Una kaming pinagtagpo sa aming paaralan kung saan kami ay nagtuturo taong Hunyo 2017. Siya ay may isang anak na lalaki sa dati nyang nobyo ngunit ito ay hindi hadlang upang hindi ko sya mamahalin. Tinanggap ko ang kanyang kalagayan at ako ay parang ama na rin sa kanyang anak. Sa pagitan lang ng isang taon, kami ay ikinasal noong Nobyembre 2018 dahil alam namin na mahal namin ang isa't isa. Ako ay 32 taong gulang na at ang aking asawa ay 31 na. Alam kong hindi matagal ang aming pagsasama bilang mag kasintahan ngunit alam kong tanggap ko siya at iniibig ko siya ng buong-buo. Nagkaroon agad kami ng baby pero sa kasamaang palad nakunan sya noong ika apat na buwan pa lang yong dapat magiging sanggol namin. Dahil na rin siguro sa pagod at pressure sa pagtuturo bilang guro sa isang public school. Pero hindi kami nabigo at patuloy na nanalig sa Panginoon. Makalipas ang anim na buwan kung saan siya nakunan, binigyan ulit kami ng Panginoon ng magiging sanggol at ito ay nasa sinapupunan pa ng asawa ko. Sa katapusan ng buwang ito ng Hunyo siya manganganak. Double ang aming pag-iingat upang hindi na maulit ang pangyayari.
god always have a plan