Utang
Napakaraming tao ang nanganagylangan ng pera, yung iba kaylangan mangutang dahil wala nanh pang gasto sa pang araw araw. Subalit minsan yung mga taong nangungutang karamihan umuutang dahil sa pansariling kasiyahan, ginagamit sa sugal sa bisyo sa alak at iba pa. Sana naman isipin din nila na ang inutang nila ay kaylangan nilang palitan sapagkat kinakailangan din nila ang perang pinahiram nila. Sana alalahanin din nila ang responsibilidad nila bilang tao.
Kidlat
Malakas na hangin ulan kulog at kidlat nanaman ang nangyayari ngayong hapon. Nakakatakot nakakabahala dahil sobrang lalakas ng kidlat. Naalala ko tuloy noong nakaraang taon.Halos ilang buwan na walang ulan dahil nga tag init sabik na sabik ang mga tao sa ulan upang mahimasmasan naman sa labis na pagkainit ng panahon. Isang araw umulan ng pagkalakas lakas at ang mga bata mga nanay ay naligo sa ulan andun yung saya at galak. Subalit isang napakalakas na kidlat ang nangyari natutulog ako noon pati ang anak ko na isang taong gulang nagulat at imiyak sa sobrang lakas nh kidlat pati ako na masarap ang tulog napatayo. Pagkatapos ng kidlat na yun maraming sumisigaw sa labas ng bahay namin dahil natamaan ng kidlat ang tatlong mga bata na naliligo sa ulan. Kasama ang kapatid ko sa naliligo at salamat sa Diyos nakatakbo ang kapatid ko, ngunit may tatlong naisugod sa ospital at ang isang bata ay malubaha siya talaga ang napuntirya ng kidlat wala na syang buhay nang itakbo sa ospital. At ang dalawa naman ay kritikal laking pasalamat ng pamilya at hindi grabe ang tama sa kanila. Ngunit ang kaibigan ng kapatid ko ang syang pumanaw na. Sobrang nakakalungkot. Kaya ngayon nakakaranas nanaman ng kidlat hinding hindi ko na talaga pinapalabas ang mga kapatid ko at buong pamilya ko. Sana kildat wag kana kumuha pa ng buhay ng tao.
Salamat breadcake
Ito ang unang pagkakataon n may nag upvote sa akin. Maraming salamat kahit minsan naranasan ko rin to. Maliit na bagay pero napakahalaga na. Patuloy ka lang po sa pag share ng biyaya. Salamat kaibigan
Pag ibig
Paano ba natin malalaman kung mahal mo or mahal ka ng isang tao? Malalaman ba yan s unang tingin? unang halik? hmm napakasarap balikan nung ina kong nkita ang asawa ko. Iba ang pakiramdam simula nung una ko siyang nakita, bigla kong nasabi sa sarili na ito ang taong mapapangasawa ko,kahit hindi pa niya ako nakikilala. Una hindi ko talaga inaasahan ang lahat ilang taon pa bago naging kami dahil bata pa ako that time. Simula nung una ko siyang mkita ilang taon pa ang lumipas bago kami nagkita ulit kaya hindi ko inaasahan na isang araw magtatagpo kami ulit. At mas lalo ko siyang minahal nung nakilala ko na tlaga siya ng lubos. Hindi lang sya gwapo sobrang talino pa niya. at sobrang bait kaya ganun nalang ang pagmamahal ko sakanya. Lahat ng nangyari naging magikal para sa amin. Ang pagmamahal ko sakanya noon hanggang ngayon. ikaw ano karanasan mo?
Lobo
Ang anak ko talaga napakahilig sa lobo kaya parang laging may okasyon dito sa bahay dahil gustong gusto nya ng Lobo. Palage ko syang binibilhan ng lobo tuwing puounta ako ng palengke. Mahilig din sa laruang sasakyan ang anak ko sobrang naaliw siya sa mga backhoe, traktor, at iba pa. Ngayong darating na kaarawan niya naisipan ko nanaman siyang bilhan ng lobo at mga laruan niya Sana magustohan nya ang mga ibibigay ko sakanya.
Kamusta
Kumusta po ang lahat ngayon? sa tingin ko marami ang kumikita gamit ang site na ito. Salamat sa taong nag imbeta sakin nito dahil kahit barya barya ay malaking bagay na pag naipon ay okey na din. Sana maging masaya at aktib ang mga miyembro dito sa ating kumyuniti. maging maayos sana ang lahat. Maraming salamat sayo ate na nag imbeta sakin dito. Sana marami pa ang sumali at mabigyan ng pagkakataon makaipon kahit paunti unti. Salamat ulit
Magandang buhay
Simula na naman ng araw mga kababayan. Umpisahan natin ng may ngiti at galak sa ating mga labi. Tayo man ay humaharap sa pamdemya ngayon, wag tayo mawalan ng pag asa. Mahirap man ang buhay manalig lang tayo sa sakanya. Palagi sana nating unahing magpasalamat sakanya dahil kahit ganito ang sitwasyon ng ating bansa ay may mga taos puso paribg mga mamamayan natin na handang tumulong. Palagi natin tatandaan na unahin mo ang Panginoon at hindi ka niya ilalagay sa huli. Ayan lang po ngayong umaga at Magandang buhay.
Magandang gabi
Magandang gabi sa inyong lahat nais ko lang po sanang magtanong kung ano magandang regalo sa kaarawan ng aking napakaresponsabling asawa. Bukas po ang kanyang kaarawan ngunit hindi ko pa alam ang ibibigay o gagawin ko. gusto ko sanang maging espesyal ito para sakanya.. maraming salamat po.
Sana masaya ka
Nais ko lamang ibahagi at dahil araw ng mga ama bukas, pinasaya ko naman ang napaka sipag kong asawa. Dahil wala siyang matinong selpon at palage nalang tablet ang gamit niya na napakalaki hirap hawakan, kanina lamang niyaya ko siyang mamasyal at kumain sa labas kahit bukas pa ang araw ng ama. Pinangunahan ko na hehe. Dumeretso agad kami sa pamilihan ng selpon, binili namain ang gusto niyang selpon na nagkakahalaga ng 19,999 peros award niya dahil napakasipag niyang ama.. Sana napasaya kita daddy Mahal na mahal kita❤️
Salamat aking mahal
Salamat sa aking mahal na asawa dahil kahit papano naibibigay mo parin mga gusto ko, alam ko malapit na kaarawan mo at nag iisip ako ng ireregalo para sayo. lage mo lang tatandaan mahal ka namin ng anak mo. Maramibg salamat at napakaresponsable mong asawa at ama. Ikaw ang tangibg lakas ko bawat araw kayo ng anak natin. Naway pagpalain kapa ng puong Maykapal. Mag iingat ka palage.
Mahal kong Anak
Napakabilis ng panahon simula noong sinilang kita binigyan mo ng halaga ang buhay ko magpasa hanggang ngayon. Ngayong malaki kana darating ang panahon na hindi mo na ako kakaylanganin magkakaroon kana ng sarilu mong pamilya. nakakatakot isipin bilang isang ina. Kaya naman habang ako palang ang kaylangan mo sinisigurado kong ilalaan ko lahat ng oras at pag aalaga sayo anak. Naway lumaki kang may takot sa Dyos at maging matalino kagaya ng Papa mo. Mahal na mahal kita anak.
Kaarawan
Maligayang kaarawan sa aking kapatid☺️ Tanging hiling ko para sayo ay maging malusog at manatiling maganda gaya ko. Maging masaya ka sana sa bago mong buhay ngayon at naway makamit mo lahat ng minimithi mo sa buhay sanay patnubayan ka palage ng ating puong Maykapal. Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat kapatid! muli maligayang kaarawan
Kalikasan
Marahil tayong mga tao alam kung ano ang kalikasan,kalikasan kung saan dito nanggagaling masasarap na simoy ng hangin, dito angmumula ang magagandang tanawin, magagandang ilog o dagat na naglalaman ng ibat ibang uri ng isda kung daan pwede nating gawing hanap buhay. Mga ibat ibang hayop na pwede nating kainin, kayat magpasalamat tayo sa ting puong may kapal dahil binigyan niya tayo ng kalikasang punong puno ng pag asa sa bawat tao. Kalikasan n kaylan may hindi mauubusan ng biyaya para sa sa atin kayat sanay wag natin sayangin bagkus itoy ating pangalagaan at huwag abusuhin.
Linggo
Araw nanaman ng linggo sa panahong ito sana ay nasa harapan tayo ng ating panginoon, ngunit nang dahil sa pandemya ngayon ay naririto lamang tayo sa ating mga tahanan.
Subalit maari rin natin syang kausapin ng mataimtim at humingi ng tulong upang mapuksa ang mga nangyayaring masama sa ating paligid.
Panginoon dinggin mo po ang aming panalangin naway iligtas mo ang lahat sa sakit na nangyayari sa aminh mundo. Patnubayan nyo po kami, naway makatuklas na po ng gamot para sa kumakalat na sakit. Panatilihin mo pang ligtas ang akibg buong pamilya mga kaibigan at ang buong mundo Panginoon. Maraming salamat po.
Aking asawa
Bawat babae naghahangad ng matinong asawa at responsable, at masasabi ko na isa ako sa mga maswerteng babae dahil nakatagpo ako ng isang lalaki na napaka talino at napakaresponsable at higit sa lahat gwapo☺️ Kahit minsan hindi maiiwasan ang tampohan lalo na ako bilang isang babae gusto ko kung paano kmi nag umpisa noon ganon parin sana kami hanggang ngayon kahit may anak na kami. Mahal na mahal ko ang asawa ko kahit minsan nagtatampo ako sakanya, pero higit sa lahat maswerte parin ako sa aking asawa.
Pamilya
Napakasarap mabuhay sa mundong ito kapag ganito kasaya ang pamilya mo buo. Sa panahon ngayong pandemya kaylangan natin ng pamilyang handang sumuporta at tumolong sayo.
Araw ng kalayaan
Sadyang sa paglipas ng mga panahon ay unti unti na tayong nakkaalimot sa araw na ito. Itong araw na ito na syang sumasagisag ng ating kalayaan mula sa kamay ng mga bansang mananakop.
Ating sanang laging ginitain ang mga pagkakataong ganito sapagkat dito masasariwa kung paano ipinagtanngol ng bawat pilipino ang lupang sinilangan. Buhay nilay kanilang inalay para lamang maipakaita sa buong mundo na ang isang pilipino ay katapangan sa kataway dumadaloy.
Sa araw na ito, akoy lubos na namamangha sa mga kapawa nating pilipino na nagtayo ng ating bandila. Sabhin man ng ibang lahi na tayoy isang mangmang pero ang katapangan naman natin ay di natinag sapagkat nanalantay sa ating dugo ang pagtutulungan at pagkakaisa.
Mabuhay ang bansang Pilipinas!
Araw ng kalayaan
Sadyang sa paglipas ng mga panahon ay unti unti na tayong nakkaalimot sa araw na ito. Itong araw na ito na syang sumasagisag ng ating kalayaan mula sa kamay ng mga bansang mananakop.
Ating sanang laging ginitain ang mga pagkakataong ganito sapagkat dito masasariwa kung paano ipinagtanngol ng bawat pilipino ang lupang sinilangan. Buhay nilay kanilang inalay para lamang maipakaita sa buong mundo na ang isang pilipino ay katapangan sa kataway dumadaloy.
Mabuhay ang bansang Pilipinas!
Aking Ama
Malapit nanaman ang araw ng mga ama, nag iisip na ako ano pwedeng iregalo sakanya. hindi naman sya mahilig s mga materyal na bagay dahil nasa bahay lang naman sya at hindi lumalabas. Ano kaya ang pwede kong ibigay skanya. Napakabuti nyang ama! tinaguyod nya kmi para makatpos sa pag aaral. Mahal na mahal ko ang aking ama sana makasama pa namin sya ng matagal n matagal at maiparamdam ko saknaya kung gaano ko sya kamahal
Malaya
Wag mo sanang pahitapan ang sarili mo sa mga bagay na alam mong makakasira sayo. matuto kang palayain ang sarili mo mula sa mga bagay bagay na makakasakit sayo, ang pagmamahal nandyan lang yan, kahit kaylan wag na wag mong iisiping walang nagmamahal sayo sapagkat nandyan ang pamilya mo mga kaibigan mo na handang magmahal sayo kahit walang kapalit. Kapag mahal mo talaga sya matuto kang magparaya para sa ikakasaya nya. Wag mo sayangin ang panahon dahil hindi lang iisa ang tao sa mundo, may tamang tao, tamang oras at panahon para sayo. Ang dapat mo lamang gawin ngayon ay palayain ang taong minamahal mo upang mas maging matibay kapa sa susunod n pagmamahal mo.
Ikaw
Kahit anong pagsubok o problemang dadating sa buhay mo, wag ka sumuko matuto tayong lumaban. Dahil sa bawat hamon ng buhay kaylangan mong maging matibay. at hindi agad sumuko. Para sa mga taong nagbabasa nito hinahangaan kita. Wag mong suklian yung isa pang kamalian yung mga taong ginawan ka ng mali, magpakatao ka. wag mo kalimutan kung sino ka dahil sa mga sinasabi nila. Saludo ako sa mga kagaya mong tao. Ano man ang mangyari sa buhay mo matuto kang makontento at magpasalamat sa panginoon. May plano ang Diyos para sayo. Ikaw
Bitcoin
Mining bitcoin is the easiest way to earn money,i will teach you how you can earn 0.06btc, 0.09btc, 0.1btc 0.2btc all directly inside your wallet without sending money to anyone .
Tanghali
Tanghaling tapat napakainit ng sikat ang araw ito ang mga oras na kaylangan magpahinga kaylangan sumilong upang hindi masakit sa balat at hindi magkasakit, ngunit may iba tayong kababayan na kahit na tanghaling tapat ay nakakababad sila sa mainit n sikat ng araw para lang makapag hanap buhay gaya ng mga mangingisda, magsasaka, grab drivers, construction workers at iba pang trabaho na bilad sa sikat ng araw. Sa mga katulad nyo po sana ay uminom ng maraming tubig para lumakas resistensya laban sa init ng panahon.
Pasahero
bilang isang pasahero napapaisip tuloy kung saan tutungo, manong tsuper sa kabilang kanto lang po, manong tsuper sanay mag ingat sa pag bibyahe dahil maraming pasahero ang umaasa sayo na makarating ng maayos sa paroroonan. Manong tsuper habang kami ay nakasakay sa jeep mo kami ay may pangamba, at takot ngunit kami ay may tiwala sayo at may kasamang dasal na sanay walang mangyaring masama saaming mga pasahero mo. Salamat
Asenso
Lahat tayo gusto umasenso at gumanda ang buhay. (Kaya nga tayo lumalabas araw-araw)💪May kanya-kanya tayong panahon. (#Tamangoras) ❤❤Kung may nakakaangat at nauuna man, huwag tayo mainggit. (Mag pursige din) Ganyan talaga, may tao talaga na mas magaling sa atin. (Tanggapin mo ang katotohanan) Ang mahalaga, kung hindi man natin sila kayang pantayan, sana wag natin siraan. 😊😊😊 (Hindi ka naman kasi aasenso kahit saraan mo ako). Wag sayangin ang oras para pasikatin ang iba. instead Gumawa ka ng mabuti para mag level up ka.
Balut
Tayong mga pinoy likhang mahilig tayo sa mga pagkaing kalye gaya na lamang ng balut na talaga namang napakasarap at malinamnam. Ako isa sa mga paborito ko talaga ang balut lalo na pag mejo malaki ang sisiw at sabayan mo ng suka. tiyak mapapa wow ka tlaga sa sarap. Tara magbalut tau mga kababayan.
Hating gabi
Hating gabi na pero ito parin ako gising na gising at buhay n buhay parin ang pag iisip, Iniisip kung anong buhay nanaman ang tatahakin sa hinaharap. napakabilis ng panahon, kaya napapaisip ako ilang na ako sa mundong ito ano naba naimbag ko sa mundong ito. marahil ay hindi ko pa nasisilayan ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Hating gabi na ngunit napapaisip parin ako ano kayang dapat gawin at pagtuunan ng pansin, sa panahon ngayon kaylangan natin ng tulong ng mahal na Panginoon.Hating gabi na ngunit tinatawag ko parin ang pangalan nya, tila gusto nyang palage ako nkikipag usap sakanya. Hating gabi na at alam ko may bukas pa akong haharapin para sa isang bukas pa hanggang makamit ko ang aking tagumpay. Salamat po. Magandang hating gabi.
Dapit hapon
Ito nanaman oras nanaman ng pahinga sa isang buong araw na pagkakayod para kumita kaylangan din natin magpahinga,upang kinabukasan ay malakas tayong muli.
Masasanay din ako
Lahat ng bagay tlga nawawala, nagbabago at nakalimot kung saan ang umpisa.May mga bagay na darating at mawawala sayo. Amg kaylangan mo lang gawun ay tanggapin at kilalanin ang sarili mo kung ano meron ka, at pilit mong pag aralan lahat ng bagay na pwede mo ibagahagi s iba.
Tulog na anak ko
Napakulit at napakalikot ng anak ko, kakatulog lang nya dahil pagod sa kakaligo nya gustong gusto nya magbabad dahil sa sobrang init ng panahon. pero syempre pinakain ko muna sya ng masasarap at masustansyang gulay bago matulog. salamat po