read.cash Log in
@Zzylith

Mag 3am na pero eto ulit ako at nagpupuyat hehe. Disclaimer ulit: Mahaba tong post ko 😅 Busy kasi palagi sa umaga gang gabi kaya di agad natatapos sa work. Kailangang kumilos dito sa bahay dahil yung 2 miyembro dito ay di pwedeng kumilos. Super antok na ako pero need pa rin matapos ang work kaya as usual sasamahan ko ng panonood lol para lang mawala ang antok kaya pinanood ko na tong Seobok, finally! Nung nilabas yung trailer nito nung 2020 ata yun, hinintay ko talaga kasi naman si Bogum at Gong Yoo magkasama sa movie 🤭 alam na! Pero ayun, nabusy ng bongga at nakalimutan na kaya eto naalala ko bigla hehe. I-rate ko sya ng 9 kasi simple lang yung story, fast paced pero gagaling talaga umarte! About life and death yung story at siguro pati sleep hehe (yung pinanood ko nga para di ako maantok pero tungkol din sa sleep to lol - di ko inasahan yun). Simple lang talaga yung kwento pero may isang eksena dun na tumatak sakin. Sinasagot ko pa nga nung nagtatanong si Seobok (Bogum). Sabi dun “Do you think dying…is really like sleeping?” “Maybe.” “Then how come people aren’t afraid to fall asleep? It’s like dying for a while.” “Because they will wake up the next day.” "How do they know that?" (dito na ako sumagot ng "basta" pero sa reply ni Gong Yoo ako natahimik) "They just believe it. They believe they'll wake up in the morning." Dun na ako napaisip. Paano nga? May mga plano kami ng sis ko ngaun pero yung nanay ko at si bunso mejo mahaba-habang gamutan. Dec pa lang at nung pumasok na ang taon talagang sinubok kami. Salamat sa Diyos at nakakaraos. Need na magpakatatag at wag magpadala sa takot. Kaya yung sagot ni Gong Yoo na basta naniniwala lang sila na magigising kinabukasan - malaking impact sakin. Maraming what ifs..pero isa lang alam ko di kami pababayaan ni Lord, ilang beses na Niyang pinatunayan sa aming pamilya kahit nga tong pagkakasakit ng bunso namin, nakita ko yung takot ng nanay ko at kami rin syempre - talagang test yun kung paano namin iapply ang faith at sa tingin ko nakapasa kami 😊 ok ok na sya at nagpapagaling na lang at sana magaling na sya bago pa sa bday nya sa Feb 18 (tapos death anniv ng sis ko kinabukasan - aligaga na naman nanay ko nito 😅) Napahaba na naman ang post ko. Tapos na rin naman ako sa work ko hehe. Need na matulog 😅 maaga pa ulit gigising. Ou, gigising pa ako bukas /mamaya 😊

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.