Story time. Matatawa ka na lang kahit di maganda ang sitwasyon. Dahil busy kami ni sis sa work namin, inutusan ko si bunso magluto ng ulam. Simple lang naman gagawin. Wala kasi si mader so kami-kami lang kasama ng mga pamangkin. Nung malapit na mag 11am, tumayo muna kami ni sis kasi may aasikasuhin, saktong lumapit si sis kay bunso at alamin kung ano na nangyari sa prep nya - tagal kasi nya maghiwa. Maya-maya yumuko na si bunso at nanlata, namutla at sumandal kay sis. E ako nagalit sa kanya kasi ang lakas magpuyat tas lumapit na ako at binuhat kasi bumagsak na kaso di ko kaya kaya nagpatulong na ako sa pamangkin kong binatilyo. Pinagpatuloy ko yung pagluluto at inasikaso ni sis si bunso. Di ko alam gagawin, nagtanong ako kung may gamot si hipag pero di pa pala nakain si bunso kaya di rin makainom. Sabi ko kay sis i-bp nya at ayun nga super baba ng dugo. So ayun busy ako sa kusina at busy na rin si sis sa orders samin. Itong 2 bata lumapit sa bunso kong kapatid na nakahiga sabay wasiwas ng mga kamay sa mukha nya at nagtanong sila ng "ilan to?" "Ilan to?" 😅 Natatawa na lang kami haha. Pero ako sige mag-nag habang nagluluto lol. Dumating na si mader at sinalubong ni apo sabay sabing "low blood" hahaha bilis magreport e di pa nga alam ng lola nila nangyari 😂 di pa nakikita si bunso e haha. Bumili si nanay ng talo ng talbos at nilaga para gawing juice nya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet