Sinaing.... Bow
Ano ba ang sinaing? Yan yung pagkain na hindi mawawala sa hapag kainan nating mga Pilipino. Yung feeling na hindi kumpleto and meal mo kung wala yung kanin. Kumbaga yan ang kumukumpleto sa isang masarap na menu. Kahit gaano pa kasarap ang ulam kung wala naman kanin di mo pa rin maeenjoy ang kumain. So ano bang pinaghuhugutan ko sa pagsulat ng artikulong ito? Yung sinaing ng kapatid ko kagabi na parang jowa na ng lugaw. Nakakawalang gana tuloy kumain, sinangag nga namin kaya parang kumain akong ng sinangag na malagkit. Alam nyo ba nung medyo bata pa ko napakahigpit ng nanay ko kaya naman kapag nagsaing kami tapos hindi maayos, kunyari tutong o kaya naman nadamihan ng tubig ipapaubos talaga yun ng nanay ko sa kung sinong nagsaing nun kahit gaano pa kadami. Pero ngayon hindi na siya ganun kahigpit sa mas nakakabatang kapatid ko kaya medyo nakakainis ng konti. Kaya di tuloy nagtatanda kahit mas malalaki pa sila sa akin (since nabansot nga ako dahil sa pag aalaga sa kanila noon haha paniniwala ko lang yun para di masyadong masakit na masabihang pinakamatanda pero pinakamaliit), ang lalaki na pero di marunong magsaing ng maayos. Sabi nila kapag daw marunong ka nang magsaing pwede ka nang mag asawa. Maaaring iisipin natin na kalokohan o kaya biro biro lang ng matatanda yan. Pero kung pakaiisipin natin may sense naman kasi paano nga naman kung mag aasawa ka na pero di ka marunong kahit magsaing man lang? May nakikita akong mga kabataan minsan na nagpopost sa social media na proud na proud pa na hindi sila marunong magluto. Na kung magluto man sila tutong o kaya hindi maganda ang lasa. Pero ka proud proud nga ba yun? Para sa akin hindi pero iba iba naman ang pananaw natin sa buhay kaya di ko alam kung sang ayon kayo dun. Ang importante masaya tayong lahat habang kumakain ng mainit na sinaing na may kapartner na masarap na ulam. Pero minsan may mga pagkakataon talaga na kahit hindi natin sinasadya pwede maging hilaw ang sinaing hehe so bibigyan ko kayo ng malupit na kusina hacks para maluto ang sinaing at di magalit mga kasama nyo sa bahay. • Pinakamadalas gawin ng lola ko dati nilalagyan ng asin ang takip ng kaldero. Ewan ko ba kung anong konek nun para malut yung sinaing 😅 Basta kung wala kang ibang option eto na lang gawin mo. • Kung may puno ng saging naman malapit sainyo eto proven and tested na effective. Kumuha ka ng isang buong dahin ng saging siyempre kasama dun yung stem. Then alisin mo yung dahon hanggang sa stem na lang ang natira. Pag putol-putulin ito at itusok sa hilaw na sinain at hayaang maluto ito. • At ang pinakahuli, pwede namang kumuha ka ng basahang malinis, pwedeng tela o damit na di na ginagamit at basain ito, pigain para di tumutulo ang tubig at ilagay sa ibabaw ng sinaing na hilaw at buksang muli ang kalan. Kung wala naman kayong kalan aba simulan mo nang mavparikit muli ng kahoy o uling kahit ano pa yan ang importante maluto yung sinaing. So yun lang. Sana nakapaghatid na naman ito ng kahit kaunting kaalaman sainyo. Comment din kayo ng kwentong sinaing nyo 😁
23 comments
Naalala ko sir kuya ko dito sa sinaing na article mo hehe sa tuwing nag sasaing ako or mga kapatid ko laging nasusunig kaya laging nagagalit sa amin haha nawawalan ng gana kumain kuya ko kami nalang kumakain ng marami hehe
hahahaha ganun po talaga siguro karamihan ng nakakatandang kapatid. Bantay sarado ang mga nakakabata kapag nagsasaing. Para sa kanila naman yun. Para matutong magsaing ng masarap haha
bantay sarado sakin sinaing namin yun nga lang minsan lata ahahaha
hahahaha minsan di talaga naiiwasan yan tapos ang sisisihin ng mga nanay natin ying cellphone. Kaya nalalata yung sinaing dahil daw sa kaka cellphone 😂
hahah tama ka dyan. minsan sunog pa hahah
Sinaing yan ang dapat na gawin sa bigas par mging kanin at maari nang makain . Mdaming ksabihan o kaugalian sa pag sasaing naruon yung sinasabi na pg lalagay ng asin sa itaan ng kaldero para hindi mahilkaw at maluto ng maayos at madami pang iba. Kaya kami d2 sa bhay rsa rice cooker na ng sasaing para cgurado na hindi mahihilaw ang kanin basta nga lang na siguraf=duhin ang itatakala o ilal;agay na tubig sa sinaning.
Sanaol may rice cooker hahaha pero kahit may rice cooker ka kung nakalimutan namang pindutin pagkatapos isaksak yun ang masaklap lalo na kung kakain na saka mo pa lang narealize na di mo pala napindot yung 'cook' 🤣
sinabi mo pa kagaya lang sa panganay ko nung isang gabi lang nag saing nga sa rice cooker abay nakalimutan nmn pla i i down panoi kaya mluluto yun hahahaha
Sinaing na kapag di naluto ng maayos nilalagyan ni mama ng asinsa ibabaw ng takim. Ewan kung bakit. Perocsabi nya nakatutulong daw yun para marevive yung sinaing na hilaw. Hahaha😂
Sinaing sa tagalog, lung,ag sa bisaya,,ibat ibang salita pero parehas kinalabasan,, sinaing yan ung ay kasama na sa pang araw araw nating gawain,, at ngayun sa ating madali nalng gawin kc my mga rice cooker na,, nuon uling pa ang genagamit at kahoy,,
May rice cooker kami pero kapag ako ang nag sasaing mas gusto kp pa rin magluto sa kahoy o sa kalan. Ewan ko ba di ako masyadong nasasarapan sa kanin na niluto sa rice cooker. Pero kapag tinatamad pwede na rin pagtiyagaan hehe
Ito yung sumisira sa diet ko ehh.Ang sarap kasi talaga ng kanin.Lalo nat masarap din ang ulam.Kanin is life po talaga ako.Gutumin kasi ako lalot nagpapadede pa ako sa baby ko.
Mas feel q magsaing sa kahoy kc mabilis magluto at ang pinaka gusto q dun ung my totong sa ilalim,, na napaka Bangor ng Amoy,, kesa sa rice cooker,, madali masira ang kanin pag ka kulob 🙃
Kaya nga po. Mas mabilis magsaing sa kahoy at matagal din mapanis. Yung iba pasosyal na ayaw na magluto sa kahoy mas gusto sa rice cooker.
Ako naalala ko nag magaling kc ako akala ko marunong nako mag sangag..palpak kundi maalat matamis nilagyan ko ng asukal sakin tuloy pinaubos.
This is very true. Salamat sa pagshare, un nga lang ang hrap mgluto ng gnito sa Manila dhil maraming reklamador na kapitbahay.
Ay talaga po ba? Mahirap kapag ganyan. Dito kasi saamin sa probinsya uso pa rin yung ganyan at walang nagrereklamo.
Kanin is life ikaw nga ng iba. Sana lahat marunong magsaing ahahahahah marunong naman ako pero di ko talaga alam pano tantsahin ang dami ng tubig😂
Ang ginagawa ko po simula bata pa ko pag nagsasaing yung tubig ka level nung pangalawang guhit sa gitnang daliri sa kamay. Sakto lang kapag ganun di lata at dinrin hilaw hehe
Haha dati nong Bata Pa ako nahihilawan pa ko kapagasasaing ako kasy de kahoy gamit nmin di katulad ngayon rice cooker na.
Mga kapatid ko nga po naka rice cooker na minsan hilaw pa din ang sinaing haaays
Minsan Po tala nahihilaw Ang sinaing Kasi kapag na cooked na binababa ko ulit Yung pindutan para maluto ulit.
Ganyan din ang Mama ko napaka silan sa kanin ayaw na ayaw nya ng kanin na Lata kasi pag ang sinaing Lata nawawalan sya ng gana kumain Kaya samin nya ipapa ubos lahat Yun. 😂