Quarantine
Pangwalong araw ko na dito sa quarantine facility ng aming gym dito sa lungsod ng Guindulman sa Bohol. At sobrang nakakaexcite habang papalapit na ang araw na makalabas na ako dito para makapiling ko na ang aking pamilya.
Ito pala ang mga cubicle na kong saan pansamantala kaming pinapatuloy habang naka quarantine kami at mga kasamahan kong mga LSIs.
Nakakaboring man kasi buong araw kami anjan sa loob ng cubicle na parang gagamba hahaha. Medyu nahihighblood na ako panay higa at tulog. Bawal kasi makipag-usap sa kapwa LSI at bawal lumabas sa cubicle. Makalabas kalang kong maligo at mag CR.
May 6 days pa bago ako makalabas ng lungga hahaha. Pero paglabas namin dito ay may another 7 days pa na home quarantine at bawal parin lumabas ng bahay habang nakahome quarantine..😅
Simula ng lockdown hanggang ngayon ay hindi pa ako nakapagpahaircut kaya medyu mahaba na ang aking buhok😅😅😅.. Pero ilang araw nalang ang pagsasakripisyo dito at makauwi na.
abzero:)
Tronexpress
This is fully verified and an open source smartcontarct platform that is 100% transparent and fair to all depositor, contract will continuously run on Tron blockchain.
After every deposit, a member can start withdrawing his earnings every minute as long as there is funds available to withdraw.
A 50% ROI daily-return on investment on your deposit will be credited to your account and this will be continue forever if contract has funds.
There is no limit or maximum in deposit but it has 50 TRX minimum investment when you try this platform.
The bigger your deposits the more you earn. You can also apply the strategy of compounding for bigger profit. For each deposit, contract gives 40% distributed to referrers. Referral commision is transferred directly to referrer's account.
But before that, first, you must download or install the Tronwallet from Playstore to be able to join this platform.
Here's the link: https://www.tronexpress.io/?ref=TCxpDQTPT3P11giSwyBFCDsD1EuimdKbFw
For more information and inquiries. Just leave a comment below.
NOTE: FOR RISKTAKER ONLY!!!
Tronexpress
Ang tronexpress ay isa ngayon sa mga bagong smart contract na lumabas sa market sa pamamagitan ng tronwallet.
Ito ay isang open source smartcontract platform na 100% transparent sa lahat ng mga depositor at investor na ang kontrata nito ay pinatatakbo sa pamamagitan ng tron blockchain.
Pagkatapos ng bawat deposito ng tron ay ang bawat membro nito ay pwede ng magsimulang magwithdraw ng kita kada minuto na kong available na ang funds nila.
Ito ay may 50% ROI- return of investment kada araw na mapupunta direct sa account ng investor hanggang may pumapasok na funds. Pwede rin ireinvest ang kita mo kada araw para lalong lumaki ang funds mo.
50 trx ang minimum deposit nito at walang maximum investment dito kaya mad maganda kong malaki ang einvest mo para malaki ang balik na kita kada araw.
May ibang kitaan pa dito bukod sa 50% ROI. Pwde ka dito mag invite sa mga kakilala at kaibigan mo na willing mag invest.
40% referral rewards hanggang level 8. Ang 1st level ay 20% referral rewards.Halimbawa kong mag invest ang direct referral mo ng 1000 pesos ay may makukuha kang 200 na direct mapupunta sa trx wallet mo.Maganda to kasi hanggang level 8 pwde ka kikita sa mga downlines mo.
Pag e grab mo ito kilangan lang einstall mo ang tronwallet sa playstore. Dito kasi pwede malink ang trx address mo at pwde kanang mag start.
Sa gustong subukan ito wag mahiyang magtanong at magcomment sa baba.
NOTE: FOR RISKTAKER ONLY!!!
Mga Mando Sulod sa Quarantine Facility
1. Magpabilin ang LSI sa kaogalingong kwarto sa tanang panahon, gawas lamang kung kinahanglang mogamit sa banyo.
2.Batasanon ang paglimpyo sa CR kada human ug gamit, katahuran sa sunod na mogamit niini.
3.Labing batasanon ang kanunayng paghugas sa kamot o pag-sanitize.
4.Hugot na ginadili ang pakig-istorya ug pakighimamat sa ubang mga LSIs.
5.Hinayon ang tingog sa makanunay aron malikayan ang pagdisturbo sa uban.
6.Kung boot magpasounds limitahan ang volume nga madunggan lamang sulod sa kaugalingong kwarto ug dili makadistorbo sa uban.
7.Ang suga palungon sa wala pay alas 10 sa gabie.
8.Ang mga authorized personnel lamang ang tugotan nga mosulod sa quarantine facility.
9.Ginadili ang pagpanigarilyo, pag-inom ug makahubog sulod sa pasilidad.
10.Hugot ng ipatuman ang SOCIAL DISTANCING sa mga ubang LSIs, pamilya ug DOH/quarantine officers.
11.Ang pagpanglimpiyo sa kwarto atimanon sa okupanti.Dili girekomenda ang pagpanglaba sa mga sinina ug ubang gamit sulod sa pasilidad.
12.Sprayhan ug disinfectant ang trash bag usa kini ipagawas sa kwarto.
13.Walay itugot na room service.
14.Motuman sa mando sa mga health officers ug kanunayng pagbaton ug respeto sa ilaha.
15.Magpahibalo dayon sa atong health workers kong adunay bationg mga sintomas sama sa hilanat, ubo, sip on,karat sa tutonlan ug diarrhea.Dili itago ang gibati tungod kay posible ni makatakod sa ubang LSIs.
Mao ni anq mga rules ug pahimangno sulod sa quarantine facility na akong nahimotangan..
abzero:)
Sua Peak
Ito ang Sua Peak na matatagpuan sa Barangay Sua, Inabanga, Bohol. Kahalintulad ito ng Necitas Garden ng Pilar Bohol na aking nafeatured na dati.
Ito ngayon ang isa sa dinadayo at pinupuntahan ng mga turista dito sa bayan ng Inabanga.
Malapit lang din ito sa Sagbayan Peak na nafeatured ko na rin dati. Mga 8 kilometro mula sa Sagbayan Public Market mula sa national road ng lungsod ng Danao.
Sa ngayon ay lalo pa itong pinapaganda at inaayos. Mahigit 30 thousands ang artificial na mga bulaklak ang nilagay dito na may led light sa loob nito at magandang pagmasdan tuwing gabi.
Mas malawak at malaki ang lugar na ito kompara sa Necitas Garden ng Pilar.
Mura lang ang entrance fee nito. php20 lang kada tao. Bukas ito araw araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Swak ito pasyalan ng mga magkasintahan at pamilya. Maganda dito magrelax at mag enjoy sa panonood ng mga nagagandang mga bulaklak.
Plano ko nga paglabas at pagkatapos ko maquarantine dito at wala ng virus ay balak kong puntahan at pasyalan ang naturang lugar kasama ng pamilya ko. Maraming akong gustong puntahan dito sa Bohol dahil sa ngayon ay nakauwi na ako..
abzero:)
Inabanga Bohol Covid-19 Update
MULA sa LGU INABANGA COVID-19 UPDATE:
Isang taga barangay Cuaming, INaBanga Bohol ang namatay sa Gobernador Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH) kahapon.
Ayon sa opisyal na pagsusuri sa ospital, namatay ang taga-isla ng "Central Brain Herniation Secondary to Cerebrovascular Disease Bleed Right Basal Ganglia Suspect COVID-19 (Hindi Laboratory Confirmed)."
Kumuha kaagad siya ng isang swab sample at ipinadala ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center para kumpirmahin kung positibo o negatibo siya para sa COVID-19.
Ang kanyang katawan ay inilibing doon ng 12 oras alinsunod sa mga patakaran ng Department of Health. Ang DOH AY muling nagsagawa ng pakikipag-ugnay sa mga nakatagpo nito at nakakasalamuha sa kanilang tahanan upang matiyak ang kaligtasan ng pamilya nito at ang mamamayan ng Inabanga.
Sa ngayon patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga naging positibo sa Covid ang lalawigan ng Bohol. Sana maging alerto at may disiplina tayo sa sarili natin para hindi na dumami ang mga positive cases ng naturang virus.
abzero:)
Pangatlong araw ko dito sa Quarantine facilities ng Guindulman Gym bilang LSIs (locally stranded individual). Kahit nakakaboring dahil ilang araw pa bago makalabas dito pero masaya at excited na ako makita ang pamilya ko na hindi ko lubos akalain na makakauwi ako sa kabila ng napakaestriktong safety protocool na pinatutupad ng aming lalawigan dito sa Bohol. Bagamat nagpapasalamat ako sa mga nag oorganize sa Hatid Tulong Initiative na may pakana nito ay si Sen. Bong Go. Maraming salamat pati narin sa DSWD at PNP na mga frontliners na sa kabila ng banta ng Covid ay nanjan kayu umalalay at nagbubuwis buhay para lang magampanan ang inyong mga tungkulin..At higit sa lahat hindi ito magiging makatotohanan ang pag-uwi namin kong di dahil na rin sa ating Philippines Coast Guard na naghatid sa amin. Salute sa inyo mga sir/madam..
Nagreklamo
Isang babae nagreklamo dahil hindi pinaupo ng lalaki at pinost pa ito sa Facebook..
Bus ang isa sa pangunahing mode of transportation sa ating bansa ngayon. Pero sa sitwasyon ngayon sa traffic, minsan hindi maiwasang mainis kung hindi ka makakaupo dahil siksikan at maraming nag-aagawang mga pasahero.
Isang Facebook post ang nagviral kamakailan matapos magpost ang isang babaeng hindi umano pinaupo ng lalaki sa isang bus.
Ito ay ipinost ng netizen na si Fran Rusti. Sa kanyang post, ipinakita niya ang isang babaeng nagngangalang Rizzy Nicole De Guzman. Sa nasabing post, makikita na nagreklamo ang babae sa isang lalaking nakaupo sa kanyang harapan.
“Baliktad Na Talga Mundo Ngaun Lalake Na Ang Naka Upo. Babae Na Ang Naka Tay Hahahaha,” eto ang post ng babae.
Hindi ito nagustuhan ni Fran Rusti; eto ang kanyang saloobin na ipinost niya sa kanyang Facebook account:
“Isang babae na gustong umupo sa bus nag picture sa lalakeng naka upo!na baliktad na daw ang mundo ngayon ang lalake naka upo ang babae naka tayo! Ate hindi porket babae ka dapat kang paupoin ni kuya, lahat tayo pagod galing trabaho hindi obligation ni kuya na paupoin ka!nag picture kapa sa kanya pinag tawanan niyo pa😔EQUALITY dapat!hindi mo alam ang pinagdadaanan ni kuya😔sana ma hanap natin si kuya at makasohan si ate!sana mag pa Tulfo si kuyang nasa picture!🙏 abangan na lang natin."
Hatid Tulong Initiative
Noong nakaraan buwan ay isa ako sa nag-apply ng Balik Probinsya Program (BPP) ni Sen. Bong Go. Dahil na rin sa hirap bumili ng ticket at isa ako sa nagbabasakali na matawagan para makauwi ng probinsya at makakuha ng ticket. Pero lumipas ang isang buwan ay wala paring feedback or kahit email para malaman na kasama ako. Tapos nabalitaan ko nalanq na kanselado na ang balik probinsya program. Nakakadismaya ang balitang iyon.
So ayun, kahapon may nagtext sa akin ng ganito:
**Ikinagagalak po namin ibalita sa inyo na ang Hatid Tulong Initiative para sa Locally Stranded Individuals (LSIs) ay magkakaroon po ng BIYAHEnihan sa mga sumusunod na schedules:**
**July 4- Mindanao (maliban sa CARAGA region)**
**July 5- North Luzon**
**Sa mga may gusto ng libreng biyahe pauwi sa kanilang probinsya, maaring itext ang mga sumusunod:**
1. **BUONG PANGALAN (Name)**
**2. KUMPLETONG HOME ADDRESS ng PROBINSYA**
**3. CONTACT NUMBER**
**At ipadala sa:**
**0956 314 6376**
**Magtungo sa Quirino Grand Stand, Manila, 7:00AM sa petsa ng inyong biyahe, DALA ang inyong 1 Valid ID at photocopy ng valid ID**
**Ang Hatid Tulong na po ang mag aasikaso ng inyong Medical Certificate at Travel Authority**
**#wehealasone**
**#GOforth.safetravel**
Syempre nagreply ako nilagay ko buong pangalan ko address ko sa probinsya. Tapos mga ilang minuto ito reply:
**Nais naming ipaalam na kayo ay kasama sa BIYAHEnihan. Maaring mag tungo lamang po sa Quirino Grand Stand ng 7:00AM**
**July 4- Mindanao (maliban sa CARAGA region)**
**July 5- Region 7 (maliban sa cebu at Mactan) at North Luzon**
**Huwag kalilimutan ang inyong VALID ID at Photocopy ng VALID ID**
**#wehealasone**
**#GOforth.safetravel**
Sa tingin niyo totoo kaya to or simpleng pangluluko lang kasi tinatawagan ko ang numero ayaw naman sagutin tapos ecacancel pa..then kaninang hapon hindi na makontak ang numerong iyan..
Virgin Island
With stunning waterfalls, gorgeous beaches and the well-known famous Chocolate Hills, the province of Bohol is one of the top tourist attractions in the Philippines. One of the most popular tourist spot is the Virgin Island of Panglao. Panglao and Bohol are two nearby islands connected through two bridges. It take about 20 kilometers from Tagbilaran City away to Panglao Island.
This is the aerial view of Virgin Island. This is one of the most iconic islands destination in Bohol, lies in the middle of the relatively shallow area between Balicasag and Panglao Island.
Its main draw a lengthy sand bar that curls and fades into the sea like a tail of a mischievous tadpole. The sandy runway makes a postcard perfect backdrop.
The location of this island is a little far from the island of Panglao. Its take 10 minutes boat ride from the Alona Beach Resort in Panglao. You can also ride their shuttle from Panglao Port. Do take note that they only accept passenger starting 9 in the morning. You'll be given a priority number that will be called when its your turn to board a boat. The shuttle is available from 9 am to 2 pm with their last call at 3 pm going back to Panglao port.
The Virgin Islands is a small strip of white sand with no vegetation on it make this island unique, sorrounded by the clearest water you've ever seen. The water sorrounding the island is pretty shallow and you can head further from the chaos and enjoy some privacy. The water here is incredibly clear.
Further, you'll fine a one hectare long sandbar that will truly make you feel like you're in paradise. You can also walk to the end of the sandbar to fully embrace the serenity.
It is recommended to visit the island in the morning during weekdays if you some alone time. But nonetheless, it doesn't get too crowded so its still alright to visit in the afternoon. So dont forget to bring sunscreen, this is the most important thing you should have with you when visiting Virgin Island. The sun here is very strong and it will damage your skin if you won't wear sunscreen.
abzero:)
Lonoy Cold Spring
Bukod sa Kinahugan Falls ay may isang lugar din ang dinarayo ng mga tao dito sa Jagna ito ay ang Lonoy Cold Spring. Malapit lang ito sa Kinahugan Falls na nafeatured na sa una nating articles.
Ang entrance dito ay sampung peso lang. Swak ito sa mga gustong mag picnic na pamilya at mga barkada. Dinadayo ito ng mga tao kasi bukod sa maganda at malamig ang tubig dito ito ay may kakaibang klima na lugar. Napakarelaxing at nakakawala ng stress ang lugar. Ang pool dito ay man-made pero ang tubig dito ay galing sa ilog na nanggagaling sa bukiring bahagi ng Jagna.
May mga cottages dito na pwedeng rentahan at may mabibilinh souvenirs din dito. Maraming naliligo dito sa araw ng sabado at lingo. Nice ang lugar at isama mo pa anq napakalamig na tubig nito.
abzero:)
Kinahugan Falls
Many falls can be found in the province of Bohol, Philippines. I love falls so i will take you to one of these falls.
This is Kinahugan Falls located in small hilly Sitio of Karap-agan, Brgy. Cabungaan, Jagna, Bohol, Philippines.
From Tagbilaran City you can take ride a bus to Dao Integrated Bus Terminal to Municipality of Jagna are always available at Php 60.00 and Vans gor hire at Php 80.00 per passenger.
Upon arriving at Jagna Market, one can have a fare fo Php 40.00 per passenger in going to the site via motorcycle with approximately 5 kilometers from the town proper.
From the road it will take another 1 and half hours hiking before we reach the falls because there is no vehicles can be enter. But when you get there you can see how unique and amazing beauty of the place you have been.
The three waterfalls are trigonomical in nature. The center falls is flanked by one on the northern dice of the cliff and thw other of southern part where all side are almost covered with moss.
The cliff is about 50 feet high. The biggest and the swiftest of the three waterfalls settle down into the great basin of about 15 feet deep and no less than 60 feet in diameter.
The unique attraction of this scenic spot spells great difference from the other waterfalls throughout Bohol.
To go there is required to bring own food and water. It is open to the public everyday and its only free in entrance. Adult are strongly advised to keep a watchfull eye on their kids. The water is swift and may carry them away. It is a good idea if they bring their floaters along during the trip.
We must follow the rules, guidelines and safety protocol of the area to avoid any accident. Do not throw any trash and garbage to maintain the cleanliness and to be preserve the natural beauty of the area.
abzero:)
Kinahugan Falls
Maraming mga falls ang makikita sa lalawigan ng Bohol. Mahilig ako sa mga falls kaya dadalhin ko kayo sa isa sa mga falls na ito.
Ito ang Kinahugan Falls na matatagpuan sa Sitio Karap-agan, Brgy. Cabungaan, Jagna, Bohol.
Kong galing sa Tagbilaran City pwedeng sumakay ng bus sa may Dao Integrated Bus Terminal papunta sa Jagna.
Php 60.00 lang ang pamasahi galing ng Tagbilaran. At pagdating mo sa lungsod ng Jagna sakay na naman ng motorsiklo (habal-habal) Php 40.00 ang pamasahi kada tao patungo ng falls. Mga 5 kilometro ang layo mula sa sentro.
Mula sa kalsada maglakad pa ng isat kalahating oras bago marating ang naturang falls dahil hindi makapasok ang anumang sasakyan.
Matutulis na mga bato at paakyat ang daan papunta at dapat may pag-iingat sa bawat paghakbang. At hindi rin ito recommended sa mga kabataan dahil na rin sa delikado ang daanan dito.
Pero pagdating doon masaksihan naman ang kagandahan ng lugar. Pawi ang pagod at hirap sa pagpunta at nakaka amazed ang lugar.
Ang naturang falls ay may tatlong falls na magkahiwalay. Napapaligiran ito ng bangin na ang taas ay 50 feet at ang lalim ng falls ay nasa 15 feet at ang lapad ay nasa 60 feet ang kabubuan.
Walang bayad ang pagswimming dito at kilangan lang ng sariling pagkain at tubig.
Bukas naman to sa publiko araw araw at hindi advisable ang mga bata na maligo dito kasi malakas ang daloy ng tubig at baka maanod sa baba.
abzero:)
Bugnaw Ce-e Beach
Ang Bugnaw Ce-e Beach ay hango sa salitang bisaya na "bugnaw" na ang ibig sabihin sa tagalog ay malamig. Oo malamig ang dagat dito dahil na rin siguro sa berdeng lumot dito sa tabing baybayin na nakayakap sa mga bato.
Ito ay matatagpuan sa Barangay Candabong, Anda, Bohol. Mula Tagbilaran City ay mga 2 hours ang biyahe patungo rito kong private vehicle ang sakyan.
Sa lahat ng beach sa lungsod ng Anda ay ito lang ang public beach na walang mga cottages, walang mga upuan at misa. Libre at walang bayad ang pagswiswimming sa nasabing beach. Kaya maraming pumupunta dito kasi bukod sa libre at maganda ang lugar ito ay may malinaw at malamig na tubig dagat.
Ito ang asawa ko at ang dalawa kong anak noong pumunta kami dito para mag swimming. Malapit lang ito sa lugar namin mga 20 minuto kong magmotor.
Sa mga gustong maligo dito dapat may sariling dalang pagkain at tubig kasi walang mapagbilhan dito dahil walang malapit na tindahan.
Kahit walang nagbabantay dito dahil libre lang dapat may disiplina pa rin tayo sa sarili na bawal magkalat at magtapon ng basura sa dagat. Para mapangalagaan at manatiling malinis ang lugar.
abzero:)
Bayugan City
Ang Bayugan City ay panglima na Class City at tinatawag din na "Rice, corn and cutflower capital sa buong probinsya ng Agusan del Sur.
Matagal-tagal din akong nakatira dito sa Bayugan City kaya naisip ko na eflex ko ang mga lugar na kong saan ako dati lagi namamasyal.
Ito ang Bayugan City Rotonda at isa sa pinakamalawak na rotonda sa buong Pilipinas. Dati dito ako laging namamasyal tuwing gabi kasama pinsan ko. Nilalakad lang namin to mula sa bahay at mga 15-20 minutes bago makarating kami dito. Masarap naman maglakad dahil malamig ang hangin sa gabi at tsaka di naman mainit. Maraming namamasyal dito tuwing gabi dahi maganda tignan ang fountain na may ibat ibang kulay.
Ito ay kuha pa noong 2012 pa sa Rotonda. Kasama ko dito dalawa kong pinsan para mamasyal.
Ito naman ang Lope A. Asis Gymnasium na isa sa mga matataong lugar sa panahon ng may fiesta rito. Dito ginugunita ang mga programa, mga pageant at mga basketball league ng naturang syudad.
Sa ngayon na mimiss ko na ang Bayugan City hindi lang sa mga magagandang karanasan ko dito pati narin ang mga taong nakilala at nakakasalamuha ko. Sana makadalaw at makapasyal man lang ako ulit dito sa darating na panahon.
abzero:)
Ughuban Spring
Dito naman tayo mamasyal sa Ughuban Spring na matatagpuan sa Brgy. Cambuyo na sakod ng lungsod ng Garcia Hernadez, Bohol. Ito may lalim na 40 metro at ito ay ang pangunahing nagsisilbing patubig sa mahigit 118 ektaryang palayan at ibat-ibang agricultural na pananim ng lungsod.
Dahil sa malinis at malamig nitong tubig ay dinadayo ito sa mga mahihilig maligo at gustong magpalamig.
Dati ay bukas ito sa publiko para sa pagswiswimming sa mga gustong mag-enjoy at magpalamig sa naturang spring pero ngayon ay pansamantala itong sinara sa publiko.
Sana pag-uwi ko sa bakasyon ay muli itong buksan sa publiko para naman makapagswimming kami dito dahil malapit lang to sa aming lungsod at madali lang itong puntahan at pasyalan.
abzero:)
Inabanga River
Ang Inabanga River ay ang pinakahabang ilog sa buong Bohol. Ito ay may haba na 25 kilometro at 10 metro ang lalim. Ang pangalan nito ay nangunguhulugang "Rented River" na galing sa salitang-ugat nito na "abang" na ang kahulugan sa tagalog ay "upa". Dahil ito sa pag-ataki ng mga buwaya dito noong unang pahanon sa mga naninirahan dito na kumitil at ikanamatay kaya itinuturing upa ang paggamit ng ilog.
Ito rin ay tinatawag na Amazon River ng Pilipinas. Sa ngayon ay pinapasyal ang naturang ilog dahil may bagong gawa at bukas na hanging bridge ng lugar. Makikita ang bagong hanging bridge sa Brgy. Napo, Inabanga, Bohol.
Ito ang aerial shot ng naturang hanging bridge na ngayo'y dinadagsa na ng mga turista.
30 minuto ang biyahe mula Tubigon na may habang 19 kilometro.
60 kilometro mula sa Tagbilaran City na may isat kalahating oras ang biyahe.
10-15 minuto naman galing sa sentro ng lungsod.
Sa ngayon ay wala pang bayad ang pamamasyal dito. Pwedeng magswimming dito at magdala lang ng sariling makakain at wag lang magkalat sa naturang ilog para mapanatili ang kalinisan ng lugar.
abzero:)
Jardin Necitas
Ito ang Jardin Necitas na kilala rin sa tawag na Bohol Glowing Garden na matatagpuan sa Purok 5, Bagumbayan, Pilar , Bohol. Gawa ang mga bulaklak sa plastic na nilagyan din ng LED light sa loob at umabot ito ng 20,000 na piraso ng mga bulaklak.
Bukas ito araw-araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Php 30.00 lang ang entrance fee kada tao at pwede ka ng magselfie at mag groupie kasama ng mga barkada, kaibigan at kamag-anak sa isang hardin na puno ng libo-libong rose at tulips flower. Perfect din ito sa magkasintahan kasi napaka romantic ng lugar na animoy nasa paraiso ka na nalilibutan ng mga naggagandahang mga bulaklak.
Mas maaapreciate mo lalo ang lugar tuwing gabi dahil sa malaparaiso nitong mga kulay na umiilaw sa kalagitnaan ng gabi na maganda sa paningin.
Mapawow ka sa nag-iilawang mga bulaklak at very nice tignan nito sa pagkakasunod nitong mga kulay.
Dinadayo at pinapasyalan ito hindi lang taga rito kundi sa taga malalayong lugar katulad ko.Pumunta kami ng misis ko at anak ko dito nong kagagaling lang namin puntahan ang chocolate hills. Hindi na namin to naabutan na umilaw sa gabi kasi dumating kami dito mga 4 pa ng hapon. Umuwi kami mga 5 pasado na ng hapon kasi malayo pa byahi namin kaya di namin naabutan na umilaw ang mga ito. Pero nice parin ang experience kasi nakita namin kong gaano kaganda ang lugar pati na rin ang libo-libong bulaklak.
Nafeatured na rin ito sa Rated K ng ABS-CBN at 24 ORAS weekend kaya kilala ito sa buong Bohol.
abzero:)
Pahangog Twin Falls
Kilala ang probinsya ng Bohol sa mga tourist attraction tulad ng Chocolate Hills, Panglao Island at mga nagagandahan mga falls. Isa na dito ang Pahangog Twin Falls na matatagpuan sa Brgy. Guingoyuran, Dimiao, Bohol at ito ay hindi magpapahuli sa ganda.
Mula Tagbilaran City mga 1 oras ang byahi papunta dito. Kahit malayo layo pa ang lakarin mula sa sentro ng lungsod ng Dimaio ay sulit parin ang pagod dahil sa kagandahan ng lugar.
Ito ay may taas na 30 meters (90 feet).
Tinatawag itong twin falls kasi nahahati ito sa dalawang falls. Napapaligiran ang nasabing falls ng mga naglalakihang kahoy kaya ang klima dito ay malamig lalo na pagnakababad ka sa tubig.
Napapaligiran din ito ng mga bato at makikita rin dito ang mga klasi klasing porma ng stalactites at stalagmites. Banayad lang ang bagsak ng tubig mula sa taas kahit mataas ang falls. Malakas lang ang tubig nito pag umulan at pahanon ng taglamig. Dahil napaligiran ito ng mga kahoy asahan mong malinis at malamig ang tubig. Sarap lumangoy at magtampisaw lalo na sa pahanon ng tag-init.
Bago maligo at lumagoy dapat tandaan ang mga safety rules at guidelines kahit saan man na mga tourist destination para manatiling ligtas at mapanatili rin ang ganda ng mga lugar na pinapasyalan.
abzero:)
Sipatan Twin Hanging Bridge
Ito ang aerial view ng Sipatan Twin Hanging Bridge na matatagpuan sa Sevilla Bohol. Ang tulay nato ay nag-uugnay sa Sitio Sipatan Brgy. Ewon at Sitio Ilawod Brgy. Lobgob ng lungsod ng Sevilla.
36 kilometro ang layo nito mula sa Tagbilaran City na nagiging stop-over sa mga turista na patungong Chocolate Hills ng Carmen, Bohol.
Ito ay may 40 metros ang haba at ang nasabing tulay ay gawa mula sa kawayan na nagsisilbing daanan ng mga tao at nagiging tourist attraction sa lugar. Nagiging pasyalan ito bukod sa maganda ang lugar at malinis ang ilog nito kundi napaka unique ang pagkagawa ng naturang tulay na kawayan at masasabing napaka tibay ng tulay kahit iti ay gawa lamang sa kawayan.
Ang tulay na ito ay nagsisilbi rin na daanan ng mga produkto at para maihatid ng mabilis ang mga pangangailangan ng taga rito at di na mapalayo ang biyahe. Hindi inaasahan ng mga taga rito na magiging tourist attraction ang nasabing tulay kaya ngayon mas lalong pinatibay at pinaganda pa ang tulay at para mas maenjoy pa ito ng mga bibisita dito.
Sa dulo ng tulay ay mga mga maliliit na tindahan na nagtitinda ng mga native handicraft na nagsisilbing souvenir ng lugar at nagiging hanapbuhay din ito sa taga rito. Malaking tulong ang tulay hindi lanq sa transportasyon kundi rin sa hanapbuhay at naging pasyalan ito.
Sana tangkilikin pa ito ng mga dayuhan at para na rin makatulong sa mga tao dito na maipakita ang angking kagandahan ng lugar.
abzero:)
Sikatuna's Mirror of the World
Ito ay tinatawag ng Sikatunas Mirror of the World dahil makikita mo dito ang mga kilalang tourist attraction ng buong mundo gaya ng Eiffel Tower ng Paris France, Statue Liberty ng New York City at marami pang iba. Ito ay matatagpuan sa Libjo Sikatuna Bohol. Kong makakapunta ka nga dito at para ka na ring nakapunta sa ibang bansa. Ito ay isang proyekto ng lungsod na naglalayong mas lalong makilala at dadayuhin ng mga turista ang naturang lungsog ng Sikatuna. Kinagigiliwan at patuloy na dinarayo ang lugar at ang turismo nito ay patuloy na umaasenso.
Maraming nagpupunta dito para magpakuha ng litrato at mamasyal. Maganda ang pagkagawa ng naturang maliit na Eiffel Tower na kuhang kuha sa original nito na nasa France. Perfect ito sa mga magkasintahan na mamasyal dito.
Ang mini Statue of Liberty ng New York. Kong wala kang budget at gusto mong pumunta sa New York para makita mo ng personal ang statue dito nalang muna mamasyal at makakatipid ka pa.Hehe.
If im not mistaken sa bansang Singapore yata to makikita itong statue na to.Hehe hindi lang ako sure niyan.
At ito naman na statue ay kinopya galing yata to ng bansang Brazil kong di ako nagkamali.Maraming makikita dito na mga tourist destination at malulula ka na lang ka kakalibot ng lugar.
Kong may Hollywood sa Amerika ay Bohollywood naman sa Bohol. Hahaha
Sa gabi ay mas maganda ang lugar na ito kasi puno ng mga ilaw na mas lalong nakakabighani sa mata ng mga pumapasyal dito.
abzero:)
Binabaje Hills
Ito ang Binabaje Hills or kilala rin sa tawag na The Alicia Panoramic Park (TAPP). Ito ay matatagpuan sa Camba-ol Alicia Bohol. Sa ngayon open na ito sa mga mahihilig sa hiking. Mapalula at mapatulala ka sa kagandahan ng lugar.Araw araw marami ng pumupunta dito at sa pamamagitan ng social media ito ay nakilala.
Mula sa sentro ng lungsod sakay ng isang motorsiklo ay aabot ng mahigit isang oras bago mo marating ang lugar. Libre lang ang pagpunta dito at free kang akyatin ang libutin ang mga hills. Sa umaga makikita dito na may umaakyat at naghahiking sa lugar. Very refreshing at relaxing ang lugar.
Worth it ang pagod mo sa pag akyat sa peak. Sa paglanghap mo sa preskong hangin ay para kang naeenergize at ang pagod mo ay mapalitan ng kasiyahan sa pagmasid at pagtanaw sa malaparaisong ganda ng lugar.
Sa dapit hapon at papalubog na ang araw may dumadami na ang fog at papalamig na ang lugar.
Isama niyo ito sa bucket list kong kayo ay pupunta at bibisita sa Bohol.
abzero:)
Kawasan Falls
Katulad ng Cebu, may ipinagmamalaki rin na Kawasan Falls ang Bohol. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Balilihan. Bukod sa Camugao Falls at Mag Aso Falls sa Balilihan ay may Kawasan Falls din ang matatagpuan dito.
Mga 5 kilometers ang layo nito mula sa sentro ng lungsod ng Balilihan.
Mga 20 kilometers din ang layo mula sa Tagbilaran City na kabesera ng probinsya.
Malapit lang din ito sa isa Camugao Falls.
Ang entrance fee nito ay Php 20.00 lang na mas mura kompara sa Camugao Falls.
May mga cottages din na malapit sa naturang falls at nagkakahalaga ito ng Php 100.00 bawat isa.
Malamig ang lugar kasi napapaligiran ito ng mga malalaking kahoy at napaka presko ng hangin. Maganda ito sa mga gustong mag jamming at mamasyal ang buong pamilya.
Sa panahon ng tag-init konti lang ang tubig na bumabagsak dito. At hindi masyadong malalim ang falls. Pero kong sa panahon naman ng tag-ulan dito makikita ang ganda ng bagsak ng tubig.
Kay gandang pagmasdan ang mga nilikha ng Diyos na dapat natin alagaan at pahalagahan.
abzero:)
Camugao Falls
Ang probinsya ng Bohol ay isa sa dinarayong lugar sa buong Pilipinas dahil sa angkin nitong kagandahan at mga tourist attraction. Isa na dito ang Chocolate Hills na kilala sa buong Pilipinas, nariyan din ang isla ng Panglao na dinarayo ng mga turista na mala Boracay nitong ganda at mga nagagandahang mga kweba at mga falls.
Isa sa mga falls na pinapasyalan ngayon ng mga turista ay itong Camugao Falls. Matatagpuan ito sa Brgy. San Isidro sa lungsod ng Balilihan.
32 kilometro ang layo nito mula (45 minutes drive) Tubigon port.
1 oras kalahati naman mula sa Tagbilaran City patungo sa lugar.
Ang entrance fee nito ay Php 50.00 bawat tao at kasama na ang parking fee kong may sasakyan. Mula sa parking area ng mga sasakyan ay maglalakad pa ng 10-15 minutes bago marating ang falls.
Kahit makipot at matarik ang daan mawawala ang pagod mo pagbungad sa nagragasang tubig mula sa taas ng falls. Sulit ang nakakapagod at haba ng byahe sa paglangoy mo sa naturang falls. Stress free ka dito dahil tahimik at presko ang hangin. Marami ng mga turista at mahilig sa falls ang pumupunta dito lalo na sa panahon ng tag-init. Swak dito pag summer kasi malamig ang tubig.
Kong gusto niyong magpicnic dito kasama ng mga barkada at mga mahal sa buhay ay magdala lang ng sariling pagkain at tubig kasi wala mapagbilhan ng mga makakain dito kasi walang tindahan, malayo ito sa mga bahay .
abzero:)
Hilltop 360 View Park
Bukod sa kilalang Chocolate Hills mayroon ngayong bagong tourist attraction at dinarayo dito sa Carmen Bohol, ito ang Hilltop 390 View Park. Ito ay matatagpuan sa La Victoria Carmen Bohol na boundary mismo sa lungsod ng Carmen at Sagbayan.
Mula Tubigon 30 minuto ang byahe.
Mula Tagbilaran City isang oras ang byahi.
Kakabukas lang ito noong nakaraang buwan ng Pebrero, na sinabay sa Valentines day kasi perfect itong pasyalan sa mga magkasintahan.
Maraming pwedeng gagawin dito para mag enjoy at magkaroon ng best experience sa lugar. May horse back riding dito, game fishing para sa mahilig mawingwet kasi may maliit sa pool na may mga isda, meron ding Calesa riding, camping site na may tents, dove experience at may rooms para sa mga nagtravel sa malalayo.
Dito mamingwet at yong nahuli ay pwedeng lutuin para pang ulam.
Sa mga mahihilig mag camping may tents dito na marentahan at dito matulog magdamag. Sobrang lamig lalo sa gabi dito at may fog pa na nagdudulot ng lamig sa paligid.
May malaking statue din ng kalapati na pwede kang tumuntong at magpakuha ng litrato.Nakakatuwa lalo na sa mga bata.
Maganda ang lugar at patuloy pa itong dinedevelop para mas lalong nakakapagpasaya sa mga tao na pumupunta dito. Ang entrance fee pala sa naturang park ay Php 50.00 kada tao. Kong nais mong pumunta sa Chocolate Hills wag mo ring kalimutan bisitahin ang lugar na ito.
abzero:)
Anislag Spring
Ang Anislag Spring ay makikita sa Omjon, Valencia, Bohol. Hindi gaanong kalakihan ang naturang spring. Pero mamangha ka sa napakalamig nitong tubig na dumadaloy mula sa ilalim ng mga naglalakihang punong kahoy. Pwedeng inumin ang tubig dahil malinis at malinaw, dito rin kumukuha ng maiinom na tubig ang ilang residente ng nasabing lugar. Medyu malayo ang spring mula sa mga bahay kaya ito ay nananatiling malinis. Dati ay hindi pa ito dinadayo kasi hindi pa ito kilala, pero noong may nagpost sa socila media tungkol sa nasabing spring ay dinadagsa at dinarayo na ito ng mga tao.
Hindi ito gaanong malalim kaya perfect ito sa mga bata.
Tahimik ang lugar at masarap sa pakiramdam kong nakababad ka sa tubig.
Dito nakapark ang mga sasakyan ng mga bumibisita dito. Maayos naman ang daanan at kalsada papunta sa nasabing spring at Php 5.00 lang ang bayad kong maligo ka dito.Sobrang mura at napakasulit ang byahi papunta dito. Mula sa sentro ng lungsod ng Valencia may masasakyan na bus,van,jeep at habal-habal papunta dito kaya hindi mahihirapan ang paapasyal dito. Ang pamasahi papunta dito:
bus - Php 45.00
van - Php 100.00
jeepneys - Php 45.00
habal-habal- Php 150.00
abzero:)
Ubay Dam
Ito ay makikita sa highway ng Lomangog Ubay Bohol. Ito ang nagsusupply ng tubig sa buong lungsod ng Ubay. Malawak at malalim ang naturang Dam.Pwedeng pumunta dito at mamasyal pero bawal lang ang paglangoy at pagligo sa lugar. Kong nasa kalsada at kahit nakasakay ng bus hindi ito masusulyapan kasi mataas ang nakapaligid na dike sa naturang dam.
Ito rin ang nagsusupply ng tubig sa palayan na malapit dito. Sa panahon ng tag-ulan ay umaapaw ang tubig dito pero sa panahon ng tag-init ay kulang at mababaw lang ang tubig na naging sanhi ng kakulangan ng supply ng tubig sa buong lungsod. Nagdepende dito ang supply ng tubig ang buong lungsod ng Ubay kaya may alternatibong ginawa ang local na pamahalaan dito kong kulang at kunti ang tubig.
Maraming namamasyal at bumibisita sa lugar para lang makita ang dam. Libre lang naman ang pagpasok dito at dapat lang sumunod sa patakaran dito na bawal maligo at lalo na ang mga bata na bawal maglalaro sa gilid ng dam kasi malalim ito. May naitalang kaso na rin dito na nalunod dahil sa pagswiswimming kaya simula non ay pinagbawalan na ang paglangoy at maligo dito.
Dito madalas namamasyal ang kapatid ng asawa ko kasama niya mga pinsan niya.Isang beses lang akong nakapunta sa lugar na ito noong highschool pa ako at fieldtrip namin. Mula noon hanggang ngayon ay hindi na uli ako nakakadalaw sa naturang dam.Siguro pag-uwi ko at matapos na tong lockdown ay bibisitahin ko ulit itong lugar.
abzero:)
Bel-an's Paradise
Ang Bel-an's Paradise ay isang hilltop bar at resto na matatagpuan sa bukiring bahagi ng Brgy. Lombog, Guindulman, Bohol. Malapit rin ito sa kilala at dinarayong Landthai Hills ng naturang barangay. Sa ngayon ay patuloy pa itong dinidevelop at pinapaganda ang lugar para sa mga bibisita dito.
Sa pag-uwi ko ng probinsya ng Bohol ito ang isa na bibisitahin ko hindi lang na hindi ko ito napunta , ito rin ay malapit na aming barangay. Alam ko na maganda ang lugar tulad ng Landthai Hills na una kong napuntahan. Ibang adventure na naman at ibang magandang tanawin na naman ang aking masilayan. Sana pagbisita namin dito ay maayos na ang daan. Napakaganda ng lugar ang Brgy. Lombog na bukod sa nakakamanghang tanawin, ito rin ay may malamig na klima dahil sa taas ng lugar at napakatahimik na kapaligiran. Perfect ito sa gustong mapag-isa at gustong malayo sa matataong lugar.
Ito ay kuha mula sa taas ng hills. Kitang kita dito ang berdeng kapaligiran at napaka peaceful na tanawin.
abzero:)
Bunhayag Hills
Ang Bunhayag Hills ay matatagpuan sa bukiring bahagi ng aming lungsod ng Guindulman. Mula sa sentro ng lungsod sakay ng motor ay byabyahi ka lang ng 20 minuto bago marating ang lugar. Free lang ang pagbisita dito at makita mo na ang mala-paraisong ganda ng mga hills. Kahit nakakapagod ang pag-akyat dito worth it naman pag andun ka na sa pinaka peak ng hills. Makikita mo mula sa taas ang sentro ng lungsod at ang mala crystal nitong dagat.
Kasama ng mga pinsan ko ay masaya kaming pumupunta dito. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan habang pinapanood ang makabuntong-hiningan tanawin.
Sa tuktok ng hills ay may isang mahabang upuan na nagsisilbing pahingahan habang minamasdan ang ganda ng lugar. Presko at malamig ang simoy ng hangin, tahimik at mapayapa ang nakakamanghang view.
Kong gusto kong magrelax at magpahangin ay pumupunta ako dito kasama ng mga pinsan ko. Masarap dito dahil nakakawala ng stress at pagod mo sa buong araw ng pagtatrabaho. Napakasimple lang ng lugar, walang anumang mga bagay na nakakadistract habang nandito sa tuktok ng hills. Maraming pumupunta dito at namamasyal lalo na sa hapon kasi di na mainit at masaksihan pa ang sunset.
Kay ganda talagang pagmasdan ang natural na kapaligiran at nilikha ng Maykapal na animoy isang biyaya na hatid sa atin para pangalagaan at pahalagahan sa lahat ng oras.
abzero:)
Anda Bitoon White Beach Resort
Maraming mga beach resort ang makikita sa Anda Bohol at isa na dito ang Bitoon White Beach Resort. Ito ay bukas sa publiko at may kaukulang entrance fee.Php 20.00 bawat tao at Php 25.00 sa mga sasakyan. Ang cottage dito ay nagkakahalaga ng Php 300-500. Ito pala ay sakop sa Brgy. Virgin, Anda.
Pino at mapuputing buhangin ang nasa baybayin dito. Sa gilid ng pangpang ay may mga matutulis at matataas na bato na kong saan doon tumalon ang mga mahihilig magdive.
Isa rin ito sa matataong lugar kasi dinadayo ito ng karamihang turista lalo na sa araw ng sabadot lingo. Maganda ang lugar kahit hindi gaanong kalakihan at kalawak ang space na may buhangin kasi sa gilid nito ay mga bato na. Usually kapag kami ay maliligo dito ay hindi na kami magrerent ng cottage kasi doon lang kami sa may mga mga bato na sumisilong. Nakakatipid kapa at malapit ka rin sa tubig ng dagat.Maganda din don mag-inuman ang magkabarkada at mag eenjoy habang nakababad sa dagat.
Sa pagkabata man hanggang sa paglaki ay isa ito sa mga nagbibigay saya na lagi namin tong pinupuntahan na beach at tuwing may birthday ay madalas dito kami naliligo.
abzero:)