Magandang gabi kanoise! Share picture ko lang itong dalawang pusang alaga namin. Inabutan namin pag-uwi na ganito ang posisyon nila. Ang sweet nilang magkapatid hindi nag-aaway sa oras ng kainan. Kahit may kanya-kanya silang lalagyan ang gusto pa rin nila ay magkasalong kumain. Nag iintayan pang matapos ang isa bago kumuha ng isda ng isa. Hindi ba kagaya ng ibang pusa na nagagalit kapag may katabi sa pagkain. Pareho nga pala yang lalaki, mas matanda nang 1 taon ang black and white at nakababata nyang kapatid ang isa. House cat lang sila kanoise, strict ang parents kaya bawal silang lumabas at makipaghabulan sa ibang pusa. Kaya sa maghapon, nakatali lang sila sa labas ng pinto namin para masilayan nila ang buhay sa labas kapag umaga at tinatanggalan naman namin ng tali sa gabi kapag sirado na ang bahay para makapaglaro sila. Nga pala nasira na nilang dalawa ang kulambo ng anak ko kakarambulan nila sa gabi tuwang tuwa silang magkapatid na nilalambitinan ito. 😂 Magandang gabi!
4 comments
Ang ganda ng pose ng dalawa.
Para nga ma na mag asawa. Nagising lang sila nang magbukas ang pinto. Nagtataka siguro bakit sila kinukuhanan.
Ang cute naman nila ang sweet tingnan :) strict pala ang parents ng mga yan hindi nakakalabas hehe mas safe rin kung sa bahay sila.
sweet nman. bakit cla may tali?