Kumain na ba ang lahat? Nagluto ako ng Tipid/less garbo spicy tuna carbonara ☺️ 4 ingredients lang! Sakto ngaung handaan dahil sobrang taas ng mga bilihin dapat wais tayo sa paghahanda. Simple pero masarap 😊 Actually yung pasta galing lang sa sobra ng spaghetti, gumawa lang ako ng sauce - apc, evap at spicy tuna lang. Dahil ubos na ang cheese kaya ganyan na lang. Di ko rin naubos ang evap, nilagyan ko na lang ng slurry (tama ba term ko lol, harina kinanaw sa tubig) para pampalapot. Less garbo to kaya ganyan ang ingredients, pwedeng lagyan ng cheese at mushroom syempre pero dahil tipid to, ganyan lang ang halo. Galingan nyo na lang sa timpla 😁 at dahil wala si aling maliit na palagi nagrereklamo sa paminta, eto tinadtaran ko 😂 busog na yun galing Christmas party. Pagkalapag ko sa mesa, nagkainan agad 😅 maanghang nga daw pero masarap. Ayun ubos agad 😅😂
10 comments
Gsto ko rin magluto ng carbonara
Luto na sis 😊 simplehan lang para maraming putahe pa ang mailuto ☺️ang mahalaga masarap at sama-sama
Tomoh
.,spag na lang sakin,. 😂😅
Di ka mahilig sa carbonara hehe. Ako kasi parang nanawa na sa spag kaya namimili din ako ng luto ng spag. Ayoko ng may condensed milk o reno, napapaitan ako, mas gusto ko yung may bell pepper at light ang sauce 😅 kaso trip dito sa bahay iba kaya sa carbo na lang kami nagkakasundo haha.
.,kumakain din naman kaso yun may kabute . . pag wala di na ko kumakain . . 😁 di masarap panlasa ko sa carbonara pag walang kabute,. 😅
Kaiba ka rin ah mukhang dila ng mayaman yan ah 🤭
.,ewan ko ba . .nako mahirap lang ako,. 🤣
aba naman, budget friendly na, mesherep pa. Hehe
Shemperss. Di na nga complete sa ing, di pa maganda lasa 😂 bawiin natin sa lasa yan