Bagong nadiskubre ko sa read cash 😂
Hello mga friendship ko dito sa read cash, sa mga avid subscribers na masipag mag comment at sa mga tamang basa lang. Share ko lang 'tong bagong natuklasan ko sa paggamit ng read cash. Hahahaha di ako sigurado kung alam nyo na to at ganito na ang ginagawa nyo pero ako kasi ngayon ko lang natuklasan to. So eto na nga, aware naman na siguro kayo na para mas makakuha ka ng maraming points sa articles na sinusulat natin is to publish it sa mga communities. Mas maraming communities, mas mas maraming chance na may magbasa at mag comment. Siyempre more more points yun para sa atin. Pag kasi dun ka directly nag publish sa 'Write Tab' walang makakabasa nun unless marami ka nang subscribers kasi magnonotify yun sa kanila. So yun nga, ako kasi kapag nagpa-publish ng article ang ginagawa ko tina-type ko muna sa notepad ko para may back up kung sakaling magloko ang internet at di ko na uulitin muli. Tapos diretso sa isang community then click 'post to community', 'write full article' then submit tapos uulitin ko na naman yun dun sa iba pang community. Medyo hassle at nakakainis din kapag mabagal ang internet. Tapos ngayon medyo nag explore ako dito sa website nakita ko na pwede naman palang isahan ang pag submit. Hahahaha di ko alam baka ako lang talaga ang ignorante dito pero share ko pa din para dun sa mga nangangapa pa din. So yun kapag pala nagpublish ka, para isahan ang pagsubmit sa mga communities iclick mo lang yung "Add Communities" hahahaha natatawa pa rin talaga ako na ngayon ko lang napansin yun, 3 days na ko dito pero ngayon ko lang talaga napansin. Parang sa love lang yan minsan yung para sayo nandyan lang pala sa tabi tabi di mo lang napapansin 😂 Di ako sure kung makakatulong to.
How to cook crispy, yummy chicharon - Pangmalakasang Lifehack
Una, siyempre dapat siguraduhin mo munang may karne ka. Paano ka gagawa ng chicharon kung wala ka namang iluluto. At dapat ito ay karne ng baboy hindi baka, manok, kalabaw, aso o pusa kundi baboy. Parang yung iba dyan naging hitsurang baboy na dahil puro kain lang habang naka quarantine. Galaw galaw din uy para di ka magmukhang baboy. Mag isip ka ng kahit anong bagay na pwede mong gawin para naman maging produktibo ang araw mo kahit naka quarantine tayo (ay wala nga palang tayo 😅)
Pangalawa, ilagay mo na ang ingredients. Asin, bawang, paminta at laurel. Ngayon kung wala kayo sa kusina niyan eh simulan mo nang kunin ang mask at bumili sa labas. Pero kung tinatamad kang lumabas magbukas ka na lang ng sardinas at wag mo nang ituloy gumawa ng chicharon. Kaya ka napapagalitan lagi dahil sa katamaran.
Pangatlo, ilagay sa kaldero at lagyan ng tubig. Yung sapat lang ah. Wag masyadong sobrahan. Parang sa love lang yan, minsan sobra sobra na yung naibibigay mo at nakakalimutan mo nang magtira para sa sarili mo kaya sa huli sobra sobra ka din kung masaktan. Pagkatapos lagyan ng tubig, isalang mo na sa stove o kalan. Kung wala kayo niya simulan mo nang kumuha ng kahoy o kaya uling at magparikit o magpaningas, kung wala din eh wag ka na lang magluto. Matulog ka na lang, di ka pa mapapagod.
Pang apat, pakuluan at hintaying maluto ang karne sa loob ng 30-40 minutes. Pero dahil hindi ka makapaghintay sabaw na lang ang iulam mo.
Panglima, after 30 - 40 minutes alisin mo na sa kaldero, kawali o kaya kaserola, bahala ka na kung anong gamitin mo. Lahat naman tayo may kalayaan para pumili kung anong gusto natin. Balik sa karne, ilagay sa kahit anong lalagyan at hintayin ng 5 minutes habang nasa room temperature. Ang after 5 minutes tusukin ang balat ng tinidor or toothpick. Make sure na buong balat ay matutusok at wag sobrang lalim, yung sakto langkung ayaw mong magsisi sa huli.
Lagyan ng asin at siguraduhing malalagyan lahat ng parte ng karne. Yung sakto lang ah, wag sobrang konti at wag namang sobrang alat. Kaya yan naghahanap ng iba kasi hindi ka pa sapat. Wag ka nang magtaka at wag na rin magtanong kung anong konek.
Ilagay sa ref at hayaang mag air dry magdamag. Oh hindi mo alam kung ano yung air dry? Yan kasi puro ka cellphone, puro ka pacute sa facebook at instagram, puro ka tiktok, puro ka ML kaya ang alam mo lang magprito ng sunog na hotdog at magluto ng pancit canton tapos iiyak iyak ka kapag nagka UTI. Wag ako, nai stress ang bangs ko.
After 24 hours pwede mo nang ilabas sa ref at maghintay ka ulit nang 5 minutes habang nasa room temperature yung karne saka mo iprito. Wag ipiprito agad pagkalabas sa ref. Matuto kang maghintay, kaya ka napupunta sa maling tao dahil di ka marunong maghintay.
Painitin na ang kawali na may mantika bago pa uminit ang ulo ng nanay mo sayo. Ilubog ang karne kapag mainit na. 'Srsssssrsssssssswwssrs' Tunog yan ng piniprito mo, di ba mas maganda kapag may sound effects hahahaha. Wag kang mag alala hindi puputok yan dahil nga na air dry. Lutuin ng 10-12 minutes sa medium heat. Wag masyadong malakas ang apoy kung ayaw mong mag apoy na naman sa galit ang nanay mo dahil sa kapalpakan mo.
After 10-12 minutes alisin mo na sa kawali at palamiging muli. Wag excited hindi pa yan tapos. Alam ko excited ka na, parang ako excited na ding lumabas ng bahay pero siyempre dahil gusto ko pang mabuhay, magtitiis na lang akong maburo dito sa loob.
After mag cooldown, ire-fry mo na ulit this time sa high heat para maging crispy. Lutuin ng 2-3 minutes. Ayan na malapit na, alam kong naglalaway ka pero pigilan mo dahil di ka naman aso.
Muling alisin sa kawali. Tsadaaaan! Luto na at pwede nang kainin. Oh dahan dahan lang hindi mo gugustuhing ma high blood mahirap pa naman kung dadagdag ka pa sa mga pasyente sa ospital. Maawa naman tayo sa mga doctor at nurses ang dami na nilang ginagawa dadagdag ka pa dahil lang sa nasobrahan ka sa chicharon.
So na ayan po ang recipe ng crispy chicharon. Actually hindi ako ang nakaisip ng recipe na yan. Dinagdagan ko lang ng humor para naman mag enjoy kayo sa pagbabasa. At yung picture naman galing lang yan kay pareng google. Happy reading!
Sinaing.... Bow
Ano ba ang sinaing? Yan yung pagkain na hindi mawawala sa hapag kainan nating mga Pilipino. Yung feeling na hindi kumpleto and meal mo kung wala yung kanin. Kumbaga yan ang kumukumpleto sa isang masarap na menu. Kahit gaano pa kasarap ang ulam kung wala naman kanin di mo pa rin maeenjoy ang kumain. So ano bang pinaghuhugutan ko sa pagsulat ng artikulong ito? Yung sinaing ng kapatid ko kagabi na parang jowa na ng lugaw. Nakakawalang gana tuloy kumain, sinangag nga namin kaya parang kumain akong ng sinangag na malagkit. Alam nyo ba nung medyo bata pa ko napakahigpit ng nanay ko kaya naman kapag nagsaing kami tapos hindi maayos, kunyari tutong o kaya naman nadamihan ng tubig ipapaubos talaga yun ng nanay ko sa kung sinong nagsaing nun kahit gaano pa kadami. Pero ngayon hindi na siya ganun kahigpit sa mas nakakabatang kapatid ko kaya medyo nakakainis ng konti. Kaya di tuloy nagtatanda kahit mas malalaki pa sila sa akin (since nabansot nga ako dahil sa pag aalaga sa kanila noon haha paniniwala ko lang yun para di masyadong masakit na masabihang pinakamatanda pero pinakamaliit), ang lalaki na pero di marunong magsaing ng maayos.
Sabi nila kapag daw marunong ka nang magsaing pwede ka nang mag asawa. Maaaring iisipin natin na kalokohan o kaya biro biro lang ng matatanda yan. Pero kung pakaiisipin natin may sense naman kasi paano nga naman kung mag aasawa ka na pero di ka marunong kahit magsaing man lang? May nakikita akong mga kabataan minsan na nagpopost sa social media na proud na proud pa na hindi sila marunong magluto. Na kung magluto man sila tutong o kaya hindi maganda ang lasa. Pero ka proud proud nga ba yun? Para sa akin hindi pero iba iba naman ang pananaw natin sa buhay kaya di ko alam kung sang ayon kayo dun. Ang importante masaya tayong lahat habang kumakain ng mainit na sinaing na may kapartner na masarap na ulam. Pero minsan may mga pagkakataon talaga na kahit hindi natin sinasadya pwede maging hilaw ang sinaing hehe so bibigyan ko kayo ng malupit na kusina hacks para maluto ang sinaing at di magalit mga kasama nyo sa bahay.
• Pinakamadalas gawin ng lola ko dati nilalagyan ng asin ang takip ng kaldero. Ewan ko ba kung anong konek nun para malut yung sinaing 😅 Basta kung wala kang ibang option eto na lang gawin mo.
• Kung may puno ng saging naman malapit sainyo eto proven and tested na effective. Kumuha ka ng isang buong dahin ng saging siyempre kasama dun yung stem. Then alisin mo yung dahon hanggang sa stem na lang ang natira. Pag putol-putulin ito at itusok sa hilaw na sinain at hayaang maluto ito.
• At ang pinakahuli, pwede namang kumuha ka ng basahang malinis, pwedeng tela o damit na di na ginagamit at basain ito, pigain para di tumutulo ang tubig at ilagay sa ibabaw ng sinaing na hilaw at buksang muli ang kalan. Kung wala naman kayong kalan aba simulan mo nang mavparikit muli ng kahoy o uling kahit ano pa yan ang importante maluto yung sinaing.
So yun lang. Sana nakapaghatid na naman ito ng kahit kaunting kaalaman sainyo.
Comment din kayo ng kwentong sinaing nyo 😁
Sana ma-inspire kayo kahit slight lang
Hola! Kumusta kayo mga read cash friendship? Sana maging masaya kayo sa araw na 'to. Muli nga pala akong nagbabalik para maghatid na naman ng inspirasyon sainyo para mas sipagan pa kayo sa pagsusulat at pati na rin sa pagcomment at react sa mga articles dito sa read cash. So yun na nga guys kagabi nareceive ko na naman yung pangatlong pay out ko dito sa read cash na nagpapatunay na legit na legit talaga ang website na ito. From 2 pesos to 100 + real quick yung laman ng coins.ph wallet ko. Nakakatuwa nga kasi kahit hindi ako nakapag publish ng mga articles kahapon pero tuloy tuloy pa rin ang pasok ng points dahil sa mga nakakaaliw at nakaka inspire ninyong mga comments sa mga nauna kong na publish na articles.
Nung nareceive ko yung third payout ko (yan yung nasa picture) mas ginanahan akong magsulat kasi kung di ninyo naitatanong bago ko nalaman yung tungkol dito sa read cash marami muna akong napagdaanan na mga apps at ilang legit din na website pero napakatagal bago mo makuha ang kita. Nandyan yung buzzbreak at cashzine na mga legit na apps na magbabasa ka lang ng balita eh kikita ka na. Sa totoo lang tamad akong mag invite kaya hanggang ngayon di pa ko nakakapay out sa cashzine. Sa buzzbreak naman nakakuha na din ako ng 3 pesos hahaha. Kaya nga nakakatuwa dito sa read cash kasi unang payout ko 32 pesos agad haha oo maliit lang na halaga pero di na masama compared kung puro ka facebook, instagram, twitter pero wala ka namang nakuha kahit piso.
Dito sa read cash lawakan mo lang ang imahinasyon mo para makasulat ka ng magandang artikulo kikita ka agad kaya ano pang hinihintay nyo, comment na charot lang! 🤣
Related to my previous article "How to earn more points"
Howdy! How's everyone doing? Sana naging masaya kayo sa araw na ito. Anyway gusto ko lang magpasalamat dahil nakita ko na marami sainyo ang naka appreciate nung article ko na entitled 'how to earn more points'. Pasensya na nga pala guys kung di ko nareplyan lahat ng comments ninyo. Ang totoo niyan masama ang pakiramdam ko ngayong araw at hindi rin nga ako nakapag sulat ng bagong articles ngayon. Pero masaya ako at nakatulong kahit papaano yung mga tips ko dun kung paano makaka earn ng mas maraming points, lalo na sa mga newbies. So yun nga, sa previous article isa sa mga tips ko para mas marami ang mag comment sa mga sinusulat natin is gawing interactive ang artikulong sinulat mo. May nagtanong kung paano gagawin yun. Based sa experience ko guys para maging interactive ang isang article dapat na mag isip kayo ng topic na appealing sa mga mambabasa, yung tipong marami ang makakarelate. Huwag puro mema. Oo goal natin na magsulat ng mahabang artikulo pero itry din nating gawing may sense yung sinusulat natin, yung may matututunan din ang iba. Tapos pwedeng lagyan din natin ng konting punchline para hindi boring.
I'm sure katulad ko karamihan sainyo nauubusan na din ng ideya kung ano ang isusulat. Yung tipong pinipiga mo na yung utak mo pero wala ka talagang maasip. Heto naman ang advice ko diyan, bakit di mo itry tumingin sa paligid? Try mong gawan ng kwento ang isang bagay na makikita mo sa paligid, idescribe mo yung bagay na yun then try mong magsabi ng kahit na ano tungkol sa bagay na yun promise di mo mamamalayan ang haba na pala ng nasabi mo.
Yun lang naman mga ginawa ko sa loob ng dalawang araw na nandito ko nakatambay lagi sa read cash. At alam nyo bang sa loob ng dalawang araw tatlong beses na ko naka pay out? Hindi rin imposible yan sainyo basta masipag ka lang at matiyaga sa pagsusulat.
So yun lang muna masasabi ko sa ngayon. Kung may tanong kayo o kahit anong reaction feel free to comment po. I will try my best na sagutin yan.
How to earn more points
Hello everyone. I just want to share my experience in using this website and I will also give some tips on how to earn more points. Actually it's my second day here after signing up and I'm starting to get so addicted. Who would not be? There's a lot of fun articles here and while you are enjoying reading and writing down your thoughts you are earning real cash at the same time.
I learned about this website on a social media page, facebook to be specific, and honestly when I commented the word "how" I had doubts about its legitimacy. The thing is, I've already came across a lot of the so-called 'get-paid-to' or GPT websites but in the end turned out to be scams. It's like getting your heart break over and over again. But I still tried signing up here and at I want to prove myself that this is indeed legit since I've been seeing a lot of articles saying that the website is real paying. As I've said earlier it's my second day here and yet I'm already up for my third payout.
For the newbies out there who doesn't know yet how how you can earn more points and of course convert it into real cash here are some tips for you to get more points.
• Make sure that the articles you post is originally written by you. I've read from another article that once you post an article that you got from the internet it will be hard for you to earn more points. They can track the originality of your post so beware of copy-pasting from other sources.
• Publish your articles in communities so that more people will see it and they comment on it. You'll earn points from their comments.
• Make your article interactive. Write an appealing article that will make the readers comment on it.
• Comment on other's articles. Make it longer and if I'm not mistaken your comment must have 60 characters or more.
• Subscribe to other users so can see their post on your notification and write meaningful comments on their post.
Those are the things I did in my two days of using this website and now I'm looking forward to my third payout. Hope this helps and by the way english is not my mother tongue so pardon me for any grammar lapse.
Edit:
Note that you may experience freezing of points at times but never feel bad about it. Just do your best and publish real good, quality articles and give meaningful comments and the random rewarder will surely notice that. In my experience, there are days that I get very low points despite of being active here, but when the random rewarder works, I get higher points on days that I don't even do something.
Please like, comment & consider subscribing 💕
Labada
Ako lang ba? Ako lang ba yung tamad na tamad maglaba? Oo alam ko naman na ang paglalaba ay parte na ng buhay ng tao. Kasi kung hindi mo lalabhan ang mga damit mo, babaho ka 🤣 Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay, pero dito sa bahay dalawa lang ang talagang naglalaba, ako taga sampay lang. Minsan naiisip ko din na sisihin si nanay kasi hindi niya ko sinanay na maglaba nung bata pa ako. Hehe di naman sa pagmamayabang pero nung medyo bata pa kasi ako feeling rich kid ako kaya may taga laba at taga plantsa kami. Pero dahil nga walang permanente sa mundo, hindi naging consistent yung business nila nanay at tatay kaya feeling rich kid no more na ako. Pero ganunpaman hindi ko pa rin kinagawian ang paglalaba. Marunong naman ako pero tamad nga lang. Marunong akong maglaba, hindi lang talaga yin ang linya ko. Yung tipong kahit naka washing machine na pero yung isang plangganang labahan aabutin ako ng halos kalahating araw bago matapos yun. Oh wag maging judgemental agad. Sa paglalaba lang naman ako di magaling. Yung ibang gawaing bahay hustler ako diyan. Magaling akong magluto at masipag din ako maglinis, go rin agad ako pag nautusang mag sampay. Wag lang talagang maglaba. So yun nga, beastmode lagi yung kapatid ko kasi ako daw pinakamasipag magbihis pero pinakatamad naman maglaba. Pero sinusuklian ko naman yun sa pamamagitan ng pagluluto ng masasarap at masusustansiyang pagkain para sa kanila. Kumbaga kanya kanya lang tayo ng role sa mundo. May mga strenghts ako na wala sa kanila and vice versa. Minsan naiisip ko na isa din yan sa dahilan kung bakit ayoko munang mag jowa dahil siyempre pag nag jowa ka, posibleng mauwi yun sa marriage and siyempre once na married ka na di na pwedeng iasa mo sa kapatid mo yung labada. Kaya mas okay na magpaka single kung hindi pa kayang akuin ang mabigat na responsabilidad sa labahan 😂
(Photo credits to the rightful owner)
Body Clock
Pamilyar ka ba sa kung ano ang body clock? Yung katawan kasi natin mayroon itong mga cells na nagreregulate ng pagkaramdam natin ng antok or gising. Actually medyo nahihirapan akong iexplain sa sa tagalog, basta yung kahit di mo naman talaga balak gumising sa isang espisipikong oras pero bigla ka na lang magigising kasi naka set na sa katawan mo na kapag ganung oras gising ka na dapat. Alam nyo naiinis na talaga ako dito sa body clock ko. Yung alarm clock kasi na nabibili pwedeng pwede mong ireset kung anong oras tutunog at mag aalarm pero itong body clock ko hindi na mareset. Sobrang nakakainis na yung pagiging time conscious nito. Yung feeling na gustong gusto ko pa matulog pero di man lang magkipag cooperate etong body clock ko. Kanina 2:30 na ko natulog kasi sobrang naaaliw nga ako kakabasa dito sa read.cash at kailangan ko ding replyan isa isa yung mga nagkocomment sa mga articles ko at siyempre tamang comment sa din sa articles ng iba kaya ayun di ko na namalayan ang oras. Balak ko sana tanghali na gumising kasi nga late na ko natulog pero etong body clock ko 5:30 pa lamg ginigising na ko. So in the end nasa 3 hours lang ang tulog ko. Noong minsan ngang halos umaga na rin akong natulog sinakripisyo ko pa yung kumot ko at nilagay ko sa bintana para di makapasok ang liwanag at di agad ako magising pag umaga na. Sobrang lamig talaga nung gabing yun at medyo malamok din, so magdamag akong namaluktok sa lamig thinking na okay lang yun since tanghali na rin naman ako magigising pero nakakainis kasi di pa nga sumisikat ang araw ayun ginigising na ko ng body clock ko. Naunahan ko pa yung araw, sayang lang sacrifice ko. Yung tipong ang sarap sarap ng tulog ko tapos pag alas singko na bigla na lang bubukas yung mata ko kahit hindi ko gustong gumising at bumangon. So yun lang, gusto ko lang ilabas yung hinanakit ko sa body clock ko. Comment naman kayo kung naeexperience nyo din yung ganito. Feeling ko kasi ako lang yung ganito. Kaya nga sobrang inggit talaga ako sa mga taong talented sa pagtulog. Yung tipong kakapikit pa lang tulog na agad tapos yung kayang-kayang gumising ng lagpas alas otso na ng umaga. Ako kasi hanggang pangarap na lang siguro yung maexperience ko ang gumising nga tangahali na. Oh siya magandang umaga nga pala, bangon na at magkape, milo o gatas kahit ano pa yan ang importante masaya ka sa kung anong choice mo.
(PS. Photo belongs to its rightful owner. Kinuha ko lang po yan sa google.)
Anong ibig sabihin kapag someone'Upvoted' your post? Pakisagot naman po please.
So heto na naman po ako muling nagbabalik at may isa na namang katungan. Sa totoo lang dapat matutulog na ako kanina kaya lang tinapos ko muna yung sinusulat ko dahil may mga nag aabang at talagang nagpapasalamat ako sa suporta po ninyo mga ka read cash. Yin na nga pagbukas ko ng website may notification na someone 'upvoted your post'. Kaya ang tanong ko po ano ba ibig sabihin pag ganun? Dahil nga day 2 pa lang ako dito kaya wala pa kong masyadong alam. Pasagot naman po. Maraming salamat sa makakapansin at sasagot.
Virtual Friendship Part 2
First of all maraming salamat sa mga nagbasa nung part 1 kahapon. At dahil nainspire ako sa mga comments, heto na po yung part 2.
So yun nga naging sobrang close na kami. To the point na nung nagkaroon ako ng problema siya unang sinabihan ko. And though literal na sobrang layo niya, siya pa yung nakatulong para masolve yung problemang yun. Tawag niya nga sakin detective Piggy kasi nga mahilig akong kumain at daig ko pa daw ang detective nung masolve ko yung problema ko dun sa stalker ko (ganda problems kasi ako eh. hahahaha charot!) Hahaha nakakatawa nga kasi may pa detective piggy na nalalaman eh di rin naman kilala si Conan 🤣 (Oo na walang connect yun mema lang)
Ang isa pang nakaka amaze sa friendship namin dahil literal na nasa magkabilang side kami ng mundo. Sabi nga sa kanta ni Jireh Lim "Aking hapunan ay iyong umagahan", Latino kasi siya, kaya nga Latino Panda ang tawag ko sa kanya kasi mahilig siyang magpuyat kaya kinaumagahan para siyang Panda. (Konting kaalaman lang po na pag sinabing Latino or Latina sila yung mga spanish-speaking people.) So yun nga since Latino siya, nalaman ko na sa country pala nila di masyadong ginagamit yung english kahit sa college o kahit ng mga professional (Kaya pala yung mga Miss Universe candidate mula sa Latin-American countries laging may translator). Kaya siya kahit nag aral ng engineering di rin siya marunong mag english. At ako naman di rin marunong mag spanish. Pero hindi naging hadlang yung language barrier sa amin. Nandyan naman yung bff naming google translator 🤣. Ang galing nga kasi pag magkausap kami di namin nafifeel yung language barrier. Good thing na nakilala ko siya kaai may nag encourage na sakin na ipagpatuloy yung pag aaral ko ng spanish language and siya naman nag start na rin mag aral ng english. So yun habang tumatagal mas nag jive yung personalities namin kahit may differences. Parehas din pala kaming mahilig sa nature at nung nagresearch siya tungkol sa Philippines nakita niya kung gaano daw ito kaganda kaya plano niyang pumunta after ng quarantine. Ang saya na sana, yung hinahanap kong friendship nakita ko sa kanya. Pero wala talagang forever, siguro dahil na rin sa language barrier di kami nagkaintindihan masyado. Akala niya nabubuhay pa rin ako sa past at akala niya di niya pwedeng tawirin yung pader na bi-nuilt ko. So yun, isang araw nabasa ko na lang yung love letter niya daw pa sa akin. Love letter na goodbye letter pala. Masaya daw siya na nakilala ako and dahil sa akin nalaman niya na tulad din pala siya ng ibang human being na kaya din mag flutter ang heart at posible daw pala na mafeel niya yung butterflies sa stomach. Pero according to him if God will permit, at some point we'll come to each other. So yun habang sinusulat ko to, di ko na naman tuloy mapigilang umiyak at alalahanin yung araw na nabasa ko yung sulat niya. Mas masakit pa yung naramdaman ko nang araw na yun kaysa nung nagbreak kami ng ex ko. Di lang ako nawalan ng kaibigan, nawalan din ako ng big bro. Pangarap ko kasi talagang magkaroon ng nakakatandang kapatid na lalaki. Pero sabi niya nga at some point in life, kung ipapahintulot ni God, babalik at babalik pa rin ka sa isa't isa. Sa pamamaalam niya pinakita niya na pa rin na hindi siya katulad ng iba. Kung iba kasi yun for sure bigla na lang mawawala (when ghosting is real haha). Bigla na lang hindi magpaparamdam, at least siya nagpaalam muna bago 'nawala' sa buhay ko.
Sa karanasan kong ito, natutunan ko na habang may oras at pagkakataon pa tayo na pwedeng i spend para sa isang tao igrab na natin para gumawa ng magagandang memories para kung mawala man sila meron tayong memories na babalikan at aalalahanin. Sa ngayon kahit hindi na kami nag uusap patuloy pa rin akong nag aaral ng spanish para kung sakali, in the future pwede na kaming magkwentuhan na walang language barrier 💛
The End.
Sana nagustuhan ninyo. Feeling ko kasi medyo boring na yung part 2. Comment po kayo kung nagustuhan ninyo. Maraming salamat sa pagbabasa.
Maikling Pasasalamat
Hello guys. Heto na naman ako at muling nagbabalik. Gusto ko lang magpasalamat sa mga nakakaaliw na mga comments sa mga articles ko. Salamat sa encouragement kahit na parang wala namang katuturan yung ibang sinulat ko. Ayokong maging masyadong sentimental at emotional. Natutuwa lang ako kasi kakajoin ko lang dito kagabi pero nakapag pay out na agad ako kanina. Legit na legit talaga ang website na ito. So ngayong nakapag pay out na ako mas ginaganahan akong magsulat pa. Sa totoo lang halos wala na din akong maisip na isusulat pero dahil kailangan to para sa ekonomiya ng bansa (charot!) talagang sinisikap kong pigain itong utak ko para lang may maisulat at maipublish na artikulo dito. Kaya habang nakahilata lang dito sa banig at nagbibilang ng mga butiki sa kisame at pinapakinggan ang malakas na ugong ng bentilador heto ako at nag iisip na naman ng bagong isusulat. Kaylangang sipagan at kailangan ang tiyaga baka sakaling dahil dito sa read cash ay makapag ulam naman kami ng nilaga haha. At speaking of nilaga, paborito ko nga pala yun, mapa-nilagay baboy, baka, isda at manok (lol tinola na nga pala yun 😂). Ah basta kahit anong may sabaw. Habang sinusulat ko to naimagine ko tuloy ang masarap at umuusok pa na sabaw ng nilaga at bigla akong nakaramdam ng gutom. Siguro hanggang dito na lang muna 'tong article ko at nang makapunta muna sa kusina para maghanap ng makakain.
Guys kung nabasa nyo to sana mag comment ulit kayo. Susubukan kong magsulat pa ng nakakaaliw na mga akda para mapasaya kayo.
Read cash First pay out is real!!!
Magandang gabi mga ka read cash. Share ko lang tong proof ng pagiging legit ng website na ito. Totoo nga guys na legit paying ito dahil ako mismo napatunayan ko sa sarili ko. Ilang beses na din kasi akong napaasa ng mga GPT website na wala naman akong napala. Pero dito sa read cash napatunayan ko na hindi pala tayo dapat mawalan ng pag asa. Ilang beses man akong na scam at napaasa pero sa wakas may nakita rin akong legit na website na nag eenjoy na ko sa pagsusulat, kumikita pa ako. OA man ito para sa iba pero masaya talaga ako, mas masaya pa kesa nung nalaman ko na crush fin ako ng crush ko haha. Oo maliit lang yung una kong pay out pero okay lang kasi kagabi lang ako nag sign up at nakakatuwang naka pay out agad ako ngayong gabi. Sipag at tiyaga lang talaga ang kailangan. Sa mga baguhan diyan na tulad ko at hindi pa nakaka pay out, sipagan lang natin sa pagsusulat guys at siguraduhing sariling akda talaga at sipagan din magcomment sa articles ng iba. Suportahan po natin ang isa't isa para sabay sabay tayong masayang maka earn sa website na ito.
First pay out Katanungan
Hello po at magandang gabi sainyo mga ka read cash. Nandito na naman po ako para mag post ng isa na naman katanungan. Sa totoo lang nahihiya na nga akong magtanong ng magtanong pero di bale na magwawalang hiya na lang ako. Baguhan lang po kasi ako dito. Actually kakasign up ko lang kagabi pero dahil sa sipag magsulat ng kung ano ano lang at sinipagan din magcomment sa mga articles ng iba, sa wakas nakaipon din ako ng points at kanina lang nakapag request na ko ng pay out na $0.61. Papaabutin ko nga sana muna ng $1 bago ako mag request ng pay out kaso siyempre dahil nga baguhan pa lang ako at excited din na macheck at mapatunayan mismo sa sarili ang legitimacy ng website ayun nag request na ako ng pay out wala pang isang oras ang nakakaraan. Sabi success naman daw pero it takes several seconds to appear pero hanggang ngayon wala pa. So ang tanong ko po mga ka read cash gaano ba katagal para lumitaw yan sa coinsph account ko o kahit sa email man lang? Sana po mapansin nyo tong post na to. Maraming salamat po in advance sa mga sasagot at happy earnings sa ating lahat 😁
Virtual friendship Part 1
Things may get hard but never stop smiling. Yan ang huling mga katagang sinabi niya sa akin bago kami nawalan nh komunikasyon. Nagsimula ang lahat maraming buwan na din ang nakakalipas. Tipikal na nangyayari sa social media. Nag send siya ng friend request, pero dahil nga ayokong basta na lang mag accept ng friend request sa kung sino sino hindi ko muna inaccept yung request niya at ilang linggong nakatambay sa list ng mga friend request yung pangalan niya. So dahil nga naka public yung ibang mga post ko napansin ko na lagi niya kong inistalk kasi araw araw pagbukas ko ng accouny ko nakikita ko na nag react siya sa mga pictures ko (kahit yung mga matagal na) pero di ko na lang pinansin kasi kadalasan naman na ginagawa yun ng iba. Di naman sa pagmamayabang pero photogenic kasi ako hehe pero sa personal pangit talaga ako. Hangang sa isang araw bored ako nun at walang magawa since tinigil ko na paglalaro ng Mobile Legends dahil napansin kong naaadik na ko dun sa laro. So yun nga inistalk ko isa isa yung mga nag friend request sakin. Pag di ko masyadong bet delete na agad, then heto na, nakita ko yung pangalan niya, medyo pang oldie nga eh tapos yung display picture niya parang family sila. Mama, papa and yung anak, though malaki na yung anak pero yung mag asawa parehas pa namang bata. Nakita ko na mutual friend pala namin yung pinsan ko kaya since okay naman yung physical appearance niya inaccept ko na. Oh wag judgemental alam ko naman na halos karamihan sa atin inaaccept agad kapag okay ang itsura ng isa, pero sabi nga beauty catches the eyes but personality catches the heart. So yun na nga naging friends na kami at kinabukasan nag chat na siya, nagreply naman ako pero medyo cold kasi nga feeling ko talaga may asawa na siya. Tapos kung makapangumusta naman akala mo close kami. Pero persistent siya at halos araw araw nag chachat so pinatulan ko na at dun na nagsimula ang lahat. Isa sa natutunan ko sa kanya ay wag talagang maging judgmental kasi nalaman ko na yung kasama niya pala sa display pic niya mga kapatid niya haha medyo pahiya ako ng konti dun. So since nalaman ko nga na single din naman siya kaya nakipag chat na rin ako at nawala nu yung coldness kuno. Ang dami pala naming similarities. Hindi ko inexpect na sa itsura niyang yun mahilig din siya sa romantic movies. At yung choice namin sa music parehas na parehas. Inintroduce niya din sakin yung music nila at nagustuhan ko kaya nga ngayon puro ganun na laman ng playlist ko. Nakaka amaze din kasi yung life story namin halos pareho. God fearing din siya and very spiritual minded person, makikita at mararamdaman talaga sa mga sinasabi niya yun. First time din na naging close ako sa opposite sex though virtual nga lang yung friendship namin. Pero pinaparamdam niya talaga sakin na hindi hindrance yun para iconsider niya ko as a real friend. Sa totoo lang medyo ilag kasi talaga ako sa opposite sex, di naman sa ayaw ko sa kanila pero nakakainis lang kasi marami na kong naencounter na sa una okay naman and it seems na friendship lang din talaga yung hanap nila pero kapag tumagal na gusto mag level up and yun ang pinaka ayoko kasi kahit na nasa marrying age na din ako pero masasabi ko na hindi pa ko ready talaga sa romantic relationship. I'm very straightforward na friendship lang talaga ang kaya kong ioffer at ayokong lumagpas pa dun which is hindi magawa ng iba. Pero siya hindi siya katulad ng iba. Masaya ako na nakilala ko siya kasi parang nagkaroon nga ako ng older brother sa katauhan niya. Nasasabi ko sa kanya yung mga nararamdaman ko, yung mga problema ko without the feeling of awkwardness. Tsaka pinaparamdam niya na naiintindihan niya talaga ako. Kaya naging sobrang comfortable talaga ako sa kanya and as time goes by mas lumalim pa yung friendship namin.
PS. Part 1 pa lang 'to. To follow yung part 2. Haha comment naman po kayo kung nagustuhan nyo. So yun nga, since wala akong maisip na isusulat, magkukwento na lang ako. And this is based on a real personal experience.
Sana may magbasa
Katanghaliang tapat at heto ako sa duyan. Nag iisip na naman ng bagong tema na pwede kong isulat sa read cash habang nakatunganga sa aming patay na telibisyon. Oo isa rin ako sa mga millenials na mahilig magbabad sa mba social media at messaging apps. Ma pa facebook, instagram, messenger, whatsapp, telegram at google yan ang tambayan ko lagi. Pero ang nakakatawa lang kasi mula nang mag sign up ako dito sa read cash nawalan na ko ng gana magbabad sa mga social networking sites na yan. Sa ngayon nakababad ako sa website na to o kaya naman sa notes application ng cellphone ko. Nagsusulat lang ng kung ano anong pumasok sa aking isipan. Minsan nga di ko na alam kung anong patutunguhan ng sinusulat ko basta sulat lang ng sulat ang importante humaba ang sinusulat ko pero madalas din na di ko namamalayan na isinusulat ko na yung mga nasa isipan ko. Katulad ngayon. Kanina lang iniisip ko pa kung paano sisimulan ang bago na namang article na isusulat ko pero heto ako ngayon at kung ano ano na ang sinabi. Sa totoo lang hindi pa ko nakakapg pay out sa website na to pero ang dami kong nababasang nagsasabing nakapay out na sila at nagbibigay iyon ng pag asa sa akin na sana'y totoo na nga ito. Na sana ay hindi 'to katulad ng ibang paasang website na sinubukan ko dati. Yung mga GPT website kasi dyan karamihan mga paasa parang siya paasa rin. Ilang beses na rin akong umasa sa mga bitcoin mining website na yan, sa una okay naman kaso habang tumatagal pag malapit mo nang maabot yung minimum withdrawal bigla na lang na hindi mo na maacces yung site. Ang saklap diba? Buti na lang talaga at panahon lang ang pinupuhunan ko sa mga website na yan. Di pa naman ako umabot sa puntong na scam na may kasamang pera haha. Kaya kung isa ka sa nagbabasa ng article na to pa comment at like naman. Hehe support po natin ang isa't isa at magtulungan tayong patunayan na legit nga itong part time.
Liqour ban no more
Umiinom ka rin ba? Ng tubig for sure oo. Pero ng inuming may alcohol? Hindi yung alcohol na pinanghuhugas ng kamay ah. Kundi yung alcohol na pwede ipanghugas ng bituka 😂 Kung oo eh di siguradong isa ka din sa mga natuwa at nabuhayan ng loob ng alisin ang liquor ban. Ngayong liquor ban no more na baka gusto mong itry itong bahong imbensyon ng kaibigan ko, oo ng kaibigan ko, nakakahiya naman kasing kunin yung credits na para sa kanya. So ganito yun, ang tawag dito ay Vodka ala Parchita. Ang bongga ng pangalan diba? hahaha charot lang yan. Sa artikulong ito tuturuan ko kayo kung paano gawin ang Vodka ala Parchita. Ang pinakaunang step ay siguraduhing wala na talagang liqour ban sa lugar ninyo kasi kung magtitimpla ka at may liquor ban pa patay kang bata ka. Ngayon kung nasiguro mo na yan pwede ka ng kumuha ng vodka, pasosyal lang yan Gin na lang dahil nagtitipid tayo dahil walang masyadong datung sa ngayon. Tapos kaylangan din ng isang medium sized na parchita. Kung hindi mo alam kung ano ag parchita yan po yung kulay yellow na prutas na tinatawag dito sa atin na 'orange' (minsan nakakabuang din kasi orange ang tawag pero kulay yellow), matamis siya at medyo may kaasiman na parang mangga at maraming buto haha bahala ka na mag imagine kung di mo maintindihan yung description ko basta yun na yun. Tapos kaylangan mo din ng tamarind jelly. Kung hindi mo alam yun, minatamis na sampalok na lang 😂 Kaylangan mo din ng konting tubig kung ayaw mong magpakalasing. Pero kung broken ka at gusto mong magpaka emo ipure mo na lang yung gin para masaya. Ngayon kung kumpleto na yung mga ingredients mo kumuha ka na ng katamtamang laking baso at ilagay ang vodka or gin at haluan ng mga ingredients. Dahan dahan lang sa paghalo para mas masarap. Kaya ka nasasaktan kasi gusto mo mabilisan lahat. Kung gaano kayo kabilis na nag usap at naging close ganun din kabilis siyang nawala sayo. Pag nahalo na lahat ng ingridients tada! pwede mo nang tikman at inumin ang iyong masarap na Vodka ala Parchita. Pwede mo ring alukin yung kasama mo sa bahay para di ka solong nag eemo. Minsan kaylangan mo rin ishare at sabihin sa iba yung bigat ng nararamdaman mo para mabawasan yang sakit sa dibdib mo. Oh siya, sana nag enjoy ka sa pagbabasa kahit alam kong ang labo ng pagkakasulat ko nito. Sa totoo lang mema lang naman ako, kalahating totoo yung laman, kalahating walang katuturan. Alam ko medyo malabo ding intindihin katulad ng relasyon nyong malabo din at kasing labo niyang kausap. Umaasa ako na kahit malabo itong intindihin kahit paano naaliw ka rin. Ciao!
Drawing na lang muna
So dahil nga sa Covid maraming gala ang di natuloy. Katulad ko, yung inaasam kong paliligo sa beach noong summer drinowing ko na lang. Sabagay kahit noon pa man yung mga plano naming magkakaibigan na gala laging nauuwi sa drawing. Kaya nga naging magagaling kaming drowerist hahahaha So ayun nakokontento na lang sa pagtingin ng magagandang sceneries sa google o kaya naman manood na lang ng mga video magagandang lugar sa instagram at youtube. Pero di pa rin nawawalan ng pag asa na isang araw matatapos din lahat ng ito at yung makulay na drawing ay magiging totoo rin. Sa ngayon tiis tiis muna tayo dito sa kwarto galera o kaya naman kung sobrang bored na bored ka na talaga ikutin mo lahat ng sulok ng bahay nyo. Ang importante safe tayo dahil kung hindi tayo safe paano pa natin makukulayan ang ating magagandang drawing at paano pa natin magagawa ang mga galang halos tatlong buwan na nating pinagpaplanuha. Huwag tayong mawalan ng pag asa na isang araw makakabalik din tayo sa totoong normal hindi yung new normal. Balang araw o kaya isang araw malaya ulit tayong makakapag lakad lakad sa labas na walang inaalalang sakit na pwedeng dumapo at kumitil pa nga ng buhay natin. Kaya sa ngayon maging masaya at positibo na lang tayo, positibo sa outlook natin sa buhay hindi positibo sa virus hehe.
Scam
You are special. Promise I will never leave you. Mga salitang masarap mapakinggan, masayang basahin. Dahil nga quarantine siguro lahat naman tayo bored at burong buro na sa bahay kaya naman kahit sino na lang mag chat basta mukhang okay na tao na naman papatulan na lang natin basta may pampalipas lang ng oras. Pero minsan dapat nmtaying mag ingat na di magpadala sa mga matatamis ant mabulaklak na mga salita. Huwag ma touch ng sobra kung feeling mo linalaan na niya sayo ang oras niya kasi walang forever sa huli made in China pa rin yung mga pananalitang yan. Hinay hinay lang sa mga late night at magdamag na convo ninyo kasi wala ngang forever sa huli matatapos din yan at maiiwan kang nasasaktan at luhaan. Kaya kilig moderately lang ah. Huwag kang masyadong ma attached sa tao lalo na kung di mo naman talaga kilala ito sa personal. Di rin naman masamang makipagkaibigan basta ang importante responsable ka at marunong mag control ng feelings mo. Sabi nga madaya ang puso ng tao, baka feeling mo lang na may feelings kayo sa isa't isa pero ang totoo overwhelmed ka lang kasi may nagbibigay ng pansin at oras sayo sa panahong ito na marami ang naghahangad ng oras at pansin. Lahat naman tayo ayaw masaktan pero kadalasan kasi tayo lang din naman ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Expectations. Yung expectations natin na di naman nangyayari yung yung madalas na makasakit sa atin kaya ang payo ko, wag masyadong mag expect. Sabi nga hope but never expext because expectations postponed makes the heart sick. Kaya laging tatandaan ang mga limistasyon. Pero kung adventurous kang tunay at wala kang pakialam kung masaktan ka man sige lang. Diyan naman tayo madalas natututo eh, kapag nagkamali at nasaktan tayo natututo tayo. Ewan ko nga ba sa tao kung bakit ganito, gusto pang masaktan bago matuto. Siguro nature na rin naman talaga yan ng tao. Kaya anong punto ko? Wala naman bored lang, di ko nga rin maintindihan kung anong pinag sasabi ko dito. Ang importante may maisulat. Kaya kung pinaglaanan mo ng panahon na basahin ang article kong ito sana hindi ka isa sa na scam ng mga made in China na mga pananalita hehehe
Tanong ko lang
Baguhan lang po kasi ako sa website na 'to. Ang totoo niyan kagabi lang ako nag sign up dito kasi kagabi lang din nagkaroon ng data. Sabi nila kaylangan lang daw habaan yung sinusulat mo at kaylangan original mo talagang gawa. So yun nga dahil mahilig naman akong magsulat, medyo nakapagsulat na din naman ako ng kung ano ano at yung iba nga wala naman talagang kakwenta kwenta, mema kumbaga. Ang importante nakapagsulat ako ng orihinal na akda. Kaya ngayon meron na kong nasa more than 40 points pero di ko alam kung paano mag cash out dito. Ilang points nga ba ang kaylangan para makapag cash out? Sinusunod ko naman yung mga nabasa kong rules dito kaya nga heto ko kahit simple lang naman ang tanong ko pilit na pinapahaba ito upang sa ganun ay pasok pa rin sa sinasabi nilang rules. Sa kung sinuman po na makakabasa nito sana po mapansin ninyo ito at masagot ang aking katanungan. Maraming salamat po sa sasagot. Huwag po kayong mahihiyang mag comment at maaappreciate ko po talaga yung mga sagot ninyo. Muli maraming salamat!
Ang Brickgame Bow
Brickgame - habang bored na bored ako sa bahay dahil nga naka quarantine naghanap ako ng pampalipas ng oras na app sa playstore at nakita ko tong larong ito. Naalala ko nung bata ako meron kaming pulang brickgame ng kapatid ko. Pinag aagawan namin lagi yun pero dahil ako ang panganay ako lagi ang nagpaparaya sa kanya wag lang siyang umiyak, siyempre pag umiyak kasi siya mapapalo ako. Masaya kaming naglalaro ng brickgame at nakakatuwang isipin na nung panahon na yun brickgame lang masaya at kontento na kami samantalang ang mga bata sa panahon ngayon gusto tablet o kaya naman smart phone. Magrereklamo pa nga yan kapag cherry mobile lang ang binili sa kanila. Ang sarap balikan ang mga alala ala ng kabataan kung saan mga simpleng bagay lang ang nakakapagpasaya sa atin. Yung tipong kapag may brickgame ka ikaw na yung sikat sa mga kabarkadang uhugin. Ang sarap balikan ng mga araw kung saan wala kang dapat problemahin kundi kung paano ka makakatakas sa nanay mo pag oras ng siesta sa tanghali. Tatakas ka para makapaglaro sa lansangan sa labas. Mas masaya pa rin talaga yung mga pisikal na laro, yung kahit masaktan ka ng kalaro mo, madapa, o mahulog ka man sa puno dahil sa kapusukan mo pero at least natututo kang makipag kapwa tao at makibagay. Di tulad ngayon, halos di mo na makausap yung ibang bata dahil sobrang busy sila kakapindot sa mga cellphone nila. Busy mag tiktok, mag youtube. Wala din namang masama dun kasi yan na ang uso sa ngayon. Ang importante nag eenjoy at safe. Sa ngayon kasi mahirap din kung magiging maluwag ang magulang at payagang maglaro sa labas ang mga anak nila, mahirap na baka mahawa pa ng nakakamatay na sakit. Kaya okay lang kahit maburo sa loob ng bahay. Lumalayo na yata ako sa brickgame. Oo nga pala yung brickgame isang laruan yan ng mga batang 90's na kung saan mag eenjoy kang laruin. Lalo na kapag narinig mo yung tugtog ng laruan mas gaganahan kang maglaro. Pero mas masaya kapag may nag aabang na ma game over ka pero dahil magaling ka matagal ka ma game over at sabik na sabik at inis na inis naman yung nag aabang. Masayang asarin yung kalaro mo tapos maya maya magbabangayan na kayo hanggang sa paluin kayo ng nanay o kaya ng tatay nyo. Pero pagkatapos lang ng ilang minuto ayan na naman, maglalaro na naman kayo. So, ano yung punto? Wala naman gusto ko lang magsulat ng kahit ano para mag ipon ng points dito. Maraming salanat kung binasa mo to. Sana nag enjoy kang balikan ang masayang araw noong bata ka pa.
Kape
Tara kape tayo! Isa ka rin ba sa mahilig magkape? Yung tipong kahit sobrang init ng panahon at feeling nasa sauna ka kahit nasa sala naman talaga pero magkakape pa rin. Kape is life kasi haha. Ano nga ba ang kape. Ang kape ay isang likidong tinitimpla. Kaylangan siguraduhin mo munang may mainit na tubig bago ka magtimpla ng kape. Ang sakit kasi kapag yung kapeng kape ka na tapos pagkuha mo ng thermos ang gaan pala. Mas masakit pa sa pang go-ghost niya sayo hahaha. Pero okay lang naman yun kung may electric heater kayo sa bahay. Feeling rich kid ka kasi. Tapos siguraduhin mo rin na may kape at asukal kayo siyempre. Pwede na yung nescafe pero kung medyo choosy ka dun ka na sa 3 in 1. Masarap yung kopiko blanca meron din namang nescafe creamy white at mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung para kanino ka bumabangon. Para kanino nga ba? Sa panahon ngayon ako di ko na alam kung para kanino ako bumabangon, sa loob ng tatlong buwan na lumipas pare pareho lang naman ang ginagawa ko sa araw araw kaya minsan naiisip ko bumabangon na lang ako para magkape. Kung di siya nang ghost eh di sana para sa kanya ako bumabangon hahaha
Heto ko ngayon nagsusulat ng walang ka kwenta kwentang bagay habang nagkakape. Ang importante kasi makapagsulat ng mahaba kahit walang katuturan yung kwento mo. Nanood rin ako ng balita habang nagkakape. Tinatanong nila kung dapat na nga bang luwagan sa GCQ o dapat ibalik sa ECQ. Okay lang naman kahit anong maging desisyon nila kasi kahit naman matapos ang quarantine iku-quarantine pa rin naman ako ni mama dito sa bahay. Kahit nga nung wala pang quarantine parang naka quarantine na din ako dahil di pinapalabas kaya wala rin namang pinagbago. Basta ang importante nakakapagkape pa rin.
Magandang umaga
Magandang umaga mas maganda ka pa sa umaga hahahaha So ayan panibagong araw na naman, hindi pa nga tumitilaok ang mga manok nagsisimula na namang mag ingay si mama. Minsan di ko alam kung anong pinaglalaban niya. Eh naka quarantine naman at walang pupuntahan kaya di ko maintindihan kung bakit kaylangang gisingin niya kami ng napaka aga araw araw. Para bang ang sakit sa mata niya na tingnan kaming naka hilata pa ng ala sais. Kapag nagsipag gisingan naman kami magagalit kasi maiingay. Ano ba talaga ma? Ang gulo mo kausap.
So ayan na nga alas singko pa lang naririnig ko nang may maingay sa kusina. Nag papakulo na ng tubig si mudra para paggising namin magkakape na kami. Ay choosy nga pala yung iba dito, kaya mag ma milo sila haha
Alam ko puro walang katututan itong sinusulat ko. Wala lang kaylangan lang kasing may maisulat para dumami yung points hahaha
Kagabi ala una na ko natulog para lang makapagsulat ng kung ano ano dito haha sorry na pers timer eh. Pero sa totoo lang talaga umaasa ako na makaka pay out din ako mula sa website na ito. Sabi nila legit naman daw talaga dito kaylangan lang sumunod sa rules, habaan yung isinusulat at maging original. Original naman yung sinusulat ko. Mula mismo at fresh na fresh pa mula sa isipan ko, kasing fresh ng inaning patola at petchay ni mama sa bakuran kanina. At kung usapang gulay naman, ayan na naman yung mga tsismosang kapitbahay namin. Nung nagtatanim pa lang tawa ng tawa, kung makatawa akala mo wala nang umaga. Tapos nung namunga na yung tanim mas nauna pang umani kaysa sa amin. At ang masama pa inaalok pa sa iba hindi naman sakanya nakakatawa lang hahahaha Pero buti na lang at mabait kami okay lang mang hingi ang mga kapitbahay basta tirahan naman kami. Mas okay nga yun kasi kahit halos lahat ng tsismosang kapitbahay nanghihingi araw araw, di naman nauubusan ng bunga ang mga tanim at masaya din naman na nakakapagbigay kami ng tulong kahit papaano lalo na sa mahirap na panahong ito.
Mahaba na din pala to di ko napansin. Pag kasi nagsusulat ako minsan nakakalimutan ko ang oras. Kaya nga nakakatuwa na mayroong website na katulad nito at para kahit papaano yung hilig ko sa pagsusulat ng kung ano ano ay mapagkakitaan naman. Matagal na kong naghahanap ng legit na website na mababayaran talaga ako pero karamihan kasi may mga task na dapat gawin ang tagal bago makapay out. May tiyaga naman ako kaso nakiki connect lang sa wifi ng kapitbahay dahil nga mahirap lang hehe kaya minsan wala din, di makaconnect dahil mahina ang signal. Pero napapagtiyagaan naman. Kaya heto ko ngayon umaasa na sana totoo na to.
Oh siya tama na muna to. Tara kape tayo!
Muni muni
Magandang gabi po sainyong lahat (ay umaga na nga pala dahil lagpas alas dose na) so heto ako ngayon dahil hindi na naman makatulog ginigugol ko na lang yung oras dito sa read cash. Pampalipas oras kumbaga. So ayun nga, di na naman makatulog dahil sa pag iisip at pagmumuni muni ng mga bagay bagay. Iniisip kung anong mangyayari sa susunod na araw. Sabagay, wala din namang magbabago siguro. Ganun pa rin, tambay pa rin sa bahay. Tatlong buwan nang ganito kaya medyo nasanay na rin naman pero ganunpaman di pa rin maiiwasang mag isip kung babalik pa ba sa dati ang lahat o kung matatapos pa ba ang paghihirap nating ito. Grabe no? Sino bang mag aakalang sa isang iglap lang pwedeng magbago ang sitwasyon ng mundo na gigising ka na lang kinaumagahan na maririnig mo sa balita puro tungkol sa lumalaganap na sakit at ipinapaalam na hindi na muna pwedeng lumabas ng bahay ang lahat. Isa, dalawa, tatlo, ilang linggo na ang lumipas at patuloy na lumalala ang sitwasyon. Hanggang sa lumipas na ang ilang buwan at heto tayo halos walang pinagbago.
Sana kung paanong biglang nagbago ang sitwasyon at naging ganito bigla na lang ding magbago at bumalik sa dati.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Si Lola
Siya si Lola, aso namin siya haha kapag pinapagalitan namin siya at may nakakarinig inaakala nila na mga walang modo kaming apo kasi akala nila tao yung kausap namin yun pala aso. Napunta samin si lola 2007 second year high school pa lang ako nun. At dahil nga wala nang bata sa bahay siya yung naging baby namin hanggang sa lumaki na mga siya at nagkaroon na ng mga anak at apo. Tinawag namin siyang lola kasi sobrang tanda na niya. Mag thirteen years na sana siya kaso nung May habang nasa ECQ, nagising na lang akong nakahandusay sa sahig si Lola - wala ng buhay. Napakasakit dahil tila nawalan kami ng isang miyembro ng pamilya. Parang kapatid na ang turing namin sa kanya kaya ang pagkamatay ni Lola ay isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Kaya sana pahalagahan natin yung mga alaga natin habang buhay pa sila.
Maraming salamat sa pagbabasa 💛
Sana legit na
Hello ako nga pala si Esciisc. So ayun na nga nakita ko lang sa facebook and tungkol sa website na 'to at di naman masamang umasa na legit nga talaga siya. Alam nyo kasi guys maraming beses na kong napaasa ng mga gpt websites na yan. Yung ang gaganda ng mga promises nila na kesyo mag invite ka lang ng isa may $10 ka na, yung tipong naka ipon ka nga ng $500 worth na referral tapos scam naman pala 😅 Ang sakit lang sa puso, mas masakit pa sa katotohanang di ka crush ng crush mo 😂
Pero eto na nga, nakita ko tong website na to at sabi sa mga reviews legit naman daw ang pay out. So eto ulit ako, parang sa love kahit ilang beses man akong mabigo at maghost babangon at babangon pa rin hanggang sa makita na si the one. Sana etong website na to na ang the one na makakapag cash out talaga ako.
Maraming salamat sa pagbabasa. Sana ilike nyo to. At sana naman madagdagan nayang 2 pesos sa coins wallet ko.
Please take time to read
This is my first time writing in this website and I'm really hoping that I will be able to earn some money here. I already came across a lot of get paid to website which have very promising deals but in the end after investing my time and effort, I only got heartbreaks. But life must go on, here I am trying this website hoping that this is indeed for real this time. I can say that I am not a very good writer, I only write as a hobby and most of my writings are about my real feelings. So really hope you guys will support me though my writings aren't perfect.