read.cash Log in

@Sheng04

Joined 26 January 2021 · 18 posts

120 KT

0 KT · $3.38 received · 0 KT · 15¢ given

Posts

@Sheng04

Mini Sari sari store Mayroon kaming maliit na sari sari store sa bahay namin.. Lagi namin itong binabantayan na aking anak na babae na apat na taong gulang na.. Lagi kaming dalawa lang ang nasa tindahan dahil ang dalawang kapatid ko at ang asawa ko ay nag tatrabaho samantalang ang mama ko ay tumutulong sa aking bunsong kapatid sakanyang pag aaral.. Lagi kaming masaya doon.. Madalas kinakausap ng anak ko ang mga customer kaya tawag sakanya is Ms.Madaldal naaasar naman yung baby ko hindi daw sya madaldal HAHAHA! "Ms.Madaldal pabili naman ng Coke!" Bungad samin ng isang suki.. Nakasimangot naman yung isa dahil ayaw nya nga nung tinatawag sya ng ganon.. "Mami ohh si kuya ohh.." Pagsusumbong sakin nito na siya naman ang ikinatuwa ng bumibili.. "Kyut mo!!" Isang maliit na tindahan at may maliit na upuaan sa labas ng tindahan namin na kung saan pede sila tumambay.. Madalas nakatalikod ako sa tindahan dahil mayroon maliit na mesa doon na pinagpapatungan namin ng Tablet at kaharap ko din ang aking anak na nakaharap din sa tindahan kaya siya lagi unang nakakakita kung may bibili o wala.. Hanggang hapon lang kami nagbabantay sa tindahan noon dahil pinapalitan na kami ng kapatid kong bunso para makapagpahinga din kami.. Napaka active nitong batang to pero minsan kasi natatakot ako pag sobrang active niya dahil nung Isang araw sabi nya may nakatayo daw na lalaki sa gilid ng tindahan pero pag tingin ko e wala namang tao.. Hindi ko na lang ito pinapansin dahil ayokong matakot.. Sinasabi ko to kila mama at sa asawa ko pero wag ko nalang daw pansinin at wag magpakita ng takot.. Isang araw na sobrang init.. Nagbabantay kami noon habang nagaantay ng may bibili naisipan kong turuan siya mag sulat ng ABC's dahil nakakasulat na din naman siya ng mga Shapes at gustong gusto nya talaga magsulat minsan nagdodrawing pa.. Nagulat ako noon may parang dumaan na malamig na hangin sa batok ko na siya naman nag bigay ng kilabot sa akin.. Mas kinilabutan ako noong kinalabit ako ng anak ko.. "Mami si ate bibili oh! Lollipop daw!" Agad akong humarap pero wala akong nakita kaya agad naman akong humarap sa anak ko.. "Ayan ka nanaman bebe wala naman eh.. Wag mo ko lokohin ahh!" Sa totoo nyan natatakot na ko noon pero ayaw ko pahalata.. Dahil naramdaman ko din ang nakita ng anak ko.. Nakatingin ang baby ko sa harap ng tindahan na akala mo may tao talaga..Ng bigla syang sumimangot.. "Mami biliss gagalit na sya ohh!" Agad niyang kinuha ang lalagyan ng mga lollipop at binigay sakin para buksan.. Agad ko naman itong binuksan at inilapag ko ito palabas sa butas ng tindahan.. "Tenchu po!" Nakangiting sabi ng anak ko sa kung sino mang babae na yun pero di pa pala natatapos don.. "Ahhhhh!" Sigaw ng anak ko habang nakaturo sa labas dahil may dumaang truck noon. "Ano ba nakakagulat ka naman!" "Si atee bubunggo mami!" Agad agad akong lumabas ngunit wala namang bakas na may nasagasaan o nabunggo.. Kaya lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtaasan noon.. Sinara ko muna ang Tindahan noon at binuhat ang baby ko.. Pinagpahinga ko muna at baka mahimatay na ako sa takot dahil di ko lam kung totoo ba ang sinasabi nito.. Pag tapos noon ay si Mama na ang pinagbabantay ko noon dahil natakot din sya kay baby baka kung ano ano na makita at baka matrauma pa.. Nag lagay din kami noon ng kandila sa tapat ng tindahan at nananalangin na sana wala ng magpakita doon sa baby namin.. **Author's note** Sana po ay nagustuhan nyo.. Marami pong salamat sa Pagbabasa! Isa lamang po itong kathang isip 😁😁 Tatry ko lang ulit magsulat dito hehehe..

@Sheng04

Forbidden Love 2 This is the part 1 of the Story 👇👇 https://read.cash/@Sheng04/forbidden-love-f7e687a4 *** Minsan lang siya magpunta doon sa Libray madalas wala ito. Hindi ko pa nga siya natatanong kung anong Year or Section niya dahil hindi talaga siya Pamilyar sa akin. Minsan pag 4 at wala na si Ma'am Lily ay pumapasok na siya.. Lagi nga silang hindi nagkakatagpo kasi pag malapit na mag 5 agad ng umaalis di Adrian para hindi daw siya malate sa kanyang Last Subject. "Oh mukhang Blooming ka ngayon ah, may paribbon kapa sa ulo!" Bungad sa akin ni Manong Guard sa Gate. "Ahaha! Manong inspired lang." *"Inspired o Expired?"* *"Hahaha!"* Nagulat ako dahil sumingit sa amin si Ynnah na laging nangbubully sa akin. "Ewan ko lang sa mukha mo? Expired ata gamit mong make up kaya puro kulubot na yang mukha mo.." Sagot ko kay Ynnah. Di ko alam san ako humugot ng lakas para sagutin ang babaeng ito. Pero ang alam ko lang sawa na ko mag pa apak sakanya. Nakita kong nagtatawanan ang mga Studyante sa kanya.. Kaya ang sarap sa pakiramdam dahil nakaganti na ako. "How dare you?!!" Tangkang sasabunutan na niya na ako noon ngunit nakita ko yung balat ng saging na katabi ng basurahan noon na biglang tinangay ng hangin papunta kay Ynnah dahilan ng pag ka dulas nito. Nagulat ako dahil di naman matatangay yung balat ng saging bakit ganon.. *"HAHAHAHA!"* *"Ayan karma yan sayo!"* *"Haha! Buti nga sayo pangit!"* Mga bulungan ng studyante kay Ynna.. "Ano Krystal?! Di mo ko tutulungan ditoo??!" "Why naman kasi di ka tumitingin?!" "Shut up!" "Hoy tigilan niyo na kakabully nyo kay Chelsea kung ayaw nyo maGuidance ha!" Pagtatanggol sa akin ni Manong Guard, sabay ngiti sa akin. "What?! Really Manong? Ako na nga nadulas, ako pa nangbully?!" Pagtatanggol ni Ynnah sa sarili niya. "Karma is real! Bagay ka diyan mukha ka kasing lumot." Sabay alis pero narinig ko pa itong bumulong pero hindi ko na pinansin. Umalis na ko dahil masyado ng maraming nanunuod sa amin at baka mareport pa kami.. *** Noong Vacant ay hindi ko nakita si Adrian dahil madalas tuwing 4 lang siya nagpapakita.. Pero iba pala ang makikita ko.. "Well, well, well ang munting katulong ni Lily.." Wika ni Ynna habang papasok ng Library. Wala sa oras na yun si Ma'am Lily kundi nasa Canteen para bumili ng kanyang pagkain. "Oh bakit andito kayo? Eh di nga kayo marunong mag-aral hahaha.." Matapang kong sagot kay Ynnah kahet na natatakot na ako noon. Isang Bully si Ynnah.. Yung iba natatakot sakanya dahil grabe manakit.. Minsan mananabunot o mananampal nalang siya. Di siya na eexpelled kasi may kapit sa Principal.. Mayaman kasi ang Pamilya. Yung dalawang Tropa niya na si Krystal at Lyra sa tingin ko nahawa lang ng kamalditahan sa kanya. *Paaaaaaaaak!* Di na ako nagulat na masampal ni Ynnah. Sanay na ako dahil madalas niya itong ginagawa sa akin.. "Sa susunod umayos ka! Hindi mo alam sino ang binabangga mo!" "Kilala kita isa kang kawawang babae na walang alam gawin kundi manakit ng kapwa!" Buong tapang kong sagot sakanya.. *Pakkkkkk *Pakkkkkk *Pakkkkkk Sunod sunod na sampal na mula sa kanila. "Nagmamatapang kana?! Bakit sino pinaglalaban mo?! E wala kang Kaibigan!" Gigil na sabi ni Ynnah "Hoy sis tara na baka maabutan pa tayo" Singit ni Lyra Hindi ko man lang naramdaman ang sakit ng kanilang mga sampal bagkus ang sakit ng nararamdaman ko ngayon kung bakit galit na galit sila sa akin ay malapit ng sumabog.. "Tapos na kayo? Kung di kayo magbabasa.. Umalis na kayo.."Hindi ako nagpatinag sa takot ko at sumagot padin ako. "What the?! Gusto mo talaga a-.." "Ynnah! Ano nanaman iyan!" Sigaw ni Ma'am Lily sakanya. "Ahh wala po ma'am nakikipag ayos na kami sakanya.." Pag tatanggol ni Lyra sa mga kaibigan. "Yes Ma'am nakikipag ayos lang kami.. Bye Chelsea see you!" Plastik. sabay taray ni Ynnah saken. "Ayos kalang bat may sugat pisngi mo namumula pa?" Pagaalalang tanong ni Ma'am Lily sa akin. "Ahh wala po yan Ma'am.. Mamaya palang uwian baka di ako makapunta dito, ipabantay mo nalang po kay Adrian.."Kumunot ang noo ni Ma'am Lily sa sinabi ko.. "Ha e sinong Adrian? Sige okay lang wala naman akong klase mamaya dahil pinagpahinga ko muna sila para makareview bukas sa Exam." "Sige po ma'am need ko din po kasi mag review mamaya kaya kailangan kong umuwi ng maaga.." *** Nagpaalam ako kay Ma'am para maglabas ng sa ng loob sa bakanteng lote sa likod ng school namin.. Hindi ko kayng kimkimin to dahil wala naman din akong masasabihan.. "Bakit?! Bakit kailangan nyo akong saktan!!" Malakas na sigaw ko noon, walang mga tao o maski mga bahay noon tanging Puno at malawak na lote lang ang makikita at sa likod ay ang School namin.. "Mahirap ba akong mahalin?!" Nasasaktan na ako sa Pang Bubully Nila.. Apat na taon tiniis ko mga Pambubully nila sa akin.. Naramdaman kong lumamig ang paligid habang nakaupo sa naputol na puno ay nakayuko akong umiiyak.. "Umiiyak ka nanaman?" Napalingon ako sa nagsalita.. Di ako nakontrol ang sarili ko at tumakbo para yakapin siya.. "Ang sa-sakit.. A-ano bang mali ko at gi-ginaganito nila ako." Para akong batang nanlilimos ng Pag Ibig.. "Tahan na.. Wala ng mangaaway sayo.. Andito na ako.."Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at haplos ng kanyang kamay sa aking ulo.. Kahit papaano ay nahimasmasan ako dahil kay Adrian.. Siya lang ang nagpapa gaan ng loob ko.. Napakabango ng kanyang Cologne parang bulaklak na hindi ka magsasawang amuyin.. "Sa-salamat.."at noong ay bumitaw na ako sa yakap niya. "Grabi basang basa ang uniporme ko sayo hahaha!" Pangaasar nito sa akin.. "Sorry na lalabhan ko na-"Di ko na natuloy ang nasabi ko dahil hinalikan niya ako sa aking pisngi.. "Okay kana?" Nakangiting sabe nito ngunit di ko maiwasang mapangiti.. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun.. Dahil sakanya nagbago ang lahat.. Nagbago lahat sa akin.. At sa pag babago kong iyon ay nagkaroon ang nga mga bagong kaibigan.. Dahil sakanya nag bago ang buhay ko.. *** Next ay ang Last Episode ❤️ Salamat sa Pagbabasa!!

@Sheng04

Things that I learned in noise.cash and read.cash *I've been using this two Platform in 2 Months, but I knew first about noise.cash and after 2 weeks I knew read.cash but in my thoughts It's really hard to earn in read.cash because I don't really know how to write an Article.. So my account here is stock and Empty in 2 weeks.* *But I really inspired to those people who write and earn some 2$, 3$, 5$ and 10$ or more in just 1 article by Upvote of TheRandomRewarder or the Bot.* **I wrote this Article to tell what are the things I learned in noise.cash and read.cash**❤️ I learned in noise.cash to be Friendly - Funny but true because I don't really Post anything about my Life in social media like Facebook, but because of this platform I share some of the events in my Life and I became Friendly and I gain Friends and a Family I'm talking about the SPDI FAMILY, it's almost 1month since I met them.. I learned to Stock some BCH - Yes I learned to Stock but sometimes I used it when I really need it.. Like when my daughter sicked and we don't have some money to buy medicine that time and I remember that I have BCH in my Wallet and It's very useful. I decided to used it to my child and Stock again for my Goal to have a 1 BCH this year. I learned about Crypto's - I never learn about Crypto's in Facebook only in this site by communicating to other users, and I learned how to trade it. I learned and practice some English - Yes because this 2 sites are International and everyone in the World can use it. So we need to talk in English even if so many Grammatical Error because how can you learn if you will never try. Because if you speak English you will notice some Foreigner and give you some tips but if you use your own Language some of them ignore your Post. I learned to interact - By communicating to someone can learn new things like when there's a Contest or events or Giveaways in Twitter my Friends always tell us what will do to earn. I learned to make some Story - In read.cash you can make any Article about Life, things, environment or about Crypto's like BCH and you can make a Story about happenings in your Life or in the World. Just make sure to follow the Rules. I learned to Spread BCH - Everyone has a different way to Spread Bch awareness.. My Spdi Family decided to have a Contest every week on Sunday that's all about BCH. We have a Goal to share some of our Earnings to the other users and to make some Good Quality Content in noise.cash, we're still on planning but we will make sure that this will be happen soon. I learned to Hard Work - Hardworking will guide you to be a Successful, sometimes if the Bot did not visit my Article or Story I felt sad or disappointed but still I want to write because how can I visit again if I'm going to quit. Right? You need to word hard to in noise.cash, you need to join Giveaways and events or Contest to those who make it, you need to subscribe all of them and make sure you are updated so you will be first in line when they will be Giving some Tips. That's really easy but if you want some big Earnings then you need to work hard in noise.cash and read.cash! I learned to create some Good Quality Content like making a Meme about BCH and noise.cash, I remember when noisecash visitor visit my Meme by giving me a Tips. I hope he will visit me again and the Bot in read.cash too. I learned to make some Giveaways - Yes by using my funds that I earned in noise.cash and read.cash, riddles, wheel of names, quiz, guessing and many more, because for me it's better to give than to receive 🙏 I learned to be creative - I joined some Contest in noise.cash and I never expect to win in Slogan Contest about BCH. **The most important thing that I learned here is to be Happy! This site become one of my favorite stress reliever because you are Enjoying and making some Friends and stock BCH!** Thank you for Reading! ❤️

+5 more

@Sheng04

Forbidden Love 💔 *Pinagtagpo sa tamang oras at panahon ngunit hindi sa tamang Pagkakataon..* *Sa oras na malaman ko ang totoo.. Ipagpapatuloy ko pa ba ito o kailangan ko ng tapusin.. Nakakatakot man pero kailangang gawin..* *** **Chelsea's POV** Laki akong Probinsya at pumunta dito sa Manila para makipagsabayan ngunit ako pala ay magiging palaruan ng mga Studyante doon. 3 taon na ako dito sa School but still marami pa din ang nangbubully sa akin, 2nd year na ako noong nagaral dito. *"Hey, Weirdo!"* *"Ay feeling chix? Snob ka Ghorl ah!"* *"Anong Hairstyle yan? Pang mangkukulam?!"* *"Tignan mo naman ang suot.. Mukhang ilang buwan ng di nilalabhan!"* *"HAHAHAHA!"* Yan ang Grupo ng mga Babae na lagi akong Binubully sa School. Hindi naman ito Pribado pero sobrang dami lang talaga dito na mayayabang.. Kasalanan ko din naman to dahil nagpapa Bully ako sakanila, wala ako magawa dahil mahina lang ako at walang alam.. "Hi Chelsea!" Bati sa akin ni Luke, isa sa Poging studyante dito sa School. Nginitian ko lang ito at naglakad ng mabilis.. Alam ko may hindi mgandang binabalak sakin yung mga yun. Kinaiinisan ako sa aming school dahil sa aking itsura at pananamit, hindi ko kasi hilig ang mag ayos dahil gusto ko lang talaga na may matutunan sa school at di ko na naalalang ayusin ang aking sarili. Pero at least mataas ang aking mga Grade kumpara sa mga nambubully sa akin na puro kopya at pandadaya ang ginagawa para lang pumasa. Sa tuwing vacant namin ay hindi ako kumakaen at tumatambay lang ako sa aming Library para magbasa at di makarinig ng ingay na nanggagaling sa mga nambubully sa akin. *** "Hi, pwedeng umupo?" tanong sa akin ng isang lalaki dito sa Library. Nagtaka ako dahil marami namang bakanteng Lamesa bakit makikiupo pa dito. "Gusto mo dito?" Tanong ko dito. "Ah oo ka-si..." Di ko na pinatapos ang sasabihin niya at kinuha ko na ang mga gamit ko at lumipat sa ibang Lamesa. Nanibago ako doon dahil ngayon ko lang to nakita dito. Pero hindi ko na pinansin dahil baka isa siya sa mga gustong Mang Bully sa akin. Nakita ko ang lalaki na panay tingin sa akin. Kaya kinuha ko na ang aking mga gamit para pumunta na sa susunod na aming Subject. "Iha, kanina kapa palinga linga, ano ba ang hinahanap mo?" Bungad sa akin ni Ma'am Lily na isang matandang Librarian at isang guro din. "Wala po iyon Ma'am yung lalaki kasi ang kulit.. Una na po ako sa klase.. Punta po agad ako dito maya." Tuwing Vacant at bago umuwi ay dumadaan muna akong Library.. Ako ang nagbabantay doon bago magsara ang Library at bago ako umuwi. Mas maaga ang aking uwian kesa sa pagsara ng Library dahil may klase si Ma'am Lily ng ganong oras at ako ang pinagbilinan nito magbantay dahil sakin siya may tiwala. 4Pm ang aking uwian at nagbabantay ako sa Library hanggang 5Pm. *Ringgggggggg!!* *"Yehey! uwian na"* *"Oy tara inom tayo"* *"Oo dun sa bahay nila Luke"* Yan lang naman ang mga usapan ng mga kalalakihan dito.. 4th year na kami ngayon pero hanggang ngayon hindi pa din sila nagtitino. Papunta na akong Library noon ng pinigilan ako ni Krystal isa sa mga babaeng nanloloko sa akin. "Hindi kapa uuwi?" Nakangiti siya na parang demonyita "Hindi pa may inutos pa sakin si Ma'am Lily, bakit?" "Ok!" at umalis na ito sa harap ko. Di ko napansin na bumigat ang aking bag kaya dali dali akong Pumuntang Library. "Oh Iha ikaw na ang bahala dito ah.. Pupunta na ako sa klase ko." Bungad sa akin ni Ma'am at tumango nalang ako. Binaba ko agad ang aking Bag at binuksan. Punong puno ng bato ito. "Ang sama niyo!!" Sa sobrang galit ko napasigaw ako at gustong gusto kong ibato sa kanila tong bato na inilagay sa bag ko. Pero hindi ako ganoon kaya iniyak ko nalang lahat ng galit at inis ko sakanila. "Okay kalang?" Isang boses ng lalaki ang aking narinig. "May umiiyak bang okay?!" Ngunit nagulat ako nang nakita kong lalaki kanina ay andito nanamn sa harap ko. "Heto oh, punasan mo muna ang luha mo" Habang inaabot niya ang panyo niya sa akin at siya ay nakangiti. Ayoko sana tong tanggapin kaso kasi hindi ko talaga hilig magdala ng panyo sa school at hindi ko alam ano ipangpupunas ko sa muka ko. "Oh, oh tumutulo na uhog mo." "Ako na!" agad kong kinuha ang panyo dahil walang ano ano sasaluhin nya talaga uhog ko piste. "Ako nga pala si Adrian." Nakangiting sabi nito sa akin. Hindi talaga siya pamilyar sa akin 4th year na ako dito pero ngayon ko lang siya nakita o sadyang di lang talaga ako pala kaibigan at hindi ko nakikita mga nasa paligid ko dahil simula noong nagaral ako dito wala naman ako naging kaibigan. "Ako si Chelsea..." "Ahh Nice to meet you!" Inilahad nito ang kanyang kamay. "Nice to meet you too.." First time kong may mag ganito sa akin at di ko mapigil ang tuwa ko noon.. Hinawakan ko ang kamay niya at ramdam ko ang lamig nito ngunit hinayaan ko nalang dahil nakakatunaw ang mga ngiti niya. "Ay sorry malamig kasi kinakabahan ako hehe." Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at napakamot habang nakangiti. "Nako wala yon, ako dapat magsorry kasi di ako nagalcohol hehe." Natawa siya sa sinabi ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko at parang puputok na ito. " Bakit ka nga pala umiiyak?" Tanong Niya sa akin. Pinakita ko ang laman ng bag ko sakanya at laking gulat ko noon nagalit siya. "Hala sino gumawa niyan!" "Hayaan mo na aalisin ko na-..." Di ko natuloy dahil napasigaw ito. "Hindi tama tong ginagawa nila sayo!" Natulala ako dahil kahit galit siya ay ang pogi niya padin. "Ay sorry nabigla lang ako kasi hindi mo dapat hinahayaan na gawin nila sayo to." Paliwanag nito sa akin. *,,,,,,* Hindi ako makapagsalita that time dahil ngayon lang.. Ngayon lang may nag malasakit ng ganito sa akin dito sa School. Parang siya na ata.. Siya na ata ang magiging Knight in Shining Armour ko.. Thank you for Reading!!❤️

@Sheng04

Jeepney Driver *This Story is about how hard a work of a Jeepney Driver. Some Filipino People don't know that the work of a Driver is so hard.* *** "Manong para sa tabi!" "Sandali lang ho.. Ita-.."Di na naituloy ni manong dahil kahit umaandar ay bumaba ang lalaking pasahero. *Prrrrrt prrrrrt* Isang malakas na pito mula sa isang Pulis na nanghuhuli sa kalsada ang narinig ni Manong Lito. "Magandang Umaga po ano pong aten?"Isang magandang bati nito sa Pulis. "Nako Manong Penalty kayo, nagbaba kayo ng pasahero sa hindi tamang babaan." "Eh pero Sir kasi pinilit niyang bumaba kahit umaandar pa ko.." "Sana kase manong sinabihan mo.. Hindi pwedeng magpababa nalang basta basta sa kalsada!" "Pasensya na po talaga.. Kasi kahit anong sita ko po bumababa sila.." *"Hindi paba aandar to?!"* *"Nako mukhang matagal pa yan.."* *"Lumipat na nga tayo ng Jeep."* *"Hoy manong amin na binayad namin.."* Narinig ni Manong na nagrereklamo na ang kanyang mga Pasahero. "Hindi po ba pwedeng pagusapan nalang to.." "Oh sige manong di kita titikitan o kunin ang lisensya mo.. Magbayad kana lng ngayon ng 500." "Ha e bakit po ang mahal.." "500 o ang Lisensya mo?" Walang nagawa si Manong Lito kaya naibigay niya ang naipon nitong kita ng dalawang araw. *** "Ma.. Andito na ko.." Bati nito sa kanyang asawa. "Pa may tuyo diyan kumain kana.." "Pasensya na Ma natikitan ako ngayon eto lang muna mabigay ko.." Nag abot ng konting pera si Manong Lito sa kanyang asawa. "Bakit eto lang?! E magdamag kang nasa kalsada diba?!" "Nahuli ako ng isang Pulis ka-.." "Kasi sa katangahan mo! Kahit kailan ka talaga, ano tuyo nalang ba ang uulamin ng mga anak naten kung hindi tuyo.. Asin o toyo?!" Galit na paliwanag ng kanyang Misis. "Pasensya na talaga Ma.." "Pasensya?!! Nakakain ba yan?!" *** May dalawang anak si Manong Lito, isang 5 limang taong gulang na babae at apat na taong gulang lalaki. 20 years na itong nag Dadrive ng Jeep at nabibigyan lng ng Violation dahil sa makukulit na Pasahero.. Minsan pa nga ay nagsita siya na wag muna bumaba e mas nagalit pa ang kanyang Pasahero. Alas sais ng umaga hanggang alas syete ng gabi si Manong Lito bumabyahe upang kahit papano ay maka Boundary ito. "Magandang Umaga Manong Lito!" Isang pag bati ng kanyang suking Pasahero. "Magandang Umaga din sayo Iha, ohh may pasok ka ngayong Linggo?" "Ahh hindi po may kikitain lang po sa bayan."Sagot ng Dalagita. *"Hoy Lito iandar mo na yan ng makarami din kami!"* Sigaw ng kapwa niya Driver. Kaya inandar na ni Manong Lito kahit di pa napupuno ang kanyang Jeep ng Pasahero. "Nako manong bakit inandar nyo agad baka wala kayong kitain niyan." "Hayaan mo na Iha, mas okay na yan kesa mapaaway ako.." "Di naman tama yon Manong ikaw nauna sa Pila eh." Nginitian nalang ito ni Manong at bumabyahe ng taimtim. *** Noong hapon ay sobrang lakas ng Ulan ilang pasahero ang sumakay kay Manong Lito. "Doon ka na sa likod pre mababasa ka diyan.." Sabi ng lalaking katabi ni Manong sa Harapan. Binalewala niya yun dahil tama naman ang sinabi nito. "Manong pakibaba naman tong trapal mo nababasa na kami!" Wika ng isang pasahero niya sa likod. "Pakitanggal nalang po iyang butones at kusa na yang bababa." "Jusko manong hindi namin alam! Mas mabilis kung ikaw na." Pagpupimilit nito kay Manong. Walang nagawa si manong kaya agad tong bumaba sa Jeep para ibaba ang trapal niya. Ngunit napansin niya ang lalaki na may kinuha doon sa kita niyang pera at agad itong bumaba. "Magnanakaw!" Sigaw nito sa lalaki at hinabol niya ito.. Madulas ang daan at nahabol niya ang magnanakaw ngunit dumikit sa kanyang tyan ang panaksak ng lalaki na ikinagulat ni Manong Lito.. Napahiga ito habang dumadaloy ang kanyang dugo sa daloy ng ulan sa kalsada.. Pilit siyang nakikipag laban kay kamatayan dahil ayaw niyang maiwan ang pamilya niya na nahihirapan. Kinaya niya ito kahit mahirap.. ***Kaya sa kahit na sinong makahalubilo naten ay ugaliing maging mabuti dahil hindi natin alam ang kanilang pinagdadaan sa buhay.***

@Sheng04

Room 201 `Eto lang ang kasunod na kwento ng isa kong story noon.. Kung hindi mo pa ito nababasa, pumunta lamang sa link na ito 👇` https://read.cash/@Sheng04/ghost-hunting-tagalog-f3efe49d *** Sa tuwing nagkaklase kami sa room 201 ay hindi talaga makagalaw si Mcdo sa kanyang kinauupuan.. Laging tahimik at nakikinig sa Lesson. Alam namin kung bakit pero gusto namin na maging komportable siya.. Pero hindi namin magawa.. **"Lagi siyang nasa harapan ko masama ang tingin, namumula ang mga mata ang Isang lalaki na naagnas ang muka.."** Lagi itong paulit ulit na sinasabi ni Mcdo.. Kaya minsan noong wala kaming Teacher ay naisipan naming Puntahan ang Room 201. Naka locked ang Room 201 ngayon dahil hindi ginagamit.. Eto lang ang nilolock na Room sa 2nd floor.. Siguro dahil may hindi talaga tama sa Room na yon.. Mag 5pm yun ng hapon, nasa harap kami ng Room madilim dahil sarado ang ilaw.. Walang mga bangko.. Kundi isang walang laman na Room. "Dali try mo videohan.. Baka may makita tayo!" Sabi sa akin ni Kim noon. "Ehh ikaw na akin na cellphone mo.. Lowbat ako!" Sagot ko dito "Talaga bang ituloy naten to? Baka magalit sa atin si Mcdo?" Sagot sa amin ni Pam. Tatlo lang kami noon na nagbabalak.. Pero gusto din namin makita kung ano ang nakikita ni Mcdo. At kung totoo ba talaga ito. "Ohh bilis videohan mona!" Binigay sa akin ni Kim ang kanyang Cell Phone. Isa daw Bodega dati ang room na ito ngayon ginagamit nalang talaga ng mga Mapeh Teacher.. Ang room na ito ay may Bintana na parang Grills kaya makikitanmo talaga kung sino ang nasa loob.. Magkabilaan ang bintana nito, na hindi katulad sa ibang room na may Jalousie Window. Pinasok ko sa Grills ang kamay ko.. Habang hawak hawak ko ang Cellphone ni Kim. Mga ilang minuto nang pagvivideo ay nagulat kaming bumaba si Mcdo kasama ang isa pa naming kaibigan na si Alex. "HUY!!!" Nagulat kami dahil sumigaw ito. Pero nakatingin siya kung saan naka pasok ang aking kamay. "Bakit?" Tanong ko sakanya "Alisin mo na ang kamay mo diyan!! Bilisan mo!" Agad ko itong sinunod at dali daling nistop ang video. *** Tinanong ko kung bakit ito sumigaw kanina.. Pero nagsisi ako na itinanong ito sakanya. "Yung lalaki.. Yung lalaki nasa harapan mo na kanina nakatitig ng masama sayo!" Nangilabot ako noon kaya noong pag balik namin sa Room agad namin pinanuod ang video na kinuha namin. 3 minutes ang video.. Noong una ay walang nangyayare pero noong nag2 mins ay biglang may dumaan na mabilis.. Pabalik balik ito hanggang sa malapit ng matapos ay may puting usok sa harap ng camera. Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko ang Cellphone ni Kim "Ggo kaba?!" Inis na sabi sa akin ni Kim "Grabi oy di kaba natakot?" "Natakot pero wag mo na naman bato.." "Jusko e nagulat ka din naman!!" "Sabi sainyo totoo yon! Kaya wag na wag nyo ng uulitin yon!" Galit na sabi sa amin ni Mcdo. Maraming nakichismis na kaklase namin at lahat sila ay kinilabutan at natakot ng dumaan sa room 201. Noong uwian ay nag kanya kanya na kami. Si kim ay sumakay ng Jeep pauwi sa kanila. Ipopost nya nga daw iyon sa Facebook kapag uwi niya dahil hindi pa noon uso ang mga data na load. Kaya sa school laging walang kaming pang Data kundi umaasa lang sa mga Wifi na sobrang Hina. Nagaantay ako sa Facebook noon na iPost ni Kim ang Video. Nichachat na nga namin si Kim noon pero wala siyang reply sa amin. Kaya naisipan nanamin siya ng masama noon. *** Kinabukasan ay nagantay kami kay Kim, at pumasok nga ito. Tumakbo pa kami sakanya at tinanong kung bakit di siya nag Online kahapon. "Yung Cellphone.. Nawala siya sa Bag ko.. Kaya kahapon pinagalitan ako ni Mama dahil nawala ko yung Cellphone.." Nagulat kami sa aming narinig.. Maiyak iyak na nga noon si kim "Yan sinasabi ko sainyo.. Buti nga ganyan lang ang nangyari sayo.. Yung iba nga naaksidente para lang hindi maipakita yang ebidensya."Wika ni Mcdo sa amin Tumaas ang balahibo namin noon at simula noon ay itinigil nanamin ang video video na yon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa amin. End Thank you po sa pagbasa! Note: This is a true Story of Us. This happened when we are on Highschool

@Sheng04

Everlasting love ending `Kung hindi mo pa nababasa ang una at pangalawa ito ang mga link👇` `https://read.cash/@Sheng04/everlasting-love-part-1-2b8adc4b` `https://read.cash/@Sheng04/everlasting-love-part-2-5464d8ef` *** **Jimwel's Pov** Naguguluhan ako sa sinasabi ni Jenny sa akin.. Pero nakinig ako sa mga sinasabi niya. "Nakita ko ang mama mo at ikaw.. Sa gilid ng kalsada ngunit may isang motor na sobrang bilis ng takbo at kinuha ang bag ng mama mo.. Nahawakan mo pa nga yung kumuha e kaso nabigla ka dahil may baril pala ito. Umiyak at hinabol ka ng mama mo ngunit pati siya ay nadamay.." Umiiyak ako at naguguluhan sa mga nangyayari. "Sino yung lalaking yon.. Sino yon!!" Nasigaw ko iyon ng malakas dahil wala akong kaalam alam.. "Mas mabuting itanong mo to sa lola mo alam ko mas may alam siya dito.. Sorry jim.. Ngayon ko lang nasabi sayo.." *** Umuwi ako at agad kong pinuntahan ang lola ko na kasalikuyang matutulog na sa kanyang higaan. "Lola.." Maluha luha na ko dahil hindi ko alam ang nangyayari at nangyari.. "Bakit jim.." "Noong naaksidente si mama.. Nakipag kita daw siya sa kaumuka ko.. Lola pls naguguluhan ako.. Sino siya!" "Apo.. Sa maniwala ka o sa hindi.. Siya ang kakambal mo.." Napatigil ako simula noong nabuhay ako ni isa sa kanila walang nagsabi na may kakambal ako! "Lola bakit! Bakit niyo lang ito sinabi sa akin" "Dahil ayun ang kagustuhan ng iyong ina.. Hiniwalay ka niya sa kanya dahil gipit na gipit ang iyong magulang.. Ibenenta ang iyong kakambal para mabuhay kalang.. Sanggol palang kayo noon. May nag offer sa mama mo na kung hindi mabayaran ang Hospital bill at para sa pang paopera mo ay ipagpalit nalang ang bata sa pera." Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.. Umagos ang aking mga luha.. Dahil kahit kailan di ko nakita ang aking kakambal hanggang sa kunin ito.. "Lola bakit ngayon lang!" "Naikwento sa akin ng mama mo na magkikita sila sa araw na yon.. Pero hindi nya sinabi kung saan basta ang sabi niya iuuwi niya ang kambal mo.." Niyakap ako ng mahigpit ng lola ko.. Patuloy padin ang pag iyak ko dahil dalawa palang tao ang nawala sa aking buhay.. *** Kinuwento lahat sa akin ni lola tungkol sa aking kapatid.. May kinuha pa siyang isang box na pinakatatago ng aking mama.. Andon ang mga sulat nila nang kapatid ko.. Max Troy ang pangalan ng akin kapatid.. Ang sakit dahil sa sobrang barkada ko dati hindi ko namalayan o nagtaka man lang sa mga ginagawa ng mama ko.. Napaisip ako sa babaeng napapanaginipan ko.. Nag dugtong dugtong lahat kung bakit napapanaginipan ko siya.. Kahit hindi ko nakita o nakasama ang aking kakambal.. Kadugtong padin siya ng aking buhay.. Yung babaeng yon.. Siya si Zarish.. Alam ko napakasakit sa kanya ang nangyari. Kailangan niya ng makakausap o makakaramay dahil sa mga nangyari sa kanya. *** Buo ang loob ko na sabihin lahat kay Zarish ang malalaman ko.. Pagtapos palang ng huling klase namin ay hinabol ko na siya. Sa sobrang bilis neto maglakad nakarating kami sa labas ng school. "Bakit kaba sunod ng sunod! Anong Problema mo?!" Nakita kong nangingilid ang kanyang mga luha na ilang segundo lng ay babagsak na ito. "Zarish sorry.. sorry nawalan ka ng minamahal.. Dahil ako nawalan din.. Hindi lang isa kundi dalawa.." Nagulat ako dahil Umagos na ang kaninang pinipigilan niyang luha.. "Zarish.. Hindi ko nakilala si Max na kakambal ko.. Pero ikaw.. Ikaw ang magsasabe sa akin kung ano mga nangyari sa kanya.. Gusto kong malaman lahat ng detalye sakanya." Humagulgol ito sa harap ko kaya niyakap ko ito ng mahigpit.. "Ma-mahal na mahal ko si max.." Sinabi niya sa akin na wala siyang alam sa akin o may kakambal siya.. Pero nasabi Niya sa akin ang mga huling habilin nito sa kanya.. Mas nadurog ang aking puso sa nalaman ko. Sinabi ko sakanya na napapanaginipan ko siya palagi na umiiyak.. *** Ilang linggo ang nakakaraan noong nalaman ko lahat ang tungkol sa aking kakambal.. Tinulungan ako ng Lola ko na makabangon sa sakig ng pinagdadaanan ko.. Parang nanumbalik lahat ng sakit noon. Si Zarish nakilala niya si Lola at lingo lingo kaming magkakasama para mas tumibay ang relasyon namin sa Panginoon.. "Max.. Ang saklap ng nangyari sa buhay ngayon.. Grabe hindi man lang kita nakasama Bro.." Maluha luha kong kinakausap ang puntod ng aking Kambal. "Wag ka magalala.. Ako na ang bahala sa Mahal mo.. Hindi ko hahayaang may manakit sakanya at wag ka din magalala dahil sayo lang siya.. Hindi ko aagawin sayo.." Isang malakas at malamig na hangin ang biglang dumaan sa aking harapan.. Naluha ako dahil alam kong andito Siya.. Pinagmamasdan ako sa malayo.. "Magpahinga kana diyan Max.. Sana kahit minsan dumaan ka sa panaginip ko.." *** Habang tumatagal mas lumalakas ang pananampalataya namin sa kanya.. Lahat ng problema dumadali dahil sakanya.. Lahat ng sakit nawala dahil sakanya.. Lumaban ako, si lola at si Zarish dahil sakanya.. At iyon ang masasabi kong Everlasting love.. Ang Pagmamahal namin sa Aming Panginoon.. *John 3:16* *“For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.* End Salamat po sa pagbabasa.. ❤️

@Sheng04

Everlasting love part 2 Part 1 of this story https://read.cash/@Sheng04/everlasting-love-part-1-2b8adc4b *** **Zarish's POV** Gustong gusto ko siyang yakapin, gustong gusto ko siyang halikan at sabihing miss na miss na kita.. "1 year palang ang nakakaraan noong iniwan moko.. Lahat ng sakit nanumbalik noong nakita ko siya. Hindi ko alam sino siya pero pakiramdam ko ikaw at siya ay iisa.." Nasa harap ako ngayon ng puntod nang pinakamamahal kong Kasintahan.. Namatay siya sa isang aksidente.. Ang huling sinabi niya sa akin na magiging masaya siya ngayon dahil makikita at makikilala niya na ang Totoong magmamahal at magpapasaya sakanya. Masakit sa akin yon pero mas masakit ang pag iwan niya sa akin. Alam ko may dahilan ang lahat kung bakit nangyari sa kanya yun.. Kaya kahit hindi ko alam kung kanino siya nakipagkita noon ay pinayagan ko padin siya. Isang taon na noong iniwan mo ako pero hanggang ngayon.. Ikaw padin ang nasa puso't isip ko.. Masasabi ko na sa sarili ko na matapang ako dahil hindi ako lumuha sa harap ng mahal ko o sa kamuka ng mahal ko. *** "Zarish! Zarish!" Hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Jimwel. Nanlambot ang puso ko pero kailangan ko tong pigilan.. Ayokong masali siya o malaman ang aking nakaraan. "Why?" "Naiwan mo.." Nagulat ako dahil eto ang aking diary.. Kinuha ko agad to sakanya. "Thanks." Binilisan ko ang pag lalakad ko.. Hindi ko na dapat to ipagpatuloy.. Kailangan ko ng lumipat ng iskwelahan.. Di ko siya kakayanin na makita araw araw.. Alam ko wala syang kasalanan pero ang sakit sakit.. Dahil nakikita ko sakanya ang mahal ko. Pero hindi pwede.. Si mommy napaka supportive niya sa akin.. Simula noong namatay si Max, araw araw kumayod si mama para lang makapag aral ako sa skwelahan na ito.. Binigay niya lahat ng luho ko para maging malakas, pero hindi padin sapat yon.. Lahat ng pasakit at paghihirap ni mama habang nagtatrabaho ay nakita ko pero nagbulag bulagan ako.. Hanggang siya ang naaksidente, wala na kong pag asang mabuhay noon. Pero lumaban si mama para sa akin.. Oo nabuhay siya kaya ngayon lahat ng sakripisyo at paghihirap niya para mapag aral ako ay papalitan ko ng sipag at tiyaga sa aking pag aaral kahit ikadurog pa ng aking puso.. Gustong gusto ni mama na dito ako magaral.. Gusto niya dito ako magtapos kaya di ko kayang suwayin si mama dahil mahal na mahal ko siya at sobrang stressed na siya. **Jimwel's Pov** Habang tumatagal mas nagiging misteryosa niya sa akin. Lalo na at nabasa ko ang ibang page ng Diary niya.. Nawalan na pala siya ng minamahal.. At sure ngayon hindi siya makapag move on kaya mas gustong gusto ko siya makausap o maging kaibigan.. "Jimwel! Halina at baka gabihin tayo!" Sigaw sa akin ni lola sa baba na kanina pa nagaantay. "Opo lola!" Lingo lingo kaming nagsisimba. Malakas ang pananalig namin sa kaniya lalo na noong iniwan ako ni inay.. Sakanya lang kami kumapit at hindi bumitaw.. At ngayon kahit papaano ay mas naging matibay ako.. *** "Apo.." "Bakit po lola?" "May gusto akong sabihin sayo.." "Ano po iyon lola?" "Jim!!! Saan kayo punta?" Nahinto ang paguusap namin dahil sumingit sa amin si Bricks. "Pauwi na kakatapos lang namin magsimba bakit?" "Tara! Sama ka muna sakin." "Oh apo mukang aalis kayo.. mauuna na ako umuwi" "Ehh lo-" Di ko na naituloy dahil hinila na ako ni Bricks. "Ingat ka paguwi lola!" Ngumiti lang ito at diresto na naglakad. "Ano ba yan Bricks! Mamaya kung ano mangyari sa lola ko e." Galit kong sabe dito dahil minsan nakakainis din mga ginagawa nito e. "Sorry pre. Gimik sana tayo kasi di na kita nakakasama simula noong nawala si mama mo.."Nalungkot nanaman ako at naalala ko si mama. "Ohhh sorry na Jim tara na minsan nalang eh!" Pagpupimilit neto sa akin.. Sumama nalang ako tutal namiss ko na din gumimik kasa mga tropa. "Sige saan ba?" "Sa bahay nila Jenna! Birthday nya ngayon kaya inaaya niya tayo pumunta." Siya yung babaeng nag Confessed sa akin ng feelings. Awkward man pero sumama padin ako para di naman ako mag mukang Guilty sa ginawa ko. *** "Wow! Ang lalaking nag Busted sa akin! Thank you at pumunta ka ngayon.." Bungad na bati sa akin ni Jenna "Salamat. Sinamahan ko lang to-" "Shhhhh.. Pasok welcome kayo dito! Kalimutan ang nangyari sa nakaraan at magsaya ngayon.."Halatang nakainom na ang babaeng to. Malaki ang kanilang bahay at masasabi kong parang mansion na ito. Di ko siya Nibusted pero hindi ko siya sinagot dahil yung mga araw na yun masakit pa din ang pag kawala sa akin ng inay ko kaya siguro di ko napansin ang mga tao sa paligid ko. Isang taon palang noong nawala siya sa amin kaya sariwa padin. Pero dahil sa aking lola at Panginoon ay tumibay ako.. "Jim! Tara dito at sumayaw!" " Sige inom lang ako dito." Inaaya ako ni Bricks pero hindi ako marunong kaya andito lang ako sa gilid umiinom.. "Wow beer.. Try mo Wine para di ka malasing.."Nagulat ako nasa tabi ko na pala si Jenna. "Happy birthday nga pala" "HAHA! Salamat!" Halatang masaya siya dahil kahit di nakakatawa ay tumatawa siya. "May sasabihin sana ako sayo e." "Oh ano ba yun Jenna?" "Noong naaksidente mama mo." "Ha?" Nakita ko sa mukha niya na seryoso na siya. "Nakita ko mama mo.. Kasama ka niya.. Hindi ako pwedeng mag kamali.." Nagtataka ako sa mga sinabi niya dahil noong naaksidente si mama ay nasa bahay ako kasama si lola. "Kitang kita kita kasama ang mama mo noong naaksidente kayo!" Thank you For Reading! Next episode later sorry busy po kasi.

@Sheng04

Kingdom 2 `This is the continuation of Kingdom. Kung hindi mo pa ito nababasa, mas mabuti muna itong basahin para madali itong maunawaan.. 👇` `https://read.cash/@Sheng04/kingdom-da0c81a7` *** Habang nakaupo ako kaharap ang mahabang lamesa at isang babaeng punong puno ng alahas sa katawan. Isang masasarap na putahe ang nakahain dito.. Ang mga nagdadala ng pagkain ay may mga alahas din na hindi mo akalain na mga alipin ang mga ito.. "Ano pang hinihintay mo? Kumain kana." Malaki ang boses ng babae na to nakakatakot dahil di mo aakalain na sa ganda niyang iyon may tinatago din siyang kapangitan.. Alam ko na hindi niya talaga yun itsura.. Nakita ko ang mga mata niya na sobrang bilog at kulay Brown kitang kita ko ang kulay kahit ang layo ko sakanya.. Kumuha ako ng mansanas upang kainin habang nililibot ko ang aking mata sa palasyo niya na punong puno ng mga disenyo.. Puro ginto at pilak ang mga kagamitan nito. Ang mga nakasabit sa dingding niya ay mga ulo ng mga mababangis na hayup tulad ng tigre, leon, oso at iba pa.. Ang mga tao roon ay nagsasaya at nagkakainan.. "Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng reyna. Nagulat ako sa kanyang boses at napatingin agad sa kanyang mga mata. "Liyah po." Hindi ako makagalaw at nahinto sa aking kinakain. "Kumain ka ng kumain at mamaya ay may surpresa ako sa iyo." Agad akong lumantak ng mga baboy o lechon at mga manok. Hindi ko alam bakit ko ginagawa to.. Para akong nakokontrol, kaya naisip ko na hindi tumingin sakanyang mata.. "Oh tubig Liyah, dahan dahan lng baka ika'y mabulunan." Inabot sa akin ni rolly ang isang basong tubig habang siya ay nakangiti sa akin. Hindi ako tumingin sa mga mata niya noon. Pero hinawakan niya ako at kinuha ko agad ang inaabot niyang baso.. Di ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko kapag nahahawakan niya ang kamay ko.. Natapos akong kumain nang biglang pumalakpak ang Reyna.. Isang magandang babae na may hawak na tray na may takip ang papunta sa harapan ko.. Nagulat ako nang buksan niya ito. Mga kendi.. Kending may iba't ibang kulay.. Kending may iba't ibang hugis... Hugis bilog, pahaba, tatsulok at iba pa. "Kumuha ka nang itim na panghimagas mo.." Hindi ako tumingin sa mga mata niya kaya hindi niya ko nautusan.. "Busog na po ako.. Salamat po, pero kailangan ko na pong umuwi sa amin.." Nakayuko kong sabe dito. "Hindi ka maaaring umuwi! Nandito kana at hindi kana makakabalik sa mundo mo!" Isang napakalaking boses ang nagpatigil sa lahat ng tao sa palasyo. "Pe-pero mahal na Reyna.. Inaantay na po ako ng Pamilya ko, pauwiin nyo na po ako.." "Kung uuwi ka.. Uuwi kang wala nang buhay.." Humagulgol ako at tumakbo ako sa harapan nito.. Upang magmaka awa at payagan ng umuwi. "Sige na po nagmamakaawa ako!" "Kahit ano! Kahit anong hingin nyo ibibigay ko pauwiin nyo lang po ako!" Isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa Reyna. At di ako makapaniwala sa sumunod na sinabi nito. "Isang Sanggol mula sayo! Bigyan mo kami ng isang sanggol mula sayo! Yun lang ang magpapalaya sayo dito!" Nanindig ang aking balahibo at tuloy tuloy ang agos ng luha ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko pero lahat sila ay tumatawa. Eto ang hindi ko napansin sa kanilang kaharian.. Walang bata sa palasyo nila. *** Wala na akong naisagot sa Reyna at hinatid ako sa isang kwarto ni Rolly. Lutang at walang kibo.. Paulit ulit sa utak ko ang sinabi ng Reyna. "Pasensya ka na sa inasal ng Reyna ha."Pinuntol ni Rolly ang nkakabinging katahimikan. Ngunit hindi ako sumagot at humiga sa kama para matulog. "Lahat kami dito ay hindi maka buo ng isang sanggol.. Kailangan namin kumuha ng mga babae sa labas ng mundo para paramihin ang aming lahi namin.. Marami na dito ang namatay at nagpakamatay.. Lahat sila ay bigo na mabigyan ng isang sanggol ang Reyna. Hindi kami tumatanda o namamatay, kaya sabik kami na magkaroon ng sanggol sa aming kaharian." Nagulat ako dahil nagbahagi si Rolly sa akin. Ngunit humahagulgol nanaman ako dahil di ko mapagilang isipin na ang sarili ko.. Ang sarili ko ang kailangan para makaalis dito.. "Namimiss ko na ang Mama ko! Mga kapatid ko at ang lola ko! Pls ayokong isuko ang sarili ko sa inyo!" "Pero kung kinain mo lang ang mga kendi kanina siguro ay nakabalik kana sa iyong pinanggalingan.." Nahinto ako sa kanyang sinabi at agad hinarap siya.. "Anong ibig mong sabhin." "Ang mga kendi na iyon ang magpapalaya sa iyo. Pero wag na wag mong pipiliin ang Itim na kendi na may hugis na puso." "Bakit anong mangyayari?" "Magiging bahagi ka na namin at hinding hindi ka na makakauwi." Ngayon ko lang nakita ng malinaw ang kanyang mata amg kanyang mukha. Seryoso ito at punong puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata.. Tahimik ko lang siyang pinapakinggan sa kwento niya. "Mahal ko si Gregoria. Siya ang nagiisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.. Pinili niyang sumama sa akin dito.. Nagulat ako dahil masaya siya.. Pumayag siyang dito manirahan.. Ngunit nabigo kami na bigyan ng sanggol ang aming mahal na Reyna, kaya pinalayas siya dito at hindi na pinabalik.. Simula noon ay tinanggalan na kami ng koneksyon.. Nakikita ko siya ngunit si Gregoria.. Hindi na niya ako nakikita.." Naawa ako dito dahil habang kinukwento niya ito ay tumutulo ang kanyang mga luha.. Ngunit pamilyar ang babae na ito.. "Sino siya.." Isa lang ang kilala kong may pangalan sa bayan na ito.. Hindi ako pwedeng magkamali dito. "Ang lola mo.. Oo kinuha kita pero hindi para magbigay ng sanggol.. Kundi para ipasabi ang aking nararamdaman sa Lola mo.." Ramdam ko ang sakit habang kinukwento nya ito.. "Alam kong walang kasalanan ang lola mo alam kong kami ang may mali dahil hindi kami makabigay ng anak, pero gusto ko.. Gusto kong sabihin mo sakanya na hinding hindi ko siya papabayaan at lagi lang akong nagbabantay sakanya.." *** Habang ako ay kumakain sa harap ng Reyna, hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi sa akin ni Rolly.. Dahil kapag nakalabas na daw ako dito hinding hindi ko na din daw siya makikita at ang kaharian. Papalapit sa akin ang isang tray na nakatakip.. Hindi ako mapakali at hindi makapag antay na kumuha at kumain nito.. Pinili ko ang pulang kendi na may hugis na Puso.. Nakita ko ang Reaksyon ng Reyna. Pagkabigla at pagka mangha.. Pati si Rolly ay napatulala sa aking pinili.. Hindi ko alam bakit pero noong kinain ko ito ay nawalan ako ng malay. "Liyah!!" "Liyah!!" "Ate asan kana!!" Kilala ko ang mga boses na iyon.. Masakit ang aking ulo noon pero di ko ito ininda at tumayo.. Naalala ko itong lugar na ito. Nasa totoong mundo na ako! Tumungo ako sa kinaroroonan nila mama at mga kapatid ko.. Tuwang tuwa sila noong makita ako at gayun din ako.. Kinuwento ko sakanila lahat ang nangyari.. Kinuha ko pa ang camera ko para ipatingin sa kanila.. Ngunit puro itim lang o blangko ang mga kinuha ko doon sa kaharian.. "Hindi.. Hindi maari.. Nakita ko talaga yon! Pinicturan ko pa!" Inulit ulit kong hinanap ang mga larawan ngunit wala.. "Anak, magpahinga ka muna.. Ilang araw ka ding nawala alam ko pagod ka.." "Asan si lola?" "Nagpapahinga siya sa itaas dahil-" Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni mama at agad akong umakyat kung nasaan si lola. "Lola!!" Nabigla ako sa nakita ko.. Isang matamlay at nanghihinang matanda ang naabutan ko. "Lola anong mangyari sayo!!" Nakangiti ito sa akin ngunit tumulo ang mga luha nito. "Salamat at nakauwi ka na at walang nangyaring masama sayo.." Kinuwento ko lahat ang pangyayare sa kanya.. Ngunit nagtataka lang ito.. Kung sino si Rolly.. Kumirot ang puso ko noon at hindi alam ang nangyari.. Pero baka nakalimutan ni niya ito sa katandaan. Isang bulong.. Isang bulong ang aking narinig.. Na alam kong siya yon. *"Lando.. Lando ang pangalan na kilala niya.."* "Lola si Lando po." Noong pagkabanggit ko sakanya noon ay nagumpisa ng tumulo ang mga luha nito.. Tuwang tuwa siya sa mga narinig niya at makikita mong malakas at masigla na siya.. Natutuwa ako sa mga nangyari.. Nawala man ang mga nakuha kong litrato pero hindi mawawala sa isip ko ang mga tao doon.. Pero hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nabigla silang lahat sa aking napili.. Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod.. Naririnig ko padin si Rolly pero hindi ko na siya nakikita.. End Salamat sa pagbabasa! 🥰

@Sheng04

Kingdom **Ang storyang ito ay isang kathang isip lamang at walang katotohanan..** *** Isang umagang kay ganda.. Punong puno ng kasiyahan at tawanan ang makikita sa aming bayan kung saan nagdidiriwang ng kapistahan.. Lahat sila dito ay masaya wala kang ibang makikita kundi nagsasayawan, nagiinuman, nagkakainan, nagkakantahan at kagkukwentuhan. Liah's POV Grabe sobrang saya dito sa amin wala ka talagang makikitang nagiisa.. Isa akong dayo dito sa bayan ng akin ina. Pinauwi kami dahil nga sa mayroong Kapistahan.. Ni wala pa kong kilala dito sa amin kaya ang mga nakakausap ko lang is sila mama at mga kapatid ko. "Apo.. Iyah.. okay kalang ba?" "Ayy opo lola bakit po?" "Pwede mo bang ibigay ito sa mga bisita?" Habang nakangiti at hawak ang mga pagkain. "Opo ako na diyan lola umupo ka nalng at magpahinga baka kayo mapagod.." "Salamat." Noong pinamimigay ko ang mga dala kong spaghetti at shanghai napalingon ako kung saan mayroong lalaki na nakatayo sa pinto.. Nginitian niya ko.. pero hindi ko nalang pinansin at nagtuloy sa paglalakad. Sabi ng mama ko wag daw ako makikipagusap sa mga hindi ko kilala dito dahil baka kung anong mangyari sa akin. Di ko nalang tinanong kung bakit at nakinig nalang sakanya. Yung lalaking nakita ko parang dayo lang din siya dahil may katangkaran maputi at masasabi kong gwapo ito. Noong natapos ang kasiyahan at tapos na kami sa mga ligpitin.. Napaisip ko na lumabas sandali sa aming tapat kung saan makikita ang mga dumadaan, nagmuni muni muna ako bago matulog.. Malamig ang hangin at nagulat ako nang biglang may nagsalita. "Hi.. Bago kalang dito?" Nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya.. Imposible yun dahil dapat makikita ko siyang dadaan.. O baka kanina pa siya doon. Eto yung lalaking nakita ko sa pinto kanina.. Tinignan ko siya pero hindi ko pinansin.. "Ahm miss? Ako nga pala si Rolly taga kabilang kanto lang ako kakilala ako ng Lola mo." nakangiti nitong sabe sa akin ang creepy niya pero nagtataka ko bakit ako ang gusto niyang makita.. "Ah okay po." Tatayo na sana ko ng bigla nya kong hinawakan sa kamay.. Natulala ako noon at nawala sa ulirat.. "Pasensya kana mukang natakot ata kita. Sge uwi kana." At tumayo siya at umalis nalang habang nakatulala pa din ako. *** Tatlong araw nakalipas noong nangyari di ko na nakita ang lalaki na yun.. Pero pumasok sa isip ko na pumuntang gubat at mag gala.. Gusto sanang sumama ng kapatid kong lalaki pero hindi ako pumayag.. "Mag ingat ka iha.. Wag ka magpapa gabi.." Payo sa akin ng aking ina. Dali dali akong umalis dala ang aking camera.. Isa ito sa mga gustong gusto ko gawin ang kumuha ng mga litrato ng Kapaligiran.. Alam ko habang naglalakad ako ay nakasunod sa akin ang kapatid ko.. pero hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang pag kuha ng litrato.. Habang naglalakad ako nakakita ko ng napaka gandang lawa.. Nagulat ako doon dahil asul na asul ang tubig at kitang kita ang mga isda na lunalangoy.. Kinuhaanan ko ito ng litrato at tuwang tuwa ako dahil marami akong mapapakita sa kanila pag uwi ko.. "Hi Liyah!" "Ay palaka!" Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang aking camera.. "Bakit ka nanggugulat! Kanina kapa ba sumusunod? At saka saan mo nalaman ang pangalan ko?!" Sunod sunod kong tanong sa lalaking humawak ng kamay ko.. Oo siya yung si Rolly. "Ohh easy kalang wala akong gagawing masama sayo.." Nakangiti ito sa akin.. Para akong natulala nanaman. "Kailangan ko nang umuwi.. Si-.." Di ko na nagawang ipagpatuloy ang aking sasabihin dahil nawalan na akong nang malay sa pagkakahawak nito sa aking kamay.. *** Isang napakagandang Lugar ang bumungad sa akin noong nagkamalay ako.. Dali dali akong tumayo at kinuhanan ng mga litrato ang paligid.. Isang matataas na puno na may iba't ibang bunga.. Mga taong naglalakad pero makaluma ang suot at puro alahas ang katawan.. Mga ibong malalaki na sinasakyan din ng tao.. Isang napakalaking palasyo at na akala mo sa Fairytale mo lang makikita.. Mga iba't ibang klase ng mga pagkain na tinitinda doon. Mga ilog na punong puno ng tsokolate.. At lahat ng tao dito ay may taglay na kagandahan at kagwapuhan.. Lahat yon at kinuhanan ko ng Litrato.. Pero nagulat ako sa mga nakuhanan ko.. Lahat iyon ay kabaliktaran ng nakita ko.. Mga punong walang mga bunga o dahon mga taong maiitim at hubo't habad na tanging saplot lang ang nagsisilbing pantago sa kanilang mga pribadong parte. Mga uwak na nagliliparan sa kapaligiran mga animoy parang mga aswang.. Ilog na punong puno ng dugo.. At ang akala kong palasyo ay isa palang Malaki at maitim na Tirahan na parang pang Hunted House. Akala ko ay sira lang ang aking Camera kaya para makasigurado ay kinuhanan ko ang muka ko mg litrato.. Nagulat ako sa aking nakita.. Walang nagbago sa aking mukha ngunit isang napaka pangit na nilalang ang nakita ko mula sa aking likuran.. "Liyah, natutuwa ako at gising kana.. Halika at kumain kasama ang mahal na Reyna.." Hindi ako nakasagot dahil hinawakan niya ako sa aking kamay.. Pakiramdam ko ay nakokontrol niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay. Pero kailangan kong makaalis dito. Nasa isip ko noon kung paano makakaalis dito.. Paano nga ba ano ba amg mga sinabi sa akin ni mama at lola! Bakit ganito ang nangyayari sa akin!!! Pag kapasok namin Pekeng Palasyo ay bumungan ang malaking lamesa na punong puno ng mga pagkain.. "Kamusta kana? Halina at ika'y sumabay sa aking umagahan.." Bati sa akin ng isang napakagandang Babae. Ito na siguro ang kanilang Reyna Lahat ng pagkain ay magkakaiba. Punong puno nga mga kinatay ng baboy at mga parte nito. Makikita mo din amg makulay na kanin na masarap pagmasdan. Hindi ko na naisipan ang kuhanan ito dahil alam ko na may hindi mangyayaring maganda sa akin dito.. Salamat sa pagbabasa! Next episode tomorrow 😊

@Sheng04

Everlasting Love part 1 **Jimwel's Pov** *Isang madilim na paligid sa malawak na bukirin tanging Buwan lang ang nagsisilibing ilaw.. Isang babaeng mahaba at maitim na buhok ang nakatalikod sa akin.. Isang makapal na usok ang pumapaligid sa amin.. Tila ba ako'y nasa langit..* *** "Jimwel!! Jimwel!! Alas sais na ng umaga at ika'y bumangon na diyan!!". Nagulat ako at napaupo agad sa kama.. Akala ko totoo na yun, isa nanaman palang panaginip.. "Opo lola eto na" Papungas pungas kong sagot sa lola ko. Gabi gabi ko nalang napapanaginipan yung babae na yun.. Simula noong iniwan ako ng aking inay.. Tanging Lola ko ang kasama ko sa bahay.. Yung babaeng laging nagpapakita sa panaginip ko ay tinururing ko nalang na si nanay, dahil siguro hindi ko pa matanggap na wala na siya.. "Osya eto na ang baon mo at lumakad kana sa iyong skwelahan." Dali dali kong kinuha ang nakabalot ko na pagkain kay lola at binigyan ng halik sa kanyang pisngi. Tinuring ko na ding parang nanay si lola dahil sobra nitong pag aalaga sa akin.. Ang papa ko nag tatrabaho abroad kaya hindi din kami nito magkasundo tulad sa aking lola.. Isa na akong Grade 11th sa isang kilala iskwelahan dito sa aming bayan.. Malaki, malawak at maganda ito, aakalain mong Pribadong skwelahan to pero ito lamang ay Pambulikong Paaralan.. "Jim!!!!! Broo Nabalitaan mo na ba???!" Taranta na tumatakbo ang tropang kong si Bricks "Tungkol sa babae nanaman yan no?" Isa sa chikboy kasi sa school lahat ng babae ata kilala na nya hahaha. "May bagong istudyante dito at maganda bro at ang se-.." "Hi Bricks tara sa canteen?" tanong ng babae sa kanya.. Tuwang tuwa nanaman ang Unggoy. "Hahahaha! Kita tayo mamaya sa klase jim ahh!!" Agad silang nakalayo dahil sa pagkakahatak ng babae.. Napailing na lang ako sakanila. Hindi kalayuan sa amin ang School.. Kung lalakarin lang ito mga 5mins lang nasa school kana. Napaisip nanaman tuloy ako sa babaeng napanaginip ko kung minsan kasi nakikita ko na ang mukha niya kaso Blurred at nakakalimutan ko agad pag gising ko.. Papunta na akong Room noon at may napansin akong babae na kahawig na kahawig ng nasa panaginip ko.. Tumakbo ko ng mabilis para mahabol ang babae ngunit hindi ko na nakita.. Likod na likod talaga nya yon!! Nakakatawa man isipin na likod lang ang nakita ko pero alam ko na siya yun. "Uy bat ka tumatakbo bes?" Tanong sa akin ng Best friend kong si Pia.. Kababata ko si Pia, siya lagi ang karamay ko sa tuwing nalulungkot ako.. Siya din ang may alam sa mga sikreto ko.. "Ahhh wala kasi ano.. Malelate na tayo tara na bes!" Hinila ko na siya para pumasok sa room, hindi kasi siya hihinto kakatanong kapag di ko nasagot ang mga tanong niya.. Nagaantay nalang kami na pumasok ang Teacher namin kaso nagulat ako nang may biglang pumasok, bago lang to sa klase namin ahh.. "Te-teka.. Sino yung babaeng yung bes?" "Alin yung babaeng mahaba buhok na kakapasok lang?" "Oo.. Bago lang ba siya?" "Ahhhh! Si Zarish yan bago lang dito, nakilala ko siya kanina naglalakad lakad. Naliligaw ata kaya tinanungan ko.. At yun bagong kaklase pala naten" "Teka!! Wag mong sabihin tinamaan ka agad diyan ahh? ayieee..." Pahabol na tanong niya sakin pero napatingin ulit ako sa babaeng yun at umupo siya sa likod namin.*.* *Isang morena, matangos ang ilong at bilugan ang mata at muka.. Isang maamong mukha ang nasa harap ko ngayon na para bang matagal ko ng hinahanap hanap sa buhay ko 😳* "What?! Hey!!?" *,,,,,,,,,,* "What's wrong with him?" "Hoy bes!" Kasabay noon ang malakas na batok ni Pia sa akin.. Nakatulala pala ako sakanya nakakahiya.. Feeling ko tuloy namula ang mga pisngi ko.. "Sorry may kahawig ka kasi.. Ako nga pala si Jimuel.." "So what?" Inirapan lang niya ko at mas lalo akong nahiya dahil doon. "Nakalimutan kong sabihin sayo na masungit siya..." Bulong sa akin ni Pia. *** Buong araw siya lang ang nasa isip ko.. Naalala ko pa ang muka niya.. At kinakabahan ako dahil nasa likuran ko lang siya na pakiramdam ko tinitignan niya ko.. Noong naguwian agad siyang tumayo at umalis.. Gusto ko sana siyang habulin pero hindi ko na nagawa dahil nga ang bilis niya maglakad.. Ganon talaga siguro ang advantage kapag maliit. Hahaha! *** *Isang malamig na gabi.. Punong puno ng puno ang paligid at isang makapal na usok ang pumapaligid dito.. Isang mahinang iyak galing sa gilid.. Pinuntahan ko ito at laking gulat ko na nakita nanaman ang isang babae..* *"Zarish??" Mahinahon kong bigkas ngunit hindi ito lumingon bagkus nilakasan niya pa ang kanya iyak..* *Patakbo na sana ko sakanya..Pero..* *"Wag kang lalapit!"Napatayo ito sa kanyang kinauupuan.. nagulat ako sa huling sinabi niya..* *"Wag na wag kang lalapit sa akin kahit na kailan, kahit anong mangyari wag na wag mo akong kaibiganin. ." Habang binibigkas nya yon nakatalikod siya sa akin..* Napatayo ako sa aking kinahihigaan dahil alam kong panaginip lang yon.. Alam ko ang nga panaginip na yun ay totoo.. Pero di padin ako makapaniwala sa nangyari.. *** **Zarish's POV** Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.. Bakit kailangan ko pang makita siya.. Alam ko.. Alam ko hindi siya yon.. Pero bakit pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko.. Sa mga araw na nagdaan.. Hindi siya maalis sa puso at isip ko.. Alam kong di niya ko makikilala.. Pero bakit ganito.. Bakit napakaliit ng mundo.. Ang sakit sakit.. Lahat ng mga nagyari sa akin nakaraan ay nanumbalik noong nakita ko siya.. Bakit.. Bakit.. Siya yung lalaking minahal ko ng lubos noon.. Pero hindi siya yun dahil Patay na siya.. THANK YOU PO SA PAGBABASA!! ABANG PO MAY NEXT EPISODE PA 😘

@Sheng04

SPDI family We have a Group in noise.cash called SPDI Family. It was formed on Feb 14 for a reason that most of them got a warning that they violated the rules even they didn't do and some of them didn't receive free tips for a month, I join them on **TELEGRAM** because I want to make friends and communicate to them to know what's the Problem. We are the group that always do Giveaways, quiz, contest etc. that everyone will join and enjoy. Even if no free tips we still want to use noise.cash so we use our own funds to make some noise and happiness in noise.cash. That funds we have are the earnings we make in noise.cash, We're just spreading it in a good way.. **We are not just a GROUP but a FAMILY** We didn't expect that this group will make a Good moments, bonding and we respect each other even if we don't know each other, I love them because they have a good heart and we help each other to earn here in noise.cash. Having this Group makes me even more comfortable in noise.cash. So I'm thankful and grateful that I met them here🎈 We make a Successful Contest in noise.cash called MEME Contest, so many users participated even if the prize is not too big because that funds we collected is from our own funds that we earned there. I told them what if we make some MEME Contest but I can't do that with my own so I asked them to help me . We help each other to make this Contest Happen. **I'm just a Host of this Contest and SPDI FAMILY Organized it**. **OUR PLANS** We decided that we will do a different Contest every end of the month and we will collect at least 0.40 in each of everyone. We didn't forced our members to give but we want that everyone will help our Contest. We still planning too to give some of our Earnings to those in Charity. Like the Charity box of Ms. bjmc. We are planning to make a way to spread BCH in our places. We just need a Fund to make this happen, and expect that this will be happen like the first contest we make. **Why we do this?** We want everyone to enjoy using noise.cash and to make them a Good Quality content. We want the other users join and to be active so that they can have an Idea on what they will do on their FREE TIPS. Not only by FIRST 10 but to give it to the users who have a Good Content. Noisecash already Posted about Giveaways is such a useless waste. So here we are spreading BCH to those who worth to give for. We want to help those users that needed a helping hand. Doing this Contest will make other users to be Productive while using this site. **WE ALREADY DONE ON OUR FIRST CONTEST THAT WE CREATE TOGETHER** Our first Contest is about MEME Contest. We distribute 6$ on that Contest we help each other to organize this Contest like Who's the Host, the distributor, the one who communicate to the participants if they follow the rules or not and the judges that decide who will be the winners. We decided to choose the best and Funniest Meme. **This are the OFFICIAL MEMBERS of SPDI** YourHappiness Icary Greyzzz Demonise Yuuki Kaye Rhoan Pathrelle BLACKHawk MyHero Ailarala Elyse Mark098 HelloImSachia Maemaeee Abegailey Some of our members are workers, students and a Parents. **We have a Goal in noise.cash and that is to spread HAPPINESS AND BCH to the users of the site, We want to share some of our Earnings. We will help the charity too and Spread the BCH in our different places in PHILIPPINES.** **We are gladly and accept small donations to make our Goals Happen. This donation will use to our Contest, Charity and for BCH Awareness soon .** We want to start a Journey here in Noisecash 🤩 WE LOVE BCH! ❤️ Thank you for reading ❤️

@Sheng04

College Life Hindi ko alam kung saan mag uumpisa at paano ikukwento sainyo.. I know some events that I will write is for my Personal Matter.. But I will write this para kasi may aral.. Isusulat ko mga kamalian at katangahan na nagawa noon na sana hindi mangyari sainyo 🥰 Nag aral ako sa Universidad de Manila o mas kilalang UDM na dating pangalan ay CCM. Kumuha ako ng kursong Bs Nursing tatlo ang pag pipilian don at pag nakapili ka iinterviewhin ka kung bakit ayun ang napili mo.. Una kong pinili talaga is Nursing ang pangalawa ay Psychology wala na ko nilagay sa 3rd choice ko.. Pero isa lang naman ang dahilan bakit ito ang gusto ko.. Dahil gusto kong makita at mahawakan ang mga Body organs ng isang tao HAHAHAHA! Sabe nga nila sana nag Embalsamador nalang daw ako kung ganon 😁 Pero ang nasa puso ko talaga non is para makatulong sa mga matatanda.. Maging Nurse sa mga may edad na dahil ang hirap ang lungkot ng buhay ng isang matanda na nagiisa.. Kinakabahan ako noong Interview ko na nangangatog ako dahil hindi kataasan ang mga grado ko noong Highschool *"Nako iha mababa ang grades mo nung HighSchool, Sure kaba sa kukunin mo? Baka bumagsak kalang at may minimaintain na Grades dito kaya mo ba yun."* Tanong iyan sa akin ng Professor na naginterview sakin.. *"Opo sir gustong gusto ko po talaga tong kukunin ko! Kaya gagalingan ko po ngayon sir! Magsisipag po talaga ko! Gagawin ko po ang best ko para pumasa!"* Tinignan ako ng mabuting ng Prof.. Maiyak iyak na ko nyan sa kaba noon hindi ko na alam pa ang isasagot ko.. *"Okay sige bumalik kana lng next week para makita ang result. Good luck."* Tumayo ako niyan ng may ngiti sa labi at naeexcite sa mangyayari.. Noon nakita ko na ang Passed sa papel ko habang nagsusulat ang Prof.. Alam ko mahirap pero habang sinusulat ko to ngayon kumkirot ang puso ko dahil hindi ko nagawa ang mga sinabi ko.. Pag tapos ng interview na yun di na ako nagtungo sa Psychology department dahil kampante na ako noon na makakapasok ako sa Nursing.. After 1 week pumunta ako sa Nursing Department para makita ang mga pangalan na pumasa at kung pumasa ba ko.. Tuwang tuwa ako noon dahil nakita ko ang pangalan ko.. Nagtanong tanong lang ako kung ano next na gagawin at umuwi na din ako agad sa sobrang saya.. Tuwing uuwi ako galing School diretso agad ako noon. sa aming Computer Shop. Malaki ang baon ko noon dahil natuwa din ang tita ko na nagpaparal sa akin, nasa ibang bansa si tita ko naninirahan kaya sisiw lang sa kanya ang magpadala o magpa baon ng malaki. 1k every 1 week ang baon ko noon at yung kalahati pinang gagastos ko sa laro na ang tawag ay Audition Dance Battle PH diyan ako naadik dati.. Lahat ng ipon at baon ko diyan na napunta kakabili ng mga items ng Character ko.. Siguro kung pinangbili ko lang ng totoong mga gamit ang pera ko noon ang dami ko na siguro mga gamit ngayon .. Dalawang sakay papuntang school ang sinasakyan ko araw araw. Isang jeep at isang Lrt or pwede din naman mag Jeep kung di ka magmamadali. Wala kong pake kung nauubos ang pera ko sa Mga walang kwentang bagay tulad ng paglalaro basta noon nageenjoy ako.. Nung First day ko sa College nakita ko yung Best Friend ko na Kababata ko din.. Kaso feeling ko iba na siya noon. Yung bang di na siya yung Friend na nakilala ko.. *"Oy trishh! Dito ka den???!"* *"Uy oo dito nga. Gusto ko mag Nursing din kasi ehh. kaw ba?"* *"Hahaha! Oo pangarap ko talaga to ehh diba sabi ko naman sayo nung bata pa tayo.."* *"Ahh sige sige zen una na ko"* Nakita ko na may mga bagong kaibigan na pala siya.. Oo magkaklase kami pero hindi ko na siya feel noon at marami na siyang Friends.. Naalala ko pa noon nung bata pa kami lagi kaming nagkakagalit ng grupo namin at laging kaming dalawa ang inaaway kaya hindi nila kami pinapansin. Di ko makakalimutan yung sinabi ni trish sakin noon nung dalawa lang kami.. ***"Zen.. Walang iwanan ha.. Kahit anong mangyari, basta okay na sa akin yung ikaw lang kasama ko.. Kahit wag na sila.. Walang iwanan zen ha.."*** Noong unang araw ng klase namin may mga nakilala akong bagong kaibigan.. Mahiyain kasi ako noon.. Btw 2nd year college na pala ako nito kasi nung 1st year college kami wala pang mga Course dahil daw sa curriculum nila.. So kahit papaano may mga kilala na ako doon sa School pero sa mga naging kaklase ko nung 1st year College isa lang ang kumuha ng Nursing di pa kami naging mag kaklase hahaha. Pasok sa school, magaaral at pag uwi lagi akong may pasalubong sa pamilya ko at yun yung natutunan ko sa School tulad ng sabi ng Prof ko na dapat ang toothbrush pinapalitan every 3 months at hindi nilalagay sa Ref ang mga to HAHAHA! Andami kong nashishare non sa pamilya ko tungkol sa mga pinagaralan namin.. Tuwang tuwa naman sila sa aken.. Noon First year college ako nag ka BF ako noon nakilala ko sa Audition na nilalaro ko.. Galante siya binibgyan ako ng kwintas, Teddy bear tsaka Chocolate at nililibot din ako sa SM. Nagtagal kami ng 8months pero hiniwalayan ko na din kasi feeling ko minamanyak na nya ko.. Ang bata ko pa noon kaya tinigil ko yun HAHAHAA! Nagmakaawa siya non sa bahay namin nasa harap pa ng mama ko at tita ko pero wala akong pake noon.. Binigay ko lahat ng bigay niya sa akin at di na siya nagparamdam. Noong Nursing ako at nagpapractice na sa school grabi hirap.. Laging may partner noon.. Sympre partner ko babae.. Need ipakita mga gagawin sa Prof sa pasyente kapag di na makagalaw ito.. Kaya noon pinaliguan namin isa't isa HAHAHA! Sympre hindi maghuhubad ng literal don ah. Magpupunas muna una Ulo pababa habang nakabalot kami ng kumot noon. Umabot kami non ng 6 kasi mahiyain grupo ko at nagkakabisado pa ng mga sasabihin pero nung kami na pinagawa nalang sa amin at di na pinagsalita HAHAHA! Minsan pinapagawa sa amin yung kung paano magligpit ng kama ng pasyente.. Noong May 4 nung 2nd year college ako nagkita kami nung lalaking mapapangasawa ko pala.. Nakilala ko siya sa Audition at tuwing uuwi ako Diretso na agad sa Computer Shop para makalaro siya.. Taga Malolos Bulacan siya ako sa Tondo. Ang layo ng agwat pero walang nakapigil sa amin.. Eto yung lalaking titignan ko palang napapangiti na ko.. Di ko lam pero kasi dati ang cute nito ngayon nakakainis na. 😁 Noong nagkita kami naglaro lang kami sa Shop .. *"Uy bat di ka tumitingin sakin.. Hala may dimple ka pala ahh.."* Pangaasar niya sa akin noon di ko mapigilan ngumiti noon kasi ang pogi e. Ang tangos ng ilong.. Yun pa naman gusto ko sa isang lalaki HAHAHA! Ngayon sarap na basagin ang ilong! Madami kaming nalaro na Online Games sa Computer tulad nalang ng League of Legends, Crossfire, at saka mga laro sa mga FB tulad ng booomz. Araw araw magka tawagan kami sa Cellphone. Wala siyang Cellphone noon tumatawag lang siya sa Computer habang naglalaro siya nakikinig ako sakanya.. Mas lalo kong naiinlove sakanya noon kapag kinakantahan niya ako.. Ganda din kasi ng boses niya.. Nagka choir kasi siya dati position niya pa daw noon is Tenor. Wala siyang work noon pag uwi niya nakikihiram siya ng phone para makapagusap kami.. Ako na din nagloload sakanya para makausap lang siya.. Sa sobrang pagmamahal ko sakanya nakalimutan ko na palang Nagaaral ako..Kahit kasi nasa School ako magkatawagan padin kami.. Gusto niya naririnig na nagaaral ako o nakikinig sa Prof. Hindi ko alam kung ano pinakain ko sakanya at parang na Obsessed siya sa akin HAHAHAH! echos. Nagtagal ang relasyon namin noon. 3rd year College na kami noon at duduty na kami. Every week magpapalit ng station kada grupo. 10 kami sa grupo at naatasan kaming mag duty sa Center malapit sa St.Mesa malayo ito 4 na sakay mula sa aming bahay. Pero tiniis ko yun. Naalala ko pa noon nung Nagpapraktis kami maginjection. Ang kapartner ko kabado kaya nakailang tusok o try sakin. Okay lang naman sakin yung basta mahalaga matuto siya. Mga limang turok din sakin siya. Puro mali ginagawa minsan tinutusok niya tas huhugutin agad grabe natatawa ko noon pinapagalitan na siya pero ako natatawa HAHAHA! masakit pero yung makita mo yung kaibigan mong nanginginig matatawa kana lang.. *"huy rio kaya mo yan isa pang mali mo yari ka sa akin pag ako na"* Hahahaha! Di ko lam pero mukang natauhan siya nung sinabi ko sakanya yan. Naka dalawang try lang ako sakanya kaya natuwa siya HAHAHA! Noong nagduduty na kami sa Center lagi ako naassign na kumuha ng mga Vitals ng mga Magpapacheck up. Weight height temp BP pulso tska marami pa na sa isang tao lang ginagawa, noong una kada pasok ng tao sa center nakaka excite paunahan pa kami at paramihan pero nung nagtagal sinasabi nila na ay bahala kayo diyan kaya nyo na yan. HAHAHA! Noong 2nd year College pala kami nag Pinning Ceremony pa kami noon naka 3k mahigit din kami noon dahil doon iba pan yung Uniform namin. 🥺 Nakakapangsisi sinayang ko lang yun kaya galit na galit sa akin tita ko. Noong nagpalitan na kung san magduduty.. Naexcite ako na ewan dahil sa OB kame naka assign nakalimutan ko na yung Ospital kung saan yon pera dito lang din sa Manila. Lahat kami kabado dahil dun lang ako nakakita na nanganganak na mga nanay.. Noon kabog na ang dibdib ko dahil sa tuwing kinukuha namin ang vital ng nagbubuntis doon sa Delivery Room sinasabi nila na sumasakit na.. *"Ohh may 2cm nalang!!"* Nagpuntahan kami doon kung saan nanganganak ang isang ginang.. Akala ko tulad nito sa TV na pag nanganganak may kumot din pero doon Lahat ng nasa Room Makikita ang pinakatatago mo HAHAHAHA! Isa sa mga kagrupo ko na naatasan na sapuhin o kunin ang bata.. Ako naman daw pag labas ng baby.. Natataranta kami na di alam ang gagawin. Noong lumabas yung baby ako ang nagpunas dito.. Habang nakapatong ang baby sa mommy niya bigla itong nagdumi first time kong makakita noon totoo nga sinabinng mga Prof ko na parang Chocolate talaga yun.. Natuwa naman sila kasi walang problema sa pwetan ng bata 😝 Nakakaenjoy ang mga nangyari sa akin noong College.. Pero Noong 3rd year ako nangayayat ako ng sobra.. Napabayaan ko ang sarili ko.. Dahil tuwing may baon ako lagi ako pinapapunta sa bahay ng asawa ko.. Oo napaka tanga ko noon na dapat hindi babae ang pumupunta sa bahay ng lalaki.. Noong 3rd year 2nd sem bumagsak na ko sa isa sa major subject ko 😩😩 Ang sakit sa dibdib noon di ko masabi ang nangyari pero gumawa ako nang paraan para maisalba to.. Maraming nakakapasa padin at pinaulit ang Subject maraming pinayagan pero ako.. After nyan nalaman ko din na buntis na pala ko lahat sila galit na galit sa akin. Pinalayas muna ko sa bahay at nanirahan sa bahay ng asawa ko.. Ngayon narealize ko na sobrang sarap mag aral.. Di ko pinagsisihan ang nakaraan ko bagkus tinanggap ko ng buong buo ang mga pagkakamali ko noon. Oo dami kong katangahan dati tulad ng di pagseseryoso sa pagaaral.. Pag may pera ko binibigyan ko din ang asawa ko at wala ng natitira sa akin. Minsan naglalakad na ako pauwi ng bahay.. Pasalamat ako sa Diyos walang nangyari sa anak ko noon kahit sobrang depressed ko.. Kaya ngayon sulitin nyo mga oras at sandali na nagaaral kayo. Tama nga sinabi mga mga teacher at prof ko dati.. **"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched - they must be felt with the heart."**  Salamat sa pagbabasa ❤️

@Sheng04

When He's Gone. We all want to have a Complete and Happy Family, and It's really hard to us that one of our family will lose. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay sa mga ito. Dalawang lalaki at dalawang babae. Babae ang bunso.. I am a Daddy's Girl at alam ko noong Bata ako ay ako rin ang paboritong anak ng Papa ko. Pero hindi ganoon ang Mama ko sa akin. Ang mama ko ang laging nagaalaga sa amin magkakapatid habang ang papa ko naman ay pumapasok sa trabaho. Di ko alam kung ano ang work nya. Pero tuwing uuwi si papa ay lasing. Takot na takot kami kapag lasing si papa dahil laging nagwawala. Kaya pag tuwing umuuwi si papa tatawagin kaming tatlo kasi yung bunso baby pa noon. Tinatawag kami para magpakamot, Ako sa ulo yung pangalawa sa likod yung pangatlo sa paa. Palitan din kami kaya pag tulog na si papa tumatakas na kami HAHAHA! Mabait naman si papa, lagi nga ako tinatawag tuwing gabi para kumain sa labas, madalas din mag uwi si papa ng Burger na tatak Angel's Burger. HAHAHA! Si Papa yung tipong istrikto pero napakabait.. Madami din siyang kaibigan sa lugar namin puro kainuman nya, minsan nga sinasama ako sa inuman nila tapos pinagmamalaki nya ko na ako daw yung paborita nya.. Isa lang kinatatakutan ni papa at yun ang Pulis.. Oo naalala ko pa non nung sinaksak yung kapatid ni papa tapos pinaghiganti niya tapos hinabol siya ng pulis tumalon siya sa bubong namin sa kabilang bakod. Grabi ang papa ko dati lalo na pag nakainom lahat inaaway lahat binabasag.. Pag nga naglalaro kami magkakapatid sa labas sasabihin niya sa amin "MOVE!" ibig sabihin uwi na pag matagal kami kumilos bubunutin niya na yung sinturon niya.. Naalala ko pa napalo kamo ng pangalawa kong kapatid sa pwet nakahubad kami non habang nakadapa habang pinapalo 😩 Pero kahit ganyan naalala ko pa din noong Birthday namin dalawa ng kapatid ko same kasi kami ng birthday, pinasyal nya kami sa Manila zoo.. Natatakot nga ko noon kasi pinagtataguan ako ni papa pati kapatid ko kala ko nawawala na ko hahaha! Tapos pag uwi namin bumili din siya ng Icecream. Minsan kapag di siya lasing pero nakainom dinadramahan niya kami di ko makakalimutan yung sinabi nya sa amin ng kapatid ko habang nakayakap siya sa amin "Tandaan niyo to isa lang ang gusto namin ng mama mo sainyo at yun yung makatapos kayo.. Kahit yun lang iregalo niyo sa akin" Di ko namalayan umiiyak na pala sya. Yung work kasi ni papa noon is Part time lang isa siyang Construction worker.. Minsan nga kapag nagsusugal siya sa Color Game sinasama niya ko.. Tinuturo ko mga colors na gusto ko at yun nanalo siya kaya tuwang tuwa siya eh. Tapos binibgyan nya ko ng bente HAHAHA! malaki na yan dati.. Marami nang nabibili niyan.. Grade 6 ako noon at kahit papaano may alam na din sa nangyayari sa paligid.. Si Papa nagkaroon na ng bagong trabaho at pangmatagalan.. Pinasok siya nang ninong ko non.. Mostly sa ninong ko is mga kumpare at bestfriend niya. Kaya tuwing pasko dati nakakarami kami kasi lagi siyang kasama namin kaya di makatago mga ninong namin dati hahaha! Anyway noon kinagabihan nagba bonding si papa pati kapatid kong lalaki.. May nagawa ata ko noon na di nagustuhan ni papa kaya nasigawan ako at sabing matulog na ako.. Nagtampo ako noon kaya di ko siya pinansin. Mga alas kwatro sinilip ko sa kama ko sa baba si papa at nagaayos na siya.. Pero di ako nakapag paalam sakanya at umalis na.. Noong araw na yon wala talaga kong gana.. Mga syete naririnig ko naguusap sila mama pati ninong ko pati si tita at lola.. Nakita niya daw si Papa nada Lrt kaso bigla daw tong hinimatay kaya dinala niya ito sa Hospital.. Noong nasa school ako di ako nakafocus iniisip ko lang papa ko kung ano na nangyari sakanya at kung okay na ba siya.. Tatlong araw ding nasa Hospital noon si papa at gustong gsto ko sumama sa kanila sa ospital.. Kaso bawal daw ang bata doon. Baka mahawa daw kami.. Yung araw na Sobrang tamlay ko..Kahit noong umuwi ako kaya nahiga ako noon sa Sofa namin nakadapa ako doon at di ko namalayan na nakatulog ako na nakasuot pa din ang uniporme.. "Ma! Wala na sya... Bakit bakit.. Jusko apat pa ang iniwan mo.." Narinig ko ang boses ni tita ko na kausap si lola.. Tumulo ang luha ko noon. "Wala na si Kaloy!! Wala na bakit..!" Humagulgol ako sa narinig ko habang nakadapa.. May narinig pa ko na chismosa 'tignan mo si karsen te oh tulog na tulog." sabi nung tita ko sakanya umiiyak ako kase alam nya humahagulgol na ako noon. Di ko alam anong nangyre bakit nawala si papa pero sabe nila dahil sa High Blood 😞 Ilang araw akong iyak ng iyak walang tigil sa kakaiyak di ko sila pinapansin basta iyak ako ng iyak noon. "Pano na ngayon yan wala ka ng kakampi.." Sinabi sa akin ni mama yun at mas lalong nadurog ang puso ko noon. Ang sakit sakit mawalan ng tatay. Yung Feeling na makakita kalang na mag Ama sa kalsada naiiyak na ako.. Ang pinaka masakit pa non sa akin is hindi ako nakapag paalam non.. Ngayong malaki na ako nakwento sa akin ni mama ang nangyre kay papa sa Hospital.. Sobrang lakas daw nya noong araw na yon, siya lang nag babantay kay papa noon dahil si tita bumili ng gamot ni papa. Nakabagon pa nga daw si papa sa higaan niya sabi nya pa daw kay mama umuwi na sila dahil kaya na nya dahil malakas na siya.. Tinatanong nya din daw sa Nurse doon kung kelan daw siya uuwi. Hanggang nagwala daw si papa.. Ang sakit sakit daw ng ulo niya non. Napapapikit siya sa sakit, hawak hawak niya pa ang ulo niya noon tas noong tumigil nagtataka si papa bakit wala daw siyang makita.. Wala daw magawa si mama noon kaya tinawag nila ang doctor.. Nag wawala si papa kasi wala na siya makita pero unti unti daw itong napahiga at nawalan ng malay.. At doon din nawala si papa.. Sabi ng Doktor nabulag daw si papa dahil nagputukan na ang mga ugat ni papa dapat daw makainom na ng gamot si papa noon kundi buhay pa siya.. Narinig na lang daw ni mama na umiiyak si tita at sinasabing "andito na ko eto na gamot mo! Kasalan ko ito e ngayon lang ako nakahiram ng pera pambili ng gamot mo!" Di ko sinisisi si tita bakit nawala si papa.. Ang pinagsisihan ko lang ay yung di ako nakapag paalam sakanya... Isang aral sa akin yun na dapat mag paalam sa mga aalis dahil hindi natin alam baka yun na ang huling paalam natin.. Naalala ko pa dati yung papa ko nakita niya ying notebook ko kung saan nakasulat yung love letter para sa crush ko.. Yung sulat na yun hindi maiintndhan ng mga matatanda pero nagulat ako kasi nalaman niya pa din ito.. HAHAHA! 😞 Sa tuwing pinapatugtug yung Dance with my Father naiiyak ako kahit ngayong malaki na ko.. Hays Eto yung Broken Hearted na Hinding hindi gagaling.. Kumabaga napaka laking sugat nito sa puso ko 😞 Gagraduate na sana ko noon kaso nawala siya.. Thank you for reading! I love you pa! ❤️

@Sheng04

My experience in Province. This is a about my experience in province kung saan kinilabutan ako ng todo.. Buti nalang talaga.. Sa probinsya ng Bulacan naninirahan ang asawa ko at doon din siya nag wowork, dinadalaw nya lang ako lagi dito sa Manila, napagdesisyunan niya na ipag bakasyon ako sakanila noon para naman daw maka pag bonding ako sa Family niya. Buntis ako that time madami nagsasabi na maraming aswang sa probinsya pero di ako naniniwala kasi di pa ko nakakakita. Bago pumunta doon sinundo ako ng mama ng asawa ko at may binigay siya na maliit na kahoy ilagay ko daw lagi sa wallet ko o di kaya ay bulsa, tinanong ko naman kung para saan ito. "pangontra yan sa mga malakas ang usog at mga aswang." Pinakita niya rin yung sakanya di daw nawawala to sakanya dahil marami daw nagtatakang mangusog sakanya. Kaya tinaggap ko nalang to kahit di ako naniniwala. Binibigay niya din daw ito sa mga nagiging pasyente niya o laging nauusog, Isa kasi siyang Therapist iba sa nanghihilot kasi daw nagaral din siya. May tawag don sa parang kahoy na pangontra daw pero nakalimutan ko na ang tawag. Marami na sitang karanasan tungkol sa mga usog o aswang kaya naging komportable ako habang nasa byahe.. Pag baba palang namin sa tricycle parang pakiramdam ko maraming nakatingin sa akin.. Habang naglalakad nga kami may nakasalubong kami na matanda na nagtitinda ng kakanin at nakatitig lang siya sa tyan ko.. Maliit pa naman ang tyan ko non at di mahahalata na buntis ako. "Alam mo ba nak, mabango ang amoy ng mga aswang sa mga buntis.." Natulala ako pano kaya nito nalaman.. Isa kaya siyang aswang HAHAHA! Noong nakarating kami sa bahay nila agad ako nagpalit ng damit at nagpahinga sa sobrang pagod... Maliit lang ang kanilang bahay.. Una papasok kapa sa mga iskinita at doon ang Compound dun lahat nakatira mga angkan niya.. Kurtina lang ang kanilang pintuan.. May aso sila sa taas at baba, ang bintana ay nasa ulunan namin sa kama, pader lang ito na punong puno ng butas na may design pero natatakpan ng mga pinagsampayan ng pantalon. Dito kami lahat natutulog sa baba samasama. Nasa ulunan namin ng asawa ko yung bintana kaya natatakot din ako minsan di ako nakakatulog, Makikita mo din kasi sa bintana kapag sumilip ka ang mga lalabas o papasok sa compound. Araw araw pinapalagyan ako ng asin at bawang sa bintana maski doon sa labas. Tsaka laking tulong din ng mga aso kasi kahit malayo palang kapag di nila kilala yung amoy tatahol na. Noong una takot na takot ako sa bahay dahil l agi akong magisang naiiwan.. Yung asawa ko nagwowork pa doon yung tatlong kapatid niya nagaaral at yung mama niya naghihilot. Madalas may pusa pang pumpasok doon sa bahay lagi lang tinatahulan at hinuhuli ng aso.. Tuwing gabi nga lagi ako nakakarinig ng tunog na parang ik ik ik... Di ko alam yun pero sabi aswang daw.. Noong hapon natapos ako maglaba, nagpahinga agad ako sandali, ako lang kasi magisa that time. Nakahiga ako noon sa kama nang may narinig akong ik ik ik na sobrang hina.. Lumakas tibok ng dibdib ko at dahan dahan kong sinilip ang nasa labas.. Nakita kong may paparating na matandang babae na nakaitim, magulo ang buhok, madungis ito at nangaamoy na akala mo may hinahanap sobrang takot ko non di ako makagalaw bakit hindi tumatahol ang mga aso non.. Daming pumapasok sa isip ko non na baka pinatay nya muna ang mga aso bago siya makalapit.. Nung papalapit na sya sa bintana na parang sisilip siya.. Napaka linaw nang muka niya non.. Tinawag ko na lahat ng santo non nang biglang nang biglang may kumalabit sa akin.. Ginigising ako ng nanay ni asawa ko.. "Nak, nak anong nangyayari sayo.." Bigla akong nagising na pawis na pawis.. Jusko akala ko totoo napakahawak ako sa tiyan ko.. Gustong gusto ko non magpacheck up.. Pinapakiramdaman ko yung tiyan ko.. Dala ko pa nga non pang Bp kasi diba Nursing ako. Tinatapat ko yung Stethoscope ko sa tyan pinapakinggan ko yung pulso ni baby, nasa 3 months na kasi yun kaya kahit ganoon maririnig mo na.. Tinatanong ako ng mama ng asawa ko ano nangyre. Kinuwento ko lahat ng napanaginipan ko. Tinanong sakin kung nasa akin pa din ba yung pangontra doon kinapa ko ang bulsa ko pero wala. Pinagalitan ako kasi bakit ko daw winala kaya binigyan nya ulit ako.. Marami pang nangyre noon pero tska ko na ikwento. *Galatians 2:16 Yet we know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ, so we also have believed in Christ Jesus, in order to be justified by faith in Christ and not by works of the law, because by works of the law no one will be justified.* Salamat sa mga nagbasa 🥰😚😚 God Blessed 🙏

@Sheng04

Miyo(Continuation of My Friend, Mcdo) This is the continuation of my story "My Friend, Mcdo". If you want to read the part 1 here's the link below. https://read.cash/@Sheng04/my-friend-mcdo-tagalog-version-00c7fca9 Noong sinabi ni Mcdo na nasa likod namin ang babae bigla kaming kinilabutan, hindi kami makalingon.. Nasa likod kami lagi nakaupo mga pasaway na estudyante kasi kami noon hahaha! Noong vacant namin sinabi ni Mcdo na napanaginipan nya yung babae, humihingi ng tulong sakanya.. Kahit na dasal o alayan lang daw ng kandila kung san ito namatay. Di kami naniwala noon sakanya, at binalewala lang namin. Kinabukasan nagkwento nanaman si mcdo tungkol sa babae.. Nasa terrace daw nila ito pero nakatingin sakanya.. Pero papalapit daw yung babae sakanya hanggang sa nakapatong na daw yung babae at sinasakal siya. Kitang kita niya ang muka ng babae na galit na galit na akala mo ay kakainin ka ng buo at sinasabing "Miyo". Nagising na lang si Mcdo dahil sa pag palo sakanya ng mommy nya sabi pa nga daw nito "Bakit mo sinasakal ang sarili mo?" Napaiyak nalang daw sya sa mommy nya non. At di niya sinabi kasi alam nyang hindi siya paniniwalaan nito. Kahit ganon di pa rin kami naniwala.. At binalewala lang namin ang sinasabi ng kaibigan namin. Gabi gabi daw itong nagpaparamdam sakanya.. At laging binabanggit ang "Miyo" Tuwing ginugulo siya nito lagi daw sya sinasakal. At nakita namin ang leeg ni Mcdo na namumula. Sinabi pa namin pinagloloko niya kami kasi kung sinasakal siya edi kamay ang babakat. Pero lubid daw ang pinangsasakal nito kay Mcdo.. Naawa kami para sa kaibigan namin. Kaya tinulungan namin siya na dasalan kung saan siya namatay.. "Saan siya dadasalan e hindi nga naten alam kung saan siya namatay!" Bigkas ni Kim na nagtataka. Noon hindi namin alam kung saan, kaya si mcdo naglakas loob na magtanong sa mga janitor at janitress na matanda doon na matagal ng nagtatrabaho sa school. Una niyang pinagtanungan ang mga lalaki na janitor sa school, pero wala siyang napala at laging sagot ay hindi ko alam or wala akong alam. Pero sa huli nahanap namin ang sasagot sa mga tanong namin. "Nanay minyang pede ba magtanong sayo" tanong niya sa matandang babae na janitress sa amin. " Oh ano ba iyun iha tungkol saan?" Sagot naman ng matanda. "E kasi po may nanggugulo sakin tuwing gabi. Magtatanong lang po kung may namatay po ba dito sa Cr?" Halata ang gulat ng matanda sa tanong ni Mcdo. At para bang natakot ito dahil napaatras. "Ba-bakit mo itinatanong iha?" Bakas sa muka ng matanda ang pagka gulat at takot. "Kasi po lagi akong binabangungot nung nakita ko dito sa Cr na Multo at laging binabanggit ang salitang Miyo at manang.. kasi.. sinasaktan na nya ako" At pinakita nito ang kanyang leeg. Mas lalong nanlaki ang mata ng matanda.. Doon na nya kinuwento ang nangyari sa babae at kung bakit hindi pa rin ito matahimik. Isa daw itong istudyante sa school namin at sobrang talino na nagngangalang Patricia.. Nagiisang anak lang daw ito ng isa din Janitress sa school na si Teresita, wala nang ibang pamilya ang dalawa kundi sila lang.. Kaya daw ito namatay dahil nirape ito sa mismong Cr.. Limang lalaki ngunit nakita ito ng kanyang nanay kaya pati ito ay nadamay pagtapos daw gahasain ay pinagsasaksak ng kutsilyo.. Hindi ito napabalitaan sa school dahil sinekreto lang nila ang nangyari pero pinalibing nila ang dalawa. Walang hustisya ang nakuha ang mag Ina ang sabi lang samin nang matanda dinadalaw nalang niya kung saan nakalibing ito. Ang Miyo naman daw na laging binabanggit ng babae ay ang Kasintahan nito. Alam ng Janitress ito dahil daw matalik na kaibigan nito ang nanay niya. Hindi naman daw ito nagpaparamdam sa kanya. At sa loob ng 30 years na nagsisilbi siya sa school ay di siya nakaranas ng pananakot nito pero maraming istudyante ang tinatakot.. Grabi ang nangyari sa mag ina noon. Sobrang awa namin kaya kinagabihan sinekreto namin ang gagawin namin.. Alas syete ng gabi pumasok kami sa Cr na may dalang kandila at sinindihan ito tinulungan kami ng Janitress na masindihan ito pinagbabawal kasi sa school ang pagdadala ng mga Lighter o Posporo. Sinarado namin ang pinto at tahimik kaming nagdadasal. "Kung sino ka man na hindi matahimik pls po wag niyo na ko guluhin" Sabi ni mcdo.. Biglang nanlamig ang paligid.. Ang tatlong kandila na sinindihan namin ay bilang namatay.. "Huy tara na! Tapos na tayo tama na natatakot nako.." Sabi ni Kim na takot na takot.. Agad na namin kinuha ang kandila pero biglang bumukas ng malakas ang huling pinto ng cubicle..Napalingon kami ngunit hindi kami tumingin sa salamin.. Tumakbo na agad kami sa pinto ng may narinig kami na parang bumulong.. "Salamat." Pagtapos non para bang may dumaan na sobrang lamig na hangin sa harap namin.. Grabi kinikilabutan padin ako ngayon sa tuwing naalala ko to 🤦🏻‍♀️ Simula noon di na daw nagparamdam kay Mcdo ang babae. Nagagalit pa nga sa amin kung sana daw di namin pinatagal edi sana di siya nasaktan! HAHAHA! Pero pinagtataka lang talaga namin is bakit wala yung nanay nya.. Diba isa din siya sa namatay at nagahasa.. Hindi namin alam ang sagot don.. Pero sobrang pangit nang nangyare sa kanila. Grabi din kasi dati sa school parang walang mga pakialam. Sabi nga nang matanda sa malapit na sementeryo lang daw inilibing. Di na kami nagtangka magtanong kung saan baka kasi yung nanay guluhin kami 🤣 Sana nagustuhan niyo ang kwento! Kung may hindi kayo gusto sabhin nyo lang sa comment section. And palike na din po 🤗 *Joe 2:21* *“Fear not, O land; be glad and rejoice, for the LORD has done great things!"* God Blessed 🙏

@Sheng04

Ghost hunting (tagalog) Laging kinukwento sa amin ang mga napapanaginipan ni mcdo. Di ko na nga alam kung totoo ang mga sinasabi niya until one day pati kami nakaramdam na pero hindi ito ang kasunod na kwento. Ito ay tungkol sa Ghost Hunting naming magkakaibigan, naisipan namin na mag Ghost hunting sa aming paaralan plano namin libutin lahat ng floor pababa. Una naming try is sobrang nakaka kaba, nagpahuli kami sa mga umuwi na at umakyat na sa 3rd floor, ako si mcdo boyfriend nya, si kim, pam at alexadria bali anim kami nagpartner partner kmi habang naglalakad . Pag tung tong palang namin sa floor ay lumakas ang hangin makikita sa pasilyo ang sobrang dilim liwanag na nagmumula lang sa buwan ang ilaw namen. Unang room na nadaanan namin ay nakita naming nag gagalawan ang kurtina sa sobrang lakas ng hanging na akala mo ay may bagyo, nasa gilid kami kung saan malayo kami sa room. Padaan palang kami sa pangalawang room bigla namang gumalaw ang isa sa mga bangko at biglang bumukas ang pinto. Napatingin si Mcdo at sinabing Bilisan na namin ang paglalakad. Medyo natakot na ko sa pananalita niya. Tinitignan ko padin ang mga classroom na nadadaanan namin wala kong ibang nakikita kundi mga nagliliparang kurtina. "Bilis be may nakita ako!" bulong sa amin ni Mcdo pababa kami ng 2nd floor at doon madadaanan ang 201 na kung saan isa itong bakanteng room na minsan lang ginagamit kapag P.E class marami daw nagpaparamdam doon. Di na namin nagawang ikutin ang 2nd floor at 1st floor.. Noong malayo na kami sa School tinanong namin ano ang nakita niya.. Puro Blurred daw na imahe pero mas malinaw yung imahe sa room 303 kung saan yung pinto ay biglang bumukas at ang silya ay gumalaw. Yung iba kasi doon sira ang lock kagaya ng room 303 minsan di nadin nila nilalock mga pinto sa ikatlong palapag. Nakita nito na nanlilisik ang mga mata sa amin at galit na galit yun daw ang dahilan bat gumalaw ang silya at bumukas ang pinto. Pag uwi ko noon ang sama ng pakiramdam ko, nanaginip nga din ako na nag goghost hunting pa din kami sa school at nakikita ko mga multo pero hindi malinaw sa bawat room na nadadaanan namin. Kaya nagising ako ng alas tres ng madaling araw at pakiramdam ko may nakatingin sa akin nagdasal ako ng taimtim hanggang sa nakatulog ako. Pag pasok namin sa school may nabalitaan kami na may namatay daw sa room 203 kaya pala may mga nakasinding kandila.. Dinasalan nila ito noong umaga namatay daw dahil sa Heart Attack. Nagulat kami at hindi namin iyon inaasahan. Isa na siyang 4th year Highschool di na din namin inal kung bakit na Heart attack. At noong kinagabihan bumaba kami ni mcdo para mag Cr nang nakita namin na maraming tao sa tapat ng guidance office katabi kasi noon ang Cr, sinilip namin kung anong meron at nakita namin ang nakahigang babae at hawak hawak ng mga studyante ang mga mata nito ay nanlilisik at galit na galit at nagwawala. First time ko makakita ng ganon, Noong taon pa naman iyon madaming nababalitaan na school na maraming sinasaniban na estudyante. Kaya medyo natakot ako noon. "Hala fefi bilisan na naten baka kung ano pa mangyare sa akin" Lapitin daw kasi sya ng sanib, gusto ko pa sana makichismis pero malelate na kami sa last class namin at natatakot na si mcdo. Di namin alam nangyayari sa School pero tuwing naboboring kami ay nag GoGhost hunting padin kami. At ganon pa din ang nangyayari malakas na hangin at laging may nagdadabog. Nagulat nga kami nang may sumigaw samin sa dulo " Hoy magsibaba na kayo! Kung ayaw niyong malockan ng gate!" Kaya dali dali kaming bumaba naiwan pa nga ni mcdo yung sapatos nya doon sa tapat pa ng room 201 kaya binalikan nya pa ito at napatingin daw siya sa room 201 at doon nagsisisigaw siya pinuntahan namin siya at tinulungan namin makatayo noong time kase na iyon wala yung boyfriend niya absent, kaya nauna na kami bumaba. Namumutla si mcdo at hindi makapagsalita.. Noong nakalayo na kami sa school at nahimasmasan na siya dun niya sinabi ang nakita niya. "Isang lalaki na naagnas ang muka nakakatakot dahil nanlilisik ang mga mata" Kinilabutan kami ng todo. Doon namin nalaman ang muka ng multo sa room 201. Hindi masyado ginagamit yun dahil isa iyong bodega na tinatambakan ng silya. Pero noon ay wala ang mag silya dahil ginamit daw. Sobrang takot kami kapag doon ang klase namen.. Lagi nalang di mapakali si Mcdo pag doon ang classroom namin lagi siyang nangangatog pero nakaharap lang ang ulo nya sa harapan. Sabi niya sa amin nanggugulo sakanya yung multo sa tuwing nandoon kami at tinititigan siya ng masama. End ❣️ Sana nagenjoy kayo 🙏 This is a real story . Okay lang kung di kayo maniwala 😃 Have a strong Faith with God because he is our Saviour. 🙏 Thank you everyone!

@Sheng04

My friend, Mcdo (tagalog version) Itong storya na ito ay tungkol sa akin or sa aming karanasan noon Highschool palang kami. This is just a Tagalog version of my story. If you want to read in English here's the link 👇 https://read.cash/@YourHappiness/my-friend-mcdohorror-9ff459c9 Meron ang kaibigan na ang pangalan ay Mcdo. Tinawag ko siyang Mcdo dahil one time in our P.E class, She is wearing a T-Shirt na nakalagy si McDonald's, tinawanan namin sya dahil ang korni ng suot nya kaya tnwag ko nalang sya mcdo tutal ang tawag nya sa akin ay "Fefi". Dahil doon naging close kame at naging mag Best friends. Lagi niyang kinukwento sa amin about sakanyang creepy past at hanggang noong highschool kami ay may nararamdaman padin sya. Pero nag desisyon ang kanyang magulang na ipatanggal ang kanyang 3rd eye sa Albularyo.. Noon ay minsan na lang sya nkakakita ng malinaw na multo at minsan ay blurred nalang ito. Sabi nya din na kapag malakas daw ito nakikita nya ng mas malinaw. Madalas nararamdaman nya ang mga ito. Madalas din siya makapanaginip ng nakakatakot at pag bangon nya dinodrawing nya agad ito para di makalimutan. One time nga noong last class namin sa 2nd floor kame noon at nagtataka ko sakanya bakit nakatitig siya doon sa labas ng bintana, magkatabi kasi kami sa gilid ng bintana sabi nya nga sakin "Fefi may tao oh" Tinuro nya yung sa labas ng bintana sa baba pero wala ko nakita ang sabi ko nalang baka manuno siya kakaturo. Yung sa labas na yun isang new building 2years pa daw bago ito ipagamit sa lahat, Araw araw daw nakikita nya yun at habang tumatagal lumilinaw ang imahe nito sakanya. Akala nga daw nya pinapanuod kami noon habang nagaaral pero sabi ni Mcdo yung sinasabi nya daw na multo is Naka Puting barong at walang ulo. Doon kinilabutan ako at nagsigawan yung mga classmate ko dahil narinig nila ang sinabi ni Mcdo. May isa pa kong experience na hindi malilimutan . Last class namin noon at natapos ng 7:10 Pm karamihan sa mga classmate namin ay nauna na para umuwi, nang nagyaya si Mcdo na magCr sinabi ko na doon nalang sa baba dahil yun nalang ang nagiisang Cr na bukas.. Tsaka nakakatakot yung ibang Cr doon..At pumayag naman ito. Noong nasa 1st floor na kami lumayo kami sa kung saan nandoon ang Cr dahil mabaho at si mcdo lang ang pumasok doon . hinintay nalang namin siya sa labas pero makikita namin yung cr kung may papasok o wala medyo malayo din kami ni Pam. Habang nagaantay naguusap lang kami ni Pam about dun sa crush ko nung araw kasi nayan pinagtripan ako ng kaklase ko tinawag ba naman yung crush ko ayun hinahanap ako tapos ako nagtatatakbo at nagtago sa ilalim ng mesa 😂 Totoo yan! Di namim namalayan na tumatakbo na sa amin si Mcdo at putlang putla na akala mo nakakita ng multo, tinawanan nalang namin siya kasi ang pangit nyang tumakbo pero nagulat kami sa sinabi mya.. "Gagi! May nakita ba kayong pumasok sa Cr?? Takbo bilis!!" Walang ano ano tumakbo kami ng mabilis kahit di namin alam ang nangyari. Nung nakalabas na kami ng school tinanong namin kung anong nagyare sa loob. Ang sabi niya noong nasa loob daw siya pumasok sya doon sa may 2nd cubicle dahil sa 1st cubicle ay para sa mga Teacher. Ang Itsura pala ng Cr is may 4 na cubicle at sa harap non is may malaking salamin at lababo. Ang pinto naman ng bawat cubicle ay may butas sa baba na kung saan makikita mo ang mga paa ng dadaan. Nagulat si Mcdo noong may nagsalita na "Miyo" Akala nya hinahanap non ang kanyang kaibigan pero nakita nya itong dumaan papunta sa gilid at narinig nyang bumukas at sara ang 3rd cubicle. Dali dali nyang tinapos ang kanyang ginagawa at lumabas ng cubicle ng hindi tumitingin sa salamin dahil may napansin sya sa kanyang Peripheral vision at dahil ang dahil ang pinto ng 3rd cubicle ay unti unting bumukas.. Ang tibok ng puso nya ay sobrang bilis at ang kanyang mga paa at di na nya maigalaw.. Ayaw nyang tignan kung ano o sino ang nasa 3rd cubicle pero di nya na nakontrol kaya mabilis nya itong nilingon at ito ay pinagsisihan nyang ginawa, Isang studyanteng babae na sobrang haba ng buhok at ang mata nya ay sobrang itim at ang kanyang bunganga ay napakalaki na nakaupo at sobrang daming dugo.. Hindi sya makasigaw pero agad siyang tumakbo papunta sa amin. Kinaumagahan nagkwento siya sa amin na napaginipan nya yung babae at sabi nmin idrawing niya para malaman namin ang itsura.. At noong nadrawing na nya at nakita na namin bigla nya agad itong pinunit. Nagtaka kami kung bakit pero natakot kami sa kanyang sumunod na sinabe "Yung babae na nakita ko.. Nasa likod natin sya". Nanindig ang balahibo namin noon at nagdasal nalang para mawala ang masamang aura. Hindi lang dito nagtatapos ang kwento. Dahil magmula noon ginulo na siya nung babae.. Di ko to nasabe sa english version. Pero may part 2 pa to 😇 Tandaan kung may nararamdaman kayong hndi maganda. Tawagin lamang ang kanyang pangalan at magdasal ng taimtim 🙏 *Hebrews 11:1 Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen.* Maraming salamat sa pag babasa!