No more Utang please

29 64
Blog:147-8th
Date :August 10,2022 
Time :4:40pm

Sino ba dito sa atin ang walang utang? Taas kamay naman jan?Ang saya kaya pag walang utan noh!Wala kang bayarin na iisipin.

Anyway,I am talking about my credit or utang.Share ko lang ang mga naging utang ko dati.Pinaka una kong naging utang or loan eh yung sa Social Security System(SSS).Di ko naman talaga need ng pera nun nagtry lang akong mg apply ng SSS loan at naaprove naman.1st loan ko is worth 9500 pesos.That time eh my lending business ako kaya pinangdagdag puhunan ko nalang yung pera na nakuha ko from my SSS loan.2 years to pay pala ang SSS loan and I have to pay around 438.38 pesos monthly.Di ba ang tagal bayaran pero ang perang niloan ang bilis lang nawala LOL.So ayun after ko mafully paid yung SSS loan ko eh di na talaga ako umulit pa.Kahit pa gusto kong matapos na yung project namin na rooms sa bahay namin ayaw kong magloan ulit kasi kakabagot magbayad for 2 years.Kasi 2nd loan ko nasa 30k na .Yung monthly ng 30k eh nasa 1500 .Ang laki diba kaya ayaw kong magloan ulit.Magsusulat nalang ako dito at mag iingay sa noisecash para makaipon kaysa mgbayad ng loan for 2 years.For now di ko pa din kaya ng may utang pa kasi I have a 2 years old son na super dependent sa gatas at I spend more on my salary sa milk niya at kulang na kulang yung salary ko sa expenses namin.

Ang pinaka malaki kong naging utang or loan yung motor ko.Originally motor siya ng ex live-in partner ko na binigay ng mom niya sa akin after mamatay ng ex ko.Bali Since nawalan ng work yung LIP ko,that was July 2018 ako na yung nagbabayad ng monthly amortization ng motor niya.Since insaktong nag one year yung motor niya that time so my 2 years pa na bayarin dahil 3 years to pay yun.I have to pay 3200pesos monthly.Yun ata ang pinaka malaki kong utang monthly for 2 years yun so bali 76,800-3200pesos (kasi free or wala ng bayad yung last payment ng motor)=73600.Wow di ko maimagine na nakaya kong bayaran ang amount na yan for two years.As of now okay pa naman ang motor ko.Mga 5 years and 1 month na din yung motor ko.

However,mahilig kasi akong mag shopping sa Shoppee though more on needs naman ng family ko ang binibili ko.Hanggang sa naging available ang SPayLater.Ayun naingganyo akong eactivate yung SPaylater ko.They gave me 7500 pesos credit limit,Oh diba ang laki.Ang saya ko nun .Ang sarap mgshopping and mag check out ng order.Nabili ko naman ang lahat ng gusto kong bilihin for my family and para sa bahay.My article pala ako sa lahat ng binili ko sa aking 7500 credit limit click meeehh nalang if you want to see ano ano yung mga binili ko.Ngayong October sana matatapos yung utang ko sa Shopee kasi 6 months to pay yung pinili ko para naman my time ako makapag ipon ng pambayad.Kaso I added my utang kasi they gave me a special additional credit limit around 700 pesos.Sakto namang kailangan ko ng powerbank dahil palaging my brown out sa amin.So yung 1,686.51 monthly ko hanggang October lang siya.Yung November ,balance ko nalang sa powerbank na huli kong pinurchase.Mga around 100 plus nalang yun..Two months to go nalang matatapos na yung utang ko.

Yung pinaka last utang namin ni hubby yung materials na ginamit sa flooring ng bahay namin that cost 8350.My balance pa kaming 6000 pesos at unti untiin nalang namin ang pagbayad nito dahil hirap din kami sa pera this time lalo na eh kakalipat lang namin sa aming bahay at marami pang kulang sa bahay.I guess yan na ang last time na uutang kami or ako.Ang hirap pala kapag my utang lagi kang ng iisip san ka kukuha ng pambayad.

Ending thoughts

Dahil sa experience so pagkakaroon ng utang kaya ayaw ko ng mangutang pa.Lalo na eh kulang kulang yung sahod ko para ipambayad sa mga utang namin.Pero sabi nga nila mayayaman nga my utang tayo pa kayang mga poor LOL.Pero hanggat maari ayaw ko na talagang mangutang pa.Sanay kasi ako dati na pag may gusto akong bilhin pag iiponan ko talaga para mabili ito.Dati kasi yun nung single mom pa ako ngayon na pamilyadong tao na ako parang iba na ang lahat.Mas lalong naging mahirap ang financial status ko pero laban lang hangga't andito pa ang readcash laban lang talaga.

Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.

Lead Image and thumbnail edited using Canva

To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.

To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.

Sponsors of alicecalope
empty
empty
empty

12
$ 0.99
$ 0.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @BCH_LOVER
$ 0.01 from @charol09

Comments

auy, akyoko na sa shopee pay later sis, haha. same, ayoko na mangutang pa sis, 1500 lahat ang deduction ko sa sss ngayon, rounded up na yan ha, salary loan, at calaity lan nagkasabay. hopefully matapo n ayun by January. naalala ko, nag post din ako ng articel ukol sa responsibilidad namin sis, dalwang lote at motor, haha minsan nakakiyak pa nga peor laban lang sa buhay!SAY NO TO UTANG! LOLS HAHA

$ 0.01
2 years ago

Wow laki ng monthly at 2 years to pay pa. Haysst Kaya ayaw Kong mg loan ulit sa sss kahit maliit Lang interest nila

$ 0.00
2 years ago

Year nalang sis,ay nalimot guro kong mention nga mao na ang total nga ma deduct apil na sa contribution. Sorry

$ 0.00
2 years ago

no need to be sorry sis.hehehe

$ 0.00
2 years ago

salamat sis,

$ 0.00
2 years ago

Para sa aken sis di ko maiiwasan na di mangutang pero kung hanggat maari ayoko sana magka utang. Nakakastress 🤣

$ 0.00
2 years ago

Sagabal sa mind natin yung may utang tayo sis. Parang iisipin mo lagi monthly. Marunong ka pala mag motor sis pareho mo ni sis Jean sis.

$ 0.01
2 years ago

Lagi hassle mghuna2x sa bayrunon. Yes I've learned driving on my own. Mga year 2019 ko nakat on ug drive

$ 0.00
2 years ago

Gayud sis. Sagabal kaayo. Mao ba sis. Ako sis talawan. 😅

$ 0.00
2 years ago

aw lisud makat on ug drive sis bsta talawan ky dali na mataranta

$ 0.00
2 years ago

Mao gayud sis. Dili gayud ko pwede sa motor sis.

$ 0.00
2 years ago

yes ky saon nalang mataranta ka dayon

$ 0.00
2 years ago

Mao nay giingon na magpuyo sis. 😁

$ 0.00
2 years ago

mao gyud arun safe

$ 0.00
2 years ago

Mao gayud sis. Dili pugson. Mas nindot ng wala kay hadlok kay makakat on ka.

$ 0.00
2 years ago

Kalisod jud kung naay utang sis pero naa man gud time na need nato mangutang. Kami Gani karon, imbes free na mi sa bayronon sa mga miaging bulan, naa na sad mi utang balik kay walay tarong trabaho ako partner karon.

$ 0.01
2 years ago

Lagi sis di jud kalikayan makautang ta labi na ug needed kaayo

$ 0.00
2 years ago

Mahirap po talaga ang may utang, masakit sa bangs kahit wala akong bangs hehehe. Laging may iniisip, nakaka-stress. I've been through a lot ate kaya this time, I working so hard para less na sa utang.

$ 0.01
2 years ago

Hehe. Yeah better mgsumikap nalang talaga

$ 0.00
2 years ago

Habang may buhay may time pang magbayad sis haha. Sabi nga nila hanggat may nagpapautang. Hala sige mangutang haha

$ 0.01
2 years ago

Last na yan sis..

$ 0.00
2 years ago

yess ate, mahirap tlga mangutan kaya ako pag di ko naman need totally eh hnd ko na lang muna bibilhin.

$ 0.01
2 years ago

Tama yan sis

$ 0.00
2 years ago

ang hirap po talagang magkaroon ng utang pero madaling mangutang nowadays. si mama rin ayaw mangutang kasi at the end of the day, 'yung pera parang dumaan lang sa palad n'ya.

$ 0.01
2 years ago

Tama Yun ang mahirap ang bilis ubusin ng perang inutang tas ang tagal bayaran

$ 0.00
2 years ago

Pano pala maactivate ang spay ate? Akin naman, may utang ako sa tala na 2.6k ung 600 is interest nya kase 61 days to pay sya, di nako uulit talaga.

$ 0.01
2 years ago

Click mo lang yung SPayLater sis tas my activate dun at my need kang fill upon details mo

$ 0.00
2 years ago

Ako din sissy, iwas dyan. Ang hirap kaseng magbayad. Nakakaiksi ng buhay,ahe

$ 0.01
2 years ago

Tama iwas iwas nalang

$ 0.00
2 years ago