Sa buong week ito talaga ang hindi ko dapat ipagpaliban-liban na gawin. Araw-araw bago ako mag start sa paglilinis ng bahay ginagayak ko na ito ng maaga sa isang lugar na makikita ko. Module 'to ng bunso ko. Sa maghapon hindi kami pwedeng hindi gagawa ng module nya, ang hirap kase kapag natambak ang gawain niya sa skul. Ang hirap turuan kapag nakikitang marami siyang kailangang tapusin, lalong nag-iinarte. Online nga rin pala ni bunso mamayang 10 am. 2 times a week meron silang online kasama ang mga kaklase niya sa grade one. Kaya talagang kailangan ko ng mahusay na schedule at time management para matapos ang mga responsibilidad minsan tuloy hindi ko maiwasang mainggit sa mga nanay na nakikita kong nakikipag siyetehan umaga palang,ahehe
No comments yet