Mahal ba talaga niya ako o hindi?

74 57
Blog 69-18th
Date :April 29,2022
Time :10:00am

Isang tanong na minsan ko ng itinanong sa aking asawa Kung mahal ba talaga niya ako.

Una nung nag attend kami ng seminar Para sa aming wedding, tinanong siya bakit ba kami magpapakasal? Ang sagot niya "unsaon Taman naa naman ni? (what can we do she's already pregnant?) I was totally shock of his answer Para akong sinampal sa sakit dahil marami ang nakarinig sa sinagot niya, mga 5 pairs Ata kaming umattend ng seminar. Kung kayo sa katayoan ko,ano ba ang mararamdaman niyo?

However! Nung minsang tinanong ko siya bago pa kami ikasal Kung mahal ba talaga niya ako at handa ba talaga siyang pakasalan ako, ang Sabi Lang niya hindi pa ba sapat na namanhikan sila Para proof na seryoso daw siya? But he didn't answer my question. Iba ang sagot niya sa tanong ko.

Year 2020,December 26, it was my bday .a month before our wedding Sabi niya titigil na daw siya sa pagyoyosi on my birthday pero hindi niya nagawa. Then nagpromise ulit siya na titigil na siya pag lumabas na anak namin pero until now di pa rin niya nagawa, my son will turn 2 years old this coming June. So aasa pa ba ako na Kaya niyang tuparin ang pangako niya? Alam na Alam niyang ayaw ko ang amoy ng yosi at Alam niyang nakakasama ito sa anak naming my hika pero wala pa rin siyang ginawa. Nagmakaawa na ako na Sana itigil na niya ang kanyang pagyoyosi for the sake of our son pero wala eh, wala siyang effort na itigil ito. Isa sa dahilan Kung bakit ayaw ko siyang my sariling pera or my trabaho dahil nagiging chain smoker yan. Kaya atang umubos ng higit P50 a day. Kapag wala naman siyang pera ayun nangungutang Para lang makapagyosi. Now tell me di ba ako maiistress sa style niya? Wala na ngang trabaho inuuna pa ang bisyo. Eh di wow!

Just more than a week after I gave birth my dugo pa ako pero pinipilit niya akong makipag s*x kahit Sabi ko sa kanya na masakit. Kung kayo ba masasabi niyo ba na mahal niya talaga ako? Kung di niya kayang iconsider yung feelings ko? Kung di niya ako kayang respitohin. Kaya ayun more than 2 months bago nawala ang dugo ko at sakit ng aking private part.Besides sweet Lang siya pag gusto niya akong galawin, minsan naiisip ko parang I am doing this thing dahil obligation ko to bilang asawa niya. I can't feel the love anymore.

If my gusto akong sabihin sa kanya lagi nalang niyang minamasama kahit ang gusto ko Lang eh malaman niya Kung ano yung nararamdaman ko. My time na sinabi ko sa kanya one day I will find someone na handang makinig sa akin. Yung handa akong pakinggan kahit ano ang aking sasabihin dahil wala eh ang hirap niyang kausap. Hindi nga niya Alam ang mga bagay na gusto ko like my favorite flavor ng cake. Minsan nag effort siyang isurprise ako nagpabili siya ng cake ng kanyang sister at Sabi niya yung chocolate daw Sabi ng sister niya Diba mocha ang favorite ni ate? Pero Sabi ni hubby chocolate Lang daw kasi masarap. Di niya Alam na di ako mahilig sa chocolate cake Kaya ayun ilang araw din nakatambay sa ref ang cake na binili niya. Masakit Para sa akin na Alam Kong lagi nalang niya akong tinitake for granted. Kapag my sinasabi ako parang wala siyang naririnig oh wala talaga siyang planong Makinig.

Di rin niya Alam Kong gaano ako magpahalaga sa mga bagay na napundar ko or binigay sa akin. Bago pa kami nagpakasal marami na akong gamit sa bahay Kaya di na kami nahirapan nung bumukod kami. My mga caps ako na bigay sa akin at pinahiram Lang niya sa family niya at nawala lahat ng caps na pinahiram niya. Masakit sa akin dahil iningatan ko Yun tapos wawalain Lang ganun ganun. Kaya dahil sa mga ganung pangyayari natuto akong maging madamot kahit sa family niya.

He doesn't know if di ako okay. Like pag nagtampo ako sa kanya. Kahit pa Alam na niya wala pa rin siyang ginagawang effort Para maging okay kami, ang gusto niya magiging okay kami after a day kaming di magkibuan. To be honest hindi ko habit na wag magpansinan at kiboan pero dahil sa kanya natuto akong tiisin na wag kaming mag usap for 3 days. Anong akala niya magiging okay kami kahit wala naman siyang ginawa?

Nung first few weeks ng aming relasyon as mg jowa ang sweet sweet niya, daming mga paasa na Salita. Mahinahon pa magsalita pero nung tumagal eh tinataasan na ako ng boses. Nung first wedding anniversary namin I made a letter for him, nung binabasa na niya ang Sabi Lang niya sa akin San mo to nakuha? Ano daw? Anong ibig niyang sabihin kinopya ko Lang Yung sinulat ko. Ito Pala ang sinulat for him.

“TAYO”

Sisimulan ko ang sulat na ito sa mga panahong pareho pa tayong nagpapacute sa isa’t isa

Masaya at nakakaexcite naman talaga yun

Maraming salitang,ang gagandang pakinggan

Ang sarap sana kung kayang panindigan

Masaya naman,sa umpisa nga lang

Kung laging sabi ng iba”Sana All”

Ang sabi ko naman “Sana Always”

Sana always sweet

Sana always expressive

Oo,madaling magmahal 

pero ang patuloy na magmahal sa iisang tao lang 

Ay kailangan ng dalawang taong handang magtulungan

Para relasyo’y magtagal

Pareho tayong sumugal para mabuo ang salitang “TAYO”

At sa pag aakalang tatagal tayo

Unang tatlong araw ng maging tayo

Pinadama mo na ako’y mahalaga sayo

At nagdaan pa ang mga araw

Na tila gabi ginawang araw

Hanggang sa dumating ang mga araw

Na tayo’y hindi na nagkakaintindihan

Dahil sa iyong mga kalokohan

Sinikap kitang intindihin

Kahit masakit sa aking damdamin

Pinilit kitang pagkatiwalaan 

Ngunit ako’y iyong binigo

Sinira mo ng paulit-ulit

Tiwala na sayo’y pinagkatiwala

Dumating na araw na ating pinakahihintay

Kung tayo ba ay magtatagumpay

Isang taon

Mula ng tayo’y sumugal

Masayang alaala aking tinatanaw

Salamat sa mga panahong ako’y iyong pinasaya

Salamat sa mga panahon na iyong pinadama

Na ako sa iyo’y mahalaga

Bangayan,tampuhan at asaran

Na tila bay’ nakasanayan ko na

Lahat ng hirap at sakripisyo

Para sa salitang “Tayo”

Tiwala ma’y di ko pa kayang ibalik

Pagmamahal ko sayo’y di mawawaglit

Relasyon ma’y di perpekto

Basta tayo’y may respito

Binigay ka ng Diyos sa akin ng may dahilan

Ikaw ay aking kailangan

Para ako’y may matutunan

Pasensya kung ako ma’y pagkukulang sayo

Lahat gagawin ko 

Para sa salitang “Tayo”

Akong handang magtiis ,pasensya habaan

Para sa “Pamilya”

Pamilyang ating binuo

Lahat may pagbabago

Pero alam kong kaya natin ‘to

Basta wala sa atin ang susuko

Sabay nating harapin

Hirap ng buhay ating kakayanin

Sa Dios magtiwala

Alam kong siya na ang bahala

Buhay man ay hindi marangya

Basta tayo’y masaya’t mapayapa

Salamat sa pagsisilbing ginawa

Sa pagbabagong pinakita

Alam kong kaya mo yang gawin

Para sa pamilyang di mo kayang tiisin

Para tiwalay ibigay

Para buhay maging matiwasay

Pinagtibay tayo sa lahat ng ating pinagdaanan

Sana ay umpisa na ito ng ating walang hanggan

Ako’y sayo at buong magmamahal

Dahil pareho tayong sumugal

Para sa aking akoy panalo

Bigay ka ng Diyos para akoy mabuo

Salamat Sayo

Dahil sayo 

May salitang “TAYO”


Isa pa Kung totoong mahal niya ako bakit lagi siyang gumagawa ng mga bagay na Alam niyang ikakagalit ko or masasaktan ako ? Tapos pag sinabi ko na pagod na ako siya ang my ganang magsabi na pagod na din siya. Eh di wow ulit dahil ako na nga ang nahihirapan sa kakatiis Para Lang wag kaming mawasak, ako pa nga ang naghahanap buhay Para sa pamilya namin siya pa ang napagod? Minsan naitanong ko sa aking sarili? Kulang pa ba lahat ng aking ginawa? Naging pasaway ba ako? Sakit ba ako sa ulo? Kahit ako yung taong pranka at pero ni minsan di ko siya pinagsabihan ng masama dahil ayokong makasakit ng Tao. Lahat tiniis ko para wag Lang kami mawasak. Ilang beses ko ng gusto sukuan ang aming relasyon pero pilit akong nagpakakatatag Para wag Lang kaming mawasak.

Una, nung nalasing siya at nagwala dahil sa barkada niya, pinilit Kong pakalmahin siya pero wala akong magawa wala siyang kinikilala kahit magulang niya ayaw niyang pakinggan and it didn't happen once but tatlong beses na nangyari ang ganun yung last ang Pinaka worst dahil sa hindi na ako nakatiis dahil nagwawala na siya at nakita Kong umiiyak yung eldest ko at Yung bunso ko Mas pinili Kong umaalis kahit hating Gabi. And then he committed suicide buti nalang at nakita siya agad ng boyfriend ng sister niya. Kasalanan ko ba Kung mahina siya? Kasalanan ko ba Kung nagmana siya sa mama niya na mahilig magsuicide? Alam ng asawa ko na Kaya ako napadpad sa lugar nila dahil umiiwas ako sa lasenggo Kong Tatay.

Add ko Lang just recently pinakita ko sa kanya yung photos ko nung slim pa ako pero ang sinabi Lang niya eh yan ang masarap kas*x. Kung kayo ba matutuwa ba kayo sa sinabi niya? Nung inopen ko sa kanya na feeling ko wala na siyang respito sa akin sinabi niya ako pa ang makitid ang utak at kahit sa maliit na bagay eh ginagawa Kong isyu. Sabi pa niya Kung ganito ako kakitid ang utak ko eh maghiwalay nalang kami. Mali ba ako na feeling ko nabastos ako sa sagot niya, not only once tong nangyari. My time din na sinabi niya sa akin na hindi talaga ginalaw yung ex niya Dahil malaki ang respito niya sa ex niya so meaning di niya ako ni respito kasi ginalaw niya ako. Ganun ba Yun? Ano sa tingin niyo? Mali ba ako?

Just earlier today I had the chance na ilabas at sabihin sa kanya lahat lahat ng gusto Kong sabihin bahala na siya Kung anong gusto niyang mangyari basta ako di na ako masaya at pagod na pagod na ako. Wala naman siyang imik.

Writers message

While writing this article bumubuhos yung luha ko. Hindi ito ang pangarap Kong buhay Lalo na Para sa anak Kong panganay. Okay Lang sa akin kahit di mayaman at magarbong buhay basta tahimik at masaya. Mas pinili ko siya sa Pag aakala Kong sa kanya ako sasaya.

I really miss being loved , being pampered, Namiss ko na my taong handang makinig at intindihin ako. Namiss ko na lambingin pag nagtatampo ako. Namiss ko na my taong na appreciate yung mga ginagawa ko. Namiss ko na my ka bonding or kausap. Namiss ko na sabihan oi ang ganda mo, bagay sayo yung suot mo. Alam ko girls naintindihan niyo ako.

I have to write it in tagalog kasi Mas mailalabas ko yung lahat ng gusto Kong sabihin. Hirap din kasing walang makausap.Parang sasabog na ako sa sakit ng puso ko.

Now that you have read this article, Tama ba na mahalin ko pa siya o Tama ba ako na hindi niya talaga ako mahal?Kayo na bahalang magjudge.

Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.

Lead Image edited using Canva

To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.

To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.

Sponsors of alicecalope
empty
empty
empty

15
$ 1.77
$ 1.59 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Eybyoung
$ 0.05 from @BCH_LOVER
+ 4

Comments

yung mg sagot nya sa tanong mo eh sumesegway, di nya madiretso kung maha ka ba nya or hindi..Kung feeling mo eh wala na sya respeto sayo, mag isip isip ka na. Importante sa relasyon ang respeto

$ 0.01
2 years ago

di siya marunong sumagot sis puro palpak.kaya sabi niya takot na daw siyang mgsalita baka kasi magkamali na naman siya at masaktan daw ako .hayyst.my tao ba talaga na ganun

$ 0.00
2 years ago

kamo di baleng masaktan ka basta magpakatotoo lang sya, truth really hurts pero kung makakatulong naman yun sa pagsaama nyo eh mas better na yun ganun

$ 0.00
2 years ago

sana mag improve siya sis .lagi ko nalang siyang ireremind para alam niya na di na tama ang mga pinagsasabi niya

$ 0.00
2 years ago

Bat ako naiiyak?Ang sakit nun ha ,grabe bakit ?dahil buntis ka ay papakasalan lang?Gigil ako sa iya sis ha.Pero hopefully king unsa gani imong situation ron ,kung kaya pa save nimo inyong marriage ,go lang sis pero pag di na ,ayaw paantosa imong self intawn. Anyway speaking of siminar ba ,kadtong nagseminar me ,gi pangutana akong bana sa nagconduct og seminar nganong mag menyo daw siya nako ,iya tubag "kay nakita nako sa iyaha nga siya jud ang akong e atubang sa altar " di ba haba ng hair ko dae hehe.Bitaw sis ,smile pud diha gamay.

$ 0.01
2 years ago

unta ing ana manubag akong bana sis pero para niya joke ra daw to iyang gitubag.para niya wa siya kahibaw nga nakapasakit na diay siya nako.anyway .I will publish an article later about saving our marriage

$ 0.00
2 years ago

Ang sakit. 😭 I feel you sis, pareho tayo ganyan ang partner ko except sa may bisyo. Pero hindi rin niya ko binabastos about sa kung ano. May ugali partner ko pero parang malala yung mister mo sis. Sa tingin ko nga wala na siyang respeto sayo to say all those things. Masasabi kong swerte pa pala ako sa partner ko, hays ang priblema ko lang dito is hindi nagbibigay ng sahod ng tama at ang daming utang na hindi naman nagsasabi sakin. May sariling mundo ganun,.

Binasa ko talaga kahit mahaba sissy and i feel you talaga. Hays hirap ng ganyan same birthday pa pala tayo at diba june 13 din ang panganay mo?

Magusap kayo sis kung hindi talaga madaan sa serious na usapan, let go muna. Bigayn mo ng isa lang patikimin mo ng marealize niya yung ginagawa niya sayo.

$ 0.02
2 years ago

Salamat sa Oras sis at binasa mo talaga till the end. Yung asawa ko di naman nangungutang ng di sinasabi sa akin kasi Alam niyang di ko hilig ang utang. Wow naman ang Saya ka birthday tayo and yes June 13 ang daughter ko naalala mo talaga sis

We already had a talk last night my naisulat na akong article about it sis hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Samtang gabasa ko ani sis, nagbalik sa akong huna-huna ang ex nako nga kasakit lang ang gihatag. Daghang promise pero walay natupad...A big hug sis, stay strong. Kabalo ko lisod nabutang sa ingon Ana na sitwasyon kay imbes imo anak ra ang imong problemahon, dagdag pa ang imong Bana..Keep strong sis para sa mga bata ug pray kay God permi nga gabayan ka niya permi.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sis. Sakto jud ka maayo py single mom ky anak ry huna2x on

$ 0.00
2 years ago

Tinuod jud sis. Kung ingon Ana man lang Gani, mas gustuhon pud jud nako mag single mom kay kapoy sige ka problema man. Mas maayo tong ato kaugalingon ug ang mga bata lang ang atong huna-hunaon bitaw.

$ 0.00
2 years ago

Mao lagi sis. Malinawn pa atong life

$ 0.00
2 years ago

Tinuod jud ka sis. Dagdag stress ra man gud ng pares nga insensitive sa feelings na'to ug kanang kaugalingon ra nila huna-hunaon

$ 0.00
2 years ago

unta after sa among panag istoryahanay gabie sis makarealize na siya sa iyang mga pagkuwang ug mga sayop

$ 0.00
2 years ago

Sakit pod sa Imong giagian karon sis. Agwanta lang gamay... Mahaw as raka ana.. Ayaw pag paka martir ha, palihug ayalaina akong istorya ug sabot..

I hon pa sa uban lami lang ang gugma sa tang bago pa,, pero choice man na sa duha kung maging consistent ba sila ana..

$ 0.01
2 years ago

No problem sis mI understand your point. Mao lami Lang sa una. Naa Nas letter nako niya sa first wedding anniversary namo

$ 0.00
2 years ago

Penge popcorn sis! Grvh ang partner mo sis, sarap ipasok sa banga. If I were you ha, hiwalayan mo sis at kaya mo nmn mabuhay siguro na kayo lng. Iniwan ko nga ex husband ko kahit kasal pa kami. Happy go lucky lng yun at mhlig dw ang chx sa knya hahaha.

$ 0.01
2 years ago

Ipasok sa Banga sis Yun nga Apilyedo niya Banga. Anyway nag usap na kami kanina at intense ang aming pag uusap dahil di talaga kami magka intindihan. Sulat ko yung next part ng ma kaganapang ito

$ 0.00
2 years ago

Bakit nasasaktan Ako for you?,Stay strong sis for your kids.Keep on praying sis,God will make you realize the best decision you should do.For yourself, specially for your kids.

$ 0.01
2 years ago

siguro dahil same tayong babae sis.anyway salamat sa concern sis

$ 0.00
2 years ago

Sorry to hear this sissy🥺 As in gisapot ko mag huna2 sa imung bana, napaka iresponsableng lakiha, sorry to say this pero ga lagot jud ko while reading your story, I feel the pain sis that you have been through. Maka stress man ng ingun ana nga bana sis, niya naa pay bisyo ug walay respeto nimu..

$ 0.01
2 years ago

sori if I make u sapot sis hehe.bitaw mao ng haggard na kaayo ko ug dagway run tungod niya

$ 0.00
2 years ago

Being a woman I feel you how it hurts sis. Kasi un nmn ang hinahanap nating bilang babae ung papahalagahan ka , mamahalin ka at pkikinggan ka. Walang iba kundi yan lng unless kng practical tlga pero speaking of practical eh wala dn nmn syang trabho. How could stand himself pra sa family nya sa sarili nga nya d magawa. Nakaka sad lng tlga na may gnitong tao at tayong mga babae nag ssuffer.. Pray always sis tpos pag isipan mo ng mabuti. Surrender yan ni God.

$ 0.00
2 years ago

Nakakaiyak story mo sis,ng flash back sakin yung past relationship ko yung tatay ng panganay ko,good thing lang dahil hindi natuloy ang kasal namin,para sa situation mo sis parang ang hirap kasal kasi kayo,Sa mag asawa mahalaga ang respito sa isat isa,huwag mong hahayaan sis na masanay siyang binabastos ka dapt baguhin niya yun kung gusto niyang buo parin ang pamilya niyo

$ 0.01
2 years ago

yun din ang sabi ko sa kanya respitoin din naman niya ako.di sapat ang salitang sorry dapat gumawa siya ng effort

$ 0.00
2 years ago

Kung mgsori din sana sis yung galing puso at hindi na niya uulitin nakakasawa ang ganyan,tibayan mo lang loob mo sis at ipagdasal mo lagi na ma enlighten siya at magbago para sa pamilya niyo

$ 0.00
2 years ago

yun din ang gusto ko sis.sana nga mg effort siya bago pa mahuli ang lahat

$ 0.00
2 years ago

nakakagigil yang asawa mo sis ,halatang halata naman na Hindi ka niya mahal ,sarili nga lang niya ang iniisip niya jusko wala siyang kwenta ama at asawa sorry sa nasabi ko sis ,gigil Lang talaga ako .hindi tama yong pinag-ggawa niya at hindi rin tama n Ikaw lang ang nagttrabaho para sa pamilya niyo .,Dapat siya ang kumakayod para mabuhay niya kayo .sa umpisa palang sis Pinaramdam niya na sayo na hindi ka niya mahal ,yong sumagot siya na Unsaon taman naa naman ni ,napilitan lang jud siya ,di niya deserve magkaroon ng Pamilya.😥tapusin mo na yan sis hanggang kaya pa kasi ikaw lang ang nasasaktan.Pasalamat nalang ako at hindi ganyan asawa ko.

$ 0.01
2 years ago

mao lagi akong giingon niya ganinang buntag if we were just given a chance na kami unta una ako giask sa iyang parents before sila ndecide nga mangatubang ,di jud ko musugot mgpakasal mi.ako siya giingnan nga dili igo ang kasal para makaingon ka nga love nimo ang tawo daghang gikasal pero dili malipayon.

$ 0.00
2 years ago

tama sis walay pulos ang kasal kung di ka niya mahal ui ,.Unya unsa ramay iya tubag nimu emu namn kaha giestoryahan?

$ 0.00
2 years ago

sori daw kung naa siyay pagkuwang mao ra

$ 0.00
2 years ago

ahak ui grabi siya pila na mo ka year ana nag uban sis?

$ 0.00
2 years ago

more than 2 years na sis.

$ 0.00
2 years ago

Hmm, what a sad story.. bakit hinayaan mo na di ka nya respituhin? Alam mo while reading your story, nasasabi ko lang na.. you allowed him not to respect you. From the beginning na nag seminar kayo, dapat umatras ka na.. dahil ganon ang sagot nya.

Every situation we had is the outcome of our choice..

Based lang sa pagbabasa nang story mo you got pregnant after a short time of being in a relationship with him.. and because bago pa lang kayo binigay mo na ang sarili mo that gives him the thinking na easy to get ka lang.. don't get me wrong sa kanya na nanggaling he didn't touch his ex because he respects her, from that point it's already a red flad. Wala syang respito sayo kasi hinayaan mong di ka nya respituhin.

I'm sorry for my comments, I don't side your husband.. I despise that kind of man pero kasi tayong babae ang unang dapat magmahal, magprotekta at mag respito sa sarili natin.. para di tayo apak apakan nang iba lalo na nang asawa natin. You should stand for yourself.

And matanong ko lang bakit wala syang trabaho? Bakit ikaw ang nagtatrabaho para sa pamilya nyo?

$ 0.00
2 years ago

yes choice ko to kaya ako ang nagsuffer. about sa ex niya late ko lang yun nalaman kasal na kami. My trabaho siya dati kaso nung nagcommit siya ng suicide natigil na rin dahil di na siya pinabalik sa work

$ 0.00
2 years ago

Kaloka naman yang asawa mo.. wala talaga mag hire dyan kasi di mentally healthy. Dapat ang padre de pamilya mentally healthy para sya magtaguyod sa family. Ang taong suicidal kasi pag maliit na problema kaya ka nya manipulate at e bluff na mag suicide sya para lang masunod gusto nya which is di talaga healthy. It will drag you down and your kids growth.

Masasabi ko lang save yourself before it's too late, wala din mangyayari kung bou kayo pero in the inside wasak din naman..

$ 0.00
2 years ago

mana sa mama niya mahilig mag attempt ng suicide.pag iisipan ko pa yan sis bigyan ko pa siya ng last chance as in last chance na talaga kasi nakailang bigay na ako ng chance eh wala siyang effort na ginawa.Baka thins time eh marealize na niya lahat ng pagkukulang niya

$ 0.00
2 years ago

Tama yan sis think how many times muna and give chance muna din kasi bago pa lang din kasi kayo eh.. puro adjustment pa kayo. Yan talaga problema sa nagpakasal agad kahit bago pa kasi di pa kilala ang ugali nang isat isa.

Pero red flag talaga yang suicidal pero kung ma tyaga ka mag heal yan sya kung makikinig lang din sya sayo.

$ 0.00
2 years ago

wala di yun nakikinig sa akin sis.ayokong dagdagan ang stress ko ,stress na nga ako sa work at kakahanap ng pera siya pa itong puro stress lang ang dala

$ 0.00
2 years ago

Sorry about this sis. Parang wala siyang respeto sayo sis. Di ko maintindihan kung bakit ganyan siya magsalita sayo sis. Hindi ka binibigyan ng pagmamahal. Asawa ka niya dapat mahalin ka niya, i-care ka niya. Alagaan ka niya. Sana marealize niya yung mga sinasabi which is hindi tama.

$ 0.01
2 years ago

sanay na ako sis na lagi nalang nasasaktan sa mga pinagsasabi niya.ako pa nga ang makitid ang utak sabi niya.Mali ba na nasaktan ako sa sinabi niyang mas magandang kas*x pag slim,dapat ba akong maging masaya?hayyst..for now di ko na alam kong paano ko pa ba siya kakausapin.lagi naman ako ang mali

$ 0.00
2 years ago

Oo sis sobra. Maling mali talaga. Parang insulto para sayo sis. Di niya iniisip sinasabi niya. Sobrang sakit niya magsalita.

$ 0.00
2 years ago

Basta pag wala pa din siyang ginawang effort this time aw enough is enough at iiwan ko talaga siya bahala na siya sa buhay niya

$ 0.00
2 years ago

Iba talaga ugali niya sis. Pag itrato ka parang hindi ka niya wife.

$ 0.00
2 years ago

wife lang niya ako pag gusto niya akong gamitin

$ 0.00
2 years ago

Sorry sis. Grabe naman siya sis. 🥺 Sobrang mali talaga.

$ 0.00
2 years ago

para sa kanya walang mali sa ginagawa niya

$ 0.00
2 years ago

You don't deserve that man sis, marami pang mas deserved diyan. Based on your first sentence halata naman na pinakasalan ka lang just because buntis ka? So wala siyang choice. Ni wala nga siya pakialam sa feelings mo eh what if nag kasakit ka ano gagawin niya uunahin niya pa bisyo niya? Choose a man na kaya kang respituhin at mahalin gaya ng ginagawa mo sis

$ 0.01
2 years ago

ang hirap talaga .malaking pagkakamali talaga na nagpakasal ako

$ 0.00
2 years ago

Mahirap na yan sis dapat nung una pinag usapan niyo na malaki pa naman pera gagastusin para sa devorce

$ 0.00
2 years ago

anong silbi ng pag uusap sis wala naman siyang paki hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Aww hugs maamsh. Way batasan pod sija maamsh uy based sa among story. Basta love yourself and your kids. Sila ang pat buhusan mo ng pagmamahal.

$ 0.01
2 years ago

salamat sis..I really needed that self love.murag mao ny need nako run.

$ 0.00
2 years ago

I wouldn't deny na sobrang hirap ng sitwasyon mo sis. All we want is to be loved. Pero Pag walang pagmamahal sa isang relasyon, wala din talaga ang salitsng respito at walang pagkalinga. Dahil ang taong nagmamahal, pakikinggan ka, iisipin yung nararamdaman mo, isang malaking sign na yun ng pagmamahal nya kahit di nya sabihing mahal ka nya. Sabi pa nga nila, actions speaks louder than words. Pero kung both action and word's are missing, I can't see any sign of love between the relationship. I know you wanted to give your children a complete family, but you don't deserve the kind of treatment that he used to show you. I'm sorry about this word sis, pero para ka naman nyang ginagawang parausan lang. He don't even care sa nararamdaman mo pero may gana pa siyang gawin galawin ka, it might be our obligation sis, pero dahil sa tayo ang may ari ng katawan natin pwede tayong tumanggi sa bagay na un. Not because we are their wife sis, they own us. Anyway I still hope na maging okay pa din kayo, try mo siya ulit kausapin pero kung wala talaga, don't be too harsh to yourself sis. Your children will understand you if you can't give them a complete family. Sometimes we also need to take care ourselves.

$ 0.02
2 years ago

tama lahat ng sinabi mo sis.At least nasabi ko na lahat lahat ng dapat ng malaman kanina,at alam niya na ginawa ko na lahat .Pagod na din ako eh

$ 0.00
2 years ago

He would only realize na mali yung mga ginagawa nya one's nawala kana sa buhay nya sis. Kaya dapat sana ay makapag isip isip na siya, bago pa mahuli ang lahat.

$ 0.00
2 years ago

I've been giving him a lot of chances already ,dahil pag ako nag give up ,enough is enough na talaga .

$ 0.00
2 years ago

Hindi ako maka move on sis dun sa part na ginalaw kana kahit hindi pa talaga pwedi.. Kung si raffy tulfo pa ang nagsalita rape nayun kasi ayaw mo naman..

Stay strong aia, ibuhos mo lang lahat dito, I hope magbago na ang husband mo.. we all want to loved and be loved..

$ 0.01
2 years ago

yun nga sis eh.di man lang ako nirespito.Sana nga marealize niya bago pa mahuli ang lahat.

$ 0.00
2 years ago

Ayha nana sha kahuna.huna nimu sis ug makigbulag najud ka.. ulahi baya jud ang pag basol

$ 0.00
2 years ago

aw 2 reasons nga mogive up ko niya sis if mgcheat siya or mubalik siya sa iyang bisyo nga drugs .pero if kaya pa nako kayahon para sa among anak

$ 0.00
2 years ago

Hala ga drugs diay sha, hala ka sis uyy, ana jud sis huna²a sa jud kapila sis para sa emong anak, if ever ginabuhat gihapon neya, wala japon changes sa iyaha bulagi nalang na uyy

$ 0.00
2 years ago

yes sis before pa mi nakasal(engaged na )nasakpan nako siya nga nigamit siya and even a few days before mi gikasal nigamit sad siya the rest wa ko kahibaw ug niundang naba jud siya basta wa koy salig niya.

$ 0.00
2 years ago

halaka sis uyy, wala gud sa iyang hitsura ayy kai ang iyang smile sa babaw ba..

$ 0.00
2 years ago

dagway sa tawng mahilig mgpaasa

$ 0.00
2 years ago
$ 0.00
2 years ago

Hayy naku sis parang nalulungkot din ako sa kwento mo... Parang wala talagang.. Ano man ang mangyari don't forget to value and love yourself at ang dalawa mong anak.

$ 0.01
2 years ago

so for u sis love ba jud kaha ko sa akong bana or napugos lang siya ug pakasal nako ky nabuntis ko?

$ 0.00
2 years ago

I think napugos lang sis

$ 0.00
2 years ago

mao jud sis.ky lagi iyang gipromise sa iyang parents nga if makapabuntis siya mgpakasal lagi daw siya

$ 0.00
2 years ago

Basi dami na sya affair sa una mao worried iya parents nga makapa buntis sya

$ 0.00
2 years ago

actually sis chixboy yan si hubby daming pinaasa niyan.kawawa nga yung iba eh pinangakoan .at my anak na rin siya nung 18 years old pa siya pero di daw siya sure kung sa kanya ba yun

$ 0.00
2 years ago

Ano ba yan.. tapos nadagdag kapa don, how sad naman sis oi... Kung ako nasa kalagayan mo ewan di ko rin siguro alam ano gagawin

$ 0.00
2 years ago

I am giving him the very last chance as in last najud sis.unta mg effort siya

$ 0.00
2 years ago