read.cash Log in

@Greyzzz

Joined 26 January 2021 · 20 posts

21 years old

120 KT

0 KT · 25¢ received · 0 KT · 24¢ given

Posts

@Greyzzz

Mission failed 4 weeks ago I have set a goal that I'll reach my first 1 BCH at the end of March but I have failed. The reason is, after one week since I have wrote my article about my goal a month ago, I haven't received any upvote here in read.cash that is supposed to be my main source of BCH. In noise.cash, same thing happened. I seldom received tips from other users there because of some changes of the site. And I can't even reached $1-2 my daily quota. And half of my daily earnings is donated to charity event where I joined. Everything went harder for me as the days goes by but that doesn't mean that I will give up easily. I realized that 1 BCH in just a month is very hard to achieve. But I'm still thankful because I still earned not less than $60 last month. Today, I'm very addicted in buying and selling NFT especially waifus in juungle. I have known this site for about a month now but I tried it just 2-3 weeks ago. For more info check my article about juungle. Here's the link: https://read.cash/@Greyzzz/juungle-for-nft-i-earned-50-f97be28a I also earned $1.34 from WorldTTT. It can be converted to BCH. 10,000TTT is equal to $0.05BCH. You can earn by answering quiz and spin a wheel there. But first you have to verify your identification for you to be able to answer quizzes. SLP-TTT is directly sent to your registered SLP address. Verifying your identification won't take long, you just need any ID. If you are interested you may visit this link: https://worldttt.com/bch-listings/?rj=1d4uhqn164 They also have group chat where you can also earn SLP-TTT by just inviting a new member. Just invite and receive a reward. https://t.me/joinchat/U91J89CsLtZkYjZk Make sure that the one you invited will tell the admin that he/she was invited by you. And both of you will receive a TTT reward. There is a lot of ways in earning BCH. There's a lot of opportunity but you should not abuse it. Perseverance is the key. Small amount can turn into big if you work for it. In no time, you'll be surprised to the outcome of your hard work. I may failed today at least I tried and I'll never stop. I take this as another challenge and inspiration to work harder. It may take a months or year, small progress is still a progress. I believe in BCH, I believe that it will help and bring me to my dream that I've always wanted. Trust the process you can do it, self! I have learned a lot on this journey. I always put my priorities first before anything else. I would love to here your opinions and assumptions. I would also love if you share your knowledge about what I have stated above. Thank you for reading.

@Greyzzz

Juungle for NFT (I earned $50) Before I share with you how does https://www.juungle.net/#/ works. Let me share to you, what is a NFT. **Non-Fungible Token (NFT)** A NFT (non-fungible token) is a special cryptographically-generated token that uses blockchain technology to link with a unique digital asset that cannot be replicated*. (source: juungle)* **Juungle** is a marketplace where we can collect, buy, sell and create our own Non-Fungible Token on the Bitcoincash blockchain. And it's very affordable because of it's low cost. To have an account in juungle, you just have to register with your email address and of course a strong password. Be mindful with your password for the reason that it is needed for withdrawal along with your bitcoin.cash address. Supported wallets are: Zapit Electron Cash Signup Unsupported wallets are: Bitcoin.com wallet Bitcoin.comMint Badger wallet Unsupported wallets may burn tokens. But as for me, I'm currently using bitcoin.wallet for my earnings in juungle. Juungle has lot of NFT and it includes: Waifu Pony Zombie Ashwick Photoyshop Bch.games Bitcoin.cash NFT And many more NFT that is created by other users. How to purchase an asset? Go to marketplace Select the asset you wanted to purchase Be mindful with the details. Copy the bch address given and remember to pay within 180 seconds or 3 minutes, failure to pay on time your purchase will be automatically cancelled be Exact amount of BCH only because it will be also cancelled if you pay more or less After paying the asset will be sent to your entered address (SLP) instantly How to sell an asset? Go to your account>my assets>unlisted assets Choose the asset you wish to sell and click sell and put the price you wanted in Sale Price(BCH) box, the minimum fee is 0.00001 and remember that you will be deducted 2% from your sale price. If you have sold a NFT, you'll be notified in your given email address. You can also join in the telegram account https://t.me/juungle_net_listings for listings, you'll see all the recent asset that is listed by the users there. To withdraw your earnings go to wallet>withdraw earnings, I mentioned above that you have to put your password and BCH address where you wish to put the funds and click "confirm" you will just pay less for the fee. I registered in Juungle for about 2 weeks but I just started to buy and sell few days ago. I owned more than 100 assets and I have sold 64 NFT in total that includes waifu, pony, ashwick and rept. You can get them for free from the faucet, but as of now all the faucets are closed. For ashwick you can get 1 for free by joining here t.me/ASHWICKNFT . I already earned more than $50 from 64 assets that I have sold. And already sent it to my father's account. Don't miss the chance to earn bitcoincash there. Me and my friends are now enjoying this platform. For more questions and concerns just comment below or dm me in my telegram account @Greyzzz99 . Thank you for reading.

@Greyzzz

Seven Seven came from a rich family. And dad niya businessman at Mom niya naman ay Politician. Kilala ang family ni Seven sa lugar namin lalo na sa school namin kasi laging nagdo-donate mommy niya. Though he came from a rich family, we studied on the same school (public school) and that’s when I met him. Di uso ang private school samin kasi nga probinsiya. Kung meron man nasa City pa. Lagi ko na siyang nakikita sa school namim, may pagka-bully rin kasi mayaman. Grade 4, classmates kami ni Seven. Doon ko pa mas nakita kung gaano siya ka bully haha. While busy si Seven sa pagiging pasaway ako naman busy sa mga school activities. Band majorette ako hanggang High School. Kahit mahirap lang kami alagang-alaga ako ni mama. Walang peklat at maputi ako kasi half canadian ako. Iba rin ako sa ibang bata kasi matangkad ako yung height ko parang pang highschool na, at kung tutuusin mas matangkad ako kay Seven noong elementary kami. Grade 6 na kami at magkaklase pa rin kami. At nakakapag-usap na rin kahit papaano.. Maraming nagkakagusto kay Seven. Yung iba classmate namin at yung iba naman taga ibang section. Gwapo si Seven kahit medyo maitim siya at di rin maitatanggi na mukhang mayaman. Tuwing recess time pumupunta ako sa tindahan ni mama para tulungan siya sa pagbebenta. Lagi ko rin nakikita si Seven kasama ang mga barkada niya. One day, pag dating ko sa tindahan namin naabutan ko si Seven na tumutulong kay mama sa pagbebenta ng juice na paninda ni mama. Nagtataka pa rin ako kaya tinanong ko si mama tungkol doon. Sabi naman ni mama lagi raw kasi bumibili sa amin si Seven kasama yung mga barkada niya. Eh kanina maraming bumibili kaya nag-offer siya ng tulong. Pagdating sa school nagpasalamat ako sa kanya sa pagtulong kay mama, nag smile lang siya sakin bilang sagot. Christmas party... Sabi ng teacher namin na kung sino katabi namin yun yung ka-share namin sa pagkain na iaambag pero dahil nga mahirap lang kami at ayoko manghingi kay mama sinabihan ko si Seven na humanap nalang siya ibang partner kasi di ako sa sasali sa Christmas Party. Pero di pumayag si Seven okay lang daw kahit wag na ako mag-ambag basta sumali lang ako. Araw ng christmas party nahihiya pa akong pumasok sa classroom at umalis saglit si mama kaya ako muna nagbantay sa tindahan namin ng dumating si Seven at tinanong niya ako kung ba't di pa ako pumapasok at sinabi ko naman sakanya ang dahilan. Sabi ko mauna nalang siya pero nag-offer siya na sabay nalang daw kami at sakto naman dumating si mama. Nagpasalamat rin ang adviser namin sa dalang pagkain ni Seven. Literal na andami niyang inambag pero parang wala lang kay Seven gaya ng iba naming classmates na niyayabang oa yung ambag nila. Ganun talaga siguro pag mayaman. Kainan time na at nahihiya akong kumuha ng pagkain kasi wala akong ambag kahit piso. Tumayo na si Seven para kumuha ng pagkain kaya ayun kumuha nalang din ako. Konti lang kinuha ko. "Oh ba't konti lang kinuha mo?" Tanong niya sakin. "Busog pa kasi ako." Sagot ko pero ang totoo gutom na talaga ako nun. Bumalik siya sa kuhaan ng pagkain, pagkita ko sakanya andami niyang kinuha at may softdrinks pa. "Ubusin mo 'to lahat ah." Sabay ngiti habang nilalagay niya lahat ng pagkain sa plato ko. That’s when I started to fall for him. Haha nakakatawa man isipin lasi sobrang bata pa ako pero honestly na-inlove ako kay Seven. Simula nun as in araw-araw niya na ako kinakausap. Tuwing may assignment kami tinatanong niya kung meron ako kasi mangongopya raw siya at siya na raw bahala sa papel ko hahaha. Everyweek isa hanggang dalawang bundle ng papel binibigay niya sakin. Syempre tuwang-tuwa ako kasi makakatipid ako haha. Valentine's day nagulat ako kasi may isang rose sa lamesa ko. Hindi ko alam kung sino naglagay. Pero yung mga classmate namin kinikilig habang sinasabi na galing daw kay Seven. Pero hindi pa rin ako sure kasi di niya naman inamin. One time, ninakawan ako ng classmate kong bading. Treasurer ako nun, iyak ako ng iyak kasi pinapabayaran ng teacher namin plus natatakot pa akong malaman ni mama na may kasalanan ako sa school. Pero andaming nagsabi na nakita raw nila yung classmate ko na yun na lumapit sa bag ko, kaya nilapitan siya ni Seven at biglang sinuntok. Umamin rin ang classmate namin at binalik niya ang pera. 150 pesos lang naman yun pero syempre bata ako kaya para sakin malaking halaga na yun. "Oh ito na, wag kana umiyak diyan." Sabi ni Seven sakin habang inaabot ang pera. Mas lalo akong na fall sakanya nung mga panahon na yun. Lagi na rin kaming inaasar ng classmates namin sa isa't-isa. Elementary graduation namin gumraduate akong Valedictorian kaya proud na proud si mama sakin. 1st year high school hindi na kami magkaklase ni Seven pero noong 3rd na kami dun na kami naging magkaklase. Ibang iba na itsura niya nun, mas matangkad na siya sakin at lalo siyang gumwapo. Ika nga nila tall, dark and handsome plus pa yung dimples niya sa magkabilang pisngi. Nalaman ko rin na babaero raw si Seven, mga gf niya nun kasing sosyal niya. Ako naman wala pa sa isip ko ang mga ganung bagay. Tsaka gusto ko maging class Valedictorian ulit para makakuha ng scholarship. Sumasali na rim ako sa mga pageant sa school namin, hindi ako makatanggi kasi syempre extra grades din yun. Tsaka okay lang naman kasi hindi pa uso 2piece swimsuit attire nun. Shorts at sports bra lang okay na. Minsan nananalo, minsan talo. Until nag JS prom kami and partner kami ni Seven para i-represent yung class namin sa dance ball. Parang dun ang ibe-base ang king and queen. Naeexvmcite na kinakabahan ako tuwing nagpapractice kami. Simula nun lagi na kaming magkasama ni Seven, lagi siyang sinundo ng driver nila kaya inaalok niya ako na sumabay pero di na ako tumatanggi para libre pamasahe hihi. Before mag JS Prom namroblema ako kung san kukuha ng gown at heels na susuotin ko nun kasi mahal magrenta. Yung mga ginagamit ko sa pageant sponsored ng mga teachers pero sabi ni mama magahahanap raw siya paraan. Naawa ako kay mama kasi gastos nanaman. Buti nalang may kapitbahay kami na medyo may kaya nag-offer siya na siya pipili ng susuotin ko, make-up, hairdo ko at heels siya nagprovide at wala kaming binayaran ni mama. Last day ng pratice namin sinabihan ako ni Sky na susunduin niya ako para sabay nalang kami papuntang school sa araw ng js prom. Tatanggi sana ako pero namimilit siya kaya punayav nalang ako. 4pm inaantay ko na si Seven pero kinakabahan ako na baka anong sabihin ni Seven tungkol sa mukha ko. Pagdating niya at pagsakay ko sa sasakyan nila, tinanong niya pa ako kung kinakabahan ako at di ko naman tinanggi yun kaya inaasar niya ako. Di niya alam na siya ang dahilan kung ba't ako kinakabahan haha. Nakarating na kami sa venue at nagsimula na ang party pati ang competition. Kami ang nanalo kahit ilang beses ko naapakan paa ni seven haha. Pagkatapos kumain di mawawala yung sweet dance, usong-uso yun nung panahon namin. Lumapit sakin ang instructor namin at tinanong ako if pwede raw ba kaming sumayaw, pumayaga naman ako kasi sayaw lang naman. Aware akong may gusto sakin ang instructor namin , 15 lang ako nun at siya naman ay 22. Gwapo siya pero para sakin focus muna sa pag-aaral. Sumasayaw na kami ng instructor namin ng makita ko si Seven na nakatitig sakin na parang di ma-drawing yung expression ng mukha niya. Ilang minutes palang kaming sumasayaw nang may lumapit samin, si Seven. Sinabihan niya ang instructor namin if pwede daw bang siya naman. Agad naman itong pumayag. Nung nagsasayaw kami ng instructor namin oarang wala lang sakin pero iba pagdating kay Seven. My heart was beating so fast. Ramdam ko parin yung mga kamay niya sa bewang ko. Tinry kong lumayo pero hinila ako ni Seven kaya mas malapit na kami sa isa't-isa. Lalong bumilis tibok ng puso ko. "Ang ganda mo ngayon." Sabi ni Seven. "Ay ngayon lang pala?" Pabiro kong tanong sa kaniya. Nag joke nalang ako para maconceal yung nasa isip ko. Nag smile ako sakanya pero siya seryoso pa rin. "I like you, Gail." Seryoso niyang pagkakasabi. Grabe na talaga tibok ng puso ko. I don’t know what happened next. I just realized that he bent over and kissed me. It was a smack kiss. It lasted for 5 seconds? I think. But for me it was like a life time. I don’t know if merong nakakita kasi may kanya kanyang mundo lahat ng tao nung time na yun. Tumigil na kami sa pagsayaw. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya. "Pwede ba akong manligaw sayo?" Muli niya oang tanong. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. "Silence means yes." Nakangisi niyang dagdag. As he promised hinatid niya ako pag-uwi sa bahay. Pagdating sa bahay di ako makatulog. Yun pala ang pakiramdam ng first kiss? Hahaha. Abangan ang part 2.. -greyzzz

@Greyzzz

One true love Ipapakilala ko sainyo ang aking greatest love, si EJ. Bata pa lang kami magkakilala na kami ni EJ, madalas kaming mag-asaran at madalas akong napipikon sa mga pambubully niya sakin. Pero pag may ibang nang-asar sakin nagagalit siya sa mga yun ang katwiran niya siya lang daw pwede mambully sakin. Iisa kami ng school sa elementary mas matanda siya ng isang taon sakin. Lagi kaming sabay pumasok at lagi niya rin akong hinihintay sa pag-uwi. Pag bakasyon naman ay lagi kaming magkalaro. Close rin ang pamilya ko at pamilya niya. Bata palang kami ni EJ ay kami na ang pinagkakasundo, naiinis pa kami pag inaasar nila kami noon. High school, hindi na kami madalas nagkikita ni EJ pero kung magkita man kami ay ganon pa rin ang bonding namin sa isa't-isa. Kwentuhan ng buhay buhay kasama pa ang iba naming kaibigan. Dahil mga nagdadalaga't binata na kami natututo na rin kaming magkaroon ng crush. Sa tuwing broken-hearted ako sa mga nagiging crush ko kay EJ ako nagsusumbong. At imbes na i-comfort niya ako inaasar niya pa ako lalo. 3rd year high school ako nagkaroon ako ng boyfriend yun ay si John. Noong nalaman ni EJ nagalit siya sa akin kasi hindi raw matinong lalaki si John, hindi naman ako nakinig sakanya kasi para sakin mas kilala ko si John. At kalaunan ay hinayaan nalang ako ni EJ. Mga unang buwan namin ni John ay sobrang saya. Lagi akong hatid sundo ni John, kada monthsary namin ay lagi siyang may regalo sakin. Hindi talaga pumapalya si John sa pagpapakilig sa akin. Si EJ naman ay lumayo na sakin bilang respeto sa boyfriend kong si John. 3 months bago ang first anniversary namin ni John, nag-iiba na ang pakikitungo niya sa akin hindi na siya tulad ng dati. Pero iniintindi ko lang dahil alam kong busy rin siya sa school gaya ko dahil malapit na kaming gumraduate ng high school. Hindi pa uso ang cellphone nun kaya wala kaming ibang way of communication. Lumipas ang isang buwan at ganun pa rin ang setup namin ni John, swerte na kung magkita kami isang beses sa isang linggo. Akala ko noong una busy lang talaga si John pero tuwing nagkikita kami iba na talaga, sobrang cold na ng pakikitungo niya sakin. Dahil doon nakikipag-usap na ulit ako kay EJ, sakanya ko lahat binubuhos ng hinanakit ko. Nakikinig lang si EJ sa lahat ng rants ko, pagtapos na akong dumaldal sakanya ililibre niya ako ng paborito kong pagkain. Nagiging okay na ako dahil kahit papaano ay may nakakausap na ako, gumagaan na ang pakiramdam ko sa tulong ni EJ. Isang beses nilibre ako ni EJ na kumain sa labas at pumayag naman ako sa yaya ng kaibigan ko siyempre libre yun eh. Nakita kami ni John na magkasama ni EJ kaya sobrang nagalit siya sa akin. Muntik na makipaghiwalay sakin si John nun pero nagmakaawa lang ako at pinangako kong 'di ko na kakausapin ulit si EJ wag lang siyang makipag hiwalay sakin. Naging maayos na ulit kami ni John pero alam kong may lamat na talaga ang relasyon namin pero hinayaan ko nalang dahil sobrang mahal ko siya. Ilang araw bago ang first anniversary namin ni John ay balak ko siyang i-surprise. Pero ako ang nasurprise sa nakita ko. May kahalikan si John na ibang babae na schoolmate lang din namin. Pero wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang, hindi alam ni John na alam ko nang may iba na siya. Naging martyr pa rin ako sakanya kasi paniniwala ko magbabago rin siya. Mas lalong lumala na ang mga away namin ni John minsan ay nasasaktan niya na ako physically. Sobrang mahal ko talaga si John kahit ganun ang ginagawa niya sakin. Sa tuwing nagkikita naman kami ni EJ ay umiiwas pa rin ako sa kanya. College na kami at 2 years na rin kaming magkarelasyon ni John, walang nagbago paulit ulit nalang kaya ako na rin ang sumuko pagod na pagod na ako sa mga pananakit ni John mapa-emotional o physical man. May communication na ulit kami ni EJ, siya pa rin talaga ang kaibigan ko. Never niya akong tinanong o pinagalitan tungkol samin ni John. At nalaman kong alam ni EJ na sobrang babaero si John nagsisisi akong 'di ako nakinig dati sa kaibigan ko. College days mas nagiging maalaga ang kaibigan kong si EJ sakin, siya naging supporter ko sa lahat ng bagay. Sa saya at kalungkutan siya ang kasama ko. Alam kong may nararamdaman na kami ni EJ para sa isa't-isa pero binalewala ko yun. Dumating ang araw na umamin sa akin si EJ, lahat ng nararamdaman niya sakin sinabi niya. Ako rin pala ang dahilan kung bakit never siyang nagkagusto sa ibang babae at never siyang nagka-girlfriend. Sinabi niya rin na kaya niya ako binubully noong mga bata pa kami para mapansin ko siya. Pero hindi ko tinanggap ang feelings niya. Ni-reject ko si EJ, ang dahilan ko mahal ko pa rin si John kahit may nararamdaman na ako para kay EJ. Sabi ni EJ handa siyang hintayin ako kahit ilan pang taon. Iniwan ko sa ere si EJ. Ilang buwan lang ang nakalipas ay nagkabalikan kami ni John sa pag-aakalang nagbago na siya. Sa una lang pala talaga lahat. Tumagal kami ulit ng 3 taon ni John at pareho na kaming graduate ng college at may maayos na trabaho. Pero sobrang toxic na talaga ng relasyon namin. Ilang beses ko siyang nahuli na may ibang babae pero hinahayaan ko lang. Kasi isang sorry lang ni John lumalambot agad ako. Pero umabot na ako sa puntong hindi ko na talaga kaya. Kusa na akong lumayo, hindi na ako nagpapigil kay John dahil alam kong mauulit lang ang lahat. 1 year later... Humilom na lahat ng sugat na gawa ni John at tuluyan ko na siyang nakalimutan. Naisip kong panahon na para buksan ko ang puso ko sa iba. At dito pumasok ulit si EJ sa buhay ko. Gaya ng pangako niya na hihintayin ako. Nagkakamabutihan na kami ng loob Nasa barko man si EJ ay di siya pumapalya na iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Hindi pa kami official ni EJ dahil ang gusto niya magkita muna ulit kami sa personal. After ng ilang taon na hindi kami nagkita kinakabahan ako na excited. Handa na talaga akong tanggapin ang pagmamahal ni EJ. Araw ng birthday ko at may konting salo-salo at 'di nagparamdam sakin si EJ kaya sobrang lungkot ko pa rin. Hanggang sa bigla nalang nangyari ang bagay na magpatigil sa mundo ko... Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko si EJ ngayon, napaka gwapo niya. May dala dalang boquet ng sunflower. Parang nagslowmo ang lahat ng nasa paligid ko. Hindi pa ako nakakapagsalita ay lumuhod si EJ sa harap ko... "Will you marry me, Yna?" Mga katagang 'di ko inaasahan, nabigla ako. Hindi pa kami magkasintahan ni EJ pero.. "Yes EJ, I'll marry you." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Ikinasal kami kaagad ni EJ matapos ang ilang buwan. Mabilis man ang pangyayari ay wala akong pinagsisihan. Mahal na mahal namin ang isa't-isa. After 8 years... Biniyayaan kami ng isang napaka gwapong anak na si Ice, 4 years old na siya ngayon. Malayo man sa amin ang daddy niya ay hindi ito nagkulang sa alaga at pagmamahal sa amin. *** Hindi nasusukat sa tagal ng relasyon ang pagiging matibay at. Kung talagang nasa tamang tao kana hindi mo na kailanman mararanasan ang masaktan. Kinasal man kami ni EJ kaagad wala naman akong pinagsisihan dun dahil araw-araw pa rin akong nililigawan ng asawa ko. At hindi kayang tumbasan ng nakaraan ko ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pag alam mong toxic na sumuko kana, hindi mo mababago ang isang tao kahit gaano pa kayo katagal. Always know your worth. Wag na wag mong isasara ang puso mo dahil sa pagkakamali ng isang tao sayo, bagkus ay magpahinga ka hanggang sa maghilom lahat ng sugat sa puso mo. Darating at darating rin ang taong nararapat sayo at ipapakita sayo ang kagandahan ng mundo. --the end-- Disclaimer: Lahat ay gawa lamang ng imahinasyon ng author, ang pagkakahawig sa mga nabanggit ay hindi sinasadya. -greyzzz

@Greyzzz

Goal: To reach my first 1 BCH on this month My goal for this month March is to reach my first 1 BCH. I would like to share with you what will I do to achieve it and the reasons why I want to achieve it. ****Reasons why I want to achieve my 1st BCH:**** **For my future** I always wanted to have a better future. And to be stable financially. From time to time, I learned about Bitcoin Cash that makes me trust in it even more. I positively believe that it will give me a big contribution in achieving my dreams. 1 BCH is my stepping stone to more BCH in the future. And probably, BCH will double the value of BCH today or even more. **I want to help my dad in every expenses in our house** My dad is a grab driver and his earning is not enough. I wanted to help him pay our electricity and water bills and even the rent of our house because we don't own a house we just rented for almost 22 years. Maybe if I could help him, I can lessen the burden and he doesn't need to work more than 8hrs. **To pay my tuition fee this coming school year** I decided to stop schooling because I know I can't do the online class. And I know he can't pay my tuition fee because he also stopped working for many months during the pandemic. By saving BCH I know I can pay for myself before the new school year begin. ****How and what will I do to achieve my goal on this month**** **Noise.Cash** I originally set my daily quota to $1, but I increased it to $1.5-$2 to challenge my self. All my earnings will be sent to my noise.cash wallet. **Read.Cash** I challenge my self to have atleast $5 per day. I will publish 2 articles everyday so that it will be easy for me. And I wanted to write an article that can be useful and beneficial to the readers. At the end of the day I will send and save all my read.cash earnings to my father's wallet because he is good at handling money. And I also prohibited myself from spending any amount to reach my goal easier. 95% of my savings came from my earnings in read.cash **BCH Buy and Sell** I'm now taking the next step, I have searched and learned about crypto trading specifically BCH. And I'm ready to explore, I believe Bitcoin Cash can do more if I have the willingness and patience. **Thoughts:** As I have watched the video of Sir @MarcDeMesel he filmed 2 years ago. He said that Bitcoin Cash is most likely to go up a lot as time goes by. Here's the video: https://youtu.be/LoJMC2GpyxM 2 years ago BCH is only $200 but as of now (March 07, 2021, 10:56pm) it's $508 dollar. But last February 14, 2021 BCH reached $725.60 And that makes me confident that BCH will grow a lot. In my prediction BCH will be $1000 within the year. Let's save for our future. Let BCH be spread all over the world. Always trusy the process, I hope I'll achieved my goal this month.

+2 more

@Greyzzz

Camping part IV Camping part 1, 2 and 3, visit the link below. **https://read.cash/@Greyzzz/camping-16ae8497** **https://read.cash/@Greyzzz/camping-part-ii-a7de037f** https://read.cash/@Greyzzz/camping-part-iii-651a16d0 Mahimbing akong nakatulog kagabi kahit na nalulungkot ako sa nangyari kay Maui. Payapa at tahimik rin ang umaga. Ako pa lang yata ang gising sa kanila. Hinayaan ko nalang muna sila sa kanilang mga tent at ako naman ay nagtimpla nalang ng kape at umupo sa labas ng tent ko habang nag-iisip ng kung ano-ano. Maya maya lang ay gising na si Jake at dumiretso kaagad sa cr. Naboboring ako ngayong araw, gusto ko ulit mag gala pero wala naman si Manong Toto para gabayan ako sa mga pupuntahan. Ayokong umalis mag-isa dahil baka maligaw ako. Pakiramdam ko ay masasayang ang lang ang araw ngayon at uuwi na rin kami bukas. Pagbalik ni Jake ay niyaya ko siya na samahan ako maglibot sa lugar. Agad namang pumayag si Jake sa gusto ko dahil siya rin daw ay nabobored at ayaw niyang magsayang ng oras. Bago umalis ay naligo muna kami sa ilog. Maya-maya lang ay dumating si Beigh na halatang bagong gising palang. Nag-enjoy kami sa tubig tamang-tama lang ang tubig hindi mainit hindi rin gaanong malamig. Habang nagtatampisaw kaming tatlo ay 'di namin maiwasang maglaro sa tubig. Nagku-kwentuhan rin kami ng kung ano-ano gaya ng mga nangyari sa aming lima noong high school pa lang kami. "Tulog pa ba sila Apple at Alex?" Tanong ko kay Beigh. "Oo yata, 'di ko na sinilip mga tent nila dahil akala ko nandito rin sila kasama niyo." Agad namang sagot ni Beigh. "Siguradong tulog pa ang mga yun. Kasi kung wala sila sa mga tent nila, wala naman silang ibang pupuntahan kundi dito sa ilog." Litanya ni Jake. Sabagay may point si Jake. "Hindi pa ba kayo tapos? Tara na sabay sabay na tayong bumalik at yayain rin natin sila mag-ikot kahit wala si Manong Toto. Sama ka rin Beigh ha." Sabi ko sa dalawang ulupong. Umahon na rin sila at habang naglalakad kami pabalik ng tent ay nagpupunas pa kami ng mga basa naming buhok. Nag-uusap din kami kung ano ang kakainin namin bago umalis. Pagkarating namin sa tent agad akong nagbihis para makapagluto na. Mabilis lang akong natapos sa pagluluto kaya agad kong tinawag ang mga kaibigan ko para sabay-sabay na kaming kumain. Agad namang lumabas sina Jake at Beigh. Naisip kong silipin nalang si Apple dahil baka hanggang ngayin ay masama pa rin ang pakiramdam niya. "Apple?" Ilang beses kong tawag sakanya. Naisipan kong buksan nalang ang tent niya. Halos masuka ako sa nakita ko, hindi ako makapagsalita. "Uy Sheena, di pa rin ba gising si Apple?" Tanong ni Jake. Hindi na ako nakasagot sa tanong niya. Agad namang lumapit ang dalawa nang mapansin nilang 'di ako okay. Kapwa silang nagulat sa nakita, na halos masuka na rin sa itsura ni Apple. May hiwa ang pisngi niya, halos luwa na rin ang mata. At may sugat siya sa leeg na parang ginilitan. Andami niya rin sugat sa mga braso niya. Halos 'di na namin makilala ang mukha ni Apple. "NASAAN SI ALEX?!!!" sigaw ni Jake na nanlilisik na ang mata. Agad niyang binuksan ang tent ni Alex nang walang paalam. Balak pa sana naming pigilan si Jake pero nakita naming nanginginig sa takot si Alex. Nang walang ano ano ay kinaladkad ni Jake si Alex palabas ng tent niya. "P*taaa ka Jake ano bang nasa isip mo?" Galit na tanong ni Beigh nang makita ang ginawa ni Jake kay Alex. "Hindi pa ba kayo nagtataka ha? Kagabi pinalipas ko ang nangyari kay Maui! Ayoko mambintang pero malakas ang ebidensya na si Alex ang may kagagawan ng lahat!" Sagot ni Jake na galit na galit. Pinagmamasdan ko lang sila dahil di pa nagsisink in sakin ang mga nangyayari. "Hindi ako ang may gawa" Umiiyak na sagot ni Alex. "Kung hindi ikaw paano mo ipapaliwanag saakin ang dahilan ng panginginig mo at yang mga dugo sa kamay mo! Ikaw lang din ang naiwang mag-isa kasama ni Apple dito. At alam nating lahat na malaki ang galit mo kay Apple!" Galit na galit na talaga si Jake. "Ano ba pre? Mag-isip ka nga!" Mahinahon na sagot ni Beigh kay Jake. "Wag kang makialam dito! Sumagot ka Alex!" -Jake "Kaninang paggising ko wala kayong lahat kaya naisip kong tingnan ang tent ni Apple para na rin mag-sorry sa kanya sa nangyari kagabi. Itong mga dugo sa kamay ko oo dugo 'to ni Apple dahil sinubukan kong gisingin siya, umaasa akong mabuhay siya!" "SINUNGALING!!!" Sigaw ni Jake. "Kung 'di mo siya pinatay bakit 'di mo man lang naisipang tawagin kami at sabihin ang tungkol kay Apple? Bakit pinili mong magtago sa tent mo!" Mahina pero kada salita ay halatang may diin na pagkakasabi ni Jake. "Tama na pre, 'di naman yata tamang pagbintangan mo kaibigan natin." Sagot ni Beigh. "Siguro kasabwat ka ng kriminal na 'to kung kaya't ganoon mo na lang ipagtanggol si Alex." -Jake "Aba'y gago ka pala eh!" Susuntukin na sana ni Beigh si Jake pero agad naman itong nakailag. Nagpalitan ng suntok ang dalawa. Inawat ko na sila kahit gulong-gulo pa rin ako sa nangyayari. "TAMA NA!!!" Sigaw ko pagkatapos kong awatin ang dalawa. "Wala naman mangyayari kung magsisihan nalang tayo dito. Sa ngayon ay tumawag muna tayo ng police." Kalmado kong tugon. Agad namang sumang-ayon si Jake. Abangan ang susunod na bahagi. :*

@Greyzzz

My bestfriend Gusto ko lang i-share sainyo how I met my bestfriend hehe. Everyone calls him King or Ekeng but I call him sissy. Year 2016 when I first met him. Grade 11 kami noon, and pareho kaming ng strand. CSS (Computer System Servicing) kaming pareho ang pinagkaiba lang ay yung section namin, section A ako siya naman ay section B. First day of school, syempre may orientation. And botohan na kaagad ng officers. Dahil sa hindi pa kami magkakakilala gaano dahil noong junior high school yung iba ay galing sa mga annex lang ng main school. Ako naman since grade 10 doon na nag-aral, taga main. Edi kahit sino nalang ang mapag-tripan na inominate taas nalang ng kamay para sumang-ayon. Pero siya iba haha. Botohan na ng strand president nagtaas siya ng kamay. Halos karamihan saming mga babae nagwapuhan talaga sa kanya, naging crush ko nga siya agad eh dati eh pero usang araw lang hahahaha. Then nung nagsalita na siya nawindang kami bhie! Kung gaano kalalaki yung mukha niya ganun naman kalambot boses niya. "I nominate myself to be the strand president." Taas noo niya yan sinabi promise hahaha. Sa buong pag-aaral ko first time kong naka-encounter ng ganun ka confident na tao. Unfortunately, 'di siya nanalo haha. Ilang months na rin siguro since nag-start ang class edi naging close na kami, pumupunta na siya sa classroom namin para makipag-chikahan. Ito ang first picture namin together. Yung ID lace na suot ko kanya yan. Hindi man pinalad si sissy manalo dati, nanalo naman siya bilang SSG Representative ng strand namin, bongga diba? Pero hindi pa kami mag-bestfriend ng mga panahon na yan. Feeling close lang talaga si sissy haha. So ito na nga, panahon na ng SK Election sa probinsiya namin. Magkaiba kami ng barangay at kada barangay ay may sariling schedule sa pagpaparehistro. Pero dahil yung schedule ng mga barangay namin ay nataon sa schedule ng exam week namin hindi namin inuna. Kaya nung last day na ng rehistro kami nakapunta. Unexpected yung pagkikita namin sa old city hall nun. Yung araw na yun sobrang nakakapagod halos 'di kami makahinga sa sobrang siksikan kasi nga inuuna yung mga may kamag-anak na officials, napaka-unfair noh? Hahaha. Pero dahil dun nabuo ang friendship namin, lahat siguro ng struggles naranasan namin nung araw na yun. Simula 8am at 10pm magkasama kaming nakikipagsiksikan at tulakan sa pila kasama yung kapatid ko at iba pa naming classmate. Buti nalang talaga at kwela si sissy so imbes na mastress kami sa sobrang gutom puro tawa ginawa namin nun. At nagtuloy-tuloy na yung pagiging magkaibigan. Originally di naman talaga sissy tawagan namin. Nutrition month nun at syempre may mga representative talaga, kami gumagawa ng costumes nila. Kada strand may lalaki at babae at syempre si sissy ang representative namin. Kasi super confident talaga siya hahaha. So balik tayo sa kung bakit sissy ang tawagan namin. Gabi na nun sa school tumawag yung kapatid ko and ang nakaregister na name sa phone ko ay sissy at nakita ni Nikko yun kaya simula nun lahat sila sissy na tawag sakin. Tapos ayun nasanay nalang din akong tawagin silang sissy hahaha. Simula nun lagi na kaming magkasama ni sissy, give and take kami sa lahat ng bagay. Mapa-laughter, sadness at kung ano pa man siya ang kasangga ko. Minsan pa nga ay napagkakamalan kaming mag-jowa ng mga taong di alam na gay siya. Siya rin naghost nung debut ko na sobrang palpak yung program pero masaya. October 2017, nakabalik na ako dito sa manila. Wala akong cellphone nung mga panahon na yun kaya pag may time na nakakahiram ako lagi kaming nag-uusap. Kumustahan, chikahan at kung ano-ano pang chismis hahaha. Nung bumisita siya kay papa niya sa Malabon year 2019. Binisita niya rin ako at sobrang hirap ng pinagdaanan niya sa buong biyahe niya papunta dito samin sa Taguig hahaha. Sa ngayon bihira na lang talaga kaming na-uusap dahil busy na pareho isa kasi siyang call center agent sa Cebu. Pero kahit ganoon siya pa rin ang pinaka-love kong bestfriend. Miss na miss ko na si sissy, may promise din kami at pinagsisikapan kong matupad yun. This story is dedicated to my sissy because I super miss him.

@Greyzzz

Pride Araw ng linggo, nakagawian naming magpipinsan na mag-sleep over. Madalas ay nagmo-movie marathon lang kami. At dahil sawa na kami sa ganun, naisipan naming mag-laro ng truth or dare. Bago pa man kami magsimula ay dumating si tito Vlad upang makinig sa amin dahil siya ay pinakaboritong tito namin kaya comfortable kaming mag-usap ng kahit ano dahil napaka-open minded niyang tao. Malayo sa ugali ng iba naming kamag-anak. Puro tawanan lang kami at laging dare ang pinipili naming magpipinsan. Kung may mag truth naman ay magtutuksuhan kami. Tapos na umikot sa lahat ang bote at wala na kaming maisip na iba pang gawin. Tumingin ako kay Tito Vlad nang nakakaloko. Ang nagsi-gaya na rin ang mga pinsan ko. Lagi naming kinukulit si tito na mag-kwento kung bakit 'di siya nag-asawa. Mabait, gwapo at higit sa lahat mapagmahal si Tito Vlad kaya sobrang curious kami kung bakit. "O siya sige na nga magkkwento na ako pero wag niyong ipagsabi sa iba ha?" Nakangisi niyang sabi samin. "Yun oh!" "Yehey!" "Yes, sa wakas" Reaksiyon naming lahat ng marinig ang pagpayag ni tito Vlad. "Bago ang lahat, nainlove kana ba tito?" Tanong ko. Napangiti si tito ng mapait. "Oo naman, ikukwento ko na. Ano game? Haha" "GAME NA GAME!" sabay naming sagot ng mga pinsan ko. "First year college when I met Aly. The moment I saw her I knew it was her, the one I've been searching for a long time." Panimula ni tito. Kitang-kita sa kanya ang saya habang binabanggit niya ang mga katagang iyon. Kinikilig kaming magpipinsan pero wala nang nag-abalang magtanong o magsalita para 'di ma-destruct si tito. "Sobrang ganda niya, yung mga ngiti niya para akong tinutunaw. At halatang mayaman siya dun palang alam kong 'di na ako papasa sa kaniya." Pag-tuloy ni tito. "Araw-araw ko siyang inaabangan sa canteen, kabisadong kabisado ko kung saan siya uupo. Kaya walang araw na hindi ko siya binibigyan ng bulaklak. Lagi akong kinakabahan dahil baka itapon niya lang ang mga ito. Gusto ko man siyang bigyan ng mga mamahaling gamit o chocolate ay 'di ko magawa. Hiyang-hiya ako kay Aly." Seryoso lang kaming nakikinig sa kwento ni tito Vlad. "Isang araw, 'di ko nakita si Aly. Baka kako 'di siya pumasok kaya naisipan kong umalis na sa canteen. Laking gulat ko paglingon ko ay nakita ko si Aly, sobrang tamis ng ngiti niya. Mala-anghel ang mukha niya. Para akong nanigas lalo na nung nagsalita siya." "Tinanong niya ako kung sino ang hinahanap ko, kung siya raw ba." Hanggang tenga ang ngiti ni tito habang nagsasalita. "Ewan ko ba pero 'di ako makapagsalita ng ayos. Bigla niyang hinila ang kamay ko para magshake-hands napakalambot ng kamay niya kamay mayaman. Nahihiya ako lalo kay Aly." "Yun ang unang pag-uusap namin ni Aly." "Eh tito nasan na po siya?" Imbes na sagutin niya ang tanong ng pinsan ko ay ngumiti lang siya. "Hindi ko akalain na alam pala ni Aly na ako ang nagbibigay ng bulaklak sa kaniya. Tuwang-tuwa raw siya kaya nagpatulong siya sa kaibigan niya na alamin kung sino ang misteryosong tao. Haha, tinanong ko siya kung nadisappoint ba siya ng malaman niyang ako pala. Pero ang sagot niya ang nagpakilig sa akin. Dahil nag-eexpect daw talaga siya na sana ako. Matagal niya na raw akong crush nahihiya lang daw siya magsabi sa akin dahil para sa kaniya pangit tingnan sa babae na nagfi-first move. Noong araw din na yun ay inamin ko kay Aly ang nararamdaman ko sa kanya. At di nagtagal ay naging kami rin." "Marami ang tumaas ang kilay nang malaman nila na isang mahirap na gaya ko ang magugustuhan ni Aly. Langit siya lupa ako." "Noong una, sinubukan kong makipag-hiwalay kay Aly dahil sa sitwasyon pero ipinaglaban niya pa rin ako at never kong naramdaman na ikinahiya niya ako." "At dahil doon, hindi ko na sinukuan si Aly. Eventually, naging masaya kami. Hindi siya maarteng babae kahit na mayaman siya ay kuntento na siya sa mga street foods na kung minsan pa nga ay siya nagbabayad para sakin. Kada buwan ay binibigyan niya ako ng mga regalo kahit wala akong maibigay sa kaniya. Hiyang-hiya ako kay Aly noong panahon na yun. Sinubukan kong magtabi para pangregalo sa kaniya pero hindi ko magawa dahil sapat lang talaga ang pera ko, working student ako." "Magta-tatlong taon na kami noong muntik na akong di maka-graduate dahil hindi ako nakabayad ng tuition fee. Never kong sinabi kay Aly ang sitwasyon ko na yun. Lahat ginawa ko para makapag-ipon ako at nakasuporta lang siya lagi sakin. Hanggang sa nalaman niya ang sitwasyon ko, kaya nag-rekomenda siya na siya ang magbabayad. Noong mga panahon na yun ang liit ng tingin ko sa sarili ko. Kaya hindi ko tinanggap ang offer niya. Nasigawan ko siya dahil pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako. Ngunit nagpakumbaba lang si Aly at niyakap ako. Umiral talaga ang pride ko noon at labis kong pinagsisisihan yun ngayon." "Nagpasya akong makipaghiwalay ulit kay Aly dahil hiyang-hiya ako sa kaniya. Alam kong hindi ko siya mabibigyan ng magandang buhay. Kaya lahat ng paraan ay ginawa ko para lang layuan niya na rin ako. Sobrang nasasaktan ako sa tuwing pinagtatabuyan ko si Aly. Pero yun lang talaga ang naisip kong paraan para sa kabutihan niya. Tutol rin naman ang pamilya ni Aly sa relasyon namin." "I even kissed a girl in front of her para kamuhian niya ako. But she still kneel down and beg on me to come back to her life pero pride ko pa rin ang umiral." Naluluha na si tito Vlad. Pati kaming magpipinsan ay naiiyak na rin sa kwento ni tito. "Ilang buwan naging ganoon ang setup namin ni Aly. Siguro napagod na rin siya at nakilala niya si Mike." "Wait tito, ano po full name ni Aly?" Putol ko sa kwento ni tito. "Ma. Alyssa. And yes you all deserve to know the truth especially you, Venice. Si Aly at ang mommy mo ay iisa." I froze for a while, naiiyak ako. I never knew this. "Ang kapatid kong si Mike na daddy mo ang nakilala ni Aly. Your dad never knew that it was me who hurt your mom from the past until their wedding day, I talked with my brother and Aly to clear things out noong una oo sobrang sakit but seeing Aly being happy with my brother makes me feel at ease, atleast alam kong napunta sa mabuting tao ang babaeng mahal ko. I'm sorry Venice." Tito explained while crying. "Buti nalang mas matatag si Mike kaysa sakin. Naging duwag ako. Naging okay ang buhay namin noong pinagbubuntis ka palang ng mommy mo. Pinatunayan ng kapatid ko na karapat-dapat siya para kay Aly. At nakita iyon ng magulang ni Aly, mga grand parents mo." "The reason why I stay single because I deserve to be alone for what I did to your mom. I don't deserve anyone. I'm coward. And this serves me right." Nakangiti na si tito. Umiiyak na kaming lahat at medyo gulat pa rin sa nalaman namin. "No tito Vlad, you don't have to say sorry. I should be thankful to you. Siguro kung 'di nangyari yun baka wala ako ngayon sa mundo." Nakangiti kong sagot kay tito kahit teary eyed pa ako. Sabay-sabay naming niyakap magpipinsan si tito Vlad, and I will never hate him for what he did from the past. Siya pa rin ang paborito naming tito. -the end-

@Greyzzz

Closure part IV Hello, sa mga magbabasa palang ng closure may tatlong naunang parts po ito, maaaring basahin niyo muna. Thank you! **https://read.cash/@Greyzzz/closure-d715cd8c** **https://read.cash/@Greyzzz/closure-part-ii-e757a689** https://read.cash/@Greyzzz/closure-part-iii-8bbcd6ff Fast forward... Lagpas isang buwan na kaming official ni Vince at mas lalo pa kaming naging open sa isa't-isa. May klase pa si Vince ngayon at ako naman ay nakauwi na, half day lang ang class namin ngayon kasi may meeting daw ang mga teachers. May gala sana kaming magkaklase pero 'di na ako sumama dahil alam kong hindi naman ako papayagan ni Vince. 3 days bago kami mag 1 month ni Vince ay nag-away kami ng sobra. Ang dahilan 'di ako nakapag-paalam sa kanya na may group activity kami ng mga classmates ko kasi nagra-rush na kami noong araw na yun. Sobrang nagalit siya sakin, pero inintindi ko nalang kasi nga mali ko naman talaga siguro. Pero ang dahilan kung ba't di ako nakapag-paalam sa kanya kasi nga tungkol naman sa school yun, akala ko maiintindihan niya. Wala akong time makapag-open ng cellphone ko noon sa sobrang busy. May balak naman akong sabihin sakanya pagkauwi ko. Pero dahil hawak niya ang account ko, bago ko pa ikwento sa kanya alam niya na. Nanonood lang ako ng movie sa laptop ko ng biglang tumawag si Vince. "Saan ka ngayon babe?" Bungad na tanong ni Vince sakin pagkasagot ko ng tawag niya. "Nasa bahay, nanonood ng movie. Bakit?" Sagot ko. "Ah buti naman, nabasa ko kasi na halfday kayo ngayon. Sinisigurado ko lang na umuwi ka kaagad." Paliwanag niya. "Ah okay, 'wag ka mag-alala nasa bahay lang ako." Sabay nag send ako ng picture sa messenger para maniwala siya. "Very good ka talaga babe, I love youuu." "Syempre hahaha. I love you too babe." "Bye babe, chat ako mamaya after class. Behave ka diyan ha." Sabi ni Vince bago ibaba ang phone. Oo, ganyan lagi eksena namin ni Vince. Minsan naiinis na ako pero dahil nga mahal ko siya ayaw kong nag-aaway kami. Every week na rin palang umuuwi si Vince, minsan sa bahay na siya dumidiretso. May pahintulot naman yun ng mama niya. Fast forward... 7pm na at ngayon ay araw huwebes. May fiesta rin pala sa barangay ng gay bestfriend kong si Kiel. Nagpaalam na ako kay mama at pumayag naman siya, kaya balak ko nalang din sabihan si Vince na doon ako magpapalipas ng gabi. Tatawagan ko na sana si Vince ng bigla siyang nagsend ng picture na nasa Van siya. "Uuwi ka ngayon?" Tanong ko sa kaniya. "Oo babe, wala rin naman kaming pasok bukas nagsiuwian na rin yung mga kasama ko sa boarding house kaya uuwi nalang din ako." Paliwanag niya. "Ah ba't di mo ako sinabihan babe?" "Hehe para sana isurprise ka." Nakangiti niyang sagot. "Ay babe aalis ako ngayon ha, kaya ako tumawag para sabihan ka. Pumayag naman si mama." Paalam ko sa kaniya, pero biglang sumimangot siya. "Saan ka naman pupunta?" Tanong niya. "Kina Kiel, fiesta sa kanila eh." Sagot ko "Ah oo nga pala, huwag kana tumuloy babe baka mapano ka pa dun." "Hindi yan babe, dali na ha. Sige na babye." Nag chat si Vince pagkababa ko ng phone. "Huwag kana umalis malapit na rin naman ako punta nalang ako diyan sa inyo papuntahin mo nalang din si Kiel." Natuwa naman ako kahit papaano. Fast forward... 8:30 na ng gabi at nakarating na rin si Vince sa bahay nila. Magbibihis lang daw siya bago pumunta dito sa bahay. Si Kiel naman ayaw pumunta dito sa bahay kasi gogora raw siya haha. "Babe, bukas nalang tayo magkita nagyaya kasi si Rain 'di ako makatanggi eh. Bawi ako bukas." Chat ni Vince saakin. Ito ang isa sa ayaw ko pag siya may gustong gawin bawal akong kumontra pero iniintindi ko parin yun. Si Rain, kababata ni Vince. "Okay babe take your time." Sagot ko nalang kahit 'di ko alam kung saan ang punta nila o kung anong gagawin nila. Mga bandang 10:30pm, nag-send sakin ng picture si Kiel, isang groupie kasama si Rain at Vince. Ewan ko pero biglang sumama ang loob ko. Doon din pala ang punta nila, pero di siya nagsabi. Nag-like nalang ako sa chat ni Kiel. Pero dahil nga magbestfriend kami na-gets niya yun. Sa kanya rin kasi ako nagkukwento tungkol kay Vince. Pinatay ko nalang phone ko sa sobrang sama ng loob. Hindi masama loob ko dahil hindi ako pinayagan, ang kinasasama ng loob ko ay wala man lang pasabi sakin si Vince na kasama niya rin naman pala si Kiel dun. Pero bago yun chinat ko si Nikki isa pa naming bestfriend ni Kiel na pumunta dito sa bahay. Pumayag naman agad siya. Mga ilang minuto lang at nakarating agad si Nikki sa bahay, nagkayayaan na uminom. Medyo nawala na yung pagkainis ko sa nangyari kaya naisipan kong ichat si Kiel na sumunod nalang sa bahay at nasabi ko sa kanya na kasama ko si Nikki. Hindi pa man namin nakakalahati ang iniinom namin ni Nikki ay nakarinig kami ng tunog ng motor na pumarada sa tapat ng bahay namin. "Sissy!" Sigaw ni Kiel. Ah si Kiel pala. "Sis may kasama ako, hulaan mo kung sino. Haha" dagdag pa niya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nakita ko na ang boyfriend kong si Vince at kasama rin si Rain. Nakasimangot ang mukha ni Vince na nakatingin sakin. Bumalik ang inis ko nang makita ko siya. "Uy hi Rain." Bati ko kay Rain. Hindi ko pinapansin si Vince. Nakahalata yata si Nikki at Kiel kaya nagsimula silang magkwento ng kung ano-ano nakikisabay ako sa kanila pati na rin si Rain. Si Vince nakaupo lang, nakikinig samin. "Ay tapos na ba party?" Tanong ko. "Hehe hindi pa. Bigla kasing nagyaya si Vince pumunta dito noong may pinakita si Kiel sa cellphone niya." Sagot ni rain sa tanong ko. "Ahhh." Maikli kong sagot. Paubos na ang iniinom naming alak nang biglang nag suggest si Nikki na bibili pa ulit. Pumayag naman ako kaya sinamahan ni Kiel si Nikki at inalok sila ni Rain na umangkas nalang sa motor niya para mabilis. Nang makaalis ang tatlo. Hindi ko pa rin pinapansin si Vince. "Ano da, 'di mo ba ko papansinin? Hindi ka ba magpapaliwanag?" Pagputol ni Vince sa katahimikan. "Ahh da. Okay." Yan nalang naisagot ko. "Ba't di ka nagpaalam na mag-iinom kayo ha?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya pabalik. "Anong feeling?" "Ng ano?" Galit niyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni Vince "Anong pakiramdam na hindi ako nagpaalam?" "Syempre di nakakatuwa. Diba usapan natin kahit anong gagawin natin ay sasabihin natin sa isa't-isa." -Vince "Wow coming from you." Inis na sagot ko. "Nagpaalam naman ako ah!" Sagot niya Oo nagpaalam ka nga, pero di mo man lang naisip na i-update ako kung saan at kung sino kasama mo kung anong gagawin mo. Samantalang ako halos lahat alam mo. Yan ang mga gusto kong sabihin kay Vince peeo di ko masabi dahil alam kong sa huli ako pa rin talo. "Ah okay" yan nalang ang nasabi ko at saktong dumating na rin ang tatlo. Inabot kami ng alas tres kaya si Nikki ay sa bahay nalang natulog, si Kiel at Rain naman ay nagkakayayaan na bumalik para mag bayle. Pero dahil mukhang di na kaya ni Kiel ay naisip nalang ni Rain na ihatid ito sa kanila. Ayaw sana sumama ni Vince sa paghatid pero sinabi kong need ni Rain ng alalay kay Kiel kaya wala siyang nagawa. Pumasok na ako sa kwarto ko. After 30 minutes narinig kong nakabalik na sila Vince pero 'di na ako lumabas. Naghintay sila ng ilang minuto pero sumuko rin kasi hindi talaga ako lumabas. Alas siyete na ng umaga at nagising ako sa kalabit ni Nikki, nagpaalam na uuwi na raw siya para ituloy ang tulog niya sa bahay nila. Tinamad na rin akong pumasok dahil late na rin naman ako. Kaya natulog nalang ako ulit. Tanghali na nang magising ako, hinanap ko kaagad ang cellphone ko para sana i-check kung ano ang saktong oras. Tadtad pala ako ng tawag at text galing kay Vince. Antok na antok pa ako ng mabasa ko ang huli niyang text. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagbasa ko ng text niya. "Kung ayaw mong sumagot sa mga tawag at text ko. MAG-BREAK NALANG TAYO!!!" Abangan ang part 5 hehe. -Greyzzz

@Greyzzz

Camping part III Camping part 1 and 2, visit the link below. https://read.cash/@Greyzzz/camping-16ae8497 https://read.cash/@Greyzzz/camping-part-ii-a7de037f "Uy Alex nandiyan kana pala." Puna ni Beigh nang makita niya si Alex. "Saan ka galing?" Tanong ko kay Alex. "Ba't 'di ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Beigh sakanya. "Oh, ba't 'di ako nainform na dapat pa akong mag-paalam sa inyo? Para 'di niyo na ako kulitin, galing po ako sa tabing ilog dahil naligo ako. Okay na ba kayo kasi may gagawin pa ako." Iritang sagot samin ni Alex. Nang mapansin kong may dala siyang plastik, na may damit at may mga dugo. "Ano yang dala mo?" Pahabol kong tanong. "Ano nanaman ba? Syempre damit ko. Alangan namang itapon ko kung saan-saan lang." Muoi niyang sagot at halatang galit na. Hinayaan ko nalang siya. Maaring namalik-mata lang ako. Tanghali na at hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina, ganoon din sila Jake, Apple at Beigh. Napansin kong parang wala lang kay Alex ang nangyari. "Nakita niyo ba si Maui?" Casual na tanong ni Alex na tila walang alam sa nangyari. Nagkatinginan kaming apat. "Oh bakit? Ano 'to titigan challenge?" Dagdag niya pa. "Wala ka ba talagang idea ha Alex?" Medyo mataas na boses ni Jake. "Idea saan?" Muli niyang tanong. "Patay na si Maui. Natagpuan siya ni Apple sa cr kaninang alas sais." Kalmadong paliwanag ni Beigh kay Alex. Kita ang pagkabigla ni Alex sa narinig. Pero hindi mawala sa isip ko ang nakita ko sa dala ni Alex kanina, 'di ko maiwasang isipin na siya ay may kinalaman sa nangyari. Napaparanoid ako, ayokong pag-isipan ng masama ang kaibigan ko. Si Apple balisa pa rin, the fact na may phobia sa dugo si Apple kaya 'di ko siya masisisi. "Okay ka lang ba?" Pag-aalala ko kay Apple. Tumango nalang siya bilang tugon. "Ano tuloy na natin mga gagawin nating activity kahit wala si Maui." Suggestion ni Jake. Parang ayoko na tumuloy ngunit bigla naman sumang-ayon si Alex na parang walang pakialam sa nalaman niya. Nakakapagduda. "Tara na 'wag tayong mag-aksaya ng oras." Yaya ni Alex samin. "Kayo nalang muna, magpapahinga nalang muna ako sa tent ko." Malumanay na sagot ni Apple. Halata pa rin sa boses niya ang takot. "Sigurado ka ba? Gusto mo samahan nalang kita dito?" Alok ko kay Apple na agad niya namang tinanggihan. "Ano tara na" Sabat ni Alex. Halata rin kay Beigh na 'di siya sang-ayon sa gusto nila Jake at Alex, pero dahil si Alex ang may gusto sumunod nalang ito. Ganun din ako. Nag-aalala man ay naisip ko rin na baka kailangan kong mag freshen up para mawala sa isip ko ang imahe ni Maui na naliligo sa sarili niyang dugo. Dahil sa pagkamatay ni Alex nagkaroon kami ng bagong guide. Si Manong Toto, mabait siya pero ilag kami sakanya dahil yata sa age gap namin. Si Maui kasi ay halos kasing edad lang namin. Naglibot-libot muna kami sa buong camp site sa loob ng isang oras. Buti nalang at di gaanong mainit. At noong hapon na ay umakyat kami sa bundok. Tatlong oras ang inabot namin bago marating iyon. Pagkababa ay naligo muna kami sa ilog na pinagliguan rin ni Alex kaninang umaga. Mag-aalas sais na ng gabi bago kami nakabalik sa mga tent namin. Si Manong Toto naman ay umiba na ng daan after niya kaming samahan. Pagkatapos namin magpahinga ay nagluto na kami ng mga pwede naming kainin at sinamahan na rin namin ng alak. Sobrang nakakapangilabot ang nangyari kaninang umaga, hindi ko alam kung ako nalang ang nag-aalala at natatakot. Kung tititigan ko ang mga kasama ko ay parang okay na sila maliban kay Apple na balisa pa rin pero hindi na tulad kanina. Fast forward... Tapos na kaming lahat kumain at ngayon ay umiinom na kami ng alak. Kalagitnaan na ng inuman namin nang biglang magsalita si Apple. "Alex umamin ka nga, anong kinalaman mo sa nangyari kay Maui? Diretso niyang tanong kay Alex. Napangisi si Alex. "Hahahahaha so ako pala pinaghihinalaan niyo for fck sake?" Sagot ni Alex. Tinitigan lang siya ng masama ni Apple. Nagulat kami ng biglang hampasin ni Alex ang lamesa nang sobrang lakas. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming lahat. "Kayo rin ba? pinagdududahan niyo rin ba ako? SUMAGOT KAYO!!!" Sigaw ni Alex sa aming lahat. Gusto kong magsalita pero natatakot ako, paano kung si Alex nga? Paano kung ako ang sinunod niya? "Ikaw Sheena sumagot ka! Piangdududahan mo ba ako ha?" Sigaw sakin ni Alex. Namuo nanaman ang katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ba't ako lang ang pinagdududahan niyo? Ba't 'di niyo pagdudahan si Apple. Sainyo na rin nanggaling na si Apple ang unang nakakita sa bangkay ni Maui." Dagdag pa ni Alex. "So ako naman ngayon ang sisisihin niyo? Hindi ko ginustong ako ang unang makakita nun. At kung may choice ako 'di ko pipiliing makita yun. Tandaan mo yan Alex!" Sigaw ni Apple habang umiiyak. "Ano ba?! Ano bang nangyayari sainyo? Magkakaibigan tayo ba't kayo nagkakaganyan? Hindi natin kailangang magsisihan, hindi lang naman tayo ang tao rito. Mag-isip nga kayo! Nandito tayo para magpakasaya hindi para magsisihan!" Galit na si Jake. Ako at si Beigh ay tahimik lang. Wala nang gustong magsalita pagkatapos nun. Lahat ay bumalik na sa kaniya-kaniyang tent. Pero ako 'di pa rin ako panatag. Natatakot akong matulog baka ako na ang susunod. Abangan ang kasunod na part -greyzzz

@Greyzzz

Muli I used to love being alone, 'di ako sanay makipaghalubilo sa ibang tao. I have symptoms of panic attack. I got this when I was a child and I don't want to talk about it or even remember it. Minsan natatawag pa akong introvert. I thought no one can change me, until I met this man. 3rd year college, I'm still NBSB. Tsaka wala naman akong interes sa mga ganung bagay kaya 'di ko siya ginawang big deal. I don't have bestfriend even close friends. I can say I'm just a nobody. Bahay-school-repeat, yan lang cycle ng buhay ko. I had classmate na sobrang hambog ang galawan. Nakakairita yung existence niya. Hindi naman siya attractive, I can't see anything special in him. Pero I admit na super nag-eexcel siya sa acads. Kaya nga favorite siya ng mga teachers namin. Pero he's still a no for me. One day, he approached me. "Hi Sab, may I ask you something?" He asked and I just gave him a poker face. "Ay hehe, pasensya na kung feeling close ako ha." Dagdag niya habang nakangiti. "Buti alam mo." Di ko alam ang sasabihin dahil 'di talaga ako marunong makipag-socialize. "Ang sungit naman nito hehe. Mag-ask lang sana ako kung pwedeng mahiram notes mo. Sabi kasi ni Mrs. Medel sayo raw ako manghiram kasi kumpleto daw notes mo. Pasensya na ha kung istorbo, may practice kasi kami kanina para sa sa darating na intercollege competition kaya 'di ako nakapasok sa subject na yun. Promise ibabalik ko agad." Mahaba niyang litanya. Yes, varsity siya ng school namin. Kaya nga may pagkahambog. "Dami mong sinabi." Sagot ko sa kaniya habang inaabot ang notes. At nagmadali na akong umalis dahil nagpapanic nanaman ako. Hindi talaga ako sanay. Pinagpapawisan na ako. "Uy okay ka lang ba?" Sigaw niya sakin dahil medyo malayo na ako sa kanya. Pero hindi ko na tinangkang lingunin siya pabalik. Pagkagabi nung araw na yun, tinawag ako ni mama. May bisita raw ako. Wala naman akong ineexpect na bisita pero lumabas pa rin ako ng kwarto ko para tingnan ko kung sino ang tinutukoy ni mama. Laking gulat ko at babalik na sana ako ng kwarto ko ng tawagin ako ni Nick. Oo, tama yung lalaking yun ang bisita ko. "Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong kay Nick dahil baka pag narinig ni mama ay pagalitan niya ako. "Ibabalik ko lang sana tong hiniram kong notes. At kung tatanungin mo kung paano ko nalaman bahay mo hehe tinanong ko si Mrs. Medel kasi gusto ko isauli ng personal sayo at baka kailangan mong gamitin." Magalang na sagot niya sakin. Walang tono ng isang hambog na Nick sa school namin. "Ah ganun ba salamat. Pwede kana umuwi." Casual kong sagot sa kaniya sabay hablot ng notes ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo sabay ngiti na parang nahihiya. Ang cute niyang tingnan. "Hehe, sige babye." May kasama pang pagwasiwas ng kamay. Tapos na ang intercollege at champion ang school namin sa basketball at ang MVP si Nick. Back to normal na ulit ang school, busy-busyhan na ulit sa school works ang lahat. Then our prof gave us a group work. At ang nakakainis ay dapat babae at lalaki ang partner. At syempre sa dinami rami ng classmate ko si Nick pa ang na-assign na maging buddy ko. "No buts no ifs or else ibabagsak ko kayo. Maliwanag ba?" Sabi ng prof namin bago pa ako makapagreklamo. Haysss, pwede naman sanang invidual nalang eh. "Hi Sab, kelan tayo pwede magstart?" -Nick "Ikaw bahala." Sagot ko Fast forward... Ilang linggo na rin kaming laging magkasama ni Nick after school para sa activity namin. Nung una sobrang nahihirapan akong maka cope-up dahil 'di talaga ako sanay. Pero si Nick nag-aadjust para sakin. Naging magkaibigan na rin kami ni Nick, nagku-kwentuhan na kami ng kahit ano at nakwento ko na rin sa kanya yung about sa panic attack ko at yung medyo pagiging introvert ko. Simula nun naging maalaga sakin si Nick, ginaguide niya ako sa lahat tinutulungan niya ako magkaroon ng maraming kaibigan. At ang saya pala ng pakiramdam na may matawag kang kaibigan. Kahit tapos na yung activity namin na magkapartner lagi pa rin kaming magkasama, okay naman si mama at papa sa kanya. Sobrang marespetong tao. Lahat ng akala ko sa kanya dati ay mali pala. Ibang-iba si Nick sa naging impression ko sa kanya noong una. Ilang buwan na kaming magkaibigan ni Nick ng umamin siya saakin na may nararamdaman na siyang espesyal sa akin at ganoon rin ako sakanya. Hindi nagtagal ay naging kami rin. Ibang-iba na ako, iba na ang Sab ngayon dahil kay Nick. Maraming akong natutunan dahil sakanya. Naging healthy ang relationship namin, legal kami both sides. Walang 3rd parties at kung ano pang problema na pwedeng mangyari sa isang relasyon. Fast Forward 3 years na ang nakalipas at kami pa rin ni Nick, graduate na kaming pareho at pareho na kaming guro. Kung gaano kami kasaya nung nagsisimula palang kami, mas nadagdagan pa ngayon. Alam kong si Nick na talaga ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Siya na ang una't-huli. 5 years na kaming magkasintahan ni Nick, at yun din ang araw na nag-propose siya sa akin. Para akong nasa langit ng mga panahong iyon. Wala akong ibang nakikitang tao sa paligid kundi si Nick lang. Walang pag-aalinlangan kong sinagot si Nick. 6 years anniversary namin ni Nick araw ng kasal namin. Sobrang excited na ako, excited ang lahat. "Yehey, ansaya naman lola happy ending." Pagputol ng apo ko sa kwento ko. Biglang tumulo ang luha ko. "Lola, bakit ka po umiiyak?" "Wala ito apo napuwing lang ang lola, matulog kana uuwi na ang mommyla mo mamaya dapat may energy ka bukas pagdating niya." Nakangiti kong sagot sa apo ko. Agad naman siyang nakatulog. Hindi ko mapigilan ang umiyak, naalala ko nanaman ang lahat ng sakit. Naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit tumanda akong dalaga. Ang apo kong si Kyle ay anak ng pamangkin ko. Naaalala ko nanaman si Nick ang lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking nagpakita sakin ng kagandahan ng mundo. Araw ng kasal namin na dapat ay ang pinakamasayang araw ko ay naging isang pinakamasakit na alaala. Araw na kinuha sakin ng panginoon ang lalaking naging mundo ko. Nasagasaan ng bus ang sinasakyan nila Nick na papunta dapat sa simbahan mung saan kami ikakasal. Hindi na siya naidala sa ospital, inagawan na siya ng buhay kaagad. 60 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat. At sayo Nick maraming salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin, mahal na mahal kita malapit na tayong magkitang muli mahal ko. -end-

@Greyzzz

Camping part II Hi eto po link ng part 1 https://read.cash/@Greyzzz/camping-16ae8497 Nasa NLEX na kaming magkakaibigan at medyo mabilis ang biyahe dahil 'di na gaanong traffic. Ako nga pala ang nag-suggest kay Beigh na around North Luzon maghanap ng pwede naming pag-campingan. At ang napili ni Beigh ay sa liblib na lugar sa Pampanga. Sumang-ayon naman ang lahat para malayo sa polusyon. Walang hotel doon, pero ang sabi ni Beigh ay may mag-guide naman samin na taga roon. Kaya pumayag na ang lahat. Napag-usapan namin na 3 nights and 2days kaming magsstay doon. Wala pang 8pm ay nakarating na kami sa pampanga pero isang oras pa raw ang biyahe papunta sa mismong camp site kung saan kami mag-stay. Sobrang tahimik na ng lugar at wala rin street light sa dadaanan namin kaya ang ilaw nalang ng van ang magsisilbi naming ilaw. Habang nagda-drive si Jake ay naisipan niyang magpatugtog nalang para mawala ang antok naming lahat. Lahat kami ay sumasabay sa kanta pati na rin si Alex. Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na rin kami sa wakas. Sinalubong kami ng isang babaeng morena, mahaba ang itim na itim na buhok at may maamong mukha. Siya raw ang magiging guide namin. "Wow pre ang ganda niya." Bulong ni Jake kay Beigh pero narinig ko naman dahil magkalapit lang kaming tatlo. "Hello, ako nga pala si Maui." Pakilala ng guide namin. Ang ganda niya na ang ganda rin ng boses niya. "Saan pwedeng mag-cr kanina pa ako naiihi eh." Tanong ni Apple kay Maui. Agad namang itinuro ni Maui kung saan ang cr. Isa-isa kong pinakilala ang kasama ko kay Maui. "Hi, ako si Sheena, siya naman si Beigh, at yung lalaking matangkad naman ay si Jake. At ito naman si Alex. Yung nag-cr naman ay si Apple." Sinuklian ako ni Maui ng isang ngiti. "Ilapag niyo na muna ang mga bag niyo. Ay oo nga pala gusto niyo mag tent o sa bahay na yun?" Tanong ni Maui habang tinuturo ang bahay . "Duh, syempre sa tent kaya nga camping eh" sabat naman ni Apple. "Nandiyan kana pala." Mahinhin na sagot ni Maui. "Obvious ba? Tss." Mataray na sagot ni Apple. Nakita kong kinurot ni Alex si Apple para siguro ay sabihan siya na magdahan-dahan sa kamalditahan niya. "Uy pasensya kana kay Apple ha, ganyan talaga yan pero mabait naman siya kahit papaano hahaha." Bulong ko kay Maui. Napangiti naman si Maui ng sobrang tamis. "Marunong ba kayo mag-assemble ng tent?" Tanong ni Jake samin. "Syempre hindi." Sabay naming sagot. Natawa ako dahil as in sabay talaga. "O siya sige inyo na muna ang gagawin namin ni Jake. Oh ano tara pre." -Beigh Agad namang sumunod si Jake. Natuwa ako ng makitang masayang nakikipagkwentuhan si Alex kay Maui. "Nakakatampo ka naman sa kanya ang bait mo samin hindi. Kaibigan mo ba talaga kami ha?" Biro ko kay Alex habang nakangiti. "Syempre sawa na ako sa pagmumukha niyo." Pabalang na sagot ni Alex na nakangiti rin. Kahit KJ yang si Alex, komportable naman kaming lahat sa kaniya. Squad nga kami diba. Inabot na ng hating gabi bago ma-settle ang lahat sa camp site. Sa sobrang pagod ng lahat lalo na sina Jake at Beigh ay napagpasyahan namin mag-inom muna dahil marami naman kaming dalang inumin at mga pwedeng kainin. Sinubukan naming yayain si Maui pero sabi niya hindi raw siya umiinom ng alak. Pero nag-offer siya na sasamahan niya kami sa pag-inom para na rin makapag-kwentuhan. Tinulungan ako ni Maui at ni Alex magluto ng mga dala naming karne para sa pulutan. Si Apple naman na maarte ay panay ang maktol dahil andami raw lamok at siya ang naging tampulan ng asaran nila Beigh at Jake. Nakakatawa lang isipin na nagrereklamo kami na panay inom eh hanggang ngayon umiinom pa rin kami pero ang pinagkaiba lang ay nasa out of town kami. Di pa man kami nakarami ng inom ay napagpasyahan na naming lahat na magpahinga na para sa mga activities na balak naming gawin pagdating ng umaga. Fast forward... Alas sais ng umaga isang malakas na sigaw ang nagpa-gising sa aming lahat. Dali-dali akong lumabas ng tent ko at ganun rin ang iba. Si Apple pala ang sumigaw at kitang-kita ang takot sa mata niya at nanginginig habang nakatitig sa labas ng cr. Lumapit kaming lahat at lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsitayuan kinlabutan ako nang nakita namin ang walang buhay na katawan ni Maui na naliligo ng dugo. -- Isang oras na ang nakalipas simula ng matagpuan namin ang bangkay ni Maui, ang mga tao na naninirahan malapit dito sa site ay ang nagdala ng katawan niya. Walang sinuman ang nagtangkang magtawag ng pulis. Palaisipan pa rin sa aming lima kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Maui. "Nasaan si Alex?" Tanong ni Beigh nang mapansin na wala si Alex. Oo nga, nasaan kaya si Alex? Abangan ang susunod na parte ng kwentong ito. -greyzzz

@Greyzzz

Camping Alas dos na ng madaling araw at nag-iinuman pa rin kaming magbabarkada dito sa bahay ng kaibigan kong si Beigh. Lima talaga kaming laging magkasama Ako, Beigh, Apple, Alex at Jake. "Hays! Nakakasawa na! Hindi na nakakatuwa 'tong puro inom natin. Sobrang boring!" Nagulat kami sa sigaw ng kaibigan naming si Apple. "Ano ka ba Ple? Alam mo namang bawal pa naman mag gala ngayon hello? Pandemic kaya." Sagot ko sa kaniya na medyo naiirita. Naisip kong may point siya. Sobrang boring na talaga. "Tama naman si Apple eh, kung tutuusin parang sinusunog nalang natin atay natin pero 'di na tayo nakakaramdam ng lasing." Sabat ni Jake. "Ano ka ba Sheena? Pwede na rin naman lumabas ngayon, ang dami ko na ngang nakikitang nagra-rides at swimming eh." Si Beigh. "Tara rides na rin tayo" -Apple "BORING!!!" Sabay na sabi namin ni Jake. "Oh teka, kanina ka pa yata tahimik diyan Alex?" Puna ko kay Alex. Ang KJ ng barkada. "Ayoko lang mag-suggest sainyo, di rin naman ako sasama if ever." Walang emosyong sagot ni Alex. "Come on, Alex. Ilang beses mo ng sinabi yan but you are here with us your beloved friends." Apple. "HAHAHAHAHAHAHA" sabay kaming lahat tumawa maliban kay Alex. "Kung 'di lang kinaladkad ni Beigh hindi naman ako sasama tsss." -Alex "May naisip na ako, akyat tayo bundok o kaya camping." Suggestion ko sa barkada. "Tara g." -Beigh "Gameeee" -Apple "Camping nalang" -Jake "Ayo--" -Alex "Sagot ko na expenses mo" Pagpuputol ko sa sasabihin ni Alex. "Still no." -Alex "KJ talaga tss" bulong ni Apple na rinig naman ng lahat. Kahit KJ yang si Alex alam kong sasama pa rin naman yan samin, sapilitan nga lang. Si Jake ang lalaking G sa kahit ano basta may thrill. Si Beigh ang parang locator ng barkada hahaha. Siya ang maghahanap kung saan kami pwede tumambay o gumala. Si Apple naman maarte talaga yan. Ako? Ang promotor ng barkada, kaya kung saan ako doon din ang lahat. "Ako na bahala sa van kayo sa gas." Sagot ko. Lahat naman kami may kotse pero hassle pag lahat kami magdadala. "Sinong magda-drive?" Tanong ni Jake. "Tinatanong pa ba yan ha? Malamang ikaw, gusto mo ako nalanc mag-drive?" Iritang sagot ni Apple na may halong pang-aasar. "Hindi na okay na. Ako na magda-drive. Ayoko pa mamatay" Ngiting asong sagot ni Jake. "Yun naman pala eh" -Apple May trauma na si Jake noong gala namin year 2018. Muntik kaming mahulog sa bangin dahil kay Apple. Marunong naman talaga mag-maneho si Apple kaso nga lang syempre sino ba naman hindi kakabahan diba? Hahaha. "Hayaan mo pre, palitan nalang tayo." Paninigurado ni Beigh kay Jake. "Oh ano okay na kayo? Mamayang 4pm pumunta na kayo sa bahay." Sumang-ayon naman ang lahat maliban kay Alex. "Ba't parang agad agad naman yata?"-Alex "Why not?" Maarteng sagot ni Apple kay Alex. "Sige na Alex 'wag kana kumontra. Daanan nalang kita sainyo para sabay na tayo pumunta kina Sheena." Sabi ni Beigh kay Alex. "Okay, as if namang may magagawa ako tss." -Alex Malapit na rin palang mag 3am kaya naisipan naming tumigil na at umuwi sa kanya-kanyang bahay para makapag-ready na at para makatulog din kahit papaano. Fast forward 12noon na rin pala kaya naisip kong mag-impake na ng mga dadalhin sa camping namin. Chinat ko rin ang mga kaibigan ko para siguraduhing nakapaghanda na rin sila. Buti 'di na kami pinahirapan ni Alex sa pagsama niya. 2pm at himala nauna sila Alex at Beigh makarating sa bahay. "Aga niyo ah, 4pm pa naman ang usapan natin." Puna ko sa dalawa. "Tanungin mo yang si Beigh." Sagot ni Alex na naka-poker face pa. "Eh kasi naman akala ko mahihirapan ako kay Alex magyaya, nagulat nalang ako na nakabihis na siya kaagad. Kaya ayun dumiretso na kami kaagad dito. May pagkain ba kayo? Pakain nga." Paliwanag ni Beigh. Sabagay may point siya mahirap kasi talaga pilitin si Alex isang malaking himala talaga. Kumakain na kaming tatlo ng biglang dumating si Jake. Halatang nagulat rin siya na nakita niyang mas maaga pa sa kanya sila Beigh at Alex pero pinili niya nalang manahimik. Siguro ayaw niyang magbago bigla ang isip ni Alex. "Hay nako as usual! Si Apple nanaman ang late." Bulalas ni Jake. "Hayaan mo na 3pm pa lang naman pre." -Beigh Makalipas ang 30 minutes naisipan kong tawagan si Apple para i-check kung nakahanda na siya. Maarte pa naman yun, baka buong bahay nila dinala niya na. Agad naman sinagot ni Apple ang tawag ko. "Hoy bruha, nasaan kana? Kumpleto na kami dito ikaw nalang ang kulang." -Ako "So kasalanan ko pang maaga kayo dumating? Aba 4pm ang call time ah." -Apple "Oo nga 4pm ang call time. At 3:30 pm na po ngayon. Baka gusto mong bilisan at baka gabihin tayo ng sobra." -Ako "Sandali!" Sagot niya sabay patay ng tawag. Aba bastos kung 'di ko lang talaga kaibigan to baka sinapak ko na talaga haha. 4:30 pm... "Aga mo ah, sana mga 6pm kana dumating." Si Jake na kanina pa talaga nagrereklamo sa kabagalan ni Apple. "Alam mo ang OA mo 30minutes lang naman akong na-late ah." Naiiritang sagot ni Apple kay Jake na salubong na ang kilay. "Osyaaa, tara na wag niyo na subukang magtalo." Putol ni Beigh sa dalawa. "Ano aalis pa ba tayo o hindi? Sinasayang niyo oras ko." Biglang sabat ni Alex na akmang pupunta na sa van dala ang gamit niya. "Okay na tara na." Si jake na bitbit na rin ang gamit niya. Kinuha na rin namin ang mga gamit namin at sumunod kila Alex at Jake papuntang van. Mabilis lang naming nailagay lahat ng gamit namin. Sumakay na kaming lahat sa van at handa ng umalis. Abangan ang part 2 ng camping. -Greyzzz

@Greyzzz

Closure part III Hi, part3 na ng kwento ni Dahlia at Vince. Bago yan basahin niyo po mina ang dalawang naunang part. https://read.cash/@Greyzzz/closure-d715cd8c https://read.cash/@Greyzzz/closure-part-ii-e757a689 Lumipas na ang isang linggo simula noong naging official na kami ni Vince. Nakabalik na rin siya sa boarding house niya. Mas lalo pang sumaya ang pag-uusap naming dalawa. Pareho kaming nag-uupdate ng mga ginagawa namin, kung saan kami nagpupunta, kung kumain na ba sa tamang oras. At kung ano-ano pang pwedeng pagkuwentuhan. "Babe, uwi ako diyan next week. Sobrang miss na kita." Chat ni Vince sa akin. "Miss na rin kita, pero sayang naman pamasahe kung kada linggo uuwi ka dito." Sagot ko sakanya. "Okay lang naman yun babe, pinayagan naman ako ni mama eh. Dali na pumayag ka na rin. Pleaseee?" Naiimagine ko ang mukha ni Vince habang binabasa ko ang chat niya. Sigurado nakanguso nanaman yun. Ang hilig magpa-cute haha. "Okay babe, sige na nga." Ayaw ko na tumutol dahil alam kong kukulitin niya lang ako tungkol sa pag-uwi niya. At namimiss ko na rin naman siya. "Yehey! I love you babe. See you soon mwaah." "I love you too babe." Simula nang naging kami ni Vince, super sweet niya na sakin. Walang humpay na I love you-han. Pag may babaeng nagcha-chat sa kaniya sinusumbong niya sa akin. At ganoon din ako. Dumating na ang araw ng sabado, uuwi na si Vince sa barangay namin. Napag-usapan namin na pupuntahan niya nalang ako sa bahay para 'di na kami gumastos ng pamasahe. At doon nalang kami magpu-foodtrip. Nakarating si Vince sa barangay namin mga bandang 10:30 am. Napag-usapan namin na after lunch nalang siya pumunta samin para makapag pahinga muna siya dahil alam kong nakakapagod din bumiyahe. "Ano ka ba babe? Ikaw ang pahinga ko alam mo yan." Banat niya. Nagiging boy pick-up na rin ang boyfriend itong mga nakaraang araw haha. "Ewan ko sa'yo boy pick-up" pang-aasar ko sakanya. "Kiligin ka naman please." "Ah basta mamaya kana pumunta rito. Mamaya sabihin ni mama mo umuwi ka lang dahil sa akin eh." Sagot ko sa makulit kong boyfriend. "Eh totoo naman babe eh. Haha pero sige na nga para 'di kana magalit." Sa wakas sumuko rin siya sa pangungulit haha. Fast forward... 2pm na at tirik na tirik ang araw. Dumating si Vince sa bahay pawis na pawis. Nakasimangot pa, ang cute hahaha. "Kanina pa dapat ako nakarating dito eh, kaso ang tagal ng tricycle." Pagmamaktol niya sakin. Ang cute niya na ang gwapo pa. "Pwede ka naman kasi maglakad eh." Sagot ko habang tinatawanan siya. "Eh tinatamad ako magdala ng payong babe. Panira sa porma ko" hahaha ewan ko pero tawang-tawa talaga ako sa mukha niyang nakanguso ang cute talaga. Tumambay kami ni Vince sa labas ng bahay namin. Hindi naman mainit kasi may puno na humaharang sa sikat ng araw. Ang lamig ng simoy ng hangin. Nag-kwentuhan lang kami ulit at kung ano-ano ang sinasabi niya tungkol sa pag-aaral niya. BS Mar-E kasi ang course niya. At isa pa sa nirereklamo niya sakin ay yung buhok niya. Mukha raw siyang pugo tingnan hahaha. Hindi nga pala siya umabot sa k-12 program at ako naman grade 12 palang. Andaya diba? Haha. Kumakain kami ni Vince ng paborito niyang chichirya. Obsessed siya sa Chicharon ni Mang Juan na spicy flavor. Paminsan-minsan ay tumatambay sa tabi namin si mama. Wala naman siyang problema kay Vince kasi nga sobrang bait nito. Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na si mama dahil may gagawin rin siya. Kaya kami nalang ulit dalawa naiwan ni Vince dito sa labas. "Babe?" Tawag ni Vince. "Po?" "May sasabihin ako sayo hehe okay lang ba?" Nag-aalinlangan niyang tanong. "Gora lang, ano ba yun babe?" "Hehe, pwede ko ba mahingi password ng fb mo? Don't get me wrong ha, gusto ko lang talaga malaman. Di kita pinagdududahan babe ha." Mahaba niyang tugon. "Haha yun lang naman pala babe eh. Walang problema dun, tsaka wala naman akong tinatago sayo." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. "Yehey! Thank you babe, i love youuu!" Tuwang-tuwa nanaman siya. Pagkatapos noon ay binigay ko rin sakanya ang password ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit 'di ko hiningi ang password niya? Kasi nirerespeto ko ang privacy niya, malaki tiwala ko sakanya tsaka ang gusto ko siya mismo kusang magbibigay saakin. "Babe, thank you ulit!" Paglalambing ni Vince saakin. Hays inlove na inlove na talaga ako sa boyfriend ko. 7pm na pala, hindi nanaman namin namalayan ang oras. Ganito yata talaga pag kasama mo yung paborito mong tao. Walang dull moment. "Vince, bago ka umuwi dito kana maghapunan samin." Pag-alok ni mama. "Sige po tita." Agad na sagot ni Vince. Alam niyo ba kung bakit 'di na tumanggi si Vince? Dahil baka raw maging bad ang impression sa kanya ni mama. At isa raw sa goal niya ay makasabay ako sa hapunan. Habang kumakain kami kasama si mama at kapatid ko, casual lang kami nag-uusap ng kung ano-ano. Lahat sila kumportable kay Vince. Fast forward... Tapos na kaming maghapunan at nakauwi na rin si Vince sa kanila. "Babe, thank you sa araw na 'to sobrang saya ko. Pakisabi rin kay tita na maraming salamat. Ang sarap ng luto niya. Naparami tuloy ako ng kain haha." "You're always welcome babe. Nasabi ko na kay mama. Punta ka raw ulit dito pag may time ka." "Balik kaya ako diyan babe?" Biro niya. "Haha, loko ka talaga babe." Sagot ko sa boyfriend ko. Araw ng linggo... Tadtad ako ng good morning message at walang humpay na i love you mula sa boyfriend kong makulit. "Babe, may pupuntahan pala ako ngayon biglaan lang din nasabi ng classmate ko." Chat ko kay Vince. "Ah oo babe nakita ko yun. Anong oras ka makakauwi niyan?" "Baka gabi na o baka doon na rin ako magpalipas ng gabi. Magdadala nalang ako ng uniform ko para diretso na pasok." "Babeeee, wag ka nalang kaya pumunta? Sabihin mo di ka pinayagan ni tita." Pakiusap niya sakin. "Pero alam naman na ni mama babe." "Chat ko nalang si tita babe. Sabihan mo rin classmate mo na 'di kana pinayagan ni tita. Please wag kana tumuloy dun babe?" Pakiusap niya ulit. Nahihiya man ako tumanggi sa classmate ko ay ginawa ko na rin. Pero naunahan na pala ako ni Vince i-chat ang classmate ko gamit ang account ko. Natawa nalang ako sa ginawa niya. Pagbibigyan ko nalang siya sa request niya alam ko namang safety ko lang din naman ang iniisip niya. "Yehey thank you babe!" Tuwang-tuwa nanaman siya. "Welcome babe, tinatamad din naman ako umalis hehe." Sagot ko nalang sakanya kahit gusto ko talaga pumunta. Ayaw kong ito ang dahilan ng unang pag-aaway namin ni Vince. "I love you babeeee!" "I love you too babe mwa." Tugon ko sa boyfriend ko. Magdamag ulit kaming nag-usap ni Vince paminsan-minsan ay nagvi-video call kami. Lunes na bukas pero hindi pa nakakabalik si Vince, plano niya raw kasing umabsent nalang muna at sa tuesday nalang siya papasok. Bandang 11pm pinapatulog na ako ni Vince dahil may pasok pa ako ng 7am. Pumayag naman ako dahil inaantok na rin ako. Abangan ang part 4 ng closure. Salamat pagbabasa. -greyzzz

@Greyzzz

Closure part II Hi, ito na po ang part 2 ng kwento ni Dahlia at Vince. Please read the part 1 before reading this thank you. https://read.cash/@Greyzzz/closure-d715cd8c After ng ilang oras naming chikahan ni Vince ay napagpasyahan na naming matulog na dahil may pasok pa ako bukas at siya naman ay babalik na sa boarding house niya na malapit sa school niya. Ayaw niya pa sanang matulog kasi nag-eenjoy daw siyang kausap ako. Pero 'di ako pumayag kasi nga 4 o'clock ng madaling araw ang alis niya. 3 to 4 hrs. ang biyahe galing saamin. *"Okay lang naman kung ayaw mo pa matulog, baka may kausap ka pa."* Sabi ko sa kanya. *"Hala wala noh, ikaw lang kausap ko."* Sabat niya. Natawa lang ako kasi sanay na ako sa ganyang mga linyahan ng mga dati kong nakakausap. Fast forward... 4:30 am, naalimpungatan ako kaya pumunta nalang ako sa kusina namin para uminom ng tubig. Pag balik ko sa higaan, nawala na yung antok ko. Naisipan kong mag-cellphone nalang baka sakaling antukin ako, scroll down lang sa news feed ko natatawa ako sa mga memes na nakikita ko. Nang biglang tumambad sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Vince. Nag-send siya ng voice message. *"Ba't ang aga mo nagising? Baka naman di ka natulog niyan ha."* Pabiro niyang sinabi sa akin. *"Ay good morninggggg pala"* pahabol niya. *"Ang ingay mo naman naka-full volume pa naman phone ko tapos wala akong earphone na suot."* Reply ko sa kanya habang natatawa. *"Ay hahaha. Sorry nakalimutan kong masyadong maaga pa pala."* Sagot niya. *"Charot okay lang. Diba ngayon balik mo?"* tanong ko sakanya. *"Eh ikaw diba may pasok ka pa mamaya? May balak ka pa bang matulog ulit?"* Pabalik niyang tanong sakin. At ayun nga nagtuloy-tuloy nanaman ang usapan namin. Imbes na nagpapaantok ako, 'di na ako nakatulog dahil sa kadaldalan niya. Buong biyahe niya inuupdate niya ako kung nasaan na siya at kung anong ganap. Pero hinayaan ko lang baka need niya lang ng kausap para 'di siya mabored sa buong biyahe. Wala pang 6:30 am ay nag-chat na siya sakin na nakarating na raw siya sa boarding house niya. *"Oh ang bilis mo naman nakarating?"* Pagtataka ko. *"Ganun talaga pag maaga umalis, 'di pahinto hinto yung van tapos 'di gaanong traffic."* *"Ahhh, o siya maliligo at mag-aayos muna ako kasi may pasok pa ako mamaya. Bye"* huli kong reply bago ko patayin ang data ng cellphone ko. 7am kakatapos ko lang magbihis ng uniform nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. *"Arrggh kaasar naman, teka nga makikibalita ako sa gc namin baka walang pasok."* Bulong ko. Umaasa ako na sana wala ngang pasok dahil wala pa ako masyadong tulog at nakakatamad bumiyahe papuntang school pag umuulan. Ambait sakin ng panahon wala raw pasok sabi ng adviser namin. Kaya dali-dali akong nagpalit ng damit pambahay at ready nang matulog. Paggising ko 11am na pag-check ko ng phone ko nagpop-up chat ni vince na wala rin daw silang pasok. Simula nanaman ng walang humpay naming kwentuhan. Para kaming 'di nauubusan ng topic minsan nga ay naghahalo-halo na yung usapan namin haha. Fast forward... Ilang buwan na rin pala kaming magka-usap ni Vince pero yung conversation parang katulad lang din nung una naming pag-uusap masaya pa rin walang nagsasawa. Kwento rito, kwento roon. Nagpaparamdam na rin si Vince sakin pero ayokong mag-assume. Nahuhulog na rin ang loob ko sakanya pero ayokong pangunahan ang mga bagay. Hanggang sa isang araw... *"Hi dah, saan ka?"* tanong niya sa akin. *"Nasa bahay pero aalis ako pupunta sa city."* Casual kong sagot kay Vince. *"Sama akoooo"* *"Luh, tara lipad ka dito pauwi. HAHAHAHA"* Pabiro kong sagot sakanya. *"Hindi nga? Seryoso ako, sama na ako dali."* Pangungulit niya *"As if namang nandito ka."* Sagot ko. *"Paano kung oo, papayag ka?"* *"Oo"* maikli kong sagot. Kasi pakiramdam ko nagbibiro lang talaga siya. *"Sabi mo yan ha, tara na abangan kita sa terminal ng tricycle."* Sagot niya habang tumatawa. Nabigla ako sa sinabi niya kaya nag-video call ako sakanya. Ang loko laki ng ngiti, ngiting aso. Joke hahaha. *"Ba't di mo sinabi na uuwi ka?!"* Bungad na tanong ko sakanya pagkasagot niya ng tawag ko. *"Para surprise namimiss na kita eh."* Banat niya, ngumunguso pa ang loko. Pero oo kinilig ako hahaha. Natawa nalang ako at sinabi ko sakanya na saglit lang paalis na ako ng bahay. Nagkita na kami ni vince at nakarating na rin kaagad sa city dahil 20 minutes away lang naman ito sa barangay namin. Napagpasyahan namin ni Vince na kumain nalang muna bago pumunta sa dapat kong puntahan at gala na rin pagkatapos. Habang kumakain casual kaming nagtatawanan at nagku-kwentuhan na akala mo ay matagal na magkakilala pero sa totoo lang ito first time naming pag-uusap sa personal. Magaan talaga loob namin sa isa't-isa. Natapos na kaming kumain ni Vince at sinamahan niya ako sa mga dapat kong puntahan. Inabot rin kami 5pm sa kakalakad at natapos rin sa wakas. *"Tara tambay muna tayo dun sa tabing-dagat."* Pag-aaya niya. Hindi na ako kumontra dahil malapit lang naman atsaka may food park doon. Tsaka gustong gusto ko rin makita yung dagat at kumain na rin ulit. *"Uy doon tayo oh!"* Turo niya sa may dalampasigan. *"Nood tayo sunset. First time kong makakakita nito na may kasama eh."* Nahihiya niyang kwento sakin. *"Hahaha same"* Malapit na mag-sunset nang maramdaman kong hinawakan ni Vince ang kamay ko. Sabay tingin niya sakin. *"Pwede ba manligaw?"* Nabigla ako sa tanong niya at pakiramdam ko namumula ako sa hiya. *"Pasensya na ha kung nabigla kita, matagal ko nang gustong manligaw sayo pero gusto ko magpaalam sayo ng personal."* Dagdag niya pa. *"Tayo na."* Sagot ko sa kanya. Halata ang pagkabigla niya sa sinabi ko kaya natawa ako na nahiya. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi bigla, ang alam ko lang ayaw ko na patagalin pa kasi pareho naman kami ng nararamdaman ni Vince sa isa't-isa. *"Talaga? Wala nang bawian yan ha?"* Sabay pisil niya sa kaliwa kong pisngi. Tumango na lang ako dahil di ako makapagsalita. Kinikilig ako na ewan. Sabay namin pinanood ang sunset na magkahawak ang kamay. Natapos ang napakahabang araw namin ni Vince. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag yung nararamdaman ko noong araw na yun. Basta ang alam ko pareho kaming masaya ni Vince. Abangan ang Part 3 ng kwentong Closure. Salamat sainyo. -greyzzz

@Greyzzz

Closure Hi everyone, this is the first part of the story of Dahlia and Vince titled "Closure". Error ahead, pasensya na at nagsisimula pa lang po ako. Sana magustuhan niyo po. **Dahlia's POV** Nandito ako ngayon sa isang fiesta sa kalapit na barangay. At dito sa amin usong-uso pa rin talaga ang mga sayawan tuwing gabi pagkatapos ng mga palabas na tinatawag sa amin na *"bayle o baylehan"* ***.*** ***"Hayst! Ang boring naman, nasaan na kaya yung mga kasama ko?"*** 'di ko alam kung nasaan mga kasama ko at iniwan lang nila ako dito sa lamesa at mag-isang nag-iinom. Bored na bored na talaga ako ng bigla akong nakarinig ng sigaw, ***"Daaaaaaa! Tara sayaw tayo!"*** Sigaw ng pinsan ko na 'di ko alam kung saan nanggaling. ***"Buti naman naisipan mo akong bisitahin ano? Oh teka, bat mag-isa ka lang? Nasaan yung iba nating kasama?"*** Bungad na sagot ko sakanya***.*** ***"Ahmm umuwi na sila eh, baka raw mapagalitan nila tita. Oh ano? Tara na kasi, di ka ba naboboring mag-isa dito? Sumama kana daliiiiii."*** Ayoko sana sumama sa kanya kasi 'di naman ako mahilig sumayaw at medyo nahihilo na rin ako. Pero dahil nga nabuburyo na ako ay sumama nalang ako. Sayaw dito, sayaw doon. Grabe yung siksikan tapos ang sakit pa sa mata nung ilaw. Pero di kalaunan ay naenjoy ko rin naman. ***"Ang saya pala"*** bulong ko sa sarili ko. Matapos ang ilang minutong pag-sayaw mas lalong dumadami ang tao, niyaya ko na ang pinsan ko na bumalik na sa lamesa namin pero ayaw niyang sumama sa'kin. Pabalik na sana ako ng biglang may bumunggo sa'kin. ***"Aray ha!"*** Sigaw ko sa lalaki. ***"Sorry miss."*** Sabay alis. Hindi ko masyadong naaninag yung mukha niya dahil sa sobrang hilo at sa ilaw sa baylehan. Pagkatapos ng limang kanta yata yun, bumalik na yung pinsan ko sa lamesa namin. Tuwang-tuwa siya samantalang ako badtrip na badtrip. Iniinda ko pa rin talaga yung sakit ng pagkabangga sa'kin. Kinuwento ko ang nangyari sa pinsan ko at ang baliw tuwang-tuwa. ***"Baka yun na soulmate mo! Anong itsura? Gwapo ba? Ano gwapo ba ha? Gaano katangkad?"*** sunod-sunod na tanong niya sa'kin. ***"Kalma mo puso mo, 'di ko nga nakita mukha niya. Halatang di ka nakikinig sa kwento ko, tsssk!"*** Sagot ko. ***"Umuwi na nga tayo, anong oras na wala tayong masasakyan pauwi."*** dagdag ko. At pumayag rin naman siya dahil nga alam niyang tama ako. Fast forward, nagising ako dahil sobrang uhaw na uhaw ako at masakit pa rin ang ulo ko dahil yata sa alak kagabi. At bumalik ako sa higaan ng biglang tumunog ang cellphone ko. *"You have friend request from Vince"* Medyo pikit pa ang mata ko pagkita ko sa notification. Dinedma ko lang dahil antok na antok pa talaga ako. Nagising na ako sa mahimbing na pagkakatulog at nawala na rin yung sakit ng ulo ko. Pagkatapos ko kumain ng tanghalian ay agad kong binuksan ang cellphone ko para mag-facebook, at naaala ko yung friend request kanina. Tiningnan ko at parang pamilyar ang mukha niya. Marami rin kaming mutual friend kaya ayun inaaccept ko nalang, baka kasi schoolmate ko or what. Wala pang ilang minuto ng biglang tumunog yung messenger ko at bumungad sakin ang pangalang vince. Vince: ***"Hi, thank you sa pag-accept. 😊*** Me: ***"👍"*** Hindi talaga ako mahilig reply sa mga message lalo na pag 'di ko talaga kilala. Akala ko hindi na siya magrereply. Vince: ***"Di mo ba ako natatandaan?"*** Me: ***"Hindi eh."*** Vince: ***"Sad naman hehe. Ako nga pala yung nakabunggo sayo kagabi. Sorry ha 'di ko talaga sinasadya."*** Napaisip ako bigla kaya dali-dali kong inistalk yung facebook account niya at tiningnan ko ang pictures niya. ***"Ah kaya pala pamilyar yung mukha niya"*** bulong ko. Hindi muna ako nag-reply sakanya dahil di ko rin naman alam ang isasagot ko. 5 o'clock na ng hapon at magdamag ko rin chinarge ang cellphone ko. Naisipan kong magbukas ng data nang sunod-sunod naman ang pagtunog ng cellphone ko. *"16 message from Vince"* *"Vince liked your photo"* *"Vince commented in your post"* ***"Luh, problema nito?"*** At dahil curious ako binuksan ko rin yung mga message niya, ***"sorry talaga galit ka ba? "Uy reply naman diyan" "Hala galit ka nga yata talaga."*** at pauulit-ulit na ganyan ang chats ***"De okay lang yun, 'di naman maiiwasan yun kasi andaming tao."*** Sagot ko dahil nabuksan ko na rin naman chats niya na. Ayoko naman kasi maging maldita sa pagsagot kahit inis pa rin ako sakanya haha. Pero nakakatuwa rin pala siyang kausap, 'di ako naburyo kasi madaldal talaga siya. Nalaman kong halos kaedad ko lang siya. Siya ay 18 years old na at ako ay magdedebut palang. Iisang barangay lang pala kami pero dahil nga baguhan lang din ako sa probinsiya namin at siya naman ay nag-aaral sa malayo kaya 'di kami magkakilala talaga kahit marami kaming common friends. Umuwi lang pala siya sa barangay namin dahil school break nila at nasaktong sabado ang fiesta kaya ayun nakagala siya. At ako rin wala namang pasok sa school. Andami niya pang kinwento sa akin at marami pa kaming nalaman sa isa't-isa. Hindi namin namalayan na apat na oras na pala kaming nag-uusap. Andami na naming naging topic. Nakakatuwa siya dahil pareho kami ng trip na pag-usapan. Abangan ang part 2 ng kwentong to. Sana po ay natuwa kayo. Mag-uupdate po ako kaagad. -greyzzz

@Greyzzz

How I earned $13 in more than just 2 hours?... Hi, it's me again Greyzzz. Today I would like to share with you how I earned $13 in total in just a few hours. I am a member of so called GC (groupchat) where I can interact with my noise.cash friends. Until someone on the group shared the good news. At first, I was so hesitant to join 'cause I think it's not legit. Then, I decided to try it 'coz why not? I just simply follow Ms. Sheri Ucar twitter account, liked her post, retweet and commented #BCH. After a few minutes, I received a message from her with link on how can I claim my reward. After this message, I have received $1 by just following the simple mechanics. Few minutes later, I decided to join on Sir George Donnelly contest in which we are supposed to post a tiktok video regarding BCH Awareness. I tried at first but I failed because he didn't notice it. But I didn't stop there, I tried once again. And he finally noticed my 2nd tiktok video about BCH after I tried all the ways on how could he possibly notice my entry. That's when I got $10. I was so shocked at that time and until now I can't still believe that I actually get $10 from making a tiktok video. After that he thanked me for making tiktok video. And I assure him that I'll do more to spread BCH awareness. And that's when I made again. I didn't expect for another reward. I just did it out of my will but still I have received $2 again. That's how I earned a total of $13 dollar after a few hours of working hard to participate. And I personally love to do so. And will continue to do more contents of spreading BCH awareness. Special thanks to Mr. George Donnelly and Ms. Sherie Ucar. And also to @chaintip and @tiktok for making it happen. Thanks for reading. Have a good day.

+4 more

@Greyzzz

I am you... *kroo* "Gosh! I forgot my dinner." I said as I stopped doing my plates, bukas na deadline nito pero lagot ako kay mom pag nakita niyang hindi ko pa ginagalaw 'yung dinner na inihanda niya for me. Bumaba na ako sa hagdan at nakita kong wala ng ilaw na nakabukas. As I walked toward our kitchen I stepped on something, uhmm maybe water. As I opened our refrigerator, I smell the spices of my favorite food, Adobo. Ininit ko ito para makain na din, baka maabutan pa ako dito sa kitchen eh. "Why this one taste different? it's like..... human flesh." stop hallucinating self, you don't even know what does human flesh taste. After eating ay hinugasan ko na ang pinag kainan ko at umakyat na din para tapusin 'yung plates ko. NEXT MORNING... I woke up and do my morning rituals as usual. Bumaba ako ng walang nadatnang tao sa bahay, nasaan sila? "Mom? Dad?" I asked even tho no one's here. I still need to go to school so I ate the remaining Adobo, no time for cooking eh. Nothing's new, natapos ang klase at pauwi na ako ngayon dahil sa hindi ako sinundo ni Kuya Rob, our family driver. Hanggang ngayon ba wala pa din sila? wala din kasing bantay sa gate eh. Naabutan ko ring may dugo sa sahig na nagmumula sa ref and as I opened it, tumambad sa akin ang maraming karne. Weird. --- It's been 1 week since that strange things happened, I miss my parents. I'm hungry but I don't think makakakain ako ng maayos dahil sa mabahong amoy na bigla na lang bumaho. Mabaho. Sobrang baho. Another week had passed. Wala pa rin sila. Where are they? 'yung mabahong amoy ay hindi ko na kinakaya kaya sinundan ko kung saan nagmumula ito, wait, sa kwarto nila Dad? Binuksan ko at tumambad sa akin ang nakakama-- "M-Mom? D-D-ad?" no! I saw them, no! Just their heads. Who the hell did this brutaly?! "Oh, nakita mo na pala?" saad ng kung sino na nagpaling- "What's with that face Alia? hahaha" "S-Sino k-ka? ba-kit m-magka-mukha t-tay-o?" taka kong tanong dahil parehong pareho kami, sadyang may dugo lang ang kamay niya na nagmumula sa kutsilyong hawak niya. "I am you." "No! We're not! You killed my paren-" "You killed your parents." what the hell? "Hindi ko magagawa sa kanil-" "Aren't you wondering? we really looks the same, we act the same, and we did the same thing. We both killed them, you asked for this, aren't you happy?" No! Liar! Sinugod ko ito at inagaw sa kan'ya ang kutsilyong hawak niya, itinutok ko ito sa leeg niya pero hindi man lang ito nakitaan ng takot o kaba. "Sino ka ba talaga? ba-bakit mo pinatay magulang ko?!" "I told you, I am you." "No we--pano-n-nasaan na siya--I succeed! Malaya na ako! Mga walang kwentang magulan-ha! hahaha! Malaya na ako!" Sorry Mom and Dad, you love me too much, ayoko ng gano'n. --- "Isang dalagita ang walang awang pinagpapatay ang kan'yang mga magulang at isinilid sa loob ng kanilang bahay ng 2 linggo, ayon sa mga pulisya ito ay dumaranas ng Multiple Personality Disorder na nag udyok sa kan'yang gawin ito."

@Greyzzz

My Experiences when I just knew BCH for the first time This is my first article here and spare me if I have mistakes and grammar error. Hope you will like it. I already heard about Bitcoin (BTC) when my friend invited me to join noise.cash and she said I will earn Bitcoin Cash (BCH) when someone tip me if they like my post, I was so excited so I joined inmediately. But at that time I still don't have idea what is Bitcoin Cash (BCH) I thought it's exactly like Bitcoin (BTC). My first day in noise.cash was a blast, I enjoyed it and at the same time I earned $0.49 already. When I already received my payment, I noticed that BTC and BCH are different and from that very moment I tried searching on the internet what is a BCH and how ist it different from BTC. I learned that BCH is a spin-off or altcoin that was created in 2017. And BCH network can handle many more transactions per sefond than the BTC can. I also learned that the main purpose of BCH is to be use as a payment system. I remember that value of BCH is only more or less $400 when I first new the existence of BCH. But today month has passed and an the value of BCH surpasses $721. I believed that BCH can do more and the value can be possibly cost $1200 in the next three years or maybe less than that. Aside from that, I would like to share to you my noise.cash experience briefly. In my exactly one month, I already earned enough money to use for my exepenses. And I already knew a lot of friends whom I never meet personally because of noise.cash. I really like how they share their knowledge about BCH. And that makes me more interested and I plan to try trading soon when I save enough money. And hoping it will help me to make my life best.

+1 more