Nakabibinging Katahimikan

22 59

Paglapit sa gate ng paaralan maririnig na ang mga nag-uunahang yabag ng takbuhan ng mga batang nag-uunahan na kunin ang bitbit na gamit ng padating na guro. Susundan ng matinis at masiglang pagbati ng “Magandang umaga po!” Mayroon sa gawing kanan, sa gawing kaliwa, sa harapan at maging sa likuran ay masiglang pagbati ang maririnig.

Mga batang nagpapagalingan sa pagkukwento habang naglilinis ng paligid ng paaralan naman ang mabubungaran. Na marami pa ang hagalpakan kaysa paggalaw ng walis na kanilang hawak. Kasunod ang malakas at nakabibinging tunog ng bell. Muling maririnig ang mga nag-uunahang mga yabag patakbo sa maluwang na bulwagan ng paaralan.

Photo from Suzy Hazelwood freely available at Pexels

Ganyan ang karaniwang simula ng pang-araw-araw na gawain ng mga bata sa paaralan. 

Mula Lunes hanggang Biyernes, maingay na silid-aralan, mga hiyawan at tawanan ng mga mag-aaral na nagtatakbuhan, nag-aasaran at nagkukwentuhan ang maririnig. Sa oras naman ng klase ay kadalasang gugulantang ang sumbong dito, sumbong diyan ng mga bata. Iyan ang kadalasang maririnig sa bawat sulok at dako  hindi lamang ng silid-aralan kundi ng buong paaralan,

Ngunit ngayon ay nasaan na, ang mga mag-aaral na pumupuno ng ingay at alingawngaw sa buong paaralan? Mga ingay na paminsan-minsa’y masakit na sa tenga, ngunit ngayo’y napalitan na ng nakabibinging katahimikan, walang ni isang tinig ang mauulinagan man lang.

Dahil sa di-inaasahang pandemya, katahimikan sa paralan ay naganap. Maging inaasam na pagtatapos nila ay naglahong parang bula sa isang iglap.  Ang taas noo sana at kasabikan  sa pagtanggap ng diploma at medalya sa karangalang matatanggap sa buong taong pagsusumikap, ngayon ay napalitan ng pagkadismaya at labis na kalungkutan. Walang magawa sa kasalukuyan kundi ang tumanaw sa kalayuan mula sa mga bintana ng kani-kanilang mga tahanan.

 Kasabay nito’y parang mga kalapati ang mga batang ito na sapilitang ipinasok sa mga hawla at halos di payagang humulagpos ng mga bantay na sa kanila’y nakamasid at nakatugaygay. Pilit silang inilalayo sa mga dating kaulayaw.

Bagama’t marami man ang sa kanila’y ipinagkait, sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng pandemya. Mga dahilan nito’y pilit nilang inuunawa nang higit sa kanilang makakaya. Basta ang mahalaga ligtas ang buong pamilya.

Pagkakakulong sa bahay ba’y puro kalungkutan ang dala? Pagtigil ba sa trabaho’t pagpirmis ng Ina, walang dulot na saya sa mga batang inihabilin kay yaya, lola at tita?

Marahil sa ibang bata ay nagdulot ito ng saya, sa wakas ang pangungulila sa Ina ay naparam na. Kasabikan sa kanya ay tunay na makikita, mababanaag sa mga mata ng bata ang sobrang ligaya.

Di man maunawaan ng mga munting nilalang, tunay na kinakaharap na sitwasyon ng lahat, para sa kanila hindi dito matatapos ang kanilang mga pangarap.

Muling nasabik ang ilan nang pag-aaral ay nalamang di palulupig sa pandemyang andiyan. Pagsulat, pagbasa at pagkukwenta muling magagawa na. Magiging mahirap man ay laking tuwa pa rin ang hatid ng mga bagong kagamitan na sa kanila’y ilalaan. Ngayon ay muling babanggitin, “ako’y mag-aaral na".

Ngunit pag-aaral man ay kanilang magagawa. Di pa rin maririnig ingay na dati’y kanilang nilikha. Mga tawanan, asaran at habulan kasama ang mga kamag-aral at kaibigan pansamantalang di pa din maririnig sapagkat sila’y mananatiling nasa bahay lamang. Sa mga silid-aralan ay wala pa ding ookupa, pawang mga gurong di- magkamayaw sa paghahanda ng mga module na sa kanila’y ibibigay ang dito’y makikita.

Magpahanggang sa ngayon magkakalayo-layo man ang mga mumunting nilalang na ito ay sama-sama ang panalangin nilang mawala na itong nararanasang pandemya. “COVID-19, umalis ka na!” yan ang sigaw ng puso’t isip nila. Bumalik na sa dati ang lahat upang nakasanayan ay magawa na. Mapuno muli ng ingay ang bawat sulok ng paaralan at hindi ang nakabibinging katahimikan.

Photo from Pixabay freely available at Pexels

Mga ingay na sa alaala na lamang maririnig, kalian kaya mauulit? Bagama’t paminsan-minsan ay masakit at nakaririndi sa pandinig. Pag naglaho pala’y hahanap-hanapin din. Ang mga tawanan, hiyawan, asaran maging sa mga sumbungan nila’y nakakasabik at mahigit isang taong nakabibinging katahimikan na rin ang narinig. Sana’y malapit nang maulit na ang  mga ingay na ito ay marinig at hindi na ang nakabibinging katahimikan ng sild ang pilit sa tenga’y nagsusumiksik.



Pagbati sainyo mga kaibigan!

Ngayong buwan nga ng Agosto ay ating ginugunita ang buwan ng wika. Ang wika na siyang ipinaglaban at nagsisilbi nating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Kung kaya, naisip ko na magsulat naman gamit ang ating sariling wika. Kung inyong mapapansin, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsulat ako ng ganito, nawa ay nagustuhan ninyo.

Habang binabasa ko ito, muli kong naalala ang ingay ng mga bata sa paaralan, naalala ko din ang mga araw na ako ay nasa elementarya pa lamang. Ang mga ingay at kulitan na siyang nagbibigay saya sa buong paaralan ay tuluyan na ngang napalitan ng nakakabinging katahimikan. Kailan ba? Kailan kaya? Kailan muling masisilayan ang ganoong mga kaganapan sa paaralan.

Mahigit isang taon na ang lumipas at nalalapit na naman ang panibagong taon sa pagsisimula ng pasukan. Nakakalungkot man pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, at sama sama nating ipanalangin at hilingin na tuluyan na ngang mawala at matapos itong pandemya na patuloy nating nararanasan.

Maraming salamat sa pagbabasa, hanggang sa susunod nating pagkikita. :)

13
$ 12.40
$ 11.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @Sequoia
$ 0.13 from @meitanteikudo
+ 9
Sponsors of immaryandmerry
empty
empty
empty

Comments

Kaya nga eh. Hassle tlga itong pandemya pero sana lahat tayo matuto sa mga kung anumang lessons natin sa panahon ngayon. Napakarami kasi kaya sana di natin makalimutan pag natapos na ang pandemya.

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot. Pati mga naranasan namin noong High school hindi mararanasan ng mga mag aaral ngayon. 🥲 Tapos puro selpon nalang at kakulangan sa pagtuturo pa sila.

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot na parang ang dating masiglang mundo natin, na halos araw-araw ay puno ng ingay ay parang naging pipe at nawalan ng buhay. Hays. Miss ko na makipag unahan sumakay sa xlt tuwing uwian ng 5-6 pm.

$ 0.05
3 years ago

HAHAHAHA yung from main gate nakakarating na sa 2nd gate. Tapos sa 2nd gate pa pcc na makasakay lang. Grabe nakakamiss makipagsiksikan sa xlt. Mas oks yon kesa mukha tayong gagamba

$ 0.00
3 years ago

Totoo! Ang saya makipag unahan kahit nakaheels hahaha. Hamak na mas okay talagaaaa! Kasawa na 'tong setup na 'to.

$ 0.00
3 years ago

Sobrang laki ng pinagbago mula ng nagka pandemya ,yung anak ko nga gustong gusto ng pumunta ng paaralan ,gusto daw nyang makita guro nya at mga ka klase ...Sana matapos natong pandemya para bumalik na uli sa dati ang lahat🙏

$ 0.03
3 years ago

Grabe apektado din talaga mga bata. Iba ang saya ng pag aaral kasama ang mga kaklase tapos nasa classroom talaga. Sana matapos na lahat para makabalik na sila sa school.

$ 0.00
3 years ago

Talaga nga naman bhie, nakabibingi ang katahimikang malayo na tayo sa normal nating buhay dati. Ang mababanaag natin sigla at kasiyahan noon ay tila ba wala na at ang apat na sulok ng pasilyong minsan nating ginustong takasan ay ngayo'y atinag hinahanap-hanap. Grabe, di ko na kaya mag tagalog bhie.

But honestly, the academic situation we face had truly changed how we deem education nowadays. The fun and glee the school days of ours have passed as if it was the end now. Like you, I am not losing my hope that everything will get better. I know in no time, these things will be cak to our real 'normal'.

$ 0.10
3 years ago

Salamat sa effort sa tagalog bhie! Hahaha muntik ko na ding hindi kayanin, akala mo ako nagessay ng Filipino hahahaha

Pero ayon, let's keep hoping. God has a purpose for everything. In his time magiging maayos din ang lahat.

$ 0.00
3 years ago

Nakakamiss tuloy :( naawa ako sa mga bata ngayon. Sila din yung isa sa mga pjnaka naapektuhan sa pandeya. Tila ba, pinutulan sila ng pakpak nito at gaya ng sabi mo ay sapiliting ikinulong sa hawla.

$ 0.05
3 years ago

Diba, hindi na nga nila nakikita mga kaklase nila hindi pa sila makalabas sa mga tahanan nila. Kahit saang place bawal sila, kulong kung kulong sa bahay. Swerte nga dito province kasi kahit papano nakakalabas mga bata pero sa ibang place, literal na bahay nalang sila.

$ 0.00
3 years ago

ang mga paaralan na naging quarantine facility

$ 0.00
3 years ago

Isa pa yan. Ibang iba na talaga, pero sana mabalik pa din yung dating sigla ng mga school.

$ 0.00
3 years ago

totoo sis.. sana nga

$ 0.00
3 years ago

Na miss ko na din yung mga kaklase ko. Yung minsan na nakaka inis sila dahil sa sobrang ingay nila na di mapigilan haha. Sana talaga bumalik na sa dati uli.

$ 0.03
3 years ago

Oo nga. Lalo ikaw! Sobrang saya ng high school life. Tapos online class kayo hays

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga ehh. Kung kelan mag highschool na ako tsaka nagka online classes 🤧

$ 0.00
3 years ago

Sobrang namimiss ko tuloy nung bata ako. Sana bumalik na sa dati, alam mo habang binabasa ko to, nag flashback lahat ng mga ginawa ko nuon, sobrang memorable at nostalgic moments.

$ 0.05
3 years ago

Same! Flashback kung flashback hahaha. Yung ingay sa paligid akala mo ding naririnig ko. Grabe, nakakamiss maging bata, nakakamiss din pumasok sa school.

$ 0.00
3 years ago

All hope is not lost yet as regards our schools and the education of kids their days. All will be Welland the fun we experience in schools will return.

$ 0.00
3 years ago

Indeed. Soon. In God's time. Everything will be fine. :)

$ 0.00
3 years ago

Nice one

$ 0.00
3 years ago