Ano ba ang sinaing? Yan yung pagkain na hindi mawawala sa hapag kainan nating mga Pilipino. Yung feeling na hindi kumpleto and meal mo kung wala yung kanin. Kumbaga yan ang kumukumpleto sa isang masarap na menu. Kahit gaano pa kasarap ang ulam kung wala naman kanin di mo pa rin maeenjoy ang kumain. So ano bang pinaghuhugutan ko sa pagsulat ng artikulong ito? Yung sinaing ng kapatid ko kagabi na parang jowa na ng lugaw. Nakakawalang gana tuloy kumain, sinangag nga namin kaya parang kumain akong ng sinangag na malagkit. Alam nyo ba nung medyo bata pa ko napakahigpit ng nanay ko kaya naman kapag nagsaing kami tapos hindi maayos, kunyari tutong o kaya naman nadamihan ng tubig ipapaubos talaga yun ng nanay ko sa kung sinong nagsaing nun kahit gaano pa kadami. Pero ngayon hindi na siya ganun kahigpit sa mas nakakabatang kapatid ko kaya medyo nakakainis ng konti. Kaya di tuloy nagtatanda kahit mas malalaki pa sila sa akin (since nabansot nga ako dahil sa pag aalaga sa kanila noon haha paniniwala ko lang yun para di masyadong masakit na masabihang pinakamatanda pero pinakamaliit), ang lalaki na pero di marunong magsaing ng maayos.
Sabi nila kapag daw marunong ka nang magsaing pwede ka nang mag asawa. Maaaring iisipin natin na kalokohan o kaya biro biro lang ng matatanda yan. Pero kung pakaiisipin natin may sense naman kasi paano nga naman kung mag aasawa ka na pero di ka marunong kahit magsaing man lang? May nakikita akong mga kabataan minsan na nagpopost sa social media na proud na proud pa na hindi sila marunong magluto. Na kung magluto man sila tutong o kaya hindi maganda ang lasa. Pero ka proud proud nga ba yun? Para sa akin hindi pero iba iba naman ang pananaw natin sa buhay kaya di ko alam kung sang ayon kayo dun. Ang importante masaya tayong lahat habang kumakain ng mainit na sinaing na may kapartner na masarap na ulam. Pero minsan may mga pagkakataon talaga na kahit hindi natin sinasadya pwede maging hilaw ang sinaing hehe so bibigyan ko kayo ng malupit na kusina hacks para maluto ang sinaing at di magalit mga kasama nyo sa bahay.
• Pinakamadalas gawin ng lola ko dati nilalagyan ng asin ang takip ng kaldero. Ewan ko ba kung anong konek nun para malut yung sinaing 😅 Basta kung wala kang ibang option eto na lang gawin mo.
• Kung may puno ng saging naman malapit sainyo eto proven and tested na effective. Kumuha ka ng isang buong dahin ng saging siyempre kasama dun yung stem. Then alisin mo yung dahon hanggang sa stem na lang ang natira. Pag putol-putulin ito at itusok sa hilaw na sinain at hayaang maluto ito.
• At ang pinakahuli, pwede namang kumuha ka ng basahang malinis, pwedeng tela o damit na di na ginagamit at basain ito, pigain para di tumutulo ang tubig at ilagay sa ibabaw ng sinaing na hilaw at buksang muli ang kalan. Kung wala naman kayong kalan aba simulan mo nang mavparikit muli ng kahoy o uling kahit ano pa yan ang importante maluto yung sinaing.
So yun lang. Sana nakapaghatid na naman ito ng kahit kaunting kaalaman sainyo.
Comment din kayo ng kwentong sinaing nyo 😁
Very interesting post