read.cash Log in
@Zzylith

Godly sorrow brings repentance that leads to salvation and leaves no regret, but worldly sorrow brings death. 2 Corinthians 7:10 Depression. Napakaseryosong topic nito pero may sikreto talaga dito at hindi yun nauunawaan ng lahat. Maaaring hindi rin kayo sasang-ayon sa ipost kong ito pero ito lang masasabi ko, naunawaan ko sya sa tulong ni God. Siya ang Great Doctor, Great Psychiatrist/ Psychologist - anuman ang itawag ko, Siya yung tumulong sakin. Sabi dun sa nakita kong video, ang depression daw ay nagpapakita kung gaano kababa ng spirit level mo at may kakulangan sa spiritual health mo. Bakit tayo nagkakaroon ng depression, maraming factors yan at sure ako na alam nyo rin yan pero ang tanong paano natin hinaharap yung mga factors na yun? Hinahayaan lang ba natin na dumaan? lumala? at di ayusin? Kung hindi kayang ayusin, humingi ka ng tulong sa Diyos. Lumapit ka kay God, wag kang magpost sa social media dahil nagpapalala yun ng sitwasyon mo. Pag depressed ka at magpunta ka sa FB, Twitter, IG at kung saan-saan may makikita kang malungkot na post, maririnig na depressing at sad songs, mga dramang lalong nagpapalala sa sitwasyon mo, nako umiwas ka dahil may mga spirit din na kaakibat ng mga nakikit at naririnig mo. Hindi yun makakatulong. Magpray ka. Pumasok ka sa kwarto mo, maglock ka ng pinto at magpray ka, umiyak ka sa Kanya kung gusto mo. Maging humble ka at humingi ng tulong sa Kanya. Madalas ginagamit ng Diyos ang mga sitwasyon natin para lang lumapit tayo sa Kanya. Hinihintay lang Niya tayo. Ang depression ay spiritual illness at pag spiritual alam natin yan, dalawa lang yan - God and satan, good and evil, alam nyo na rin kung saan patutungo tong post ko na to, tulad ng bible verse sa taas. "Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan." at isingit ko na rin to dahil hindi rin to alam ng marami although narinig nyo na to dahil kasama to sa 10 commandments: "Huwag kang papatay" at hindi lang to patukoy sa kapwa kundi pati sa sarili mo. Kasalanan ang pagpatay at ang pagpatay sa sarili dahil pinapakita mo lang na walang kakayanan ang Diyos na tulungan ka, bakit? nandun ka sa mundo lumapit at hindi sa Kanya. Isa pang pinapakita nito, nilagay to ni satan para mawala ang faith mo. Malaking kasalanan ang patayin ang sarili. Iyan talaga ang behind the scenes jan. May spiritual warfare ka. Kaya friend, kung nakakaranas ka ng depression, wag ka na munang mag social media at makinig ng mga depressing songs. Mas ok pa makinig ng worship songs kasi isa ito sa pinakasimpleng way ni God para kausapin ka. Bigyan ko kayo ng ilang Christian songs na sure akong tatatak sa puso mo lalo na sa panahong yan. His Strength is Perfect Something Keeps Holding Me Show Me Your Face - Steffany Gretzingers Warrior is A Child Grace at Blessings - Laura Story Praise His Name - Sheri Easter Salamat Panginoon - Musikatha Ako'y Magtitiwala Sa'yo My Peace marami pa pero yan yung ilang songs na nakakatulong sakin. (bgm: Show me your face - haha naiiyak ako habang nagtatype 😅) Sana makatulong to sa makakabasa at kung meron man na dumaraan sa gantong sitwasyon ngaun at nabasa mo to, kinakausap ka ni God, sign to na lumapit ka sa Kanya. Pasensya na sa mahabang post pero bigla ko kasing naisip na ipost to dito kahit di naman ako active dito, marahil ay may nangangailangan. Have faith in God, kaibigan. Blessed Sunday sa lahat!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.