Boss
Paano ba maging boss? Lahat naman tayo gugustuhin atang maging boss eh. Pero paano nga ba ang maging boss?
Tamang maging madiskarte, magtyaga, matalino, masikap at dapat may investment ka din. Kailangan mo pagisipang mabuti ang investment na ilalabas mo.
Di naman pwedeng maupo ka lang tapos magiging boss ka na depende nalang kung pinanganak kang mayaman pero worth it ba yun? Worth it ba na umaasa ka lang sa magulang mo?
Mas masarap sa pakiramdam na naging boss ka dahil sa sarili mong sikap. Mas maipagmamalaki mo sa ibang tao na naging boss ka sa sarili mong company o business sa sarili mong sikap.
Kaya ano pa ginagawa mo, planuhin mo na paano maging boss.
Pinsan
Pinsan? Masarap sa pakiramdam kapag yung pinsan mo kasangga at kakampi mo sa lahat ng pagkakataon. Yung pinsan na matatawag mo din matalik na kaibigan. Yung pinsan na alam lahat ng tungkol sayo. Yung pinsan na aalalay sayo sa oras na walang wala ka na. Yung pinsan na kukutos sayo kapag mali na yung ginagawa mo. Yung pinsan na magtatanggol sayo kapag inaapi ka na ng ibang tao. Yung pinsan na kapatid na turing sayo lalo na kung nag-iisang anak ka lang.
Sana lahat may ganyan pinsan. Sana may pinsan ka din na tulad nyan kasi ako meron.
Bidet
Nakapagtrabaho ka na ba sa isang call cente? Kung oo, alam mo kung gaano kahalaga ang bidet sayo pero kung hindi pa, halika papaalam ko sayo.
Sa mga call center agent napakahalaga ng bidet kasi habang nakaduty ka hindi mo maiiwasan na magbawas lalo na kapag kain ka ng kain ng kung ano ano dahil panlaban nga naman sa antok yun. Dahil sa dami ng agent na gumagamit ng CR araw araw kailangan mo ng panghugas tuwing gagamit ka nito para iwas UTI din. Ginagamit din ito panghugas sa bowl bago gamitin para di ka madapuan ng ano man sakit lalo na sa mga babae na di maiwasan maupo sa bowl.
Meron pang gamit ang bidet, alam mo kung ano? Kapag inis na inis ka sa TL, colleage, manager o sa customer minsan pupunta ka ng CR para magrant at ilabas ang inis mo sa pagwisik ng tubig ng bidet. Pagkatapos nun parang back to normal na lahat.
Maingay
Isa kaming malaking pamilya sa side ng mama ko. Kapag kami ay nagsasama siguradong mawiwindang ka sa ingay lalo na kung bagong miyembro ka ng pamilya.
Usap dito, tawanan dyan, kwentuhan dito at asaran dyan. Sobrang saya kapag magkakasama kami yung parang wala ng bukas lalo na kapag matagal na di nagkita kita. Sobrang saya kahit simpleng handaan lang ang naganap.
Milktea
Sa init ng panahon ngayon nangangailangan tayo ng pantawid uhaw o kahit anong palamig.
Kasama ko ang pinsan ko at asaw ng pinsan ko, napag-isipan namin na magpabili ng milktea sa isa ko pang pinsan. Nun umalis na yung bibili, bigla nagbago isip nun pinsan ko na ilarge nalang pero naorder na daw. Tapos chinat nya, ang masaklap nainis pa kami kasi umorder agad.
Sabi ko "hayaan nalang", sagot ng pinsan ko "gusto nyo ba ng medium? Sabay sagot namin " di ka naman nagtanong?" at sagot nya "sino ba nagbayad?".
Phone Charging
Nasubukan mo na bang icharge yung phone mo na nakapatay para di mo gamitin habang nakacharge?
Karamihan satin ay di kayang magcharge ng di ginagamit ang cellphone. Yung habang nagchacharge nagFB, messenger, ML, tiktok etc. Siguro kung nagsasalita lang ang mga phone natin sasabihin nya na sana magpahinga naman ako kahit saglit.
Napatunayan ko lang na sobrang halaga na ng cellphone sa mga tao ngayon. Ginagamit sa work, school, business, entertainment, etc. At sana ingatan mo yan kasi di ka basta basta makakabili nyan kaya kung ayaw mo masira agad yan wag mo gamitin habang nakacharge.
Breastfeeding
Ito yung stage ng buhay ng isa ina kung saan nakakabonding kayo ng baby nyo at mas nararamdaman nyo ang pagmamahal ng bawat isa. Gatas ng ina din ang pinakamasustansya gatas sa lahat at walang makakapantay.
Pero ang pagpapabreastfeeding ay di madali. Yung mga first time mommy ay nahihirapan palabasin yung breastmilk nila, marami silang ginagawa para lang mapadede nila ang mga baby nila. Yung iba naman nagsusugat at sobrang sakit kapag dumedede ang mga baby nila minsan pa nga mapapaihi ka sa sakit. Yung kahit wala ka pang tulog at pagod na pagod ka na pero kailangan mo magising lalo na sa gabi kasi baka mabitawan mo yung baby kapag nakatulog ka. Yung di ka makaalis ng bahay kasi iisipin mo yung baby mo baka magutom pero ang masaklap dito kapag umalis ka at napuno ang boobs mo sobrang sakit din na parang nakasemento yung boobs mo at tumutulo pa yung gatas mo ah nababasa ang bra at damit mo syempre pagtitinginan ka pa, etc.
Ang daming sakrapisyo ang gagawin mo kapag nagpapabreastfeed ka. Pero ang mga sakrapisyo to ay katumbas naman ng pagiging malusog ng anak mo at ito na din ang nagsisilbing bonding time nyo. At ang pagpapabreastfeed na din ang pinakatipid na pagpapagatas ng mga anak nyo. Kaya mga mister, ingatan at mahalin nyo mga asawa nyo dahil sobrang laki at daming sakrapisyo ang ginagawa nila mula pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng mga bagets.
DaNieLin
Ito nga pala yung combination ng names namin magkakaibigan. Nagkakilala kaming tatlo sa work, nun una nga di namin feel ang isat isa pero isang iglap nabago ang lahat. Di na kami mapaghiwalay kahit iba iba pa sched namin talagang may oras kami para makipagchikahan at kumain sa labas.
Sobrang makakaiba ang ugali namin tatlo may mataray, may kalog, may makulit, may isip bata, may maharot, may matigas ang ulo, may mahilig sa lalaki, meron din na sa babae mahilig, may palamura, etc. Sa layo ng mga ugali namin nabuo kaming tatlo, naging solid kami.
Sa magkakaibigan di maiiwasan ang nagkakaasaran o nagkakainisan pa nga pero samin kahit nagkakataasan na ng boses sa bandang huli tatawanan lang namin yun. Kami yung magkakaibigan na nagsasabihan talaga ng totoo kahit masaktan pa namin isat isa lalo na kapag may mali ang isa.
Mga business minded din kami, marami kaming plano sa buhay na magkakasama at di rin nawawala sa plano namin ang mga partner namin.
Sana hanggang dulo magkakasama kami. Yung walang titibag kasi sobra ko silang MAHAL.
Kabute
Masarap ang kabute isahog sa mga ulam lalo na sa spaghetti pero taong kabute nakakita ka na o may kilala kang ganito?
Noon 1st year college ako may nakipagmeet sa akin na isang lalaki pero kasama ko pinsan ko. Maayos naman ang itsura nya at di naman mukhang rapist o addict. Pero halata sa kanya na nahihiya sya o kinakabahan sya sakin.
Nun mga panahon na yun madalang lang ako magfacebook dahil wala talaga akong hilig sa mga social media makakapagFB lang ako may kailangan gawin o icheck. Tuwing online ako chinachat nya ako pero minsan niloloadan nya din ako para magreply ako sa kanya kaya lang medyo snobber talaga ako eh.
Nun nagiging close na kami, bigla nalang sya nawala na parang bula so nabaling na ang atensyon ko sa iba. Nun may bf ako bigla syang nagparamdam ulit syempre ako naman ayos lang sakin kinakausap ko sya tapos bigla sya nawala na naman.
After few months, bigla na naman syang nagparamdam pero may gf na sya at single naman ako. Hanggang sa ganun na naging routine namin. Magpaparamdam sya tapos bigla ulit mawawala at di na kami nagtatagpo na parehong single.
Mahirap magustuhan ang taong di kayang sabihin sayo ng diretso na gusto ka nya tapos bigla nalang syang mawawala at susulpot na prang KABUTE.
Introvert
Marami satin ang maraming kaibigan at malapit sa pamilya. Pero naiisip ba natin ang iba na ayaw makisalamuha sa iba?
Introvert? Alam mo ba kung ano ito? Sila ang mga taong nakatuon lang sa sarili nilang opinyon, nararamdaman, saloobin at iba pa na patungkol sa kanilang sarili. Sila yung mga taong walang mga kaibigan at di rin malapit sa pamilya nila.
Kung tutuusin sobra silang nakakaawa dahil pakiramdam nila walang nakakaintindi sa kanila o wala silang malapitan lalo na sa mga panahon na kailangan nila ng karamay.
Kaya imbes na kutyain o husgahan ang mga tao ganito ay iparamdam natin sa kanila na di sila nagiisa at nandito tayo para damayan sila.
Post Partum Depression
Aware ka ba sa PPD or Post Partum depression?
Ikaw ba ay may asawa o kasintahan, anak, kapatid ,kamag-anak o kaibigan na buntis o kakatapos lang manganak? Kung meron man sana ay maging aware kayo sa PPD dahil ito ay di biro na nararanasan ng mga babae pagkatapos manganak.
Ano nga ba ang PPD? After manganak ng babae, akala ng iba tapos na paghihirap nila sa pagbubuntis pero hindi pala mas malaki pa pala ang kakaharapin nila.
Ilang araw pagkalipas ang panganganak ang iba ay nakakaramdam ng di maipaliwanag na lungkot, takot, inis, galit, at kung ano ano pang emosyon. Minsan parang ayaw nila marinig ang iyak ng baby nila, mabilis silang mainis sa mga asawa nila o sa mga taong nasa paligid nila, bigla nalang sila naiiyak pero di nila alam ang dahilan. Minsan naiisip pa ng iba na manakit ng iba o mismo ng mga sarili bila dahil nalalamon na sila ng depresyon na ito at kapag di ito naagapan maaaring mapatay pa nila ang kanilang sarili o mga anak nila.
Lahat ng nabanggit ko ay sintomas ng PPD. Sobrang hirap nito lalo na kung wala kang mapagsasabihan. Yung gusto mong makawala sa sitwasyon nato pero wala ka magawa kasi nalugmok ka na sa depresyon.
Ang payo ko lang sa mga nanay na nakakaranas nito ngayon, wag kayong matakot. Maraming pwedeng tumulong sa inyo para labanan ang depresyon na nararanasan nyo. Sa sampung tao na pagsasabihan nyo paniwala man kayo sa hindi meron isa dyan na makikinig at tutulong sa inyo. Wag nyong hayaan na di na kayo makaalis sa sitwasyon na yan isipin nyo nalang ang pamilya nyo lalo na ang mga anak nyo. Nandito lang kami para tumulong at makinig sa inyo.
Ang Pamamanhikan
Di lingid sa kaalaman nating mga pilipino na kapag ikakasal ang magnobyo ay kailangan muna mamanhikan ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae.
Ang ganitong kaugalian ay namana pa natin sa mga ninuno natin. Pasahanggang ngayon ay ginagawa pa din natin to. Noon gaganapin ang pamamanhikan dahil sa kasal pero iba na ngayon.
Ano nga ba ang ibig kong sabihin? Sa panahon ngayon, kapag pumunta ang pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae ito aydahil sa ang babaeng nobyo ay nabuntis na. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng lalaki at pamilya nito ng respeto sa pamilya ng babae. Marami na ang ganitong eksena lalo na sa panahon natin ngayon, mapupusok na ang mga kabataan ngayon.
Magpapakasal man o buntis na, natutuwa ako at di pa din nawawala sa mga pinoy ang mga nakagisnan natin mga ganitong kaugalian.
CoViD Baby
Ang pagkakaroon ng anak ay di biro pero plinano man o hindi ito ay isang blessings sa lahat.
Dahil sa kumalat na sakit na Covid halos lahat ng tao sa Metro Manila, Rizal, Batangas at iba pang lugar na ay nilagay sa ECQ ng ating gobyerno para maiwasan lalong lumobo ang bilang nga mga taong nagkasakit nito. Kaya wala nagawa ang ilan satin kundi pumirme sa loob ng bahay at yung iba naman ay napilitan tumira malapit sa trabaho o sa mismong pinagtatrabahun nila.
Covid baby? Ano nga ba ito? Ito ang mga batang nabuo sa panahon ng Covid. Maraming lumalabas sa social media ng iba't ibang meme patungkol dito, ang iba nga'y nakakatawa pa. Pero ang totoo, nakakatakot ang manganak o mabuntis sa panahon ngayon dahil sa di matapos tapos na Covid na to. Ang simpleng panganganak noon ay ibang iba na sa panganganak ngayon.
Kailangan mo na talaga mag-ipon ng sobra sobra dahil kapag nanganak ka kailangan mo ng bayaran ang swab test bago ka panganak para lang makasigurado na ligtas ka at baby pati na rin lahat ng taon kasama mo pati ang PPE ng lahat ng midwife at ng OB na pagpapaanak sayo ay kasama na sa babayaran mo.
Kung sa iba man ay nakakatawa ang katagang Covid Baby pero isipin mo na sa panahon ngayon lubos na mag-ingat kayo dahil di lang ikaw ang pwedeng mapahamak kundi pati ang bata na dadalin mo sa sinapupunan mo.
Kaya ikaw, handa ba kayo ngayon?
Happy Reality no. 2 ( Panganay 2)
Part 2:
Ang mga sumunod na sandali ay di ko na maipinta ang mukha ko sa sakit. 11pm na pero 6cm palang ako at di pa din ako nanganganak. Napapakapit na ako ng mahigpit sa hawakan ng higaan ko, di ako makasigaw sa sakit dahil bawal daw kasi nakakaubos ng lakas yun. Habang inaantay ang paglabas ng baby ko tinuturuan ako ng midwife kung paano ang tamang pag-ire.
3 beses ako tinurukan ng pampatulog dahil mukhang matagal pa nga at kailangan ko daw magpahinga muna perk imbes makatulog ako ay lalo ako nagigising kaya simula nun nagising ako ng 6am ay di na ako nakatulog. 6:30am na di ko na masabi yung sakit na nararamdaman ko at nun chineck up ako ng midwife nasa 9cm na ako at nakakapa na daw ny ang ulo ng bata kaya agad nyang tinawag ang OB ko.
Pagkadating ng OB, nagsimula na syang paanakin ako. Tama naman daw ang pag-ire ko pero mukhang malaki ang bata at sa unang ire ko lumabas na ang ulo pero bumalik ito. Sa pangalawang ire di ko nailabas ang bata at medyo nanghihina na din ako. Sabi ng OB ko na baka iCS nalang nya ako pero sinabi ko sa OB ko na sandali lang at huminga ako nga malalim at inire ko na ng bongga.
7:08am! Sa wakas lumabas na din ang baby boy ko sa bigat na 4kls. Worth it lahat ng hirap ko lumalabas lang sya at nawala talaga ang lahat ng pagod ko lalo na ng nilapag sya ng OB ko sa dibidib.
Mahirap maglabor at manganak pero sobrang sarap sa pakiramdam kapag nahawakan mo na sya.
Happy Reality no.2 (Panganay)
1st Part:
Labingpitong oras! Bilang ng oras ng paglalabor ko sa panganay ko.
Ika-35 na linggo at 6 na araw palang sya sa tyan ko at kulang pa sya ng isang linggo para masabing kumpletong buong na sya. Pero talagang sobrang sakit na tyan at balakang ko kaya nagpunta na kami sa hospital( mas gusto ko sana manganak sa hospital kaysa sa lying in) pero 3cm palang daw ako kaya pinauwi muna nila ako at maglakad lakad daw muna ako.
Umuwi kami at naglakad lakad ako at panay akyat baba ng hagdan para matagtag ako. Pero sumasakit na talaga ang tyan ko. Kinabukasan, ay pumunta na ako sa lying in kung nasaan ang OB ko dahil di ako tinatanggap ng hospital.
Pagdatibg da lying in, sabi ng OB ko 4cm na ako at medyo marami na ang dugong lumalabas sakin kaya sinabihan na nya kami na paaanakin na nya ko. Nilagyan na ako ng swero at dinala sa delivery room.
Sa loob ng delivery room, may naunang nanganak sakin at mukhang grogi pa sya sa anestisya na tinurok sa kanya. Pinabalik muna ako sa kwarto kasi nga parang mamaya pa daw ako manganganak kasi nakakatawa pa daw ako pero di nila alam na natatawa na ako sa sakit ng nararamdaman ko.
Makalipas ang 1 oras binalik na ako sa delivery room, mga 9pm ng gabi pumutok na ang panubigan ko.
Happy Reality no. 1 (Ang Kaarawan mo ina)
Hunyo 13, 2020 ang ika-52 taong gulang ng aking ina. Nairaos din namin ang kanyang kanyang kaarawan sa kabila ng nararanasan ng buong mundo.
Di pwedeng di namin idaos ang kaarawan ng aming ina dahil ito ang aming paraan para magpasalamat sa lahat ng nagawa nya sa loob ng isang taon at sa panibagong tao ng kanyang buhay. Lubos kaming nagpapasalamat sa Maykapal dahil hanggang ngayon ay nakakasama namin ang aming ina. Sadyang maswerte kaming magkakapatid dahil may pagkakataon pa kami na bumawi sa aming ina hanggang sya ay nabubuhay.
At sana marami pang darating na taon para ipagdiwang namin ang kaarawan ng aming ina. Kaya ikaw habang nandyan ang iyong ina ay magpasalamat ka sa kanya at iparamdam mo kung gaanoo sya kamahal lalo na kung di mo kayang sabihin ito ng harapan.
Happy Birthday Mama!
Sad Reality no.4 (Mother-daughter Relationship)
Dapat daw yung nanay at babaeng anak ang close sa isa't isa pero hindi sa sitwasyon namin.
Hindi kami yung typical na mag-ina na kaya kong sabihin sa mama ko kung ano nararadaman ko, kung ano mga nangyayari sakin, kung sino gusto at ayaw ko, etc. Pero yung mama ko mabait sya, maalaga, mapagmahal, maalalahanin, at iba pa.
Ang tanong dun bakit di kami close? Sa totoo lang di ko din alam eh. Habang lumilipas ang panahon di ko namamalayan na malayo na pala loob ko sa kanya kaya nga sobra akong naiinggit sa mga kaibigan at kaklase ko na malapit sa mga nanay nila eh.
Yung hihilingin mo na sana ganun din kami o kaya kailan kaya kami magiging ganun. Madalas kasi samin ay maguusap lang kapag may kailangan tanungin o kapag may hinahanap o ipaguutos. Di namin naranasan mag-usap about school, love life, problema,etc.
Kayo ba? Paano kayo naging close ng mama mo?
Sad Reality no. 3 (Tropa nga sila)
Nagtitiwala ka ba sa mga kaibigan ng boyfriend o asawa mo? Dapat ba tayo makampante kapag sila sila lang ang magkakasama?
Naranasan mo na ba na ipinakilala ka ng boyfriend mo sa mga kaibigan nya at biniro ka na "KAHAPON IBA KASAMA MO PRE" sabay tawa. Di mo alam kung biro nga lang ba o totoo na. Pero dahil sa kaibigan sila ng boyfriend o asawa mo mas pinili mo magtiwala na din sa kanila.
Isang araw, bigla nalang nasira ang lahat. Nalaman mo na sa kabila ng kabaitan mo sa kanila ay pinalitan nila ng kasinungalingan. Akala mo sila lang ang magkakasama tulad ng sabi nila pero ito pala ay isang malaking kasinungalingan dahil sila pala ay pinapasaya ng iba.
Tunay nga bang matatawag na kaibigan ang isang tao kapag ito pa ang magtutulak sa kaibigan para lokohin ang kasintahan o asawa nito? Yung imbes itama ang ginagawa nila eh sasamahan at kukunsintahin pa sa mga kalokohan nila.
Tiwala! Yan yung mabilis mo mabibigay pero mabilis din masira. Kakayanin mo pa bang magtiwala sa mga kaibigan ng kasintahan o asawa mo kung minsan na nila itong nasira? Hahayaan mo pa bang makasama niya ang mga ganun kaibigan?
Ikaw? Isa ka ba sa kanila?
Sad Reality no.2 (Expectation)
Sabi nga ng marami kapag nagexpect ka masasaktan ka lang. Totoo nga kaya o sabi sabi lang?
Kapag malaki expectation ng magulang mo sayo at di mo nabigay yun ang sakit nun sayo, kapag nagexpect yung teacher mo o boss mo pati mga kaibigan mo sayo nakakadown yun pero mas masakit at mas nakakadown pala kapag nagexpect ka sa sarili mo at nadisappoint ka.
Sa dami ng expectations sa paligid natin, di na natin alam kung ano dapat unahin hanggang mismo sarili mo nadidisappoint na sayo. Paano mo iaangat ang sarili mo sa pagkalugmok? Paano mo pa sasabihin sa sarili mo na "kaya mo yan"? Paano? May makakatulong ba sayo kung ikaw mismo sumuko na?
Sad Reality no.1 (Ang Tanong)
Maraming tayong mga tanong na di natin kayang sagutin. Halimbawa nalang nito ang bakit laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit kapag nagmamahal kailangan masaktan? Bakit kung sino pa ang mahal mo sya pang ayaw sayo? Ano bang meron sya na wala ako? Ano bang nagawa ko para saktan mo ko ng ganito?
Bawat araw na lumipas mas dumarami ang tanong sa isip natin na di natin masagot. Mga tanong na minsan di natin alam kung san nanggagaling. Mga tanong kung saan nakakaramdam tayo ng ibat ibang emosyon tulad ng saya, galit, lungkot, depresyon at iba pa. Kailangan ba talaga masagot ang mga tanong natin? O masasagot pa kaya ang mga ito?
Talaga bang di natin alam ang sagot? O sadyang alam talaga natin ang sagot pero di lang natin maamin sa mga sarili natin? O baka ayaw natin sa sagot kaya patuloy nalang tayong nagtatanong. Minsan walang ibang tao makakasagot ng tanong kundi mga sarili lang din natin. Oo, ikaw nga!