Pelikulang Hinggil sa Modernisasyon at Teknolohiya
I. Pamagat: Iron Man 1
II. Mga Tauhan
Robert Downey Jr – mas kilala sa pelikula bilang iron Man.
Terrence Howard – Ang siyentista na naging kalaban ni Iron Man.
Gwyneth Paltrow – Bilang Pepper Pots
Tim Rigbey – Bilang Viper
Robert Berkman – Bilang Dealer at Craps Table
Jeff Bridges – Bilang Obadiah Stane
III. Buod ng Pelikula
Ang Pelikulang Iron Man 1 ay pinagbibidahan ng actor na si Robert Downey Jr o Tony Stark na kalauna’y naging kilala bilang si Iron Man. Nagsimula ang kanyang Istorya bilang isang negosyante; Si Tony Stark ay isang negosyante na nagbebenta ng kanyang mga products sa middle east ngunit nagbago ang lahat ng ito nang sya ay sapilitang dinukot ng mga terorista na pumipilit sa kanyang bumuo ng isang makapangyarihang makina na maaaring makasira sa bansa at makapaslang ng maraming mamamayan. Habang sya ay nasa kulungan sya ay nakabuo ng isang prototype na pinaghanguan g ideyang Iron Man. Ang naturang prototype ang nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan at pagkapaslang. Siya ay nakabalik sa kanyang tahanan sa New York at doon sya nag umpisang bumuo ng mga iron Man.
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)
a. Tagpuan
Ang tagpuan sa pelikulang Iron Man 1 ay pawang tunay na nakakamangha sapagkat ito ay isinadula sa ibang bansa at tunay na nakakamangha na ipinapakita ang malawak nang pag-unlad hindi lamang ng lipunan kundi ng teknolohiya na nakakapag pagan sa ating buhay.
b. Protagonist
Ang gumanap na protagonista sa pelikula ay si Tony Stark o mas kilala natin bilang si Iron Man.
c. Antagonista
Ang antagonista sa pelikula ay ang kasama nito at tinaguriang kapamilya, ang siyentista.
d. Suliranin
Ang suliranin ng pelikula ay ang sapilitang pag dampot sa kaniya upang gumawa ng isang pang malawakang sandata na maaari magdulot ng isang napakalaking pinsala sa mga mamamayan.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Ang pangunahing pagsubok para sa kanya ay ang sapilitang pagdukot sa kanya upang abusuhin ang kanyang talino bilang siyentipiko, sya ay sapilitang pinagagawa ng isang armas na maaaring gamitin sa kasamaan. Sya ay patuloy na dinadakip kung kaya’t kalauna’y sya ay gumawa ng kanyang proteksyon upang mailigtas ang sariling buhay.
f. Mga Ibinunga
Nakapagpapamulat ang pelikula sa paraang ipinakita nito ang katapangan ng karakter ni Tony Stark na kung saan kahit sya ay may kakayahang gumawa ng isang makapangyarihang bagay sya ay naninindigan sa tama at inaalala ang kapakanan ng mga mamamayan.
V. Paksa o Tema
Ang Tema ng palabas ay Action kung saan tayo pinablib ng actor sa kanyang magagandang gawaing pang teknolohiya at pati na rin ang kanyang kilos pakikipag laban.
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
Ang sinematograpiya ng pelikula ay nakamamangha at talaga namang nakakapanghikayat panoorin.
b. Musika
Tama lang ang pagkakalapat ng musika sa pelikula, ito ay nagbibigay ng cool vibes na talaga namang nakasasabay sa aksyon ng pelikula.
c. Visual Effects
Ipinapabatid ng pelikula na tayo ay mayroong karapatang manindigan at isang pagpapaalala na walang nagwawagi na hindi tama ang paninindigang pinapaniwalaan.
VII. Kabuoang Dating sa Sarili ng Pelikula
Para sa akin, ang Iron Man ay nararapat panoorin sapagkat hindi lamang ito binubuo ng aksyon at sakitan sapagkat ito rin ay may mga aral na dapat nating tandaan at isabuhay hindi lamang bilang isang anak o magulang kundi bilang isang mamamayan rin.
VIII. Rekomendasyon
Ang Pelikula ay dapat mapanood ng nakararami sapagkat ito ay mag-uukit ng napakagandang alaala sa iyo sa paggawa mo ng desisyon hanggang sa paninindigang iyong tinatayuan.
Another flavor of an article from me!
If you haven't read my previous articles feel free to read and check them out ppl!
What made you laugh that made you cry?
My Sweet Cherry: An appreciation article
65 kilos to 50 kilos: REALQUICK!
He Left Me Hanging (The Continuation)
Learning is indeed a Lifelong Process
read.cash & noise.cash: A Blessing in Disguise
I'm also in noise.cash, illustrious is my username!
One of my favorite Movie, Iron Man. And cool lang nong story. Kaso tagal na no g huling panuod ko dito, college pa ata ako mejo limot ko na rin ang detalye haha.