Wala akong maisip at nauubusan na ako ng English words, so it's better kung mixed ang gagamitin kong language particularly ang dalawa kong ini-embrace na wika which is English and Tagalog. Bilang karagdagan, mukhang mas ma-le-lessen na ang grammatical errors ko nito. Anyways, let's get started.
Ako lang ba ang panget sa lahi namin? I mean, bukod sa pag-co-compare nila sa intelligence at skills namin, hindi nila naiiwasan kakitaan ako ng maliit na potensiyal sa physical attributes ko. Personally, hindi naman ako na-bu-bully sa pagiging madungis na patatas kong mukha, at lalong hindi sila nandidiri, pero parang na-tu-turn off ba.
Most likely, pansin ko sa mga pinsan ko, halos lahat sila clear skin, ako lang yata pinapamugaran ng pimples. In addition, parang ako lang yata ang matabang maitim, at inis na inis sa akin 'yung lola ko kasi hindi pa raw ako nagpapagupit.
Well, ang panget ng reason ko kung bakit ayaw kong mag-invest para sa sarili ko. Ang daming reason to change myself but 'yung inner self ko, puro sambit lang ng bukas.
Since nasa point na tayo nung topic, bakit kailangan pa nating magpaligoy-ligoy pa? Ano nga ba ang magiging advantages ng pagiging panget?
Magiging pribado ang buhay mo.
Pansin niyo ba na ang daming reactions sa mga memes at profile ng mga pogi at maganda sa FB kasi nga may itsura sila? Samantalang ako (tayo kapag panget ka), halos wala 'man lang nakukuhang support. Well, wala naman akong hinanakit sa mga pinagpala kasi nga, binigay ito ni Lord for our own good. Kung iisipin natin, mas malaki ang confidence level ng mga biniyayaan ng Panginoon kaysa sa ating mga panget. Meaning to say, mas hindi pansinin ang mga panget kaysa sa mga pretty genes.
Naalala niyo ba ang sinabi ni Mimiyuuuh sa last video niya noon na mas malaki ang chance na matanggap sa PBB ang mga magaganda at guwapong may lahi kahit walang talent kaysa sa mga panget na talented? Apparently, hindi ko siya gine-generalize pero parang ganon na nga haha. Sabi nga ni Mimiyuuh sa vlog niya before, kung gusto mo makapasok sa bahay ni Kuya, kailangan maganda o gwapo ka, o kaya kung panget ka, kailangang funny ka. Hindi siya related masyado pero parang ganon na rin. In conclusion, mas maganda talaga kung ilalagay na lang natin ang sarili sa katahimikan kaysa sa kahihiyan haha.
Hindi ko makita 'yung video.
Hindi mo na poproblemahin ang skin care mo.
Personally, optional na lang maman ito pero depende pa rin ito sa'yo kasi baka nag-a-apply ka nito for glow-up pero para sa akin, wala akong makitang hihiyang sa balat ko kaya ipinagpapaliban ko na lang siya. Hindi ko alam kung maganda ba itong opportunity kasi malaki talaga ma-sa-save mo kung hindi ka bibili ng ganito at sa halip at ipang-invest na lang natin siya sa mga designated crypto wallets natin.
Supposedly, plano ko rin talagang bumili ng mga skin care products dahil nga ayaw kong napupulaan ng ibang tao. (binackstab ako ng mataba kong tiyahin) Unfortunately, wala pa akong sapat na pera upang magpatingin sa dermatologist kasi 'yun talaga ang best option para kuminis balat ko. Hindi ko alam kung bakit ganito dermis ko kasi ang tagal kong pumuti kahit hindi ako lumalabas ng bahay at puro ako pimple marks. Baka kasi hindi ako kumakain ng gulay kaya ganon. So far, I'm kinda rooting for that.
Hindi mo na poproblemahin ang lovelife mo.
Ako lang ba ang hindi pa nakapagmahal ng isang tao at hanggang crush lang talaga? Wala talaga akong pake sa lovelife ko, siguro medyo pa akong bata para asikasuhin yon. Sa totoo lang, mas gusto ko pa manood ng BLACKPINK videos rather than to chat other girls just to have fun. Ayaw ko ng obligasyon, gumastos, at lalong ayaw kong mahulog sa taong hihiwalayan rin ako pagdating ng panahon.
Medyo magdadrama na naman ako sa blog ko kasi nga blog ko 'to, 'di mo 'to blog, so you better shut up. Haha joke. Marami akong kapitbahay rito na kakaunti lang ang maganda pero meron akong kalapit na bahay na nagaguwapuhan ko. Medyo na-i-insecure nga ako minsan kapag nag-pa-paload siya kasi nga ang dugyot ko tapos siya, ang linis. Mga ganoong feelings ba.
So far, hindi ko pa naman nasubukang magmahal. I'm just having an infatuation between my idols and I know my limitation as a fan. Hindi ko rin na pinangarap na pumunta sa concerts or bumili ng merches nila kasi nga knows ko na ang limitasyon ko. Iniisip ko talaga 'to, ano kaya magiging reaksyon nila kapag nakita nila mukha ko? Hindi kaya sila mandidiri?
Anyways, tapos na naman tayo sa panget at corny ko na blog. Sana nag-enjoy kayo kahit katiting. I wrote it with all of my heart kaya ako nag-Tagalog. Gagawa na naman ako ng article na English kasi yun ang expertise ko. Thank you sa pagbabasa.
Tinira na naman ako patalikod ng butanding kong Tita dahil sa pagiging introvert koπ. Malungkot na naman tuloy ako haha.
Hahahaha natawa ako, sabi mo nga eh for humor purposes lang ito kaya I don't have to be serious with my comments π agree nmn ako sa advantage na sinabi mo π