Naranasan niyo na ba ang pakiramdam na kakaiba habang umuulan, yung pakiramdam na parang ang sarap mag isip ng malalim lalo na kapag naka silip sa bintana nang mag isa lang.
Hindi naman sa tuwing malungkot lang ay masarap mag senti kapag umuulan,meron ding mga tao namas masayaang pakiramdamkapag umuulan.
Nung bata ako kapag umuulan sa umaga ng malakas mag aabang ka mo ng mama ko mung may pasok o wala tapos kapag walang pasok manonood nalang kami ng tv habang nag aalmusal. Ang sarap sa pakiramdam na ganon yung mga pangyayari dati na nagiging masayang alaala sa atin.
Panahon kasi ngayon hindi na ganon kasayang isipin na kapag umuulan wala ng memories na mabubuo dahilmay kanya kanua ng mundo ang mga tao
Ako kasi kapag umuulan ang naiisip ko lang masarap uminom ng kape habang nakayakap sa katawan ko ang isang mahimbing na kumot at may naririnig akong mellow na music.