Muni muni
Magandang gabi po sainyong lahat (ay umaga na nga pala dahil lagpas alas dose na) so heto ako ngayon dahil hindi na naman makatulog ginigugol ko na lang yung oras dito sa read cash. Pampalipas oras kumbaga. So ayun nga, di na naman makatulog dahil sa pag iisip at pagmumuni muni ng mga bagay bagay. Iniisip kung anong mangyayari sa susunod na araw. Sabagay, wala din namang magbabago siguro. Ganun pa rin, tambay pa rin sa bahay. Tatlong buwan nang ganito kaya medyo nasanay na rin naman pero ganunpaman di pa rin maiiwasang mag isip kung babalik pa ba sa dati ang lahat o kung matatapos pa ba ang paghihirap nating ito. Grabe no? Sino bang mag aakalang sa isang iglap lang pwedeng magbago ang sitwasyon ng mundo na gigising ka na lang kinaumagahan na maririnig mo sa balita puro tungkol sa lumalaganap na sakit at ipinapaalam na hindi na muna pwedeng lumabas ng bahay ang lahat. Isa, dalawa, tatlo, ilang linggo na ang lumipas at patuloy na lumalala ang sitwasyon. Hanggang sa lumipas na ang ilang buwan at heto tayo halos walang pinagbago. Sana kung paanong biglang nagbago ang sitwasyon at naging ganito bigla na lang ding magbago at bumalik sa dati. Maraming salamat sa pagbabasa.
2 comments
may awa ang diyos. may godbless you po ❤️💜💚 payakap po 🙏
Oo nga po. Maging positibo na lang po yung pananaw natin sa buhay. Matatapos din lahat ng ito. Diman agad agad sa ngayon pero for sure soon wala na to.