read.cash Log in
@esciisc more from that month

Si Lola

Siya si Lola, aso namin siya haha kapag pinapagalitan namin siya at may nakakarinig inaakala nila na mga walang modo kaming apo kasi akala nila tao yung kausap namin yun pala aso. Napunta samin si lola 2007 second year high school pa lang ako nun. At dahil nga wala nang bata sa bahay siya yung naging baby namin hanggang sa lumaki na mga siya at nagkaroon na ng mga anak at apo. Tinawag namin siyang lola kasi sobrang tanda na niya. Mag thirteen years na sana siya kaso nung May habang nasa ECQ, nagising na lang akong nakahandusay sa sahig si Lola - wala ng buhay. Napakasakit dahil tila nawalan kami ng isang miyembro ng pamilya. Parang kapatid na ang turing namin sa kanya kaya ang pagkamatay ni Lola ay isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Kaya sana pahalagahan natin yung mga alaga natin habang buhay pa sila. Maraming salamat sa pagbabasa 💛

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.