Bakit lahat ng gwapo may boyfriend? : Rebyu ng Pelikula (Part V)

2 283
Avatar for illustrious
3 years ago

I. Pamagat: BAKIT LAHAT NG GWAPO MY BOYFRIEND?!

II. Tauhan

  • Kylie- Ginampanan ng artistang si Anne Curtis. Isang wedding planner sa pelikula na siya ring pangunahing tauhan. Sa kaniya umikot ang pelikula at sa kwento niya kung paano siya nagkagusto sa mga lalaking may lihim pa lang itinatago sa mga pagkatao.

  • Benj- Siya ay matalik na kaibigan, ktarabaho at malapit na kaibigan rin ni Kylie na kung saan kasama niya sa trabaho bilang wedding planner. Lihim na may gusto kay Diego simula pa lamang noong sila ay bata pa.

  • Diego- Ginampanan ng artistang si Dennis Trillo. Siya ay matalik na kaibigan ni Benj na nagtungo sa Amerika ngunit bumalik sa Pilipinas upang magpakasal sa kaniyang fiancé.

  • Fiona- Fiance ni Diego sa pelikula. Sa pelikula, siya ay palaging busy sa trabaho at palaging wala sa mga meeting sa preparation ng kanilang kasal ni Diego.

III. BUOD NG PELIKULA

Nagsimula ang kwento sa isang wedding planner na si Kylie. Isang babaeng may malungkot na karanasan sap ag-ibig dahil lahat ng kaniyang nagiging kasintahan ay isa pa lang bakla na nahihirapan lamang maglantad ng pagkatao. Sa simula ng kwento ay ipinakilala niya ang mga lalaking naging kasintahan niya ngunit sa huli ay hiniwalayan rin siya dahil bakla pala ang mga ito. Isa na riyan si Benj, naging kasintahan rin siya ni Kylie ngunit hindi rin sila nagkatuluyan dahil sa bakla ito. Sa kabila nito naging matalik silang magkaibigan na laging nagdadamayan sa tuwing sila ay nabibigo sap ag-ibig. Maging sa pagtatrabaho ay magkasama sila bilang mga wedding planner.

Habang nag-uusap ang magkaibigang sina Kylie at Benj, nakatanggap ng isang mensahe si Benj mula sa kaniyang kaibigan na matagal ng umalis papuntang Amerika upang doon manirahan. Ito ay si Diego, nakipagkita siya rito sap ag-aakalang bakla rin ito at aaminin niya ang nararamdaman para kay Benj. Ngunit kasama pala nito ang kaniyang fiancé na si Fiona at kaya pala nila gusting Makita si Benj ay upang kunin itong wedding planner ng kanilang kasal na magaganap sa susunod na dalawang buwan. Pumayag si Benj ngunit nakiusap siya kay Kylie na magpanggap bilang kasintahan niya at siya na lamang ang mag-asikaso ng kasal ng dalawa saka inutusan itong kilatising mabuti si Diego sap ag-aakalang bakla rin ito. Nagdalawang isip si Kylie ngunit pumayag rin ito para tulungan ang kaibigan at patunayan na bakla talaga si Diego.

Habang umuusad ang pagpapaplano nila Kylie sa kasal nila Diego, kung ano-anong paraan ang ginawa nila ni Benj upang mapatunayang bakla ito upang hindi matuloy ang kasal.

Sa gitna ng kanilang pagpaplano ay kinausap ni Diego si Benj upang kunin itong Best Man para sa kaniyang magiging kasal. Nsaktan si Benj at nagdesisyong magbakasyon na muna at ipinaubaya na muna niya kay Kylie ang pagpaplano sa kasal ng dalawa. Naging malapit sina Diego at Kylie sa mga panahong iyon dahil palaging wala at busy ang fiancé niyang si Fiona. Maging sa mga seminar sa simbahan ay si Kylie ang kasama ni Diego na dapat ay si Fiona.

Nagkaroon ng pag-aalangan sa damdamin si Kylie matapos siyang halikan ni Diego sa isang seminar na dinaluhan nila. Nakiusap siya kay Benj na siya na lamang ang magpatuloy sa pagpaplano ng kasal ng dalawa. Inimbitahan sila ni Diego sa isang party para sa kasal nila ni Fiona ngunit sa kalagitnaan ng party ay biglang nag eskandalo nanaman si Kylie at sinabihang bakla ang lahat ng lalaking nandoon sa party. Kinausap siya ni Diego at inamin niya rito na mahal niya si Diego at alam niyang mali iyon dahil ang alam niya ay bakla si Diego. Sinabi ni Diego na hindi siya bakla ngunit umalis na lamang si Kylie at humingi ng pasensiya kina Fiona, Benj at Diego.

Nag-resign sina Benj at Kylie sa pagiging wedding planner ng kasal nina Diego ngunit nanatili silang magkaibigan. Samantala, hindi na tinuloy nina Diego at Fiona ang kanilang kasal dahil sa marami nilang hindi pagkakaintindihan at pagbabago sa kanilang mga sarili. Sa huli, napag-isip-isip ni Diego na si Kylie pala talaga ang mahal niya at masaya siyang nakakasama ito. Hinanap niya si Kylie at inamin ang tunay na nararamdaman rito. Natapos ang kwento na masaya ang dalawa at ganoon rin si Benj sa kaniyang panibagong pag-ibig.

IV. Mahahalang pangyayari sa pelikula

  • Muling pagkikita nina Diego at Benj. Matapos makatanggap ni Benj ng mensahe mula kay Diego at ipinakilala nito ang kaniyang fiancé na si Fiona. Ito ay isang mahalagang panyayari na naging simula ng pag-ikot ng kwento ng pelikula. Sa pag-uusap ng dalawa inakala ni Benj na aamin ito sa kaniyang lihim na pagkatao bilang isang bakla.

    “Benj!” Sabay tapik sa balikat ng kaibigan. “Uy Diego kumusta?” Niyakap niya ito nang tuwang-tuwa. “Si Fiona nga pala fiancé ko.” Napakunot ng noo si Diego at nalungkot. Hiniling ni Diego na si Benj ang maging wedding planner nila at pumayag naman si Benj nang may pagdadalawang isip. Dito nagsimulang maisip ni Benj na gamitin si Kylie upang kilatisin si Diego at hindi matuloy ang kasal ng dalawa.

  • Pag-uusap nina Kylie at Diego matapos itong mag- eskandalo sa party ng ikakasal. Pinagbintangan niya si Diego na bakla ito at lahat ng iba pang lalaki na nandoon. Kinausap siya ng masinsinan ni Diego at inamin niyang mahal niya ito. “Bakla ka kasi mahal kita. Alam ko mali iyon hindi na ako nadala dahil lahat ng lalaking minahal ko bakla! I’m so sorry I ruined your party.” Pagkatapos ay umalis ito na umiiyak. Ang pangyayaring ito sa pelikula ang naging dahilan upang mapagtanto ng mg tauhan ang tunay nilang nararamdaman para sa isat-isa.

V. Suliranin sa Pelikula

Ang naging suliranin sa pelikula ay ang pag-aakala ni Benj na bakla ang kaibigan niyang matagal na niyang nagugustuhan at hindi nakita. Naging dahilan ito upang gumawa sila ng mga paraan ng kaibigan niyang si Kylie na magaling kumilatis ng mga lalaking nagpapanggap at itinatago ang tunay na pagkatao.

“Kylie, can I tell you a secret? matagal ko na kasi itong tinatago kay Fiona at sa pamilya ko.” Nakakapagtakang tanong ni Diego kay Kylie sa isang eksena sa pelikula. “Oo naman, alam mo okay lang magpakatoo just be yourself at matatanggap ka ng pamilya mo.” Sagot ni Kylie saka niyakap ito. Ngunit ang lihim pala ng tinatago ni Diego ay ang kantang ginawa niya para kay Fiona na nais niyang kantahin sa araw ng kanilang kasal. Doon nagsimula ang pagkakaroon ng ng pag-aalinlangan si Kylie kung talaga bang bakla si Diego dahil sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataong tanungin ito sa pagjatao niya ay nauuwi lamang sa maling akala. Nakakatawa man ilang eksena sa pelikula ay makikita pa rin ditto ang suliraning kinaharap ng mga tauhan at kung paano nila ito nilutas sa pelikula.

VI. Pagsulat ng Tula

“Tanggap kita”

Hindi panlabas na anyo ang basehan,

Kung ano ang tunay niyang kalooban.

Tayo man ay magkakaiba ng kulay,

Lahat tayo’y tao likas na pantay-pantay.

Kapatid, huwag kang magbulag-bulagan,

Mata mo’y buksan upang iyong malaman.

Ang mundo’y malawak para sa sino man,

Babae, lalaki, kahit ano ka man.

Kagustuhan nating matanggap ng lahat,

Makakatamtan kung sarili’y iaangat.

Huwang mahihiyang magpakatotoo,

Upang puso mo ay lumaya ng buo.

Kung maisip mo mang magtago sa dilim,

Sasamahan kita at uunawain.

Talikuran ka man at ipagtabuyan,

Narito ako, tanggap ka kaibigan.

Modernong mundong ating ginagalawan,

Respeto sa isat-isa’y kailangan.

Pagkatao ng iba ay huwag husgahan,

Mangingibabaw tunay na kabutihan.


If you haven't read my previous articles, feel free to read and give them a shot ppl!

What made you laugh that made you cry?

The Only Antidote

My Sweet Cherry: An appreciation article

Exploring Mt. Pimmayong

The Night that needs Tomorrow

65 kilos to 50 kilos: REALQUICK!

Czarine turns 10!

How to build a Home?

He Pointed the Gun at me

He Left Me Hanging (The Continuation)

He Left Me Hanging

Learning is indeed a Lifelong Process

read.cash & noise.cash: A Blessing in Disguise

The Person behind Illustrious

I'm also in noise.cash, illustrious is my username!


3
$ 0.20
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @charmingcherry08
Avatar for illustrious
3 years ago

Comments

Patang ngayon ko lang narinig tong movie na to haha. Anyway, di mo pa rin ako mapapanood ng tagalog 🤧 animes nalang bata 🤧😂😂✌️

$ 0.00
3 years ago

grabe ka talaga ate hahahaaahha support locals po HAHAHHAHHAAHAHHAHHHA

$ 0.00
3 years ago