Nakita niya si daga sa bookmarks ko kaya sabi nya laruin daw niya. Ayan namroblem bigla kasi di alam ang lalaruin haha, may bagong games pa. Nagtanong pa habang naglalaro Siya: Tita magkakapera ka ba dito? Me: ou yayaman tayo jan. Cge lang haha π
Joined 22 October 2022 · 1272 posts
πΈπ¦ π π’ ππ―π¬π²π‘ π¬π£ πΆπ¬π²π― π¨π¦π«π‘ π₯π’ππ―π±, π«π¬π± π’π³π’π―πΆπ¬π«π’ π₯ππ° π¦π± π¦πΈ
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Nakita niya si daga sa bookmarks ko kaya sabi nya laruin daw niya. Ayan namroblem bigla kasi di alam ang lalaruin haha, may bagong games pa. Nagtanong pa habang naglalaro Siya: Tita magkakapera ka ba dito? Me: ou yayaman tayo jan. Cge lang haha π
Biglang nagnotif sa lappy ko. Mukhang eto ang sagot. Niremind ako ni God,. Nagising ako dahil sa reminder na to. Masyadong kalat ang isip, need magfocus.. sabi pa nga sa isang verse: "Forgetting the past and looking forward to what lies ahead, I press on to reach the end of the race and receive the heavenly prize " π
"it's okay to make mistakes, but don't" - Pablo not today hehe. Good morning Noisiess! Saturday na naman, tambak pa ng gagawin!
Good morning all π Dahil natulog na ako talaga ako kagabi at di na tinapos ang work kaya eto bukas na ang lappy. Magstart na sana ako nung napansin ng sis ko na magkaiba sila ng wallpaper. Nagtaka rin ako π bat nga ba ganto to?
Nakatulog na sa pagod Antok na ako pero di pa ako tapos sa work ko tapos nag-email pa si sir ng new task haha tinatamad akong manood ng tutorial vid nya tas masakit na rin likod ko lol π kaya humiga ako at sumilip sa 11.11 kaso lang talagang antok at nabitawan ang cp kaya biglang nagising haha. Pero mukhang di ko rin mapapanood yung vid dahil lutang na. Tabihan ko na nga anak ko na mahimbing ng natutulog. Try ko umidlip.. try na idlip kasi baka makatulog na talaga at bukas na magising haha iniwanan na yung work ππ΄
Drama actress. Nung Tuesday hindi pumasok si liit. Bigla silang umuwi kasi raw sumakit tiyan nya nung nakarating sa skul at matamlay din (kwento ng tatay nya) kaya nagtricycle sila pauwi. Pagkababa nanpagkababa sa tricycle bigla syang nagsabi "mamaya maglalaro ako sa baba" ayun! Nadala sa acting ni liit. Hindi nya alam marami syang aaralin sa hapon haha ayun nagdrama ulit at nag-iiyak. Ang sipag talaga ni liit mag-aral. Malalaman sa results ng exam niya haha.
Dahil hinahabol ko ang interest rate ni Maya na 6% nagdepo ako para sa savings at swerteng nakapasok pa sa promo nila na free card. Ni-claim ko at ginamit ung voucher code. From 150 to zero hehe. Dumating na sya nung isang araw at nakakaloko tong packaging nila ah π Tas kanina. Gumawa ako ng new acct para sakin kasi ung isa para kay sis.. nagdepo ulit ako at nagkaroon ulit ng free card π₯°. Dami din vouchers kaya nakakuha ako ng 90 php. Wait ko na lang na dumating yung card ko. Thanks Maya
From lumpia to fishball. Bday ng boss ni kuya kaya nagluto sila kagabi pero daming sobra na hindi pa nababalot kaya inuwi nya (syempre dami rin nyang nauwing pagkain haha). Kaso lang wala akong mabilhan ng lumpia wrapper dito kaya apf na lang nilagay ko. Naglagay din ako ng cornstarch para mejo malutong at crunchy pag niluto kaso nasobrahan ko ng lagay kaya nagdagdag ako ng apf ulit. Buti naadjust ko kung hindi, magiging bato to imbes na fishballs lol. Puro ako adjust ng lasa kasi nga di naman ako ang nagtimpla nito at isa pa isda ang ginamit. Hindi ako sanay pero masarap sya lasang mackerel na dry π Sauce na lang kulang pero wala na akong time kasi magsundo pa sa anak mamaya.

GLITCH joke lang. Blood moon. Lumabas kami kanina at nakita tong blood moon. Sabi ng sis ko mukhang dragon ball lol. Biro ko naman bukas baka mabalita na maraming nagtransform π So ayun nga. Di maganda phone ko kaya ganyan lang pero sakto ung ilaw sa baba. Parang dimension na nagbukas tas may 2 ilaw pa sa taas na parang mata, di ko tanda kung ano to kasi wala naman sa ibang kuha ko. Tagal ko rin nawala kaya magbabasa ako ngaun.. kung di makakatulog baka makarami π

Sa mga friends ko po na mababait at patuloy pa rin sa pagbigay sa acct na to, wag nyo na pong ituloy hehe kasi may prob tong acct na to at masasayang lang po ung tipp nyo. Maraming thanks po π God bless us all.
Thank you sa pabarya ni Binance π₯° claim nyo na rin. Copy nyo lang yung code.


+1 more
Ganto ang eksena tuwing gigising kami. Napasok ang mga alaga namin tuwing binubuksan ang binatana o pinto at habang tulog pa kami nakikisiksik sila - sa ulo, sa tiyan mo, sa leeg.. basta ipon-ipon at dinadaganan kami π π 4 lang yung nasa pic pero 9 sila π Good morning sa lahat π
Pahinga na rin. Inom inom na lang ng strawberry drink. Hapon na ako nakapaglaba. Wala sana akong balak maglaba kasi di pwede ang kamay ko π kaso tambak na. Hindi pa nakapaglaba last week dahil sa bagyo at paulan-ulan pa rin plus sumama pa pakiramdam ni sis kaya para di pa lalong tumambak nagpasya akong maglaba para man lang mabawasan. Inabutan ako ng dilim at ulan ngayong gabi kaya minadali ko na rin at di na rin keri ng kamay ko. Tinulungan na ako ni mader magdryer at sampay kaya iniwan ko na muna sya at nagluto naman ako ng hapunan. Buti na lang nandito pamangkin ko, sya muna ang plate attendant. Kain na muna mga di pa nakain π
Musta ang araw nyo? Musta ang Nov 1 nyo? π Bihira na lang dito kasi active sa kabila, tara usap tayo dun https://noise.app/invite/blfbxiyb
Tatag ng kamias ni mader, di nahulog kahit binayo ng bagyo dito hehe. Siguro malakas kapit nila sa puno nung malakas yung hangin o baka magaling sila umiwas kay Paeng π yung bubong nga namin natanggal sa kapit e pero sila πͺ
Watching balita. Grabe talaga naranasan ng mga kababayan natin π’ Kwento nung tatay, itinali niya sarili nya, asawa at anak nya sa puno pero naanod ang 9 mos baby nya π. Tapos yung mga pamilyang nadaganan ng putik, nahukay lang daw sya ng kuya nya akala na patay na sya. Hindi pa tayo tapos dahil sa nagbabadyang LPA. Ipagpray natin na lumihis ito o matunaw at di na makadagdag pa.
Kahapon nagpunta kami ng Laguna at grabe ang putik. Yung mga tao busy pa sa paglilinis. Yung ilog naman maputik pa at mejo malakas pa ang agos - nakakatakot. Sa church namin kitang-kita sa pader kung gang saan kataas ang tubig dahil sa marka. Kinumusta namin ang lagay ng mga kaibigan naming nakatira sa looban. Sabi nila nung gabi daw abot dibdib na yung tubig pero dun sa pinakalooban pa malapit sa ilog ay lagpas tao na at nag-akyatan na sila sa bubong. Kwento pa nya maraming bata ang naiyak at nanginginig sa lamig. Maraming rescuer ang nadating pero nahihirapan dahil sa lakas ng agos ng tubig. Hindi talaga inasahan yung lakas ng ulan at maraming ilog, tulay at dike ang bumigay.
Sunday ngayon at dapat nasa church kami kaso kagabi may update sila na pinasok na ng tubig kasi sa Laguna yun kaya ngayon maagang nagpunta ang iba doon para maglinis. Sinundo sila bunso at kuya ko dito kanina para tumulong dun, di na ako sumama kasi dami din namin lilinisin dito dahil basang-basa din kusina namin. Habang naglilinis sis ko, ako naman nagluto nag pansit para pag maglunch e nakaready na. Nagmamadali na rin kaming maglinis kasi dumilim kanina at eto naulan na ulit. Sana hindi na to tumagal o lumakas pa. Ingay ng sis ko. Daming pinapagalitan kasi nga kakatapos lang maglampaso ng sahig e puro agad footprints πΎ π . Naglagay sya ng basang basahan sa pintuan pero tinatalunan lang nila ππ
Data mode: On Nawala na ang internet at nagpatay-sindi na rin ang kuryente. Sarap matulog sa ganitong kalamig na panahon kaso hirap din makatulog dahil malakas ang hangin. Nakakatakot haha π Ingat pa rin ang lahat kahit nakadaan na ang bagyo sa inyo kasi malaki sakop ng bagyo at marami na rin binaha.
Dalawang beses nag alert to. Nagulat ako sa unang alert haha kasi di naman ako taga doon. San ba talaga ako nakatira? π Sa ngaun mejo nalakas ang hangin at ulan. Ingat po ang lahat ng dadaanan ni pareng Paeng. Mang-Trick or treat daw sya sa mga bahay natin π Keep safe all. Bawal magkasakit π


Kumain na po ba kayo? Maulan kaya mainit na soup ang masarap kainin ngayon kaya nagluto ako ng sopas. Gusto ko sana damihan ng paminta kaso alam kong may mag critic na naman eh, sasabihin "anong klaseng luto to? Ang daming itim!" π π At maanghang din pag maparami baka di makakain ang mga anakis ko haha.
So eto na ang usapang crush. Kanina nagchat ung teacher ng pamangkin ko sa gc nila, sabi sa Nov 2 na ang balik ng mga bata. Nagreact pamangkin ko "hala! di ko makikita si (name - crush nya)" π Sumagot ako, alalahanin mo ung magiging result ng exam mo hindi si crush, sumagot ulit, "madali lang naman yung exam e" π€πlakas e nu. Magkakaalaman next week π natawa lang ako sa post ng poging Gov namin ahaha nauna kasi Gov nyo e @euaio π

Kahapon lumabas kami ni sis at nagpunta kami sa mini mall. Nakita namin tong mga lamesa at may event pala - on the spot poster making. Welcome daw ang guests or participants. Sabi ko sa sis ko sali kami π pero syempre mema lang yun haha. Sabi ko pa sakto yung pagpunta namin dun pero di nama yun ang sinadya namin haha. Hindi ko lang alam if maraming nagparticipate kasi sa taas na floor yung mga students busy sa arcade at kain π


May nangyari sakin ngayon lang at buti na lang di ganun kalakihan. May game notif kasi sa cp ko kaya inopen ko kaso ang problema naging laggy ung app kaya mali mga napindot ko. Nagkataong lumabas yung payment na 60php at aksidenteng naclick ko sya. Nagulat ako nung biglang may gcash notif na nabawasan nga laman ng wallet. Mabuti na lang talaga at P60 lang sya kundi yari ako π πΆπ kaya inunlink ko na ung gcash sa playstore acct ko. Kaya sa mga nakakonek jan mag-ingat na lang po baka matulad kayo sakin π π
Maraming salamat π₯° Hindi ko pa rin alam pano sa kabila, basta nagpopost lang ako, comment at like. Di ko alam san galing to kung sa app or sa ibang users pero thank you po ng marami π At sa mga wala pa, invite ko rin po kau https://noise.app/invite/3edenmiv
Tara inom tayo ng Milo na kulay pink π π joke lang po. Collagen drink yan strawberry flavor. Mas gusto ko siyang inumin ng mainit kesa malamig tska gusto ko sa gabi hehe. Inom habang tinatapos ang natitirang oras sa work.
Nagpapaka-ina ako nitong mga nakaraang araw π masyado akong busy hindi lang sa work kundi pati sa bahay at sa pamangkin ko. Dahil may sakit nanay ko kaya ako halos nakilos sa kusina. Magpause sa work para magluto at magsundo sa bata tas sa hapon pause ulit para magpakabusy ulit sa kusina. At ngayon natagalan sa break dahil nireview ang pamangkin dahil periodical exam na nila bukas. Tinuruan ko sya ng science sa paraang pinakasimple at madaling matandaan at nakuha naman nya pero tom na lang ulit ung part 2 kasi antok na kami pareho π di pa ako tapos sa work ko haha
Salamat sa barya, Binance π₯°. Kahit barya lang yan, pag maipon makakabuo ka rin. Nakakatuwa lang kasi magsasagot ka lang sa word puzzle nila π
Good morning po sa lahat at happy Monday. may nasali po ba sa Binance WODL dito?
Masakit ang ulo ko at mejo inaantok na pero inutusan akong bumili ng lulutuin ngayong gabi kaya lumabas ako kasama ni sis at nasaksihan ko ang kagandahan ng kalangitan π₯° ganda talaga ng sunset nu? minus sa mga kable ah π pero bonus yung rainbow. Buti na lang lumabas ako. Di ko makuhanan ng maayos yung rainbow kasi nasa kalsada kami haha π nagpaikut-ikot kami sa labas kasi palaging may padagdag na utos π

