read.cash Log in

@Zzylith

Joined 22 October 2022 · 1272 posts

πŸŒΈπŸ¦‹ 𝔅𝔒 𝔭𝔯𝔬𝔲𝔑 𝔬𝔣 𝔢𝔬𝔲𝔯 𝔨𝔦𝔫𝔑 π”₯π”’π”žπ”―π”±, 𝔫𝔬𝔱 𝔒𝔳𝔒𝔯𝔢𝔬𝔫𝔒 π”₯π”žπ”° 𝔦𝔱 πŸ¦‹πŸŒΈ

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Zzylith

Nagdedelete ako sa email ko ng makita ko to. Akala ko wala na tong site na to. Nakakamiss din ung mga nangyari dito noon. Anyway, wala mang makabasa nito pero babati pa rin ako Happy New Year! 😊

@Zzylith

Ang maturity, wala sa edad yan. Darating yan ng biglaan, pwedeng bukas, sa isang linggo, sa isang buwan o sa isang taon. At yung mga bagay na nakasanayan mo noon bigla na lang magbabago. Oct 12, 2015 - isang pangyayari ang pumihit sa buhay ko at ng pamilya ko. Yung pagiging active ko sa social media, sa fb.. naglaho bigla. Nawalan ako ng gana makipag-usap dahil para sakin nung time na yun, mahalaga ang bawat sandali . Pakiramdam ko nun bigla akong tumanda, pakiramdam ko nadagdagan ako ng 10 taon. Simula nun wala na akong ginawa kundi ang kumayod. Feb 2018 - mas nadagdagan ako ng taon At ngaun, feeling ko namatayan ako dahil sa mga nagaganap pero tuloy ang buhay lalo na sa panahon ngaun kailangan na talagang magseryoso. #randomthoughts

@Zzylith

Godly sorrow brings repentance that leads to salvation and leaves no regret, but worldly sorrow brings death. 2 Corinthians 7:10 Depression. Napakaseryosong topic nito pero may sikreto talaga dito at hindi yun nauunawaan ng lahat. Maaaring hindi rin kayo sasang-ayon sa ipost kong ito pero ito lang masasabi ko, naunawaan ko sya sa tulong ni God. Siya ang Great Doctor, Great Psychiatrist/ Psychologist - anuman ang itawag ko, Siya yung tumulong sakin. Sabi dun sa nakita kong video, ang depression daw ay nagpapakita kung gaano kababa ng spirit level mo at may kakulangan sa spiritual health mo. Bakit tayo nagkakaroon ng depression, maraming factors yan at sure ako na alam nyo rin yan pero ang tanong paano natin hinaharap yung mga factors na yun? Hinahayaan lang ba natin na dumaan? lumala? at di ayusin? Kung hindi kayang ayusin, humingi ka ng tulong sa Diyos. Lumapit ka kay God, wag kang magpost sa social media dahil nagpapalala yun ng sitwasyon mo. Pag depressed ka at magpunta ka sa FB, Twitter, IG at kung saan-saan may makikita kang malungkot na post, maririnig na depressing at sad songs, mga dramang lalong nagpapalala sa sitwasyon mo, nako umiwas ka dahil may mga spirit din na kaakibat ng mga nakikit at naririnig mo. Hindi yun makakatulong. Magpray ka. Pumasok ka sa kwarto mo, maglock ka ng pinto at magpray ka, umiyak ka sa Kanya kung gusto mo. Maging humble ka at humingi ng tulong sa Kanya. Madalas ginagamit ng Diyos ang mga sitwasyon natin para lang lumapit tayo sa Kanya. Hinihintay lang Niya tayo. Ang depression ay spiritual illness at pag spiritual alam natin yan, dalawa lang yan - God and satan, good and evil, alam nyo na rin kung saan patutungo tong post ko na to, tulad ng bible verse sa taas. "Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan." at isingit ko na rin to dahil hindi rin to alam ng marami although narinig nyo na to dahil kasama to sa 10 commandments: "Huwag kang papatay" at hindi lang to patukoy sa kapwa kundi pati sa sarili mo. Kasalanan ang pagpatay at ang pagpatay sa sarili dahil pinapakita mo lang na walang kakayanan ang Diyos na tulungan ka, bakit? nandun ka sa mundo lumapit at hindi sa Kanya. Isa pang pinapakita nito, nilagay to ni satan para mawala ang faith mo. Malaking kasalanan ang patayin ang sarili. Iyan talaga ang behind the scenes jan. May spiritual warfare ka. Kaya friend, kung nakakaranas ka ng depression, wag ka na munang mag social media at makinig ng mga depressing songs. Mas ok pa makinig ng worship songs kasi isa ito sa pinakasimpleng way ni God para kausapin ka. Bigyan ko kayo ng ilang Christian songs na sure akong tatatak sa puso mo lalo na sa panahong yan. His Strength is Perfect Something Keeps Holding Me Show Me Your Face - Steffany Gretzingers Warrior is A Child Grace at Blessings - Laura Story Praise His Name - Sheri Easter Salamat Panginoon - Musikatha Ako'y Magtitiwala Sa'yo My Peace marami pa pero yan yung ilang songs na nakakatulong sakin. (bgm: Show me your face - haha naiiyak ako habang nagtatype πŸ˜…) Sana makatulong to sa makakabasa at kung meron man na dumaraan sa gantong sitwasyon ngaun at nabasa mo to, kinakausap ka ni God, sign to na lumapit ka sa Kanya. Pasensya na sa mahabang post pero bigla ko kasing naisip na ipost to dito kahit di naman ako active dito, marahil ay may nangangailangan. Have faith in God, kaibigan. Blessed Sunday sa lahat!

@Zzylith

Pa-suggest naman po ng kdrama haha, alam ko ung mga trending dramas pero di ko pinapanood πŸ˜† ewan ko ba, di ako nakikisabay sa hype e 🀣 ngaun ko lang pinanood ung All of us are dead e ahaha. Yung mga underrated sana ahaha pero sana maganda Revenant - pinapanood ko pero parang ordinary lang ung plot, tinatamad akong tapusin

@Zzylith

Namiss ko mag ipon πŸ˜… nabusy masyado kaya ngaun lang ulit, Balik loob muna sa pusitan habang mababa pa. Sa mga gustong mag-ipon ng crypto, ito na ang sign! πŸ€‘πŸ˜ 1. Need ng wallet - https://faucetpay.io/?r=91369 2. Maglink ng address sa wallet dahil yun ang gagamitin sa mga faucets 3. Ito naman yung mga faucets na no need ng shortlink. Dito mo gagamitin yung mga linked address na nilagay mo sa wallet. Note: every 5 claims bago pumasok sa wallet yung barya ZEC https://dropcoins.xyz/zec?r=t1VkcPZKij2ZXkrijpc4fpKN1vX4GgVJkXd BNB https://dropcoins.xyz/bnb?r=0x9ee402779bcace87334fe865aaacb42f8498c2e7 LTC https://fastcoin.ga/ltc?r=LZA3kz49N976Q6gqHZ9hwUHvZSDR91Bt5W DOGE https://faucetbr.tk/doge?r=DTcXF4r2JfuZ1XvoicxWCQyqZRGXeRnurv BCH [manual] https://faucetbr.tk?r=qqclz25tmus09yy3nyzl8270yc282uxvyvex0umqhf DASH https://faucetbr.tk/dash?r=XjpegYvZ5yyUrqnnUcQkuwYU2qvJv1RfVv SOL https://quickclaims.nl/sol?r=4k7bCNM1LyRZ9fuzgLzTu26xUjtVTMaoBDjxnwXeQP6q DGB https://is2btc.com?r=D9ESk8jiT41qwrPwx95625EbfAQpv74HDk TRX https://swift4claim.com?r=TEau1oCHdfN1H5KKEtqBBb687B1y6eMrAP disclaimer: Mga autofaucets yan maliban sa bch. Ilagay lang ang linked address at mag-run na sya, Make sure lang na hindi magkatulad ung domain na ipa-run mo kasi magstop ung isa. Ireload mo ung wallet mo para makasigurado kang pumasok ung coins at kung tama ba ginawa mo πŸ˜…

@Zzylith

Lakas ng trip ni sis ah. 90s anime ang playlist. Full volume ung cp πŸ˜‚ sirain pa talaga speaker ng phone ko ahaha pambihira.

@Zzylith

Meryenda muna. Mocha ang theme ko ngaun Iced coffee mocha Hansel mocha At mocha ni Mari πŸ˜… nahagip e ahaha

@Zzylith

Musta po ang lahat? Tagal ko ng hindi nakadalaw dito dahil di na naging active sa crypto at naging busy sa ibang bagay. Try ko nga ulit magdaldal dito hehe

@Zzylith

Mag 3am na pero eto ulit ako at nagpupuyat hehe. Disclaimer ulit: Mahaba tong post ko πŸ˜… Busy kasi palagi sa umaga gang gabi kaya di agad natatapos sa work. Kailangang kumilos dito sa bahay dahil yung 2 miyembro dito ay di pwedeng kumilos. Super antok na ako pero need pa rin matapos ang work kaya as usual sasamahan ko ng panonood lol para lang mawala ang antok kaya pinanood ko na tong Seobok, finally! Nung nilabas yung trailer nito nung 2020 ata yun, hinintay ko talaga kasi naman si Bogum at Gong Yoo magkasama sa movie 🀭 alam na! Pero ayun, nabusy ng bongga at nakalimutan na kaya eto naalala ko bigla hehe. I-rate ko sya ng 9 kasi simple lang yung story, fast paced pero gagaling talaga umarte! About life and death yung story at siguro pati sleep hehe (yung pinanood ko nga para di ako maantok pero tungkol din sa sleep to lol - di ko inasahan yun). Simple lang talaga yung kwento pero may isang eksena dun na tumatak sakin. Sinasagot ko pa nga nung nagtatanong si Seobok (Bogum). Sabi dun β€œDo you think dying…is really like sleeping?” β€œMaybe.” β€œThen how come people aren’t afraid to fall asleep? It’s like dying for a while.” β€œBecause they will wake up the next day.” "How do they know that?" (dito na ako sumagot ng "basta" pero sa reply ni Gong Yoo ako natahimik) "They just believe it. They believe they'll wake up in the morning." Dun na ako napaisip. Paano nga? May mga plano kami ng sis ko ngaun pero yung nanay ko at si bunso mejo mahaba-habang gamutan. Dec pa lang at nung pumasok na ang taon talagang sinubok kami. Salamat sa Diyos at nakakaraos. Need na magpakatatag at wag magpadala sa takot. Kaya yung sagot ni Gong Yoo na basta naniniwala lang sila na magigising kinabukasan - malaking impact sakin. Maraming what ifs..pero isa lang alam ko di kami pababayaan ni Lord, ilang beses na Niyang pinatunayan sa aming pamilya kahit nga tong pagkakasakit ng bunso namin, nakita ko yung takot ng nanay ko at kami rin syempre - talagang test yun kung paano namin iapply ang faith at sa tingin ko nakapasa kami 😊 ok ok na sya at nagpapagaling na lang at sana magaling na sya bago pa sa bday nya sa Feb 18 (tapos death anniv ng sis ko kinabukasan - aligaga na naman nanay ko nito πŸ˜…) Napahaba na naman ang post ko. Tapos na rin naman ako sa work ko hehe. Need na matulog πŸ˜… maaga pa ulit gigising. Ou, gigising pa ako bukas /mamaya 😊

@Zzylith

Bakit nga raw ba yung Bonakid para sa batang may laban? E mas marami pa mga raw nilalabanan ang mga adult. Wala raw bang Bonadult? πŸ˜… Nakakatawa nu pero totoo haha.

@Zzylith

Proverbs 11:14 Where there is no guidance, a people falls, but in an abundance of counselors there is safety. Proverbs 1:5 Let the wise hear and increase in learning, and the one who understands obtain guidance, Proverbs 12:15 The way of a fool is right in his own eyes, but a wise man listens to advice. Ang pantas, payuhan mo, makikinig yan pero mangmang payuhan mo, mas magaling pa yan sau.. marami yan rason Bakit may mga tao kahit payuhan mo e di nakikinig? Dahil di naman payo ang gusto nila, nakuha lang yan ng simpatya na aayon sa gusto nila. Minsan ang mga payo masasakit yan kaya yung iba hindi pinapakinggan dahil di sila masaya dun.. kaya hindi lahat ng nagpapasaya sayo ay tama at hindi rin applicable sa lahat ng bagay ang kasabihan na "kung saan ka masaya, dun ka" dahil madalas mga pleasure lang talaga natin ang sinusunod natin tas iiyak sa huli. Proverbs 19:20 Listen to advice and accept instruction, that you may gain wisdom in the future. Maganda talaga ang Proverbs, marami tayong matututunan. So alin ka jan? Ikaw ba yung taong di nakikinig sa payo o isa kang pantas na nakikinig sa payo ng iba? Blessed Sunday sa lahat 😊

@Zzylith

Yung busy kami maglaba ay maglinis pero sila nasa kwartong madilim at chill lang lol. Sabi nya nood daw sya nung malaking pusa kaya ayan. Tinanong pa ako kung lalaki si Totoro πŸ˜… siguro? πŸ€”

@Zzylith

Malakas ang ulan. Sabi ng magulang ko dati kung gusto mo raw malaman kung ano ang magiging weather sa buong taon, icheck daw from Jan 1-12. Kung maulan nung 1 halos buong Jan maulan.. pag mainit sa 4 meaning sa April mainit. Di ko alam if applicable ba to sa buong Pinas o sa isang lugar lang kasi diba maulan dito sa Luzon tas sa Mindanao pala hindi. Pakiconfirm naman πŸ˜…

@Zzylith

Ilang oras na lang at magpapalit na ng taon. Nagpapasalamat ako una kay God syempre al naman natin na maraming nagdaan at na-overcome natin yung mga yun. Nawalan man ng mahal sa buhay, nawalan ng work, nagkasakit.. ano pa yan isipin mo na nandito ka ngaun at sasalubong sa panibagong taon. Pangalawa, sa mga mababait kong friends dito sa online. Sa mga surprise tips na natatanggap ko kahit bihira na lang magkakachat at sa mga madadaldal kong nakakachat haha di nyo alam minsan nadidivert attention ko sa masasayang bagay. Naging super busy lang talaga ako nitong mga nakaraan kaya bihira na magchat. Pangatlo, sa mga taong naiinis at may galit sakin. Tinuturuan nyo akong maging matatag - tunog speech sa stage char haha walang ganun sakin. πŸ˜…πŸ˜‚ Sana nga πŸ˜…πŸ‘€ Ayun, pagod si inday sa kusina. Yung mga niluto ko halos naubos kakabigay πŸ˜‚ Ok lang kasi natikman nila luto ko πŸ˜† sana masarapan sila. Nakadalawang New Year na ako dito sa Noise ah sana magtagal pa to 😊 Happy New Year sa lahat at ingat sa paputok ah! Salubungin natin ang taon na matiwasay at kumpleto. Ps. Pa-cham lemon cake ko πŸ˜†

@Zzylith

As usual, dire-diretso na naman ang araw na to simula kaninang 7:30am. Ngayon lang ako ulit nakaupo sa harap ng laptop 4:26am lol. Di ko alam if matulog pa ako o hindi na πŸ˜… kasi maya-maya busy na naman. Magwork na lang muna ako at tutulog saglit.. sana haha Anywaysss.. good morning sa lahat 😊

@Zzylith

Good eve sa lahat! Kumain na po ba kayo? Ako tapos na pero eto ginawang dessert tong cassava chips. First time ko tong matikman. Anong lasa? Lasang cassava cake na matigas πŸ˜…. Masarap naman.

@Zzylith

Ang saya nila ☺️ may umorder para ipamigay sa mga bata. Takpan ko lang mga mukha hehe. Di ko na inupload yung iba.

+1 more

@Zzylith

Story time. Matatawa ka na lang kahit di maganda ang sitwasyon. Dahil busy kami ni sis sa work namin, inutusan ko si bunso magluto ng ulam. Simple lang naman gagawin. Wala kasi si mader so kami-kami lang kasama ng mga pamangkin. Nung malapit na mag 11am, tumayo muna kami ni sis kasi may aasikasuhin, saktong lumapit si sis kay bunso at alamin kung ano na nangyari sa prep nya - tagal kasi nya maghiwa. Maya-maya yumuko na si bunso at nanlata, namutla at sumandal kay sis. E ako nagalit sa kanya kasi ang lakas magpuyat tas lumapit na ako at binuhat kasi bumagsak na kaso di ko kaya kaya nagpatulong na ako sa pamangkin kong binatilyo. Pinagpatuloy ko yung pagluluto at inasikaso ni sis si bunso. Di ko alam gagawin, nagtanong ako kung may gamot si hipag pero di pa pala nakain si bunso kaya di rin makainom. Sabi ko kay sis i-bp nya at ayun nga super baba ng dugo. So ayun busy ako sa kusina at busy na rin si sis sa orders samin. Itong 2 bata lumapit sa bunso kong kapatid na nakahiga sabay wasiwas ng mga kamay sa mukha nya at nagtanong sila ng "ilan to?" "Ilan to?" πŸ˜… Natatawa na lang kami haha. Pero ako sige mag-nag habang nagluluto lol. Dumating na si mader at sinalubong ni apo sabay sabing "low blood" hahaha bilis magreport e di pa nga alam ng lola nila nangyari πŸ˜‚ di pa nakikita si bunso e haha. Bumili si nanay ng talo ng talbos at nilaga para gawing juice nya.

@Zzylith

Good morning! Sino po nagamit ng DITO sim sa inyo? di ko kasi makita yung sms promo nila puro data πŸ˜… di ko makita sa app 🀧 Help

@Zzylith

First batch ☺️ Mamamyang gabi ulit

+1 more

@Zzylith

Pag December talaga napaka hectic ng sched pero mas matindi ngaun. Natulog ng 2am Gumising ng 7am Nagprep ng bfast ng 7:30 Naligo at nag-ayos ng 8:30 Umalis ng bahay dahil may i-meet-up ng 9:30 Nagkita ng 10am - Nag-ikot sa mall at palengke para sa sangkap sa gagawing orders Nakauwi ng 1:30pm - sumubo saglit ng lunch at nagmadaling magwork Natapos ang work ng 11pm (pastop stop pa kaya inabot ng 11) Nagprep na sa orders ng bandang 11:30pm at kakatapos lang ngaung 4:14am pero eto di muna matutulog kasi mag-advance muna kahit konti πŸ˜… spell pahinga haha. Nakakapagod pero masaya ako. Ginusto ko to eh, buti tinutulungan ako ng sis ko. Pareho kaming busy sa work sa umaga tas sa gabi sa ibang bagay naman, wala ring bakasyon haha. Sana may bonus kami πŸ˜… Huwag lang kumirot ang ulo ko.. wag muna ngaun at di pwede dahil madedelay yung ginagawa namin. Fighting lang Zy πŸ’ͺ😁

@Zzylith

Di pa tapos mag-repack πŸ˜… wala kasi si sis kaya ako lang mag-isa. Bukas na lang ung natira at gagawa ulit ako ng bilog bilog πŸ˜‚ nakakapagod pero nag-eenjoy ako haha.

+1 more

@Zzylith

Kumain na ba ang lahat? Nagluto ako ng Tipid/less garbo spicy tuna carbonara ☺️ 4 ingredients lang! Sakto ngaung handaan dahil sobrang taas ng mga bilihin dapat wais tayo sa paghahanda. Simple pero masarap 😊 Actually yung pasta galing lang sa sobra ng spaghetti, gumawa lang ako ng sauce - apc, evap at spicy tuna lang. Dahil ubos na ang cheese kaya ganyan na lang. Di ko rin naubos ang evap, nilagyan ko na lang ng slurry (tama ba term ko lol, harina kinanaw sa tubig) para pampalapot. Less garbo to kaya ganyan ang ingredients, pwedeng lagyan ng cheese at mushroom syempre pero dahil tipid to, ganyan lang ang halo. Galingan nyo na lang sa timpla 😁 at dahil wala si aling maliit na palagi nagrereklamo sa paminta, eto tinadtaran ko πŸ˜‚ busog na yun galing Christmas party. Pagkalapag ko sa mesa, nagkainan agad πŸ˜… maanghang nga daw pero masarap. Ayun ubos agad πŸ˜…πŸ˜‚

@Zzylith

Meron phrase sa Bible na 365 times na naulit. "Do not be afraid" Sapat na sa isang taon para di ka mangamba sa araw-araw pero madalas nakakalimutan natin dahil mas malakas ang "takot" kaysa "faith". Kanino ka ba mas makikinig? Sa nabulong sayo ng takot o sa nagreremind sau na huwag kang mangamba? Good morning everyone! Monday na naman at medyo maulan. Ingat po ang lahat, bawal magkasakit 😊 God bless us all!

@Zzylith

Napagod magprep ng graham truffles kuno πŸ˜… first time eh tas nagutom pa kaya nagluto ng advance almusal πŸ˜†πŸ˜‚. ah ung coffee e decaf na colorless 🀣 joke, tubig lang talaga haha

@Zzylith

The only scars in Heaven, thΠ΅y won't belong to me and you There'll be no such thing as broken and all the old will be made new And the thought that makes me smile now even as the tears fall down Is that the only scars in Heaven are on the Hands that hold you now Scars in Heaven _Casting Crowns

@Zzylith

1 There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens: 2 a time to be born and a time to die, a time to plant and a time to uproot, 3 a time to kill and a time to heal, a time to tear down and a time to build, 4 a time to weep and a time to laugh, a time to mourn and a time to dance, 5 a time to scatter stones and a time to gather them, a time to embrace and a time to refrain from embracing, 6 a time to search and a time to give up, a time to keep and a time to throw away, 7 a time to tear and a time to mend, a time to be silent and a time to speak, 8 a time to love and a time to hate, a time for war and a time for peace. Ecclesiastes 3:1-8

@Zzylith

Nag-pm hipag ko at pinakita nya ang drawing ni liit. Ang galing! Nacurious ako kung inisketch nya pa to pero duda ako haha, alam nyo naman ang mga bata dire-diretso na lang. Kaya tinanong ko siya kinabukasan at hindi nga haha, diresto paint na sya. Pinanood ko yung vid at napansin ko ang gamit nyang pangkulay ay cotton swab haha, mautak! At isa pa, nagawa niyang gawing pony yung adult na horse πŸ˜†

@Zzylith

Lakas ni Lazada πŸ˜… di ko pa nagamit cashback rebate ko. Ipunin ko muna para sa future use hehe. Pero bat wala sa Shopee? May inorder din kasi ako dun pero walang masyadong discount. Humabol lang ako sa 11.11 sayang din kasi ung mga promos. Sulitin ko na.