read.cash Log in
@esciisc more from that month

Drawing na lang muna

So dahil nga sa Covid maraming gala ang di natuloy. Katulad ko, yung inaasam kong paliligo sa beach noong summer drinowing ko na lang. Sabagay kahit noon pa man yung mga plano naming magkakaibigan na gala laging nauuwi sa drawing. Kaya nga naging magagaling kaming drowerist hahahaha So ayun nakokontento na lang sa pagtingin ng magagandang sceneries sa google o kaya naman manood na lang ng mga video magagandang lugar sa instagram at youtube. Pero di pa rin nawawalan ng pag asa na isang araw matatapos din lahat ng ito at yung makulay na drawing ay magiging totoo rin. Sa ngayon tiis tiis muna tayo dito sa kwarto galera o kaya naman kung sobrang bored na bored ka na talaga ikutin mo lahat ng sulok ng bahay nyo. Ang importante safe tayo dahil kung hindi tayo safe paano pa natin makukulayan ang ating magagandang drawing at paano pa natin magagawa ang mga galang halos tatlong buwan na nating pinagpaplanuha. Huwag tayong mawalan ng pag asa na isang araw makakabalik din tayo sa totoong normal hindi yung new normal. Balang araw o kaya isang araw malaya ulit tayong makakapag lakad lakad sa labas na walang inaalalang sakit na pwedeng dumapo at kumitil pa nga ng buhay natin. Kaya sa ngayon maging masaya at positibo na lang tayo, positibo sa outlook natin sa buhay hindi positibo sa virus hehe.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.