read.cash Log in
@charol09 more from that month

Magkatuwang 4 am gising na ako kanoise dahil sa pag-aasikaso ng order. Ang hirap talagang kumita ng salapi sakripisyo at pagod ang puhunan. Mabuti at walang trabaho si mister kaya ito ang nag-asikaso ng agahan namin. Nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya lagi at nakaalalay. Malaking tulong kanoise sa pamilya ang suporta, pagkukusa, pagtutulungan, concern at effort. Hindi lang gumaganda ang relasyon ng pamilya mas nagiging malapit pa sila sa isa't-isa. Sa toxic na panahon ngayon, ang buhay ng pamilya ay hindi na nagiging maligaya. Naging mahirap sa marami ang magtayo ng matatag na pundasyon dahil sa stress na pinagdadaanan ng mag-asawa sa pagsisimula pa lang sa kanilang pagsasama. Naalala ko ang aral na natutunan ko noong panahong hindi kami okay ng mister ko, na kapag dumaranas ang mag-asawa ng problema at hindi pagkakasunduan tandaan na magkatuwang sila, isa team sa pagbuo ng isang maligayang buhay pamilya hanggang pagtanda. Good morning po sa inyo..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.