Sana may magbasa
Katanghaliang tapat at heto ako sa duyan. Nag iisip na naman ng bagong tema na pwede kong isulat sa read cash habang nakatunganga sa aming patay na telibisyon. Oo isa rin ako sa mga millenials na mahilig magbabad sa mba social media at messaging apps. Ma pa facebook, instagram, messenger, whatsapp, telegram at google yan ang tambayan ko lagi. Pero ang nakakatawa lang kasi mula nang mag sign up ako dito sa read cash nawalan na ko ng gana magbabad sa mga social networking sites na yan. Sa ngayon nakababad ako sa website na to o kaya naman sa notes application ng cellphone ko. Nagsusulat lang ng kung ano anong pumasok sa aking isipan. Minsan nga di ko na alam kung anong patutunguhan ng sinusulat ko basta sulat lang ng sulat ang importante humaba ang sinusulat ko pero madalas din na di ko namamalayan na isinusulat ko na yung mga nasa isipan ko. Katulad ngayon. Kanina lang iniisip ko pa kung paano sisimulan ang bago na namang article na isusulat ko pero heto ako ngayon at kung ano ano na ang sinabi. Sa totoo lang hindi pa ko nakakapg pay out sa website na to pero ang dami kong nababasang nagsasabing nakapay out na sila at nagbibigay iyon ng pag asa sa akin na sana'y totoo na nga ito. Na sana ay hindi 'to katulad ng ibang paasang website na sinubukan ko dati. Yung mga GPT website kasi dyan karamihan mga paasa parang siya paasa rin. Ilang beses na rin akong umasa sa mga bitcoin mining website na yan, sa una okay naman kaso habang tumatagal pag malapit mo nang maabot yung minimum withdrawal bigla na lang na hindi mo na maacces yung site. Ang saklap diba? Buti na lang talaga at panahon lang ang pinupuhunan ko sa mga website na yan. Di pa naman ako umabot sa puntong na scam na may kasamang pera haha. Kaya kung isa ka sa nagbabasa ng article na to pa comment at like naman. Hehe support po natin ang isa't isa at magtulungan tayong patunayan na legit nga itong part time.
18 comments
Pariho Lang po tayo wala na maisip na Isulat kasi halos lahat ng laman ng, utak ko na piga ko na at na Isulat hahahah
Kaya nga po. Kahit di naman na relate dun sa sinusulat mong topic isusulat mo pa rin basta pumasok sa isip mo hahahaha
Kaya nga po hehe hirap mag isip Lalo na Kung wala na maisip. Pero OK lng kasi Para naman sa points Kaya sige sulat Lang ng sulat hahaha
Sasakit nalang Ang ulo mo kakaisip Kung ano Ang isusulat na article lahat Kasi na Alam ko ay na ipupublish na.
Kaya nga po Kaya minsan Asa na Lang din ako na kaka comments at kaka like sa mga post ng iba kasi, kahit papano may points din na na kukuha sa mga PA ganun ganun Lang.
Keep doing Bebs. keri yan. Kung ano lang maisip okay na yan atleast di ka Kumuha o Nangopya sa iba. Keep it up Bebs ❤️💜💚
Kaya nga po. Ang importante sariling gawa. Salamat sa comments at encouragement. Happy earnings to us 💛
😊🙏😊😊
Mas maganda nga po yan kahit na hihirapan tayo wag lang talaga manguha at mangopya.
Hehehe sana all mahaba ang post diba sana nga legit ito ang dami na kasing paasa na site ngayon wasting time lang nakakinis lng puro scam naman.
same tayo, dito na ako lagi sa read.cash tumatambay.. pero ngayong umaga lang, madami akong nababasa na di daw nake-credit ang points na 20 pag nag post at naapprove sa community. totoo ba ito? d pa kasi ako nakaka pag publish ngayong araw.
Mahirap magisip ng kung ano topic na naman ang isusulat mo. Sabi nga dito sa read.cash faqs tungkol sa kung anong artikulo ang pwede mo isulat. Kahit ano basta pumasok sa isip mo. Kapag nasimulan mo na, magtataka kana lang tuloy tuloy na ang pagsulat mo. Wag daw masyadong pagisipan, mas madami kang makukuhang views kung isusulat mo yung bigla nalang sumagi sa isip mo. Nakapag send na din ako dito ng cash sa coinsph ko. Maliit lang na halaga ang mahalaga legit talaga tong site na to. Paunti unti lang hanggang sa dumami ang points mo. Tulungan lang ang kailangan dito at skill sa pagsusulat.
Tamang isip Lang din ano maiisusulat ko ulit. Nakakainis na din kase mg idea hahahha nakka drain pala
haha yung feeling na para kang ballpen na nasaid na yung tinta 😂 Pero baka po makatulong to, ako kasi ang ginagawa ko tumitingin ako sa mga bagay sa paligid tapos magsisimula akong idescribe yung bagay na yun then habang tumatagal, bubuhos na lang ng kusa yung mga ideya. Maganda rin kung magtitingin ka ng mga pixtures sa gallery. Pwede mong gawan ng kwento kung anuman ang makita mong nakasave dyan.
Keep it up. Kayang kaya yannn!
Trying to make din kaso PARANG di Naman ako ganun kabihasa kaya Kung ano ano nalang Ang maipublish mgka earn lng . May tanong ako may minimum lng ba Ang pg publish sa isang community or sa page ko? Maraming salamat sa sasagot happy earnings read.cash
Araw araw ba naman tayong nagpopost dito nawawalan din ng topic. Minsan nga nagpapagawa ako ng essay sa mga kaibigan ko kasi sakit na ulo kakaisip kung ano isusulat. Hahaha Keep writing po. Happy earnings :)
One day pa lang naman kasi ako dito kaya medyo marami pang nasasabi hahaha pero for sure di tayo mauubusan nangbsasabihin kasi iba iba naman ginagawa natin sa araw araw. pwede tayong kumuha ng idea kung anong isusulat sa mga everyday routine natin. Happy earnings po!