read.cash Log in
@charol09

@charol09 in May 2022

@charol09

Buko Juice Hello sa lahat! Ngayon lang nauwi galing sa galaan. May nadaanan kaming nagtitinda ng buko kaya napabili ako para sa pananghalian namin pinabuksan ko na doon at pinalagay sa plastic para isalin ko na lang sa pistel pagdating. At dahil dalawa lang kami ni hubby ngayon, sapat na ang apat na isda sa tanghalian. Nang maka menos naman, total may pinya pa sa refrigerator. Kain muna kami kaingay! Happy lunch time sa lahat!

@charol09

Joke na Ulan Kagabi nagtulong kami ni hubby na maglaba kasama ng anak ko. Ako sa magpapaikot sa washing, siya sa pagbabanlaw at ang anak namin ang nagsasampay. Nakatapos naman kami kagabi pero kaninang tanghali di na namin naasikasong kunin ang mga sinampay sa labas at natulog na muna. Kasarapan ng tulog, umulan, at nang makuha na ang sampay tsaka huminto. Bakit ulan, bakit? Sana umulan ka na lang😭 Buti na lang sa kasagsagan ng pagkuha namin ng sampay may nag abot ng saging,…

@charol09

Magandang gabi kanoise! Share picture ko lang itong dalawang pusang alaga namin. Inabutan namin pag-uwi na ganito ang posisyon nila. Ang sweet nilang magkapatid hindi nag-aaway sa oras ng kainan. Kahit may kanya-kanya silang lalagyan ang gusto pa rin nila ay magkasalong kumain. Nag iintayan pang matapos ang isa bago kumuha ng isda ng isa. Hindi ba kagaya ng ibang pusa na nagagalit kapag may katabi sa pagkain. Pareho nga pala yang lalaki, mas matanda nang 1 taon ang black and…

@charol09

Good morning po sa inyo kanoise! Bad morning po sa akin, not feeling well po ako today. Hindi ako nakatulog sa kirot sa tyan, hindi ko alam kung bakit kaya pinag hot compress na lang ako ni mister, mabuti na lang kaingay wala silang pasok ngayon kaya hindi ko na iintindihin mga bata at mga gawain sa bahay, san tambak pa naman ang tupiin namin. Ang hot compress ko mainit na tubig sa babasaging garapon. Tamang init lang para makaya ng balat ko, di naman nakakapaso. Nagstart…

@charol09

Ultrasound Bandang 10:30 kagabi hanggang kaninang umaga ang sama ng tyan ko. Kumukirot lang siya ng paulit-ulit dahil dito hindi ako nakatulog ng magdamag. Kaya sa habag ng asawa ko dinala na niya ako sa ospital para matingnan. Para sa paunang lunas sinaksakan muna ako ng pain reliver at binigyan ako ng request para sa ultrasound kaya mamayang 1:30 need ko pang bumalik. Sa ngayon ok na pakiramdam ko, masaya na akong nakapag update dito sa noise , pa chat chat pero kanina…

@charol09

Parcel Dumating na kanoise ang inorder kung electric crepe pan ngayong hapon. Di ko lang alam kung gumagana at hindi ko pa nabibilan ng saksakan, iba kase ang plug niya, need ko pang bumili ng adaptor. Sana bumuti na na ang tyan ko ng maasikaso ko ang order ngayong linggo. Kakauwi lang namin para mag pa ultra sound nang sakto dumating si mamang rider para sa delivery. Tamang item ang dumating, may bowl at pang wrisk. Pwede na raw akong kumain sabi sa ospital. Ang problema ay…

@charol09

Hello kamema. Share ko itong public hospital sa amin laki ng ipinagbago sa loob, ang linis at ang ayos na . 6 years ago, ward lang itong pwesto na ito, daming higaan na nakahilera, ngayon iba na waiting area na. At ang bilis lang ng check up ko, ang dami kaseng nag a assist. Noon aamagin ka kakaintay ngayon hindi na. Sana lahat ng public facilities ganun. Nag memema lang. Pero sempre mas maganda un para hindi mahirapan ang pasyente.

@charol09

Hello kanoise! Magluluto si mister ngayon ng Lomi, Bahala muna siya sa kusina ngayon. Nasilip ko nakapagbalat na siya ng itlog, at naghihiwa na ng gulay na sahog, tambay muna ako ngayon sa noise. Walang ehem,ehem ngayon kapag natatagalan sa paghawak sa selpon kase busy siya,haha. Abala rin naman ang dalawa kong anak na naglalaro. Kamusta po kayo? Abala na rin po ba kayo ngayon?

@charol09

Marami pala talagang namamatay sa maling akala! Yung akala mo Lomi ang niluluto ng asawa mo pero nalaman mong Mami pala ng tawagin ka na para kumain, haha. Mali pala ang post ko kanina kanoise. Akala ko lang pala Lomi. Ito nga pala yung pinaghirapang Mami ng mister ko kanoise, hapunan namin. Nagluto pa siya talaga ng bawang at chili oil. Na busolve po kaming lahat sa dami ng niluto niya. Kaya hihiga na uli ako at mag a update dito kung ano ganap. Magandang gabi.

@charol09

Magandang Martes ng umaga sa lahat! Walang pasok uli si Mister ngayon kaya tulog pa. Dati-rati nauunang magising ito sa akin para magluto ng kanin, 6:30 kase umaalis na siya ng bahay para magtrabaho pero dahil wala pa siyang pasok today tulog pa rin till now. Wala akong picture kanoise, nakahiga pa rin kase ko sa higaan ngayon, hehe. Sumilip lang muna ako dito. Ang hirap kase na tiisin na hindi buksan si noise.cash. 😅 Sabi ng isip ko mag open ka na. Haha. Sino pong relate?…

@charol09

Ang aga ko nagising kaya hinihila ako ng antok ngayon kanoise kaso ang dami ko pang gagawin. Kaya nag prito muna ako ng saging para may pagkain ako habang gumagawa. May order akong Leche Flan para bukas. Magtutunaw muna ako ng asukal. Matagal lang gawin ito at nakakainip pero sinigehan ko na rin at kahit konti ang order e sayang ang kita, malaking bagay na rin pandagdag gastos. Sumilip lang muna ako dito mamaya na lang ulit.

@charol09

Konting kembot na lang at matatapos na akong maglusaw ng asukal para sa Leche Flan! Hirap ng ilang oras kang nakasalang sa apoy ang init pa ng panahon. Pagkatapos nito magluluto muna ako ng pananghalian namin. Tapos pahinga at pagkatapos maghahalo na ako ng sangkap para sa Leche, tamang tama ito bukas para malamig na bago ibigay sa costumer galing refrigerator. Mamaya po ulit kainoise. Happy kainan po sa mga nanananghalian na!

@charol09

Malapit ng maluto ang Leche flan kanoise, salamat naman ng makapagpahinga na. Wala pa kaming hapunan dahil may nakasalang pa ako sa kalan. Kamusta po kayo? Naging busy ako today, Busy din tomorrow. Silip-silip lang muna ako dito kanoise, Sa mga naghahapunan damihan nyo po ang kain kanoise ng masulit ang pagod. Magandang gabi!

@charol09

Ano nga ba ang masasabi ko kanoise? Kundi naging nakakapagod ang araw ng Martes ko. Pagodpud talaga, kaya ngayon nagpapamasahe ako sa mga anak ko, kaso parang hindi masahe ang ginagawa nila kanoise, tuwang tuwa silang naglalaro ng lotion kakakaskas sa balat ko hinayaan ko nalang sa pagod. Buti pa sila may mga lakas pang maglaro at tumawa kahit gabi na iba talaga ang energy ng bata. Iniintay ko na lang lumamig ang niluto kung Leche flan para malagay sa refrigerator para bukas…

@charol09

Hello kanoise! Ito nga pala yung pinagpaguran kong Leche Flan kahapon, 5 am pa lang nagsasalin na ako kase request ng costumer na maagang dalin ang order. Nasa byahe na si mister ngayon at on the way na sa delivery. Good morning po sa inyong lahat. Sumilip lang po muna ako sandali at magtatrabaho naman ako dito sa bahay para magluto ng almusalan. Mamaya na lang ulit kanoise. Ingat po kayo sa maghapon. Keep posting po!

@charol09

Ginagayak ko na kanoise itong Letsugas na gagamitin ko mamaya sa Lumpiang Sariwa. Fresh from the garden ni friendship kanoise, extra income niya since pandemic ang magtanim ng letsugas at iba pang gulay sa kanilang bakuran. So ayan po at nakabili ako sa kanya nito sa murang halaga lamang. Maganda rin po kase kanoise na suportahan ang negosyo ng ating mga kaibigan dahil malaking bagay din po sa kanila ito para sipagin pang magtrabaho. Nahiwa ko na ang carrot, at betsuwelas at…

@charol09

Magandang gabi po sa lahat, ngayon na lang ulit ako nakasilip dito sa dami ng ginawa sa maghapon, share ko kanoise itong ginawa kong Lumpiang Sariwa order din ngayong araw nakalimutan kong isama ang sauce sa kakamadali, matrabaho din kaseng gawin ito. Pagoda na naman ako today kanoise, bukas itataob ko na lang ang mga gamit na nahugasan na sa lalagyan, hindi pa kase natiktik ang tubig ngayon. Hinapon na ako sa paghuhugas at paglilinis sa mga pinaggamitang kasangkapan.…

@charol09

Good morning noise fam! Hindi kompleto ang araw kapag hindi ako nakasilip dito kahit maraming ginagawa haha, ang lakas ni noise! Magliligpit muna ako ng pinanggamitan kahapon para na akong naghanda sa dami ng kalat namin. Tinanghali na rin ako ng gising sa pagod. Paano po ba yan mag start na ako sa gawain! Kinuhanan ko nga pala ng picture yung halaman namin sa bakuran. Ingat po kayo sa maghapon. Ingat po sa mga papasok. Sipagan po natin ngayon ang gawa! Good morning!

@charol09

Hello kanoise nagkaroon ako ng bisita. Isang gwapong baby dito sa bahay at ang bossy ng bisita ko, pinasayaw-sayaw ako at may patapik-tapik pa sa hita niya. Kakaloko talaga ang sanggol, kunwari tulog kapag binuhat gising naman kapag ibinaba! Ilang oras din kaming nagkasama tapos kinuha na siya ng parents niya😭 bigla ako na sad. Minsan nakak miss din ang baby, ang cute kase nilang i hug at i kiss.

@charol09

Kamema share ko itong crepe pan na inorder ko kay Lazada, legit nakakagawa nga ng crepe para sa lumpiang sariwa, nagamit ko na kahapon at satisfied naman si costumer sa order niya. Happy naman ako kanoise at hindi nasayang ang 275 pesos ko. More budol pa kakatingin sa online. Haha

@charol09

Laging kumakanta sa isip ko ang kanta ni Niko Moon na Good time , narinig nyo na ba yun kanoise? May videoke sa mind ko. Nakaka relax kase ang music niya. We just tryna catch a good time Even if it takes all night Pass that bottle 'round the campfire Sippin' apple pie moonshine Yeah we pickin' on them guitars just right Everybody singin' Dixieland Delight Like a bobber on a wet line We just tryna catch a good time.. Lalalalalala..

@charol09

Yung nag-iisang Leche Flan na itinabi mo para kainin binili na rin ni Costumer dahil bitin daw sila. Kaya ayan ni pack ko na at nag ba bye na. Hindi bali ng hindi nakakain, costumer ang mahalaga, haha. Kamusta tayo kaingay? Maggagabi na naman, namamahinga lang ako today, kayo po?

@charol09

Movie time with the family. Nasa kalagayan ngayong mag relax walang order today at hindi busy si mister kaya may movie time! Ito lang ang pinaka bonding namin kanoise dahil hindi kami mahilig mamasyal o mag SM o kumain sa labas, team bahay lang kami nood-nood lang. Kamusta po maghapon ninyo kanoise? Masarap magpahinga sa bahay galing sa maghapong hanap-buhay. Ang bahay ang comfort zone natin kaya kailangang alagaan.

@charol09

Hello noise fam! Nakalibre kami ng slice bread inabot sa mister ko sa panaderya, treat niya sa mga loyal costumer. Mukhang maganda gising ng boss nila at masigla. May pagkain na kami habang nagluluto ng almusalan. Yung Barley nga pala iniinom ko tuwing umaga nakakalakas ng immune system. Ang dami ko na kaseng nararamdaman siguro dahil sa sobrang trabaho at pagod na rin. Ingat tayo sa maghapon kanoise! Magpalakas dahil laganap pa rin ang sakit. Mag face mask at alcohol lagi.

@charol09

Flex ko lang kanoise itong si Negro kapag nakakakita ng basket, plastic , kahon o kahit anong lalagyan gusto niya laging nakalulan. Nagliligpit ako niyan ng mga laruan ng mga bata kahit anong alis ko bumabalik siya! Minsan hindi ko siya makita ang akala ko nakawala yun pala nasa loob ng plastic sa ilalim ng bangko namin sa sala, namamaluktot at kampanteng natutulog. Part na ng family namin si Negro at ang kapatid niya, tinatyaga ng mister ko na pumuntang palengke at ibili…

@charol09

Biruin mo kamommy may naitabi pa pala akong baru-baruan ng baby. Naglilinis ako today, 6 years ng nakatabi ito at ang huling gumamit ay ang bunso ko. Akala ko na dispose ko ng lahat ang mga pinanggamitan nila noong baby pa sila, kase naman pinamigay ko na ang stoller nila, walker, carrier at crib kasama ng mga ilan pang damit ng baby dahil na stock lang at inaalikabok. Mabilis lang kase lumaki ang bata at kadalasang napag-iiwanan lang ang ganitong gamit. Minsan naiisip kong…

@charol09

Hello ka Pilipinas, hello kanoise Flex ko po itong Super Super Cat namin na si Ming Ming pampa good vibes sa umaga. Nakatuwaang lagyan ng kapa ng mga anak ko, kalaro kase nila ito sa maghapon kahit na mukhang hindi naman nag eenjoy makipaglaro ang pusa namin sa kanila, haha Gusto lang lagi matulog ng house cat namin sa maghapon. O sya, lilipad muna si Super Ming Ming para mag save ng mga pusang nangangailangan ng tulong. Bye, bye everyone!

@charol09

Kamusta kamema, kahit kanina pa ako gising pero ayoko bumangon. Nakahiga lang ako at pa chat chat habang nakatapat ang elektrik pan. Oh ang init naman kase! Ano bang ganap kanoise, Naglilibang na lang ako mag comment dito sa noise, ang daming nagmemeryenda hanggang tingin na lang ako. Haha

@charol09

Si mister abalang nanonood ng paborito niyang palabas, walang kasawa-sawang basketball. Hilig niya talaga sports. Ako naman bored na bored dito. Gusto ko pa yung Penthouse 2 na nakakahighblood panoorin sa galing ng mga artistang umarte.

@charol09

Late na pagbati ng Good morning sa lahat! Busy day kapag sabado at linggo sa amin kanoise. Nakapag-almusalan naman kami nang ginisang sardinas at sotanghon. Salamat sa post ng mga kanoise dito at nagkaroon ako ng idea sa uulamin,haha. Kadalasan kase nagtatanungan kaming mag-asawa kung ano uulamin namin sa maghapon. Lagi ang setting e nagtuturuan kami,gaya ng.. 'ikaw ano gusto mo?' Tapos sasabihin ko , ' ikaw ba ano naiisip mo? Kinuhanan ko nga pala ng picture yung gumamela…

@charol09

Halina kayo kanoise at tayo'y magpalamig sa SM! Napasyal kami para magtanong ng national ID para sa mga batang edad 5 years old pataas. Ang sarap tumambay dito kanoise, ang lamig! Wag ka lang matutuksong bumili haha dahil baka masira ang budget. Ang sarap ng amoy ng waffles kanoise dahil sa butter . Kahit malayo ka na kumakaway sa ilong ang sarap. Lakad-lakad muna kami..

@charol09

Napadaan sa nagtitinda ng bulaklak kanoise, ganda! Nasa Sm nga pala kami at naglalakad-lakad may sinadya lang. Pamaya-maya ay uuwi na rin kami dahil baka magturo pa ang mga bata. Mahirap na. Ang sarap dito magpalamig kanoise. Malilibang ka kakatingin, wag lang gugutumin. Kayo po kamusta? Ingat sa paghapon.

@charol09

Good afternoon kamema, nagpabili nga pala ako ng pintura kay mister para sa kusina namin, sabi ko kase tumatawag na ng repaint ang pader namin at kumukupas na ang kulay, 4 liters lang naman ito mga kamema 65O pesos Rain or Shine at ang kulay ay Happy. Yellow talaga siya kamema gusto ko kase nagliliwanag ang bahay namin para maaliwalas tingnan. Haha O sya, kami muna ay maglalaba ni mister mamaya ulit!

@charol09

Habang naglalaba may pa music pa kami para ganahang magkuskos, haha. 90's song tayo kanoise. Panahon ng kabi-kabila ang mga boy band. Kaway-kaway sa mga batang 90's Panahong hindi pa na uuso ang kdrama , anime pa lang at boy band. Sino dito napapabili ng poster nila at nagdidikit sa pader. Hehe

@charol09

Nakayari din kaming maglaba dami kanoise! 5pm nag start kami at 8pm natapos, nakayari na rin kaming kumain kaya nag rerelax na lang muna ako ngayon at naghahanap ng pwedeng mapanood na nakakaaliw sa youtube. Karaniwan mga pusa lang naman ang tinitingnan ko , nawawala stress ko sa ka cute an nila. Dati puro mukbang pinanonood ko kaso nanawa na akong matakam sa kinakain nila, hehe

@charol09

Nakabili nga pala ako ng Empanada kanoise kanina, lasang masherep matamis ang dough, crunchy ang labas malambot ang loob at ang palaman ay lasang 'panalo', ang sarap mg timpla ng chicken! Gumagawa ako nito noon kaso nakakapagod magmasa, ang haba pa ng proseso ng pag-iintay para sa pag papalsa. Meryenda ko nga pala yan kanina

@charol09

Hello mga kanoise! Inaantok pa ako pero need ng bumangon. Napuyat ako kagabi kaka online shopping, Add to cart, add to cart ganun, pero ala pang kakayahang i click ang ' buy now'. Bili nga pala ni mister itong tinapay sa labasan mukha daw kaseng bago at masarap. Kape tayo kanoise Ingat tayo sa maghapon At mag enjoy with the family.

@charol09

Nakuha ko na nga pala ang result ng ultrasound ko kanoise noon pang isang araw, negative naman ako sa sakit at maayos naman ang aking organs. Ito nga pala yung bakuran ng public hospital dito sa amin, ang lilim at mahangin. Ito yung masarap tulugang lugar kapag katanghalian, para kang dinuduyan, ang ganda pati ng damo, sarap latagan ng banig at mag picnic. Kaso kapag ginawa ko ito baka magalit ang namamahala ng ospital,haha. Na appreciate ko lang naman na maganda yung…

@charol09

Naiinis ako kamema, nakadalawang sira ako ng mantika ngayon. Sayang tuloy ang kita tapos ang hirap pang linisin ng sahig namin dahil rough siya. Kapag talaga nagmamadali ka madalas palpak ang kalalabasan ng ginagawa mo. Nang hinayang ako sa nasirang mantika, pandagdag load din sana yun. 10 pesos na mantika ang tinda ko kaingay sa bahay, mabili siya dito sa amin dahil maraming tao.

@charol09

Share ko itong pusa naming napaka sweet lagi sa isa't isa, pinasok ko muna dito sa kwarto at mainit sa kusina namin baka matusta. Hindi ko rin muna pinakawalan dahil bukas ang bintana baka lumayas habang natutulog kami. Ganyan sila kanoise lagi silang magkatabing magkapatid naglilinisan ng katawan, natigil lang yan ng lumapit ako at narinig na binuksan ng anak ko ang pinto. Nanlalaki tuloy yung mata nila, alam kase nilang ililipat sila ng pwesto sa labas ng pinto para makita…

@charol09

Lumabas muna ako kaingay at kanina pa ako nakababad sa higaan, naghahanap ako ng magdadaang nagtitinda ng meryenda kaso ala, ang tindi kase ng sikat ng araw maaawa ka naman sa maglalako ngayon dahil nakakapaso ang init. Pumasok na lang ako ng bahay, kinuhanan ko muna ng larawan yung bakuran ng kapitbahay naming halaman is life, hilig kase nyang magtanim bukod pa sa malawak ang lupa nya. Hindi gaya sa amin sementado na.

@charol09

Share ko itong ice candy kanoise,ang dami diba? Hindi po akin lahat yan, ito po kaseng mga kapit-bahay ko ay nakisuyong magpabili ng ice candy ng malamang bibili ako, init na init na rin sa panahon ang baba rin naman kase ng bubong nila, tapos alang lilim direkta sa araw ang kabahayan. Natutuwa naman yung pinagbilhan ko at nakarami siya. Sabi ko wag nya munang i plastic at pipicturan ko. Iba din talaga ang buhay noise😅

@charol09

Almusalan tayo kanoise, Late na akong nagising. Natulog ako sa tabi ng bunso ko kagabi kaso hindi ako nakatulog sa likot niyang matulog! Kung hindi niya ako sipain sa mukha tinutuhod naman nya ako. Puyat is real! Kain tayo kaingay. Kamusta ang umaga nyo?

@charol09

Yung ang aga-aga pero nanonood ka na ng Penthouse 2. Ala tuloy akong nagagawa pa sa bahay,haha. Tinamad tuloy akong magtiklop ng damit. Mag tatamad-tamaran mode muna ako. Mamaya na yang trabaho, maghintay sila! Hahah Kaway-kaway ang mga maiingay! Good morning po! Tara samahan nyo muna akong manood!

@charol09

Mapapansin mo ba Kaya ang tulad ko Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap Oh, chinito Balang araw ay malalaman mo rin At kung ikaw ay nakatawa Ako pa ba ay nakikita Nalilimutan ko ang itsura ko Kapag kausap na ikaw Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Oh! Chinito... Chinito... Kanta muna tayo kanoise pang pa good vibes habang nakapila ka…

@charol09

Kain lang po kayo kanoise habang magsisimula na akong magtiklop ng tatlong basket ng mga damit. Late naman din kaming nag almusal kaya hindi pa gutom. Makita ko lang mga ulam nyo masaya na ako kanoise haha. Enjoy your lunch po!

@charol09

Share ko kanoise itong si Negro habang natutulog sa labahin namin noong sabado. Ang gwapo lang. Feel niyang tulugan yung malambot na higaan na ito na amoy pawis namin. Nakakahiya tuloy istorbohin para kunin ang lalabhang damit, haha Nag chat nga pala si mister kanoise uuwi na daw sila galing sa outing sana may pasalubong. Ala pa kase kaming meryenda mag-iina kaya umaasa lang ang peg, pero baka gabihin na rin po iyon sa byahe dahil malayo ang panggagalingan, pumunta nga pala…

@charol09

Marami ang napagod ngayong araw kaya share ko sa inyo itong nakakarelax na lugar na pinuntahan kahapon ng mister ko sa Aurora. Black sand ang beach doon at napakapino ng buhangin. Nag-uwi pa siya ng hermit crab para makita ng mga anak namin kung ano ang itsura nito. Pati yung mga pusa namin nakikiusyuso sa naglalakad na crabs sa sahig. Ganda ng view mga kanoise, ang sarap sigurong lumublob sa tubig dito pagkatapos ng mahabang pila sa eleksyon.

@charol09

Bagong palit ang bedsheet namin ngayon kaingay, sarap higaan sa nakakapagod na maghapon. Ang tagal ko bago matapos ang tupiin ko buti at nakapaglinis pa ako sa kabila ng katamaran ko ngayong araw. Hello kitty ang bedsheet ni bunso ngayon dahil walang dinosaur kase nasa tiklupin pa kanina. Hindi naman ito magrereklamo, minsan nga nagrerequest pa siya na kung anu bedsheet ng ate nya ganun din sa kanya. Yung pangatlong bed sa taas hindi na hello kitty ang mahal magpagawa ng…

@charol09

Hello noise Fam! Happy Tuesday morning po sa lahat! Flex ko po itong pusa naming nag eenjoy tingnan ang uwing Hermet crab ng mister ko. Mas naaliw pa ang dalawa naming pusa kakatingin sa kanila. Binabalik-balikan pa nya yan kanoise dahil naririnig nya laging naglalakad sa lalagyan. Sisilip tas aalis siya, maya-maya babalik ulit. Kapag na a attempt kinukuha nya rin sa basket tas binabalik ko lang. Share ko lang yung ka-cute- an na ginagawa ni Negro sa inyo kanoise. Natutuwa…

@charol09

Photography Nagpapaka-expert ang ate nyo kamema sa photography pero kahit naka 100 shots ka na hindi pa rin impressive ang kinalabasan. Now i know na wala akong talent dito, ang huhusay kase ng iba na kumuha ng larawan kahit phone lang ang gamit. Hermet crab nga pala yan, ang lilikot nila kamema, lakaran ng lakaran! Siguro sila talaga ang may sala kaya hindi maganda ang kuha ko. 😅 Nanisi ng iba🤭

@charol09

Ano ba ang ganap ngayon kanoise? Busy kunwari ako maghapon. Nag-alis ako ng gamit sa kusina para makapagpintura si hubby bukas. Nagutom ako bigla sa tanggal lipat ng gamit kaya binawasan ko na itong stock na pagkain ng dalawang anak ko. Kain po tayo. Naka move on na po ba ang lahat dahil sa eleksyon? O may hang over pa? Ikain na lang muna po natin iyan! Magandang hapon.

@charol09

Kain na po tayo! Partneran ko na lang ito ng kamatis at sibuyas para sa sawsawan. Late na nakapagluto at guyom na talaga. Mamaya mag bubukas ako ng t.v para manood ng nakakastress na balita,haha Tara kain na po tayo!

@charol09

What's up Philippines! Kumain muna tayo ng almusal bago magtrabaho. Heto at bumili ako ng palabok. Budget friendly palabok kanoise, walang sahog, walang gulay pero may lasa naman. Ito kaingay ang gusto kong palabok , dry, ayoko ng ma sauce. Kain tayo mag start na si mister may paint, at kailangan nya ng helping hands. Anu daw? Katulong ka noise. Ako ang katulong nyang mag paint. Haha , e english pa kase e! Mamaya ulit.

@charol09

Flex ko lang kanoise itong muscles ni hubby, haha, este yung pagpipintura nya. Sulitin ang araw na walang pasok at pagurin si mister. Kaway-kaway dyan sa mga asawang lalaking na laging nakakaranas na utusan ni misis!😅 At kaway-kaway naman ang mga misis dyan na laging inuutusan si mister. 🤣 Matatapos na kaming magpintura half day lang ito dahil 4 liters lang nman ang binili ni hubby na pintura kasya na sa aming kitchen. Excited na akong matapos ito. Kapag may bago ang sarap…

@charol09

Ba't kaya hanggang ngayon nanonood pa rin ako ng balita kahit paulit-ulit lang naman ang usapan. Tungkol pa rin sa eleksyon. Nood habang kumakain ng mangga. Ano gawa nyo mga kamema? Nakayari na kami ni hubby mag paint. Linis na lang mamayang hapon kapag tuyo na ang pintura. Kain po tayo ng mangga

@charol09

Kapag ganitong oras sa noise bumabaha ng meryenda at nakakatakam naman talaga ang mga pagkaing makikita. Magarbo man o simple ang pagkaing ibinabahagi ng mga kanoise ay talaga namang nakakaengganyong tikman. So ayun nga, nagpost na rin ako ng meryenda ngayon, haha, noong mga nakaraan kase wala akong meryenda nag-iintay lang. Ito kumain tayo kanoise ng nilagang kamote habang mainit pa tapos ay pahiran natin ng butter at ipares sa umuusok na mainit na kape.

@charol09

Ang sarap pala ng feeling nang nangapit-bahay ka tapos may pa free na meryenda,ahehe Masherep ang gawa kanoise, lasang penge pa. Nakaapat lang naman ako. Ipaghahanda sana ako ng panulak na softdrinks kaya lang tumangi ako, water na lang kako at hindi ako mahilig . Iniisip ko nga kung sa pag-alis ko ay may pa take out. . Nagbabakasakali lang naman.

@charol09

Hello noise fam! Start na naman ng umaga Sa mga kapwa ko mommy sipagan natin ang walis, punas, kuskus, at magpaka expert sa pagiging house wife ngayong araw! Sarapan ang luto at baka makatanggap tayo ng bonus kay mister! Baka i treat tayo sa labas at may pakain o kaya ay bigyan tayo ng maubeng papel mamaya. Baka lang naman,ahehe. Ang pagiging house wife ay isang 'arts' din mga mommy, minsan kailangan din nating 'arte-artehan' si mister.

@charol09

Anong pwedeng luto dito kamema? ginisang papaya, ginataan, atsara, pang tinola o hintayin na lang na mahinog? Picture nga pala yan ng friend ko tanim niya sa bakuran nila. Nakakatuwa ang mga taong mahilig magtanim. Hindi ko kase kinahiligan dahil matrabaho at nakakapagod, isa pa wala kaming lugar na pagtataniman.

@charol09

Sabi ko kay hubby ayusin niya itong sewing machine ng panganay niya ng matahi ko na ang short ng anak nyang bunso at puro warak na sa katabaan niya. Kaya ginawa ni hubby 2 hours na sumangguni sa mga expert ( Youtube) para ma assess ang problema. After 2 hours ok na ulit ang portable sewing machine ni ate at magagawa ko ng tahiin itong short ni bunso.

@charol09

Dito muna ako sa garden nila friendship kanoise dahil malamig-lamig kase naman ang bahay namin ay parang oven sa init pati singaw mainit. Habang nandito ako tinitingnan ko itong tanim nilang talong. Sabi ni friendship madaling itanim ang talong at hindi maselan. Matagal din itong mamatay at kapag namunga sunod-sunod. Sabi pa nito, na kapag matanda na ang puno ng talong at konti na lang mamunga maaari daw itong putulan ng sanga para bumata ulit at maging sariwa. Galing naman…

@charol09

Magkatuwang 4 am gising na ako kanoise dahil sa pag-aasikaso ng order. Ang hirap talagang kumita ng salapi sakripisyo at pagod ang puhunan. Mabuti at walang trabaho si mister kaya ito ang nag-asikaso ng agahan namin. Nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya lagi at nakaalalay. Malaking tulong kanoise sa pamilya ang suporta, pagkukusa, pagtutulungan, concern at effort. Hindi lang gumaganda ang relasyon ng pamilya mas nagiging malapit pa sila sa isa't-isa. Sa toxic na panahon…

@charol09

Na tripan ko lang kamemang picturan ito. Nice kase nang pagkakagawa ang creative. Sa bahay kase hindi ko kinahiligang mag display ng katulad nito o ng figurine o kahit na souvenir. Naghahakot kase ng alikabok.

@charol09

Nagmeryenda na ba ang lahat? Kung hindi pa kumuha ka na dito sa pitchi-pitchi na dala ko. Lakihan mo ang platito para masulit ang meryenda mo. Ano bang masarap ipares dito? Malamig na malamig na sprite o royal? Kain po!

@charol09

Sino ba dito ang hindi nagrereklamo sa init? Baka naka aircon kayo, pa aircon naman.😅 Yung init kase nakakainit ng ulo, nakakasakit ng ulo at nakaka altapresyon sa may sakit na highblood. Ang hirap atang maging 'cool ka lang'. Kahit nga itong si Negro mainit ang ulo, lalapitan ko pa lang nagsusungit na..

@charol09

10:36 na pero may lakas pang maglaro ang anak mo, ako e nahihilo na sa antok hindi lang ako makatulog dahil nanonood pa si mister nang walang kamatayang basketball. Hindi kase ako sanay matulog ng may naririnig na t.v at bukas na ilaw.

@charol09

Good night ka ingay, sa wakas nagkulambo na sila. Mag reready na rin akong matulog. Kamusta ang mahapon kanoise? Naging masaya ba? Naging stressful? Naging mahirap? Challenging? Bukas iba naman yan, kaya magpakatibay lagi. Ups and down ang mararanasan natin sa maiksing buhay na ito. Goodnight kanoise!

@charol09

Hello noise fam! Ano po ba ang gagawin natin ngayon araw? Papasok ng trabaho? May lalakarin? Mamamasyal? Gumagayak ng agahan? Maglalaba-laba day? Maglilinis ng bahay? Mag-aalaga ng anak o kapamilyang may sakit? Ano man ang ating gawin ngayong umaga , magsimula sa panalangin at humingi ng gabay sa kanya. Ang takbo ng buhay kanoise ay parang gulong lang na paikot-ikot. Paulit-ulit lamang ang ginagawa natin sa pitong araw sa loob ng isang linggo. Kaya kailangan nating ma…

@charol09

Nag order ako sa lazada last week ng Bed pan para sa hipag kong stage 4 breast cancer patients dahil nagkaka rushes na ito dahil sa laging naka diaper. Pero ng dumating na ito nalaman ko na hindi pala niya ito magagamit dahil wala na itong lakas para iangat ang sarili niya. Sayang naman laking bagay sana sa kanya ito para makabawas sa binibili nilang diaper weekly, ang hirap lang ng pinagdadaanan ng mga may ganitong karamdaman. Masakit na sa katawan, masakit pa sa bulsa.

@charol09

Kumuha na kayo kanoise ng saging, pwedeng isawsaw sa margarine o sa bagoong isda o kahit wala ay pwede na. Napagod ako sa pag-aayos ng mga anik-anik dito sa bahay. Nag-iisip na naman ako kung ano ang itatapon ko para maging maayos ang itsura ng bahay. Tara kumain muna tayo, mainit pa ito.

@charol09

Last 2 weeks nagpabili sa amin ang panganay naming anak ng doll shoes dahil wala na itong gagamitin kaya pumili siya ng size 39 kaso kahapon nag rerequest na palitan ang doll shoes na binili niya dahil masikip sa kanya. Kaya ayun , umalis silang mag-ama para bumili ng tamang sukat sa kanya. At ng bumalik size 40 na ang dala-dala. Sabi ng anak ko sa akin , na sa akin nalang ang size 39 na doll shoes niya. Natawa ako dahil size 37 lang ang paa ko. Mas malaki pa ang paa sa akin…

@charol09

Maalinsangang gabi sa ating lahat! Pagoda kami tonight dahil kakayari lang maglaba bandang 8:30 at mabilisang luto at kain pagkatapos. Mag scroll mo na ako dito sa noise at makikitakam sa mga pagkaing ihahain nila. Konting kwentuhan lang dahil pamaya-maya ay hihilahin na ako ng antok sa pagod. Kinuhanan ko ng larawan itong santan ng kapitbahay ko ng may picture naman ako, haha Enjoy you night kanoise with your love ones!

@charol09

Rest day today. Sarap mahiga maghapon at mag noise.cash . Mas enjoy sana kung may sahod na, ubos na kase stock naming asukal, gatas, sabon at shampoo kanoise. Sinusubukan kong tumingin sa langit at baka may mag-itsa ng pagpapala. Pagbaba ng paningin ko kagandahan ng bulaklak ang nakita ko. Ahehe Kamusta ang linggo ninyo kanoise?

@charol09

Flex ko lang kamema itong labahin namin kagabi na napakakonti (kabaliktaran) hanggang harap yan ng bianan ko meron, 3 bed sheet, 3 kumot, 3 na tuwalya, mga uniform ni mister , at mga damit na malalaki ang nasa harapan . Feeling ko nga parang ayaw ng magbanlaw ni mister kagabi sa dami. 3:30 ng hapon kami ng start pero past 8pm na kami natapos..

@charol09

Ung inaasam-asam kong ulan dumating kanikanina lang at nag iwan ng bakas sa labas ng bahay namin. Sa lakas ng ulan yung mga paso ng bianan ko nalaglag sa veranda sa gilid, nabasag tulog. Minsan hindi ko tuloy alam kung saan lulugar sa init o ulan ba kase naman ang hot ni mother earth ngayon.

@charol09

Busy si hubby today gumagawa ng trabaho kahit araw ng linggo. Kanya-kanya kami ng ginagawa ngayon, si bunso nasa kabilang bahay naglalaro, si ate naggugupit-gupit sa may sala. Sana mamaya may movie time kami para hindi naman nakakainip. Kumain nga pala kami ng kakanin, sapin-sapin , sayang hindi ko nakuhanan ng litrato sana naibahagi ko ang minandal ko dito. Kayo po kamusta ang maghapon? Wala kase akong kakwentuhan kaya naiinip ako, pati si Negro abala din sa pagtulog.

@charol09

Nakatanggap ako ng chequeng talbog na paayuda ng meralco ngayong buwan. Ang taas ng kuryente namin kanoise, 650 lang kami last month. Nataas ata dahil sa walang humpay na paggamit ng bentilador. Kaya ang siste mamamaluktot muna kami para magkasya ang budget. Sayang kanoise, kung pera sana ang mag aadjust sa atin at hindi tayo, ang saya sana. #original content

@charol09

Alang movie time kanoise. Nood lang , anyway ok din naman ito. Nag e enjoy si bunso at tawa ng tawa. Tutok na tutok sila sa palabas ni Stephen Chow, sikat na bida ng Kung Fu Soccer. Hindi si Stephen Chow na picturan ko kanoise nahulog kase siya sakto pag click ko sa camera. Wala pa kaming pagkain , mukha namang wala pa silang balak kumain dahil na nonood pa. Basta ako, mag no noise.cash ako hanggang ma lowbat! #original content

@charol09

Balik trabaho at aral ngayon kanoise kaya 5am namili si hubby ng ulam para may baon siya. Ginataang papaya ang bitbit pag-uwi. Magluluto muna ako kanoise. Mamaya pupunta pa akong school para kumuha ng module. Good morning everyone have a wonderful Monday morning!

@charol09

8 am pupunta akong school para kumuha ng module ng panganay ko kanoise, Ginayak ko na itong sasagutang module ng bunso ko sa lugar na madali niyang makikita para aware siyang module day namin ngayon. Ang daming activity today, Module PETA at Project AN Para sa 6 years old na maiksi pa ang pasensya at hindi pa na traine mag-aral ng whole day nagrereklamo sila sa tagal ng turuan kasama si nanay. Ang dami pang seremonyas ng bata bago gumawa. Naubos na oras sa kakaarte bago…

@charol09

May request ang mga bata bago ako umalis, Nova at Piatos ang pasalubong na gusto nila. Para lang mag very good kailangan may suhol😅 Kaya bago mauwi ng bahay dumaan muna ako sa tindahan, pang dalawa lang dahil wala ng budget ang bulsa. Naglakad na lang ako papuntang skul at pauwi ng bahay. Umaga pa lang kanoise pawisan na sa init, before 8 ako umalis which is maaga pa pero ang init na parang kahapon lang ang lakas ng ulan dito. Kamusta kayo

@charol09

Share ko kamema itong school ng mga anak ko. Ang lawak ng bakuran nila, at nakakarelax ang view. Na maintain nila ang school mabuti pati mga halaman, ang lakas ng hangin dito kapag hapon kanoise. Bandang katanghalian lang mainit. Noong f2f enjoy maglaro ang mga estudyante sa damuhan. Naalala ko bigla ang elementary days ko. Jack stone,Chinese garter,Pogs at texts ang nilalaro namin kapag break time.

@charol09

Bati ngayon ang mag ate dahil busy silang pinagsasaluhan itong gummie candies. Kapag nakikita ako ng ganitong pagkain nag fe feeling bata rin ako, nakikidampot din ako sa plato ng mga bata.ahehe Hindi ko mapigilan kanoise, ang sarap kase niya talaga. Binabalik- balikan ng panganay ko sa tindahan ito kapag may hawak na pera. Siguro dahil bukod sa lasa ay colorful din sa mata kaya na eengganyong bumili. Sino po ditong mommy ang like ding kumain ng gummie candy?

@charol09

Hello kanoise. Nag-iisip ako ng uulamin ngayon, Issue namin yan everyday. Anyway, kamusta kayo? Pagod po ba maghapon? Naulan po ulit dito sa amin. Sa pagtapos ng ulan may pagpapalang spaghetti at Shanghai na dumaan. Literal na nagdaan kanoise kase biglang nawala nung kukunan ko na ng larawan. Na 1,2,3 na ng mga anak ko.

@charol09

Good night na po sa lahat. Nag movie time kami kanoise Lost City ang title ang bida sa Sandra Bullock, Channing Tatum at nakasama sa cast si Brad Pitt kaso saglit lang. Daming tawa kase may halong comedy talaga . Bago matulog mag good night muna ako sa inyo, sa mga bago po dito welcome sa noise! Sa may mga lakas pang magpuyat, keep it up! Ahehe,

@charol09

Malamig na umaga kanoise. Share ko 'tong halaman ng plantita kong kapit-bahay. Sa labas lang yan ng apartment nilang sobrang liit, ang kasya lang ay dalawang tao , may maliit na lababo at makitid na C.r buti na lang wala silang anak kaya ang naging hobby niya ay pagtatanim. Ang tyagang bumili ng empty mineral bottles ng wilkins, yung malaki tas hihiwain sa gitna para gawing paso. May carnation pink pa siyang vietnam rose na madalas kong makita noon pero siguro hindi pa…

@charol09

May bumisitang aso samin kanoise, alaga ng hipag ko. Pipicture an ko sana kaso biglang tumakbo at narinig na paalis yung motor ng bayaw ko. Nakita ko kaseng nanunood ng tv yung aso (Mochi) kasama ng panganay ko sa kwarto. Mukhang naghahanap ng kasama si Mochi. Madalas kase sa bahay nila hindi na ito napapansin at naaasikaso simula ng magkasakit at maratay sa higaan ang hipag ko. Kinailangang magtrabaho at mag-alaga nang bayaw ko. Noon pamper na pamper nila si Mochi, pero…

@charol09

Hello kanoise, patulong namang magtupi ng labahin, kahapon ko pa ginagawa pero hanggang ngayon hindi ko matapos-tapos 😅 Maalala ko, may labahin pa nga pala ako sa labas, nagbabad nga pala ako kaninang umaga ng mga salawal. O sia, sumilip lang ako dito, trabaho na naman sa ayaw at gusto dahil pagnagising si bunso start naman kaming mag module. #buhay nanay

@charol09

Hello noise fam. Start na naman ng morning , 4:30 gising na ko para maagang matapos ang gawain para makapanood ng kdrama mamayang 9am, ahehe. Nahaling ako sa Ruler of the Mask , yan yung paulit-ulit na kdrama sa t.v pero kahit kelan hindi ko maumpisa-umpisahan dahil laging late ko ng nakikita na pinapalabas. Mejo nabawasan ang gawain ko today dahil walang online si bunso. Sa 4:30 am na gising, nakapagluto at nakapag-almusal na kami nito kaya ang gagawin ko naman ay mag linis…

@charol09

Na miss ko ang ganitong activity sa school ng mga bata, Last 2019 pa yan, dance contest ng bawat section ng elementary. Bago ang event talagang puspusan ang praktis ng mga bata at napaka supportive ng parents kaya naman ganado ang mga bata sa pagsasayaw. When kaya ulit ang ganito? Nakakatulong din kase sa mga kids ang ganitong gawain para sa development nila, social at emosyonal. Masaya sila na nakakasama ang ibang mga bata. Nakakausap ang iba. Dito kase sa bahay hindi na…

@charol09

Kdrama Bakit ba ang gaganda gumawa ng story ng korea? huhuhu. Humihinto ang oras ko kapag nanonood nito. Basta 9am hihinto muna ako para manood. Balik uli sa trabaho kanoise, makapag map ng sahig. Maagiw na ang kisame namin kaso wala akong gagamitin na pantanggal. Sana ibalik ng Heart of Asia ang Scarlet Heart isa pa yun na maganda. Galit-galit muna kapag ito ang palabas, bawal istorbo. # original content #kdrama feels

@charol09

Bigla akong nagutom kakawalis dito, walis doon. Kain tayo ng suman antala bili ni hubby. Kapag nakakakita si hubby nito sa palengke apura bili hindi naman siya kumakain, binibili niya lang kanoise dahil alam niyang paborito ko ito, Oh,sweet! Kain tayo, kumuha na kayo. Ano bang ganap ngayon sa atin? Nahinto ako kaya napasilip dito. Ang lakas makaagaw ng atensyon ni noise sa maghapon. Sa umaga paggising sisilip kay noise, kapag ka walang ginagawa sisilip kay noise, sa tanghali…

@charol09

Si Negrong Pasaway Naalis ako sandali sa gitna ng pagtutupi ko ng labahin kanoise, pagbalik ko may bossing sa gitna ng tupiin ko,ahehe. Si Negro feel na feel ang pagtulog dahil sa kacute an niya kanoise hindi ko muna pinaalis, picture muna tapos lambing tapos pinalayas ko na. Ahehe,sa higaan lang naman. Maulan nga pala dito sa amin. Naggagayak na si mister ng hapunan maaga umuwi. Kamusta naman kayo.

@charol09

TV 5 Cine Cinco Natuwa ang mga bata pagbukas ng tv dahil merong palabas na Home sa Tv plus. Ayos naman at may libangan sila. Nakatapos na kaming kumain at maulan pa rin ang panahon. Nahinto muna ang gawain dahil sa panonood , si ate hindi pa makapaghugas ng pinagkainan. Si bunso malaki na naman ang tyan sa dami ng kinain. Samantalahin ko munang mag noise,ahehe

@charol09

Post picture 'to ng friend ko sa facebook. Highschool friend , tinatanong niya kung ok na ba? Sabi ko, "kulang pa sa durog, durugin mo pa!" Ahehe, pero ang totoo na good vibes ako ng makita ko post nya. Meron pa palang hindi marunong magbukas ng Luncheon Meat. Anyway, good morning mga kanoise. Start na tayong mag ingay dito sa noise. Tamang kape at noise.cash perfect na perfect ang Thursday morning ng lahat.

@charol09

Sumandok na kayo kanoise, Bagong luto, humigop muna ng mainit na sabaw ng sinampalukang manok para mainitan ang sikmura. Pwede umulit dahil marami naman. Pakihagis na lang po dito ang mga mangkok ninyo. Ahehe Kakain muna kaming mag-iina ng almusal kanoise. Eat well na rin po kayo.

@charol09

2020 kasagsagan ng pandemya ng hilingin sa sakin ng kaibigan ko na gumawa ako ng greeting video para sa friend naming mag se celebrate ng anniversary nila since ibinagbabawal noon ang lumabas ng bahay. Kaya heto, sinama ko sa ginawa naming video ang cake na nilagyan ko ng design. Huwag nyo ng pansinin yung sulat , panget talaga handwriting ko kanoise. Ahehe Ang totoo may bawas na yung cake na yan,ahehe kaya nilagyan ko ng maraming paper roses para hindi makita. Gawa ko yung…

@charol09

Sili nalang ang kulang kanoise dito sa bagoong ko, wala na pala akong stock sa ref. Ka sad naman. Mas magana sanang kumain kapag may anghang. Ok na ba itong ulam ko kanoise? Late lunch na ito, nadalaw kase ako sa hipag ko. Nag rerequest na samahan siya kahit sandali para may makausap. Nag-iisa kase sa kwarto dahil maghapong naghahanap-buhay ang asawa. Mamaya ko nalang kwe kwento, kakain muna ako.

@charol09

Meet Mochi ang pet dog ng hipag ko. Ang bait niya kapag pumupunta sa bahay namin pero kapag ako ang pupunta sa kanila ayaw akong papasukin ,kahol ng kahol. Sabi ko kanina sa kanya na huwag siyang gagalaw dahil kukunan ko siya ng litrato. Nag freeze naman siya kanoise. Maulan nga pala dito sa amin

@charol09

Happy FriYEY morning kanoise! Happy dapat ang morning para hindi masira ang maghapon. Nga pala malamig ang gabi kanoise tapos yung fan namin hindi ko mapatay dahil malamok kaya mas lalong guminaw. Magsisimula ng lumiwanag dito sa amin ibig sabihin kumilos na raw ako para gumanyak,ahehe. Hindi ko kase matiis na hindi sumilip kahit sandali dito sa noise. O,sia ba bye na. Mamaya ulit!

@charol09

Itong anak ko busy sa pag-aaral pero may pusang nag papa cute na naman sa tabi-tabi. Titingi-tingin noong una pero ng hindi makatiis humiga na sa gitna ng ginagawa niya. Talaga naman si Negro kapag nagpapansin hindi mo maiiwasang hindi lilingunin.

@charol09

45 pesos na kitchen cloth budol kay Lazada. Ginagamit ko na basahan sa kusina namin kanoise. Nagustuhan ko ito dahil easy lang labhan kumpara sa ibang tela. Wag lang ipamumunas sa mantika. Pangalawang beses ko ng order ito,12 pcs isang pack , 3.75 lang ang isa, matagal ng magagamit. Pang 100 pesos below lang ang budget ko ngayon tapos with free shipping voucher para sulit. Kapag walang free shipping voucher hindi ako nag ba buy now. Nanghihinayang kase ko. Alam nyo ba…

@charol09

Tortang malunggay ang lunch naming mag-iina ngayong tanghalian. Sinamahan ko ng isang patatas at carrot para mejo colorful tingnan. Gustong inuulam ng mga anak ko ito kanoise, tapos isinasawsaw nila sa ketchup , napaparami sila ng kain. Ang gusto pa nila dito yung crispy kaya dini deep fry ko pa talaga at nininipisan ang luto.

@charol09

Hi noise fam! Kakatingin ko sa gallery ko napansin ko itong throwback picture ni negro 3 years ago, ang cute niya talaga kahit noong bata pa siya! Paborito niyang hinihigaan ang bed ng panganay ko kaya yung bedsheet namin puro scratch niya. Si Negro din ang sanhi kong bakit weekly naglalaba kami ng bedsheet, siya din ang dahilan kung bakit puro scratch ang tsinelas namin , siya din ang dahilan kung bakit may lamang isda lagi ang freezer namin. Pano kaya kung dumating ang…

@charol09

Saturday is Laba day Sched talaga namin ni hubby ang paglalaba every Saturday afternoon at dahil tatlo kaming nagtutulong-tulong( hubby, ako,anak na panganay) sa paglalaba isang upuan na lang namin ang isang linggong labahin. Para sa mga mommy na alam ang dami ng labahin for 1 week mapapawow ang isa sa pagod kapag solo mo lang gawin ito. Weekly din kami magpalit ng tatlong bedsheet at 2 tuwalya at minsan tatlo kung gagamit sila Negro para maligo. Sa mga mister na madalas…

@charol09

Peanut Brittle Inabot ng friend ko kahapon Galing sila ng family nya sa Baguio. Ito talaga ang hindi mawawala na pasalubong kapag galing ka dito. Mas type ko ang ganitong peanut brittle yung isang klase na flat type na durog ang mani joke ang laman ng garapon. Kunwari puno kapag tiningnan sa labas pero kapag binuksan mo, yung gilid ng garapon lang ang meron yung gitna puro space, alang laman.😅 Ahehe Magandang gabi

@charol09

Hi noiser! So ayun nga everyday 4:30 or 5am ang gising namin ni hubby lagi. Late na namin ang 6am bawal tanghalian kase everyday kahit wala siyang pasok ang dami naming ginagawa. Na try na naming magbabad sa higaan, ang problema naaaligaga kami sa gawain tapos nasisira ang schedule kaya ang naging set up namin ay gumising ng maaga period.ahehe Bawal tamarin😢 Kahit ang sarap-sarap magtamad-tamaran😭 Umaasa na lang ako na sana makita ng mga anak namin habang lumalaki sila yung…

@charol09

Kwento ko lang kanoise yung nangyari sa umaga ko. Wala namang kakaiba at espesyal sa araw ko , tipikal na araw. Gigising, magluluto, maglilinis ng bahay, iikot-ikutin ang gamit, walis-walis. Nang manawa ako pumunta ako sa palenke para mamili ng stock naming mga panahog sa ulam. Since walking distance lang naman ang pamilihan sa amin. Nakatuwaan ko na kunan ng litrato itong kamatis, ang ganda kase . Yun lang kanoise Sabi ko naman sa inyo walang espesyal sa araw ko Ahehe

@charol09

Hi kanoise, Super lakas ng ulan sa amin ngayon kaya ang labas ng bahay namin binabaha na naman. Mabuti at hindi pumapasok sa bahay namin kundi ang hirap maglinis. Kamusta naman po ang araw ng bawat isa. Ako mejo nakakaramdam ng sadness sa bagay na hindi mabigkas. Kapag kase feeling sad at down ako nakasanayan ko na lang sarilinin. Although nakakatulong naman talagang magsabi rin sa iba para ma ease kahit papaano ang ang nararamdamang sadness pero kase mas komportable ako na…

@charol09

May nag-aantabay na pusa sa taas ng refrigerator! Nag-iisip kung kelan magluluto ng isda ang papa nila. I Push mo yan Negro baka mahabag ang Dada mo,ahehe

@charol09

Nag defrost ako ng refrigerator kagabi kanoise ang kapal na kase ng yelo kaya ng makayari akong magluto inasikaso ko na kaagad itong linisin dahil baka masira ang isda ni Negro sa ref. Nagtataka lang ako bakit kaya ang bilis kumapal ng yelo sa freezer samantalang kakalinis ko lang 3 weeks ago. Madalas nga walang laman ito kundi isda lang sa lalagyan ng ice cream. Dumidighay na nga ang ref namin dahil nabloated na sa lamang puro tubig,😅 Nagkakaroon lang ng laman ito kapag may…

@charol09

Kape po tayo, sumandok na rin po kayo ng pansit at sabayan na ninyo akong kumain. Kamusta po ang umaga? Ako nanunood na naman ng heart of asia, huminto muna ako sa gawain para magpahinga. Bigay nga pala itong pansit ng bayaw ko. Kain po tayo.

@charol09

Sa wakas nahakot na rin ang mga basurang matagal na naipon. Grabe puno na ang trak pero hindi pa nakapunta sa dulo yan. Mas maganda sana kung araw-araw may umiikot dito para hindi natatambak sa gilid ng kalsada ang mga sako.

@charol09

Matapos ang maghapong nakakastress my pusang nag pa good vibes sa araw ko. Heto si Neg-neg natutulog sa gilid ng damitan namin. Nagtatago siguro sa mga bata at kada makikita siya ay lagi siyang niyayakap nila, nagrereklamo na nga dahil napipiga yung taba niya sa katawan. Ahehe

@charol09

Sa buong week ito talaga ang hindi ko dapat ipagpaliban-liban na gawin. Araw-araw bago ako mag start sa paglilinis ng bahay ginagayak ko na ito ng maaga sa isang lugar na makikita ko. Module 'to ng bunso ko. Sa maghapon hindi kami pwedeng hindi gagawa ng module nya, ang hirap kase kapag natambak ang gawain niya sa skul. Ang hirap turuan kapag nakikitang marami siyang kailangang tapusin, lalong nag-iinarte. Online nga rin pala ni bunso mamayang 10 am. 2 times a week meron…

@charol09

Gaya-gaya Simula ng maging grade 4 ang panganay ko ito na ang palaging naghuhugas ng pinagkainan namin tatlong beses isang araw at nang dahil doon palaging nakikita ng bunso ko ng ate niya sa lababo kaya naman nag request ito sa papa niya na siya muna ang maghuhugas ng pinagkainan namin at dahil supportive ang papa pinagbigayan naman nito ang anak. Ang bata talaga ang hilig gayahin ang mga nakikita sa iba pero kapag inutusan mo ayaw nila. Kaya samantalahin ko muna ang…

@charol09

Kahapon pa hindi pumapasok ang tips sa wallet, kayo rin po ba ganun kanoise? Sana mag back to normal na ng hindi naman nakakakaba. Kamusta po ang umaga natin? Nakapagluto na po ba ng lunch? Antabayanan ko na umulan ulit para masarap matulog. Ingat po sa lahat.

@charol09

Instruction Activity ng bunso ko sa online quiz nila. Gumuhit sa pamamagitan ng pagsunod sa panuto. Ito ang kailangang i praktis ng mga bata.Sumunod sa instruction. Sa activity nila nasunod naman niya kahit hindi ko ginagabayan pero kapag gawain sa bahay madalas hindi niya masunod lalo na kapag naiistorbo sa panonood ng tv at sa paglalaro. Malaking gabay din sa mga magulang ang pagtuturo ng mga guro sa eskwelahan sa kanila para matuto din sila sa pamamagitan ng ibang tao…

@charol09

Movie Nag save ng movie si hubby para mag movie time kagabi kaso ang siste ang mga bata lang ang nag enjoy. Ok naman yung mga bida kase sikat na disney cartoon sila Chip and Dale tapos may mga totoong tao silang kasama kaso hindi ko feel, na boringan ako kaya nanood na lang ako sa fb watch kagabi habang si hubby napansin kong natutulog habang nakaupo sa gilid ng double deck,ahehe, hindi rin siguro niya nagustuhan pero ang mga bata hanggang katapusan tinapos ang palabas. Ano…

@charol09

Day off Pangarap ng maraming nanay ang magkaroon ng day off sa trabaho sa bahay madalas hindi maintindihan ng mga anak at asawa ang pagod sa maghapong gawain ng mga "bunganga ng tahanan", este, "ilaw ng tahanan", pwera pa ang saway sa mga bata, stress sa pagbudget at many more. Ngayon ko na appreciate ang sitcom noon na day off para sa mga mommy at daddy. Haisstt #senti pa more..

@charol09

Kapag katanghalian ito ang panahon na ang sarap matulog kaso yung mga bata sa amin paroo't parito naghahabulan na nagsisigawan pa. Hindi tuloy ako nakatulog mabuti. Hirap pa naman akong ibalik ang tulog ko di gaya ng iba mahipan ng lang ng hangin tulog. Tsk,tsk,tsk. Bad.

@charol09

So ayun mga kanoise Sumilip lang ako dito para magsabing good night, inaantok na talaga ako. Matulog na ako ng maaga para mabawi ko naman yung tulog ko na naudlot kanina. Sa mga kumakain pa, damihan nyo kanoise. Sa mga nagha happy happy, i push nyo yan! Good night po😴

@charol09

Every gising is a blessing Trulalu naman Mas ok naman yun kesa walang gising Kahit puno ng problema ang buhay pero masarap pa ring mabuhay at makasama ang mga mahal natin sa buhay kahit minsan sila ang nagiging dahilan ng kalungkutan natin sa buhay pero sila din naman ang dahilan kung bakit tayo masaya sa buhay. Mabuhay tayong lahat! Ahehe

@charol09

Kalamay Sabi ko kay hubby gumawa naman kami ng kalamay may napanood kase akong video na parang ang sarap. Tatlong sangkap lang ang kailangan, malagkit flour , brown sugar at gata. Usapan namin ni hubby ako maghahalo ng sangkap siya maghahalo hanggang maluto. Ahehe Sa tingin ko fair naman Non-stop ang halo hanggang maluto

@charol09

Lipas Gutom Sabi noon ng friend ko na nars every 4 to 5 hours magugutom na tayo since huling kain natin dahil nagiling na ni digestive system ito. Sa tingin ko, tama siya, kase 7 am ang huling kain ko kaya naman na fe feel ko na naghahanap na ng pagkain ang tummy ko kaya alam nyo na kanoise kung ano ang tamang oras ng pagkain, every 4 to 5 hours dahil kapag lumagpas na lipas gutom na ang tawag diyan. Drawing nga pala ng panganay ko kanoise.

@charol09

Tsinelas + chilli Post ko sana yung picture ng babae sa facebook na nag dip ng tsinelas sa chilli tapos kinain niya kaso ayaw ma upload ng picture. Ayun nga dahil doon ang dami niyang follower at ang daming nag ko comment sa kanya na puro pang ba bash pero apura naman panood. Kaloka ang internet ngayon lahat gagawin para mapansin sabagay isa sa best way para kumita ngayon ay social media. Malaki ang naging kontribusyon ng pandemic para makita ng marami na may kita sa…

@charol09

Headache Sumasakit ang ulo ko sa init ng panahon Ang taas pa rin ng araw Ala atang balak umulan katulad kahapon Nakatulog naman ako kaso saglit lang Mabuti pa si negneg ang sarap ng tulog hindi niya napansin na nakatanggal siya sa tali buti hindi lumayas ng bahay. Good boy negneg.

@charol09

Ulan Kanina sobrang init dito, ngayon naman parang binabayo yung bubong namin sa lakas ng hangin at ulan. Iba na talaga ang panahon. Kapag mainit sumobra sa init kapag umuulan sobra sa ulan. Paano na lang kung bumagyo pa? Nga pala abala kaming lahat sa loob ng bahay ngayon. Ang ate nagmomodule, si bunso nanunood ng walang kamatayang The Incredible, si hubby busy kakaplantsa, siya kase gumagawa nito simula noon pa dahil hindi talaga ako marunong magplantsa,ala akong tyaga. At…

@charol09

3 am Ito ang oras ng gising ko kanina Kaya feeling ko para akong nasa cloud 9, lutang. Yung time na matutulog na sana ako ngayon para makabawi tsaka naman nagchat ang grade 1 titser ni bunso na 10 am ibabalik ang module ngayon. Huhuhu Ang ganda ng morning ko. Kayo po?

@charol09

Amazing work Ito talaga ang inaabangan ni bunso tuwing pupunta ako sa skul para kumuha ng module tinitingnan niya kung may ibibigay si titser sa kanya na gift at hindi naman siya nabigo. May pa reward si titser na choco mucho kaya super happy ang batang mataba.

@charol09

Good vibes Ang sarap sa isang lugar kung saan tahimik at payapa ka. Ito kase ang inaasam ng lahat, kung bakit? ang buhay kase puno ng stress kaya sempre gusto natin na mafeel sa isang place na kung saan safe tayo at comportable kasama ng mga taong mabubuti din. Iwas tayo sa toxic para ang buhay natin masaya. Mainit na panahon po sa ating lahat!

@charol09

Pending Pending pa rin ang tips today May nabasa akong post tungkol dito kaso english hindi ko masyadong maintindihan. Sana may mag post sa tagalog ng mas maappreciate ko yung post.ahehe. Ang nag post ay pantera99 ang natatandaan ko na username niya. Anyway, good morning sa lahat.

@charol09

Tips Sa wall ko pala na post yung ni type ko,ahehe. Walang makakabasa masyado kaya nagtype uli ako.ahehe. Pending pa rin yung tips today, may nabasa kase aking post kahapon about sa pending tips kaso hindi ko masyado maintindihan. Pantera99 yung natatandaan kung username sana may magpaliwanag. English kase e,ahe Good morning po sa lahat.

@charol09

Leash Busy na ako mamaya kaya flex ko muna itong tabachingching na si negneg dahil parating nakatali sa labas ng pintuan namin madalas na mapasin ito ng mga nagdadaan. Nagtataka kung bakit nakatali sila. Ang tingin kase ng iba kakaktuwa ito at bago. Kung hindi namin ito ginawa marahil matagal na itong namayapa. Noon kase kada uwi ni negneg lagi itong may sugat, pilay ,tapyas ang kuko at ang huli may tama ng airgun ang binti niya. Sad reality wala ng safe na lugar para sa mga…

@charol09

Mochi Naligaw na naman sa bahay si Mochi. Naghahanap ng kalaro at naiinip sa bahay nila. Lagi niyang tinitingnan mga anak ko dahil kinawiwilihin siya at lagi din siyang binibigyan ng mga bata ng gummie candies. Mas matalino ang aso kumpara sa pusa. Si negneg kase masaya ng natutulog sa maghapon samantalang ito si Mochi naghahanap ng atensyon tapos na nonood din ng tv. Si negneg naman nanonood lang kapag Lion king ang palabas.

@charol09

Bad Nakatulog ako kanoise Ang masama may kausap ako ng 11:30am. Nang magising ako 12:30 na So ayon, pagbukas ko ng messenger dumating siya at waLa ako, 3 miss col at 2 chat ang iniwan niya. Sa konsensya ko sorry na lang ang nasabi ko. Hay buhay bakit ba kase nakatulog ako? Nakakahiya tuloy. No choice, nag schedule uli kami ng oras para magkita, naabala ko tuloy siya. Ang hirap pa naman ng nag-iintay Pagod pa sa byahe.. #babawi

@charol09

Pumasok na ang pending ko kanoise, Ayos, baka kayo rin ok na. Check nyo po. Labalaba lang po ako . Sumilip lang saglit

@charol09

Spider Man into the Spider verse While laba-laba Nood-nood naman ang mga bata ng paborito nilang episode ng Spider Man although lahat naman ng Spider Man movie ay maganda pero ito kase gusto ng mga bata dahil animated, gusto nila ang kulay pati ang music na 'Sunflower' at 'Whats up danger' na hindi ko alam kung tama ang title lagi ko lang na naririnig.

@charol09

Gising na Bangon na Umaga na Tara na Halina at mag-ingay Mag post at mag enjoy Dito sa noise Na magkakasama! Maganda pa kayo sa umaga kanoise Ingat sa buong maghapon ngayong araw ng linggo.

@charol09

Sosyo Si hubby talaga ang bahala sa pamimili ng mga basic needs namin sa bahay gaya ng sabon, asukal, shampoo,etc. Sakto naman ngayong araw namili siya kaya naman nakisosyo ako sa budget. Ahehe. Nang makabayad sa counter bumubulong tumataas daw ang expenses kapag kasama ako. Ahehe

@charol09

Calbee Sinamantala kong bumili ng paborito kong chichirya ngayong araw dahil wala akong kaagaw. Ito yung isa sa binayaran ni hubby kanina sa puregold. Kumuha na ako nito kanina dahil ang dalawa ko kaseng anak ay nasa kanilang lola ngayong araw kaya solo ko ang isang pack ng potato chips na paborito din nilang kainin. Yehey!

@charol09

Iniisip ko kanina kung need ko na bang bumili ng bag, simula kase ng pandemic na stock ang mga sapatos at bag namin sa cabinet nito ko lang napansin na nagbakbakan na pala ang mga ito. Sayang ang daming nasira pati bag ng anak bakbak na rin ang balat. Ganito pala kapag hindi nagagamit nasisira. Ang cute ng bag na ito bagay sa anak ko lalo na kung kulay pink. Ako lang ata may gusto ng pink para sa kanya.ahehe Happy Sunday po sa inyo!

@charol09

Pamaya-maya susunduin na namin ni hubby ang mga anak namin sa lola nila. Every 2 weeks kase pumupunta sila doon para mamasyal. Since hindi naman na mga alagain kaya hinayaan ko na doon muna sila tsaka minsan lang naman. Natutuwa naman ang lola nila at tiyahin at minsan may maingay sa bahay wala naman kaseng bata sa kanila. Kaya sulitin ang oras habang wala ba ang mga kiddos. Nagbaon na nga rin ang mga anak ko ng padjamas para kapag uwi ay matutulog na lang sila. Bukas dami…

@charol09

Gud nyt na kanoise, Nasundo na namin ang mga anak galing sa lola nila, bat kaya ang bata galing sa laro at galaan pag-uwi may mga toyo? Anyway, good night na po sa lahat! Nagkulambo na si bunso at inaantok na raw siya, ako may ay ganun din. Dulces sueños everyone!

@charol09

Kdrama Kapagod maglakad mula skul pauwi,haiist, Nga pala baka may alam po dito kung saan makakapag download ng kdrama series. Meron kase akong gustong panoorin na palabas yung The Red Sleeves. Ang hirap manood sa Facebook watch at Youtube dahil video clips lang ang iksi 1 to 3 mins lang. Gusto ko sanang mag relax ngayong linggo.

@charol09

Low budget date Mahalaga sa mag-asawa na may oras sila sa isa't isa kapag lumalaki ang pamilya nila dahil nadaragdagan ang mga anak nagiging dahilan ito na dumami ang kanilang mga pasanin at responsibilidad kaya ang oras nila para sa isa't isa ay hindi na gaya noong una noong wala pa silang mga anak kaya mahalagang mag date paminsan-minsan kahit sa simpleng paraan ang mahalaga ay may oras sila na mag enjoy na magkasama. Treat ni hubby, squidball kahapon,ahe.

@charol09

Buti nakatulog ako kahit maingay yung bayaw ko. Nag wewelding at nag ca cut ng bakal para gumawa ng gate. Tanggap na trabaho niya at sa bahay ginawa. Ang ingay kala ko nga hindi ako makakatulog. Nahimbing pa ako kahit mainit. Kaya po kamusta? Nag chat si hubby pauwi na daw siya kaya maglilinis muna ako ng bahay.

@charol09

Napagod na ako kakatingin sa you tube at facebook wala pa rin akong makita ng complete episode ng gusto ko na palabas na kdrama. Kaya heto at napatambay uli ako dito sa noise. Ang agang umuwi ni hubby today, hindi ko na nga siya naasikaso pagdating dahil paalis naman ako dahil tinatawag ako ng hipag ko na may sakit. 2 days din akong hindi nakapunta sa kaniya kaya sinulit ko na yung oras na makipagkwentuhan. 5pm ako umalis ng bahay 7 na akong nakauwi ,si hubby na ang nagluto…

@charol09

May 31, 2022 Magandang araw ng Martes mga kanoise! Ang agang gumawa ng module ni bunso ngayon sabi ko kase bawal manood ng tv kapag walang tapos na trabaho. Eto din si ate nagpupunas na ng kabinet, task nya yan mula Lunes hanggang Biyernes bawal manood hangga't hindi natatapos lahat ng gawain nya sa umaga kasama na ang pagliligpit ng bed, pagwawalis at paghuhugas ng pinggan. Madalas nirereklamo nila ito pero ganun talaga kailangang masanay sila at matuto habang bata pa.

@charol09

Invite Share ko itong chat ng friend ko kaninang 5:42 am. Ang higpit ng imbitasyon since last week pa ito nagpapaalala na pumunta sa kanila para sa party ng anak niya. Ang sarap ng ganitong imbita hindi ka nakakalimutan. Friend ko nga pala siya simula 15 years old kami, pareho kaming part timer sa isang furniture shop . High school kami noon hanggang ngayon meron pa rin kaming open communication sa isa't-isa.

@charol09

Online class Busy ang baby ko Nakikinig sa online class, very good. Nakakagulat titser niya biglang tumatawag ng pangalan kaya dapat atentibo siya. Bawal laro o kutkot ng gamit kaya dito lang ako sa tabi niya para sure na walang ibang gagawin.

@charol09

Hello po mga ChikaDora Nag chat hipag ko sa akin malalaglag na raw siya sa bed niya kaya nagpunta ako para tingnan. Pagdating ko doon ok na siya at inaasikaso na ng asawa. Nag wewelding kase bayaw ko kaya hindi matutukan ang aswang bedridden. Kapag need ng help ng cha chat sa akin. Ang mga anak ko nga pala abala sa panonood ng Youtube , hindi naman sila parating pinapayagang manood nito pero dahil behave sila pinayagan ko na. O siya lapit ng magtanghalian Enjoy po sa lunch…

@charol09

Kamusta ang hapon mga kanoise? Ang sarap ng gising ko at diretso ang tulog ko ngayon, hindi naman maulan dito pero yung hangin sa bentilador malamig hanggang ngayon nga natutulog pa rin ang bunso ko. Paggising ko nanjan na si hubby inaayos yung nasirang screen door namin. Hindi na niya ako ginising. Now naman busy na siyang manood sa Youtube ng basketball. Kayo po ano ginagawa nyo ngayon?

@charol09

Good night na po. Ang agang nagpapaalam😅 5 am pa lang kase gising na ako minsan 4:30 am pa kaya wala na akong lakas magpuyat. Sa bahay lang naman ang gawain ko pero nakakapagod talaga kaya hinihila na ako ng antok kapag ganitong oras. Pinapakulambo ko na nga ang panganay ko ,sanay sila na may kulambo kapag natulog simula bata gawa ng malamok dito. Nyt, nyt mga kanoise..

@charol09

Umagang kay ganda Sana ganun din sa iba? Si haring araw ay sumikat na Para magdala ng ngiti sa taong napipighati Para sa pusong nasaktan upang bigyan ng dahilan na bumangon at magsimula kahit wasak ang diwa dahil sa magdamag na kakaisip kung ano ang dahil at bakit humantong sa ganito ang pag-ibig. Nakikisimpatya lang may hang over sa issue😅 #hiwalayan #Moira

@charol09

Maulan sa amin kaingay Kaya ang sarap maghiga-higa Ayan at napabili ako ng Piatos habang nakikinood sa dalawa kong anak ng Wings! Nakatapos naman na ako ng gawain at nakapag punas na ng sahig, tambay mode muna si inday ngayon!