Biruin mo kamommy may naitabi pa pala akong baru-baruan ng baby. Naglilinis ako today, 6 years ng nakatabi ito at ang huling gumamit ay ang bunso ko. Akala ko na dispose ko ng lahat ang mga pinanggamitan nila noong baby pa sila, kase naman pinamigay ko na ang stoller nila, walker, carrier at crib kasama ng mga ilan pang damit ng baby dahil na stock lang at inaalikabok. Mabilis lang kase lumaki ang bata at kadalasang napag-iiwanan lang ang ganitong gamit. Minsan naiisip kong nakakamiss magka baby kaso kapag naiisip ko ang hirap na mag-alaga at mga gastos napapailing din ako, haha. Mahirap naman talaga kase. Kayo po mga kamommy naitabi nyo pa po ba ang mga gamit ng mag anak ninyo noong mga baby pa sila?
5 comments
Itabi mo yan che baka sakaling makapag asawa na si lyssa
Bakit ma, gusto mo na ba mag asawa?
Ako din sis naitabi ko pa mga gamit ng anak ko.Kaya nagamit pa yung iba ng pamangkin ko.Morning
Yun nga sis, pasa-pasa kase tlgang hindi naman ngagamit ng matagal
Hindi ako mahilig mag tabi sis kasi walang lagayan hehehe ayaw ko daming gamit makikita sa kwarto namin, kaya binibigay ko agad hehehe.