Napagod na ako kakatingin sa you tube at facebook wala pa rin akong makita ng complete episode ng gusto ko na palabas na kdrama. Kaya heto at napatambay uli ako dito sa noise. Ang agang umuwi ni hubby today, hindi ko na nga siya naasikaso pagdating dahil paalis naman ako dahil tinatawag ako ng hipag ko na may sakit. 2 days din akong hindi nakapunta sa kaniya kaya sinulit ko na yung oras na makipagkwentuhan. 5pm ako umalis ng bahay 7 na akong nakauwi ,si hubby na ang nagluto ng hapunan namin at alam naman niyang nasa kabilang bahay ako kaya pag-uwi kain na lang ang ginawa ko. Sarap, sana ganun lagi kakain na lang wala ng gagawin. Anak na panganay ko nga pala yung nasa picture, pinaglaruan na naman yung cp ko habang abala ako sa kaka chika. Bigay daw ng pinsan nya yung bulaklak.
No comments yet