Dito muna ako sa garden nila friendship kanoise dahil malamig-lamig kase naman ang bahay namin ay parang oven sa init pati singaw mainit. Habang nandito ako tinitingnan ko itong tanim nilang talong. Sabi ni friendship madaling itanim ang talong at hindi maselan. Matagal din itong mamatay at kapag namunga sunod-sunod. Sabi pa nito, na kapag matanda na ang puno ng talong at konti na lang mamunga maaari daw itong putulan ng sanga para bumata ulit at maging sariwa. Galing naman pala ng gulay na ito. Pero alam nyo ba kanoise kapag mura pa ang talong ay mas masarap itong prituhin dahil manamis-namis, isawsaw lang sa bagoong na may kalamansi at sili masarap na. Paano ba kanoise aawitan ko ba sila mamaya para may bitbit ako pauwi? Ahe..
2 comments
Bili ka kunwari para sabihin kuha kana lang haha..
Harvesin na po yan haha