Hello there, please check out the first part of this story before continuing. Hope you like this, Thank you!
https://read.cash/@icary/precious-d2962ab7
Sophie's POV
End of the year, matagal tagal bago ko makita si Ash ulit kaya naman lagi ko siyang kinukulit sa chat at text para hindi niya makalimutan ang name na Sophie.
"Hello Ash"
"Oh hey Sophie"
"Anong ginagawa mo?"
"Nothing, why?"
"Wala gusto lang kitang guluhin"
"Kailan mo ba ako hindi ginulo?"
"Uhmm- let me think. None"
"Yeah, right"
"Nakukulitan ka ba sa akin Ash?"
"Why titigil ka ba kapag sinabi kong oo?"
"Maybe yes, maybe not"
"Why yes?"
"I love you as much as I respect you, kung nakukulitan ka na talaga sa akin lalayuan kita if that's what you want"
"Why not?"
"Sabi kasi ng magulang ko kapag mahal ko dapat ipaglaban ko kahit hanggang sa mapagod ako"
"Then could you do me a favor?"
"What favor?"
"Pwede bang tigilan mo na ang pangungulit sa akin"
May kirot sa puso ko nang mabasa ko ang mga salitang iyon sakaniya, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nagsusungit na naman ulit dahil part na nang personality niya na sungitan ako.
"And why? Sobra ka na bang nakukulitan sa akin? Kung gusto mo babawasan ko ang pangungulit ko"
"No, that's not the point"
"Then what?"
Medyo naluluha na ako dahil parang iba na ang gusto niyang sabihin.
"Queenie and I are about to be engaged and soon be married"
"Ha? Bakit si Queenie?"
"Do you remember yung time na sinabihan ako ni Queenie about sa dinner night?"
"Yeah"
"Dinner night ng family namin 'yon para pag usapan ang engagement party namin ni Queenie. I am telling you this para tumigil ka na at 'di kita masaktan"
Natameme ako sa mga nabasa ko hindi ko alam kung paano ko ididigest ang mga sinabi niya, ano na Sophie? talo ka na talaga sa labanang Ash.
"Ganoon ba? Congratulations for the both of you, antok na pala ako. Good night Ash, thank you for telling me this habang maaga pa"
"Sophie, I'm sorry"
"No, you don't have to. Sorry kung ipinilit ko 'yong sarili ko sa'yo, hindi ko alam na dapat na pala talaga akong tumigil. Thank you Ash"
Binaba ko na ang phone ko habang ang mga luha ko'y unti unti na palang pumapatak sa mga mata ko. I can't, this is my first heart break. Binaon ko ang mukha ko sa unan at nagpatuloy na umiyak.
School day na ulit pero wala akong balak na makita si Ash, hindi ako galit sakaniya or kay Queenie pero medyo may tama pa rin kasi sa akin yung sakit. Nakita ko si Ash naglalakad papunta sa classroom niya kaya naman ako umiwas ako at medyo lumihis nang landas nakita siguro iyon ni Ash kaya medyo nag iba ang timplada nang pagmumukha niya.
Break time na namin at nagtataka ang mga classmate ko dahil nasanay na sila na kada break time ay agad akong tumatakbo sa kabilang classroom para makita si Ash pero ngayon nakaupo lamang ako sa desk ko habang nagbabasa nang libro.
"Uhm Sophie, are you okay?"
"Huh? Oh yeah, I'm fine. Why?"
"Wala lang para kasing wala ka sa sarili mo"
"Ah 'yon ba, wala 'yon medyo napuyat lang ako"
"Sige, una na kami magbreak sa'yo ah"
"Sure, enjoy"
Nakita ko si Ash kasama si Queenie na dumaan sa room namin pero hindi ko sila binigyan masyado nang pansin alam ko na tinignan ako ni Ash dahil bago ko tanggalin ang mata ko ay tumingin siya bigla.
"I pray for your happiness" nasabi ko na lamang sa isip ko.
Nagdaan ang mga araw at unti unti na akong nakakamove on sa mga nangyari at napansin ko rin na hindi na pumapasok si Ash sa school dahil 'di ko na nakikitang dumaan si Queenie sa classroom namin. Hinayaan ko nalang dahil nasa isip ko ay baka inaayos nila ang marriage nilang dalawa dahil matagal tagal na rin naman nang sabihin niya sa akin ang about sa engagement nila.
Bakasyon na ulit at nakatengga lang ako sa bahay, habang nags-scroll ako sa phone ko ay may nagnotif sa akin message pala ni Queenie. Hindi ko na sana papansinin nang biglang nagnotif ulit 'to kaya binasa ko na.
"Hi Sophie, I know that you don't like me but I have to tell you something, can we meet?"
"I hope you notice this, this is about Ash"
"What do you want? Nagparaya na ako, sa'yo na si Ash. Hindi ba ikakasal na kayo?"
"Alam ko 'yong mga sinabi sa'yo ni Ash mas madaling magexplain kung magkikita tayo. Choose the place"
"Sige, sa coffee shop malapit sa school"
"Thank you, pupunta na ako"
Matapos sabihin iyon ni Queenie ay naggayak na ako, ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin. Gusto ko nang manahimik at kalimutan silang dalawa pero gusto ko rin malaman ang sasabihin sa akin ni Queenie dahil nag aalala rin pa rin ako kay Ash. Nang makarating ako roon ay nakita ko na nakaupo na sa isang sulok si Queenie, ang pwesto niya ay malayo sa mga tao para siguro ay makapag usap kami.
"Anong gusto mong sabihin? Huwag ka na magpaligoy ligoy"
"Okay, here read this letter. Letter 'yan ni Ash na iniwan para sa'yo gusto niyang ikaw lang ang makabasa niyan kaya ibinigay ko sa'yo"
"Ano ba 'to bakit kailangan pang idaan sa letter pwede naman na siya nalang magsabi"
"Just read it, tingin ko mas kailangan mo nang privacy kapag binasa mo 'yan kaya hindi ko na kukunin pa ang time mo"
Umalis nang agad si Queenie katapos niyang ibigay sa akin ang letter na may sulat kamay ni Ash, kinabahan akong agad sa kung anong laman nito kaya naman ay dali dali akong umuwi para basahin ito.
(Don't forget to click the Youtube Playlist above before continuing with this part of the story, thank you)
"Hi Sophie,
You might be wondering bakit may letter akong isinulat para sa'yo. Sa oras na nabasa mo ito sigurado wala na ako rito sa mundo. Yes Sophie, my time is already short. Pinagbigyan lang ako ng doctor and family ko na pumasok dahil pinagpilitan ko, kasi gusto pa kitang makita sa mga nalalabing oras ko. First of all, I want to say sorry dahil nasaktan kita. Wala na akong maisip na reason para lumayo ka sa akin dahil kahit anong pagtataboy ang gawin ko sa'yo ay bumabalik ka pa rin. Sorry I lied, Queenie is actually my cousin. Hindi totoong ikakasal kami, pinilit ko lang si Queenie na magpanggap dahil gusto kong lumayo ka na sa akin. Ang selfish ko right? But you didn't know Sophie, I also love you. Nagawa na rin kitang mahalin, gusto ko sanang itry na magkaroon nang tayo pero bago ko pa man magawa iyon ay inunahan na ako nang sakit ko. I have lupus, nagtrigger ito ulit after nang foundation day that was the day na handa na akong mahalin ka rin Sophie pero hindi ko nagawa at ayaw ko nang subukan pa dahil alam kong mas masasaktan lang kita kapag nasira ko ang mga pangarap mo na gustong buuin kasama ako. Life is unfair, kung kailan nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay syaka naman ako babawian nang buhay.
Ang sakit makita kang malungkot, gusto kitang lapitan, gusto kong magsorry, gusto kitang yakapin man lang pero hindi ko magawa. I've decided to let you go, I have decided to let go of my fantasy that I could live longer, that I could be with you longer. Mas nasasaktan ako para sa atin kaysa sa sakit na nararamdaman ko, itong sakit ko may chance na magamot pero yung puso ko parang malabo.
I wish for your happiness and sana mahanap mo 'yong lalaking hindi ka iiwan, mamahalin ka nang buo at kayang ibalik 'yong pag ibig na ibibigay mo.
I love you Sophie, good bye.
By,
Ash"
Patuloy ang pagbagsak nang luha ko katapos kong mabasa ang sulat na ito, ang daya naman. Pwede mo naman sabihin nalang sa akin 'yong dahilan, sana napakita ko pa sa'yo kung gaano kita kamahal. It's too late for me, for us. Chinat ko agad si Queenie katapos kong kumalma.
"Hey, I'm sorry sa lahat nang sinabi ko rati. Klaro ko sa akin lahat ngayon"
"No, that's fine. Kasalanan din naman namin, pinaniwala ka naming dalawa"
"Pwede ko bang malaman ano nang kalagayan ni Ash ngayon?"
"He didn't make it Sophie, nakaburol siya ngayon dito sa Memorial service. If gusto mong pumunta, welcome ka rito kilala ka nang parents and kapatid ni Ash. He always talks about you, walang araw na hindi ka niya bukambibig kami nang napapagod makinig sakaniya lagi niyang sinasabi kung gaano ka kakulit, kung gaano ka niya kamahal. Chat me if pupunta ka para masabi ko"
"Pupunta ako, text me the location"
"Okay, I'll wait for you here"
"Thank you Queenie"
Kung sino pa 'yong feeling kong kaaway rati, siya pa 'yong nag uupdate sa akin ngayon. Hindi ko alam paano ako haharap sa kabaong mo ngayon ang bilis nang pangyayari sa akin. Nakarating na ako sa location at sinalubong ako ni Queenie, pinakilala niya ako sa relatives niyo pati na sa family mo. Nalungkot ako nang makita ko ang puting kabaong na nasa dulo nang aisle, hindi ganito ang nasa isip ko kung paano kitang makikita na nasa dulo nang lalakaran ko, hindi ganito na nag iiyakan ang mga tao.
Hindi ko magawang lumapit sa kabaong na nasa harap ko, pinagdarasal ko pa rin na hindi ikaw ang nasa loob nito. Sana bigla kang lumabas kung saan at nakaluhod sa akin para yayain ako nang kasal pero sobrang labong mangyari noon, pinapaasa ko ang sarili ko na muli kitang makikita.
"I love you Ash, I'll love you for a lifetime."
“There are no goodbyes for us. Wherever you are, you will always be in my heart.” – Mahatma Gandhi
Salamat sa muling pagbabasa nang munti kong istorya, nawa'y naantig ko ang inyong mga puso kahit papaano. Hindi pa huli ang lahat para sa'yo, marami pang oras sa mundo kaya hangga't gumagana pa ang orasan mo, sabihin mo nang mahal mo sila. Good night everyone. Stay safe!
By: icaryxghost
Grabe mamshh! Ganda 😍😍