Marami ang napagod ngayong araw kaya share ko sa inyo itong nakakarelax na lugar na pinuntahan kahapon ng mister ko sa Aurora. Black sand ang beach doon at napakapino ng buhangin. Nag-uwi pa siya ng hermit crab para makita ng mga anak namin kung ano ang itsura nito. Pati yung mga pusa namin nakikiusyuso sa naglalakad na crabs sa sahig. Ganda ng view mga kanoise, ang sarap sigurong lumublob sa tubig dito pagkatapos ng mahabang pila sa eleksyon.
No comments yet