Wasto pa ba?
Sapagkat ngayon ay buwan ng wika, nais kong gamitin ang Wikang Filipino. Ito ay aking napag-alaman at naisipan matapos mabasa ang artikulo ni @LucyStephanie na pinamagatang "**Buwan ng Wika Challenge! Tara Sulat Tayo in Filipino**" maaari mong basahin kung iyong nanaisin. https://read.cash/@LucyStephanie/buwan-ng-wika-challenge-tara-sulat-tayo-in-filipino-27a2c6da
Sa totoo lamang, kung ako ay nahihirapan magsulat gamit ang Wikang Ingles, ganoon din sa Wikang Filipino. Pakiwari ko nga ay mas dumudugo ang ilong ko na pango. Haha. Nakahihiya na ang sarili kong wika ay hindi ko magamit ng tama. Patawarin ako nawa. Tama pa ba ang paggamit ko ng sariling wika? Aking susubukan na hasain. Paki-usap, i-tama niyo ako kung may pagkakamali sa paggamit ko ng mga salita at marapat sana na nakakapagbigay-liwanag. Maraming salamat. Upang hasain ang Wikang Filipino at bilang pagtanggap sa hamon na sumulat gamit ito, ay aking gagamitin sa pamamagitan ng pagkukwento ng nangyari sa akin ngayong araw. Sisimulan ko mula sa pagmulat ng aking mga mata. Ako ay nagising sa karaniwang oras ng aking paggising, ito ay ang alas tres ng umaga. Ang aga nito hindi ba? Marahil nasanay na ang aking katawan sa ganitong sistema lalo na kapag ako ay nakakatulog ng alas otso ng gabi. Wala naman akong tiyak na ginagawa sa tuwing magigising ako ng ganoong oras maliban na lamang sa pagsisiyasat ko rito sa noisecash, readcash at ang padalhan ng mensahe o tumugon sa mensahe ng aking kaibigan. Ganap na ganito ang pangyayari sa akin sa araw araw. Maayos lamang naman ito sa akin hangga't maaga ang aking pagtulog ngunit kung minsan ay napupuyat, ayon masakit sa ulo. Kasalanan ko naman. Ngunit may pagkakataon na dahil sa aking iniisip, nahihirapan ako matulog. Sandali, nalalayo na ako. Balik tayo sa layunin ng artikulong ito. Dumating ang alas sais ng umaga napagpasyahan ko na magluto ng almusal. Sabi ko nga na ako ang taga-luto sa bahay namin. Ngunit paglabas ko ng kwarto at siniyasat ang kalan, at laking gulat ko nang makita ko na may luto ng kanin at si ina ang may gawa. Sana palagi. XD At sinabi niya sa akin "anak ikaw na bahala sa ulam". Ang sagot ko "sige po, magluluto na lamang po ako ng hotdog at tuyo". Pagkatapos noon ay nagtimpla ako ng kape at maya maya pa ay nag-almusal na rin. Matapos ko mag-almusal ay muli akong bumisita sa noisecash at ganoon din sa readcash upang magbasa ng mga artikulo. Sa kadahilanan ng aking pagkalibang sa pagnonoisecash, readcash at pakikipag-usap sa minamahal ay inabot ako ng alas onse bago makapagluto ng tanghalian. Haha. Mabuti na lamang at hindi agad nagutom ang aking mga kapatid at magulang. Hindi ako kumain ng kanin kaninang tamghali. Tanging salad lamang ang kinain ko. Pagkatapos ay naligo ako. Para sa kaalaman ninyo, naliligo po ako araw-araw. Wala lang, gusto ko lang ibahagi. Hahaha. Sa sumunod na mga oras, itunuon ko lamang ang sarili sa noisecash, readcash at sayo. Maya maya pa ay naisipan kong magluto ng banana cue. Subalit sa totoo lamang ay inutos pala iyon ng aking nakatatandang kapatid. XD Nais ko sana na ibahagi ang larawan nito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko nagawang kuhanan ng litrato sapagkat na agad ito ng aking mga kapatid. At hindi nagtagal ay nagluto na rin ako ng hapunan. Wala nanaman akong gana kumain. Sa ngayon ay hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hays. Wasto pa ba ang paggamit ko? Sumakit ang ulo ko at sumakit ang baywang ko. Sexbomb. XD Biro lamang. Pasensya! Maraming salamat sa inyong pagbabasa! Mabuhay kayo hanggang gusto niyo! Ang larawan sa itaas ay hango sa: shutterstock.com https://www.shutterstock.com/video/clip-17910391-4k-philippine-flag-animated-background-features-high Maaari mo rin akong makita sa noise.cash. Kung iyong nais ay doon tayo mag-usap: https://noise.cash/u/dziefem
67 comments
Nasaan na ba ang aking panyo! Ako'y namangha at ilong ko'y nagdurugo.
Patawarin mo po ako. Haha
Sa pagkaunawa ko aking kapatid nagamit mo naman ng wasto ang ating sariling wika. Napahanga mo ako sa iyong galing. At dahil dyan bibigyan kita ng 3 palakpak. Pagpalain ka nawa ng ating Panginoon....ang hirap pala nito....hahaha pero sige susubukan kong gawin din yan...😂
Maraming salamat, kapatid. Labis labis ang aking tuwa sa iyong komento. Pagpalain ka rin nawa. Laban lang. Hahaha
Happy national language day 🎊
Thank you, Cineholic! :)
Napuntaaa sa sex bomb eh haha. Napakahusay! Ito'y susubukin ko ding gawin sa mga susunod na araw. Ramdam ko ang katigasan ng aking boses habang binibigkas ang aking komento. Nako po Haha napano na !
Hahaha. Ako'y iyong napatawa, kaibigan. Aabangan ko, kaya mo iyan! Haha.
Hahaha, igiling-giling haha. Salamat sa suporta 😁❤
Walay sapayan, amiga! 😁
Bakit pag gamit natin ang ating sariling wika bigla tayong nagiging makata? Napakaganda ng dulot ng ating wika. Kagila-gilalas💛
Sa totoo rin kaibigan, maganda ang dulot nito sa atin. 💚
💛
Nakakagalak na may ganitong uri ng hamon dito. Napakasarap basahin ang mga artikulo na gamit ang sarili nating wika. Kaya napag-isipan ko na sumali sa ganitong hamon ng maipagbunyi naman ang ating kasarinlan. Siguro hanggang dito na lang ang aking komento sapagkat ako'y nahihirapan na.😁😁
Sang-ayon po ako sa inyo. Nakatutuwa at maraming Filipino ang sumusulat gamit and wikang ito. Nagagalak po ako na naisipan niyo ring sumali. Abangan ko po iyan. :)
Ano Tagalog ng sexbomb? Haha
Bombang kasarian? 🤣🤣
Aray kupo! Sadyang nakapagdulot ng kakaibang boltahe sa aking utak ang aking mga nababasa. Dumarami na ang mga makata dito sa read.cash.🤣 Nawa'y makalikha rin ako ng aking sariling artikulo gamit ang ating mahal na wika.
Salamat sa iyong pagkomento. Hahaha paano pa kaya pag sobrang lalim na? Ako ma'y nahirapan sa pagsulat nito, dulot ay sakit sa ulo. 🤣 Panigurado ay makalilikha ka rin.
Aking susubukan kung kaya ng aking isipan. Sadyang napakalalim ng balon este ng wikang ito na aking gagamitin sa pakikipaglaban ay! pagsusulat ng akda pala, patawad sa aking kamalian. 🤣
Hahaha labis mo akong pinasasaya! Siguradong makakayanan mo iyan. Laban lang! Pinatatawad na kita. 😂
Syanga? 😁 Ikinagagalak ko pong mabatid ang inyong kapatawaran kamahalan. 😂
Ang galing mo kaibigan. Isa kang makata. 🤣
Salamat, master!
Walang anuman, kaibigan!
Ayos naman. Hahaha. Sarap naman ng tuyo at hotdog. Luh. Tinakam ako bigla. 😂 Pero bakit di mo alam ano nararamdaman mo? Hehehe. Ang lead image ang need palitan kasi stock photo. 😅 Use m yung free lang.
Hahaha yan na iluto mo ngayong umaga 😂 may nangyari lang kahapon kasi kaya medyo nalumbay na ewan hahhaa. Okay lang naman hindi free e basta may credits haha.
Orayt. Go go gooo.
Sa palagay ko, wasto ang iyong gamit sa gramtikang Filipino. Hindi naman natin maiaalis ang mga agam-agam natin lalo pa sa kung paano natin ibaabahagi ang ating mga hinuha o palagay sa wikang ito. Kahit ako ay nahihirapan magsalita ng tuwid gamit ang wikang ito ngunit bilang isang Filipino, nais ko rin gawin ito... ang ibahagi at ipamalas ang pagsasalita sa sarili kong wika. Sasali ako sa patimpalak na ito at katulad mo, hindi ko na rin nararamdaman sarili ko. Hindi talaga ako sanay makipag-usap gamit ang lengwaheng ito. Pasensya na.
Maraming salamat sa iyo. Sumasang-ayon ako na hindi natin maiiwasan ang pag-iisip sa kung paanong paraan natin ibabahagi ang ating saloobin gamit ang Wikang Filipino. Nahihirapan ka man, alam kong makakaya mo rin iyan. Nagagalak ako na mabasa ang iyong gagawing artikulo gamit ang wikang ito.
wagi ka friend... ay ... wagi ka kaibigan! Wasto pa naman. Ang tanong wasto pa ba pag iisip ko matapos magbasa.anyenye... mahusay!! :D
Hahahaha. Salamat, kaibigan! Kung ako ang iyong tatanungin, hindi na wasto ang pag-iisip ko matapos ko isulat ito. 🤣
Wastong wasto ang pag gamit mo. Mahirap din mag tagalog pero susubukan ko yun normal na tagalog na may English, ang hirap pag malalim na tagalog.
Salamat! Dumugo nga utak ko e. Haha. Hintayin ko yang sayo. 😁
Mas nosebleed ko pa basshin ang tagalog kesa English 🤣 si Eunia gumawa dn at ito ang balak ko gawin sunod
Haha gawa na.
Sa totoo lang po kahit tagalog ito sumakit ang ulo ko sa pagbabasa ang lalalim kasi ng mga ginamit na salita hahahahha. Pero totoo po dapat ay magaling din tayo sa mga ganitong sakuta dahil ito naman talaga ang lenggwahe natin. Hahhahah natatawa din po ako sa mga dinadagdag nyo na jokes kaya ansarap po basahin.
Oy hindi pa iyan malalalim masyado. Gusto ko pa nga sana palalimin ngunit hindi na kaya ng aking lakas. Hahaha. Oo, dapat maalam din tayo sa wika natin. Masaya ako na napatawa ka ng mga simpleng biro ko. Salamat sa iyo! :)
First time mo bang magsulat ng tagalog na article dito? Okay naman siya haha.. Banana cue sana hehe joke
No. This is not my first time writing in Filipino. Thank you! Catch the banana cue!
Wastong wasto naman :D Mukhang diet ka ha. Isang beses lang kumain :D
Ay salamat po, Kuya! 😁 Hindi po diet, madalas lang na walang gana. Hihi.
Hahha ang saya naging sexbomb
Napaspaghetti pababa pataas po ba kayo? Hahaha
Wooooyyy bat isang beses ka kang kumain ng rice sa isang araw? Kaya mo yang ganyan bbmars?
Minsan lang yan bbmars pag walang gana kumain. Hihi.
kung salitang tagalog aybiglang nagiging makata, kay ganda basahin lalo na sa pagdaan saaking mga mata ng bawat letra, ngayon pala'y buwan ng wika, tila nawadla saaking isipan na ngayon pala'y agosto na. Salamat sa paalala, ngunit sana'y lumain ka ng tatlong beses sa isang araw manlang
Hindi ko nga rin namalayan na buwan na nga pala ng wika napag-alaman lamang sa isa ring manunulat. Pafall naman ang kumain ng tatlong beses sa isang araw sistah. Hahaha.
Natatawa ako sa mabuhay kayo hanggat gusto nyo. Ewan ko ba 🤣 pero oo, wasto naman ang iyong ginawa
Ahahhaha habang aking binabasa ang iyong gawa aling kaibigan, hindi ko mapigilan ang aking ngiti sa labi sapagkat nakikita ko sa aking imahinasyon ang iyong mukha habang nagsusulat ng ating wika. Natatawa talaga ako sa estilo ng iyong pagsusulat ng ating sariling wika. Nawa'y iyong ipagpatuloy sapagakat ako'y parang iyon na ang huli hahaha
More comments