Labada
Ako lang ba? Ako lang ba yung tamad na tamad maglaba? Oo alam ko naman na ang paglalaba ay parte na ng buhay ng tao. Kasi kung hindi mo lalabhan ang mga damit mo, babaho ka 🤣 Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay, pero dito sa bahay dalawa lang ang talagang naglalaba, ako taga sampay lang. Minsan naiisip ko din na sisihin si nanay kasi hindi niya ko sinanay na maglaba nung bata pa ako. Hehe di naman sa pagmamayabang pero nung medyo bata pa kasi ako feeling rich kid ako kaya may taga laba at taga plantsa kami. Pero dahil nga walang permanente sa mundo, hindi naging consistent yung business nila nanay at tatay kaya feeling rich kid no more na ako. Pero ganunpaman hindi ko pa rin kinagawian ang paglalaba. Marunong naman ako pero tamad nga lang. Marunong akong maglaba, hindi lang talaga yin ang linya ko. Yung tipong kahit naka washing machine na pero yung isang plangganang labahan aabutin ako ng halos kalahating araw bago matapos yun. Oh wag maging judgemental agad. Sa paglalaba lang naman ako di magaling. Yung ibang gawaing bahay hustler ako diyan. Magaling akong magluto at masipag din ako maglinis, go rin agad ako pag nautusang mag sampay. Wag lang talagang maglaba. So yun nga, beastmode lagi yung kapatid ko kasi ako daw pinakamasipag magbihis pero pinakatamad naman maglaba. Pero sinusuklian ko naman yun sa pamamagitan ng pagluluto ng masasarap at masusustansiyang pagkain para sa kanila. Kumbaga kanya kanya lang tayo ng role sa mundo. May mga strenghts ako na wala sa kanila and vice versa. Minsan naiisip ko na isa din yan sa dahilan kung bakit ayoko munang mag jowa dahil siyempre pag nag jowa ka, posibleng mauwi yun sa marriage and siyempre once na married ka na di na pwedeng iasa mo sa kapatid mo yung labada. Kaya mas okay na magpaka single kung hindi pa kayang akuin ang mabigat na responsabilidad sa labahan 😂 (Photo credits to the rightful owner)
2 comments
Relate much.. minsan makita ko lang yung tambak na labahin nanlalambot nako parang gusto kong humiga nalang ulit kaso kaylangan gawin kung hindi lalong tatambak at kawawa mga ckikiting wala susuotin😅 buti nalang nga may asawa akong masipag at matulungin minsan sya naglalaba kahit minsan pagod din sya sa work sinasabi nya ayaw nya daw kase ako mapagod..hehe pero syempre tinutulungan ko sya minsan pag hindi nagliligalig si baby at minsan ako nalang nagawa lahat naawa din kase ako kay hubby baka lalo magkasakit dahil sakin..😅😅
Good for you po na may masipag kang hubby na handa kang tulungan maglaba. Mapapa sanaol na lang talaga yung iba. hahahaha