Goyo: Ang Batang Heneral :Rebyu ng Pelikula (Part III)

9 293
Avatar for illustrious
3 years ago

Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkultura

I. Pamagat: Goyo: Ang Batang Heneral

II. Mga Tauhan

  • Paulo Avelino – bilang Heneral Gregorio Del Pilar isang batang heneral, mahusay na sundalo at may pag kababaero sa kanyang murang edad ay mataas na kanyang ranggo

  • Carlo Aquino- bilang Colonel Vicente Enriquez kanang kamay ni Goyo

  • Arron Villaflor- bilang Joven Hernando isang alipin ng kanyang tiyo

  • Mon Confiado- bilang Emilio Aguinaldo president ng pilipinas

  • Gwen Zamora- bilang Remedios Nable Jose isa sa mga babaeng iniibig ni Goyo

  • Jeffrey Quizon- bilang Apolinario Mabini magiting na taga payo

  • Alvin Anson- bilang Jose Alejandro

  • Empress Shuck- bilang Felicidad Aguinaldo anak ng president dating kasintahan ni Goyo

  • Benjamin Alves- bilang Lieutenant Manuel L. Quizon

  • Che Ramos- bilang Hilaria Aguinaldo

  • Arthur Acuna- bilang Manuel Bernal

  • Carlo Cruz- bilang Juan Del Pilar

  • Rafael Siguion-Reyna – bilang Colonel Julian Del Pilar ang nakatatandang kapatid ni Goyo

  • Ronnie Lazaro- bilang Lieutenant Garcia ang kanilang tirador sa tirad pass

III. Buod ng Pelikula

Ang pelikulang ito ay patungkol sa buhay at sa pakikipagsapalaran ng isang batang Heneral na si Gregorio del Pilar o Goyo.

Ang kwento sa pelikula ay nagsimula noong namatay si Heneral Antonio Luna, at dahil sa pagiging mahusay na sundalo sa bansang pilipinas at sa pagiging tapat ni Goyo sa unang pangulo na si Heneral Emilio Aguinaldo, ay mabilis lamang ang pag-angat ng kanyang ranggo. Nahirang siya bilang isang heneral at commandante sa probinsya ng pangasinan ngunit sa kabila ng pagiging isang mataas na opisyales ay malaro pa rin si Goyo bawat bayan na kanyang pinapuntahan ay mayroon siyang pinapaluhang mga babae ngunit sa kabila noon ay marami parin ang humahanga sa kanya.

Inatasan si Goyo na hanapin ang mga kaalyado ni Luna at palakasin ang sandatahang pangdigma ng Pilipinas laban sa mga Amerikano.

Nang matalo ang sadatahan ng pilipinas sa dami ng mga sundalong amerikano ay nagtago at naglakbay ang mga nasa pamahalaan kabilang ang presidente na si Aguialdo sa malayong kabundukan ng Cordillera, at sa ilang araw na pag-lalakbay ay nahabulan din sila ng mga amerikano at nahuli ang anak at ina ni Aguinaldo. Sa kabila noon ay tinulungan pa din ni Goyo ang presidente kasama ang kanilang mga militar na makatakas at makalayo. Inumpisahan ni Goyo at ng tirador na si Lieutenant Garcia na paulanan ng bala ang mga Amerikano sa Tirad pass. Ngunit sa tulong ng isang Pilipino ay nakahanap ang mga amerikano ng daan para makaakyat sa Tirad pass at ng makaakyat sila sa bundok ay napatay nila ang pwersa ng mga Pilipino at doon narin nagtapos ang buhay ng batang heneral na si Gregorio “Goyo” Del Pilar.

IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)

a. Tagpuan: Tirad Pass

b. Protagonist: Paulo Avelino (Gregorio Del Pilar o Goyo)

c. Antagonista: Amerikano

d. Suliranin:

Ang maituturing na suliranin sa pelikula ay ang pagiging malaro ni Heneral Gregorio Del Pilar dahil ng sa kanyang murang edad ay di niya pa masyadong naiisip kung gaano kabigat ang tungkulin niya bilang isang mataas na opisyal. Masyado siyang nag papakampante na magiging mapayapa na ang lahat at sa kabila noon ay di sila nakagawa ng magandang plano para di masakop ng mga amerikano bagkos ay tuluyan lamang silang nagdiriwang na tila ba ay wala ng nangangambang panganib sa kanilang sariling bayan.

e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin:

Naging sunod-sunuran si Goyo habang sila ay nasa digmaan saka lamang niya lubusang naiintindihan kung gaano kahirap ang kanyang posisyon. Sa gitna ng digmaan ay tila hinahanap niya ang kanyang tunay na pagkatao at doon niya din lubusang napagtanto na sa dulo ay kamatayan ang naghihintay sakanya.

Sumusulat si Apolinario Mabini at ilan sa mga katagang tumatak sa pelikula ay ang “Ano nga ba ang halaga ng isang bayani?” “Gusto kong mapatunayan na marunong tayong makipagdigma na may kadakilaan at paninindigan. Pero dahan-dahan na akong naniniwala na baka nga tama silang tawagin tayong mga bata.”

f. Mga Ibinunga:

Nang sila ay nasa Tirad pass ito ang ilan sa mga katagang tumatak sa mga manunuod na binanggit ni Goyo ang batang Heneral bago sila makipagdigma sa kabundukan ng kanyang nadesisyonan ang pagiging isang marangal na sundalo “Iniibig niyo ba ang bayang ito?” sumagot naman ang mga sundalo ng “Opo iniibig po namin” at muling sumagot si Goyo ng malakas at may paninindigan “Kung gayon, tatanggapin natin ang anumang kapalarang sasapitin natin sa ngalan ng pag-ibig. Walang bayani sa bundok na ito, tayo’y mga sundalo na puno ng pag-ibig hindi ng galit.” Sa kabila ng isang pagiging matapang at magaling na sundalo ay namatay din si Goyo at inilibing sa Tirad pass kung saan sila naglaban.

“Nabigo ang rebolusyon dahil mali ang pamumuno dito. Sa halip na suportahan ang mga taong tunay na naglilingkod sa bayan ay, tinanggalan pa sila ng pakinabang.” Ayon kay Mabini.

V. Paksa o Tema

Pelikula base sa tunay na buhay, Drama at Filipino

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya

Dahil sa paghahalo ng imahinasyon at tunay na pangyayari sa ating kasaysayan maayos at maganda ang paglahad sa kwento. Mahuhusay din ang bawat artistang gumanap sa pelikula. Napakaganda ng sinematograpiya talagang parang dinadala ka sa totoong pangyayari sa bawat eksena. Ang mga gamit at maging ang pambansang damit ng mga Pilipino sa eksena ay nasa kultura parin nating mga Pilipino at maganda dahil ginamit itong kasuotan ng mga artistang gumaganap sa pelikula.

b. Musika

Maayos naman pag paggamit ng mga musika sa pelikula at maiuugnay ang mga ito sa eksena. Guamamit at ipinakilala nila ang Atmosmix format dahil ito yong format na makapag-bibigay ng magandang epekto sa mga larawan at dahil narin ito ay ipapalabas sa mga sinehan.

c. Visual Effects

Mahusay din ang pagkakagawa ng mga visual effect di mo aakalaing modern na ang pagkuha ng kamera sa mga materyales. Magaling ang pagkakagawa nito sapagkat talagang pinagtrabahuhan ito ng mga bumuo sa pelikula maging ang director ay mahusay.

d. Set Design

Talagang ginastusan, pinaghandaan at pinaghirapan ang bawat eksena maging ang tila makaluma na vibe noong unang panahon ay naging realistiko sa pelikula.

VII. Kabuoang Mensahe ng Pelikula

Malalim ang ibigsabihin ng pelikula kung ito’y susuriing maigi pinaparating nito na hindi natin kailangan ng mga bayani na handang mamatay kundi ang mga taong handang makipaglaban para sa bayan. Isa sa mga kultura nating Pilipino ay ang pakikisama at kaya naman binabansagan tayo na napaka hospitable at sa pelikulang ito nagpapakita na mas maigi ang mapaligiran ka ng mga taong alam mong kakampi mo at may prinsipyo gaya mo kaysa sa mga taong magaling lang makisama dapat mong piliin ang iyong mga kakampi. Isa rin sa kultura natin ay ang bayanihan at naipakita rin naman sa pelikula na kung wala ng ibang tatakbuhan at tutulong kahit ikaw mismo o kayo mismo na may ibang pinaniniwalaan, ngunit may kaparehong mithiin ay magtutulungan at sama samang lalaban para sa bayan.

VIII. Kabuoang Dating sa Sarili ng Pelikula

Ang pelikula ay binase sa nakasulat sa ating kasaysayan kaya naman ito ay makatotohanan ngunit mayroon ding halong imahinasyon para mas lalo pang maging realistiko ang pagkakagawa nito.

IX. Rekomendasyon

Matapos panuorin ang pelikula masasabi kong ito talaga ay napakaganda lahat lahat ng bawat eksena, ang palitan ng linya at maging ang mga lugar na pinagkuhanan ng bawat eksena ay parang dinadala ako mismo sa husay ng pagkakagawa nito. Isa lamang ang nais ko sana ay ipinakita rin ang mga mahuhusay na ginawa ni Del Pilar bago nya nakuha ang mataas na posisyon sana ay mas ipinakita rin ang kanyang husay sa pakikipaglaban at hindi lamang nagpokus sa kanyang pagiging babaero. Ngunit sa kabuoan mahusay na at talagang mairerekomenda mo sa kahit na sinong manunuod dahil sa dami ng aral na bitbit nito. Makikitang ang mga pilipino ay may isang salita at sa kabila ng pinagdaraanan ay patuloy paring lumalaban at hinaharap ag hamon ng may ngiti. Ang pag-gamit nila ng po at opo, maging ang paggalang sa matatanda ay ang ating pangunahing kultura dito sa ating bansa at maikikita mo rin iyon sa pelikula kung ito’y susuriin ng mabuti. Sa pangkalahatan, ang pelikulang ito ay magsisilbing pag-mulat sa ating mga Pilipino at ng sa ganoon ay mabigyan pa sila ng karagdagang kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa kaya nararapat lamang na tangkilikin natin at suportahan natin ang mga ganitong uri ng pelikula.


Part III of another flavor of an article from me :)))


If you haven't read my previous articles feel free to read and give it a shit ppl!!!

What made you laugh that made you cry?

The Only Antidote

My Sweet Cherry: An appreciation article

Exploring Mt. Pimmayong

The Night that needs Tomorrow

65 kilos to 50 kilos: REALQUICK!

Czarine turns 10!

How to build a Home?

He Pointed the Gun at me

He Left Me Hanging (The Continuation)

He Left Me Hanging

Learning is indeed a Lifelong Process

read.cash & noise.cash: A Blessing in Disguise

The Person behind Illustrious

I'm also in noise.cash, illustrious is my username!


4
$ 8.71
$ 8.48 from @TheRandomRewarder
$ 0.09 from @charmingcherry08
$ 0.05 from @Ruffa
+ 3
Avatar for illustrious
3 years ago

Comments

I don't understand, can you make the translation

$ 0.00
3 years ago

aww my bad! sorry adrian but I cannot translate it for you as of now, i am busy :(( school works won't let me :(( and plus the fact that it will take me hours to translate it for you :((( sorry!

$ 0.00
3 years ago

studying psychology consumes energy, because our psychology is also part of the learning atmosphere

$ 0.00
3 years ago

yeah, especially now we're in the second semester of the second year, most of my subjects are major subjects :<<

$ 0.00
3 years ago

happy studying seriously and getting your goal to get a degree from your education

$ 0.00
3 years ago

Diko pa rin to napalanuod haha, mahilig ka sa Philippine movie?

$ 0.01
3 years ago

isa lang yan sa mga school works ko po last sem ate HAHAHHAHAHHAHA more on movie review po kasi kami sa subject na yun and inpupublish ko lang po, kasi sayang dib naman po hehe

pero mahilig din po talaga ako ate HAHAHAHHAHAHAHA support locals po kasi dapat hihi

$ 0.00
3 years ago

Ehhh, huling review namin nong movie is nong high school pa ako. Ung Taken ni Liam Neeson 🙈😂. Tama namam yan, para naman bayad ang pagod mo sa pag gawa nyan sana meron na nito nong high school palamg ako ee ahahaha.

Ehh, akoy hindi talaga haha, pero nanuod naman akong Kokey 😂😂😂😜

$ 0.00
3 years ago

exactly ate, sayang din kasi talaga hahahahahha

elementary pa lang ako nung pinalabas ang kokey ate hahahahahhha hindi ko na din masyadong maalala hahahhaha

$ 0.00
3 years ago