read.cash Log in
@esciisc more from that month

Scam

You are special. Promise I will never leave you. Mga salitang masarap mapakinggan, masayang basahin. Dahil nga quarantine siguro lahat naman tayo bored at burong buro na sa bahay kaya naman kahit sino na lang mag chat basta mukhang okay na tao na naman papatulan na lang natin basta may pampalipas lang ng oras. Pero minsan dapat nmtaying mag ingat na di magpadala sa mga matatamis ant mabulaklak na mga salita. Huwag ma touch ng sobra kung feeling mo linalaan na niya sayo ang oras niya kasi walang forever sa huli made in China pa rin yung mga pananalitang yan. Hinay hinay lang sa mga late night at magdamag na convo ninyo kasi wala ngang forever sa huli matatapos din yan at maiiwan kang nasasaktan at luhaan. Kaya kilig moderately lang ah. Huwag kang masyadong ma attached sa tao lalo na kung di mo naman talaga kilala ito sa personal. Di rin naman masamang makipagkaibigan basta ang importante responsable ka at marunong mag control ng feelings mo. Sabi nga madaya ang puso ng tao, baka feeling mo lang na may feelings kayo sa isa't isa pero ang totoo overwhelmed ka lang kasi may nagbibigay ng pansin at oras sayo sa panahong ito na marami ang naghahangad ng oras at pansin. Lahat naman tayo ayaw masaktan pero kadalasan kasi tayo lang din naman ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Expectations. Yung expectations natin na di naman nangyayari yung yung madalas na makasakit sa atin kaya ang payo ko, wag masyadong mag expect. Sabi nga hope but never expext because expectations postponed makes the heart sick. Kaya laging tatandaan ang mga limistasyon. Pero kung adventurous kang tunay at wala kang pakialam kung masaktan ka man sige lang. Diyan naman tayo madalas natututo eh, kapag nagkamali at nasaktan tayo natututo tayo. Ewan ko nga ba sa tao kung bakit ganito, gusto pang masaktan bago matuto. Siguro nature na rin naman talaga yan ng tao. Kaya anong punto ko? Wala naman bored lang, di ko nga rin maintindihan kung anong pinag sasabi ko dito. Ang importante may maisulat. Kaya kung pinaglaanan mo ng panahon na basahin ang article kong ito sana hindi ka isa sa na scam ng mga made in China na mga pananalita hehehe

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.