drake and ilang months kona ring tinatago siya sa family ko. Masaya kaming magkasama ni drake ng patago, kapag magkasama kami diko nararamdaman na nasa royal family ako 2 months din niyako niligawan. Madami siya binibigay sakin na kaya kong pabili sa family ko pero diko inisip na ano yon basta kung ano ung binibigay niya nagiging special yon. Lumipas ang mga araw at sinagot ko na siya,️ Para sakin ayon ang pinaka magandang at special araw sa buong buhay ko♥️ Dumating ang mga araw at papakilala kona rin ang relasyon namin dalawa kay mommy. "Mommy si Drake po pala bf ko" sabi ko "Anak ano ba ito nababaliw kana ba ha, ang ating dugo ay royal hindi tayo dapat makipag relasyon sa isang normal na tao" sabi ni mommy "Paalisin mona siya dito" dagdag pa niya ~~Sana naging normal na tao nalang ako i don't want this life i wish I could rewrite the stars~~